"Sino ang kasama mo?" Nagpalinga-linga pa si Ivory sa paligid namin na animo hinahanap kung sino ang kasama ko ngayon. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"I’m here for a costume fitting with my agent, Mrs. Lorenzo. Actually, sa boutique lang sa kabila." mabilis na tugon ko.
"Oh! Talaga? That's nice. I hope that everything is going well for the project. And by the way, you are perfect for the job."
" Hindi naman. Hindi ko nga alam bakit ako pa ang pinili ni Trey. But, thank you, Mrs. Lorenzo." Nakangiti man ako ay nagngingitngit ang kalooban ko dahil din sa paulit-ulit ko na pagtawag sa kan'ya ng Mrs. Lorenzo.
"Call me Ivory. Ikaw naman, para ka naman na iba pa sa amin. I feel like I know you so well already. Both Trey and Tyrone have stories to tell about you. And Trey is ecstatic about seeing you again." Mabait naman si Ivory sa akin, pero sa kabila noon ay inis ang nararamdaman ko dahil ang nasa isipan ko ay karibal ko siya.
"I hope what they've told you about me is all good."
"They sure do. Anyway, I was really hoping to see you again, Raven. I wanted so badly to apologize to you."
Bakit niya kailangan na mag-apologize? At bakit ba ang bait-bait niya sa akin? "Huh? Apologize, bakit naman?" naguguluhan na tanong ko pa sa kan’ya.
"I'm sorry about what happened during your contract signing in the office last time." At sa pagbanggit niya ng araw na iyon na nais ko na kalimutan ay muli na nanumbalik ang sakit sa akin. Sakit na makita ko sila ni Tyrone na naglalandian sa harapan ko pa mismo.
"Wala naman dapat na ihingi ng tawad do'n. It was a business meeting, natural lang na naroon ka rin bilang asawa ng may-ari ng kumpanya." Ayaw ko na mahalata niya ang inis sa tono ng boses ko, kaya naman pilit ko na pinapasaya ang tinig ko.
"Hindi naman iyon. Nakakahiya lang din kasi na hindi na kita masyado na nakausap dahil si Ty kasi masyadong clingy. Kauuwi niya lang kasi ng araw na iyon buhat sa conference, kaya naman miss na miss niya raw ako." Ngiting-ngiti siya habang nagkukuwento, at durog na durog ako sa bawat salita niya. Pero dahil sanay na ako na magpanggap, patuloy ang pagkukunyari ko na ayos ang lahat sa akin.
"You look good together." And that is the biggest lie I have uttered today. How can they look good together when it was supposed to be me and Tyrone?
"Masaya ako na ikaw ang napili ni Trey na makapareha niya. Trey has been telling me a lot of things about you. It’s nice to finally put a face to the name that I’ve been hearing quite a lot about since before. And I'm not going to lie when I say that you and Trey look good together."
Hindi ko alam kung ano ang tunay na mararamdaman ko sa mga sinasabi niya. May parte ng puso ko na nasisiyahan sa sinabi niya na bagay kami ni Trey, pero may malaki na parte ko ang hindi maintindihan kung bakit niya pa sinasabi sa akin ang mga bagay na ito?
Inilalapit ba niya ako kay Trey dahil nahahalata na niya ang relasyon namin ni Tyrone? Baka naman din na sinasabi niya sa akin na clingy sa kan'ya si Tyrone para ipamukha niya sa akin ang magandang relasyon niya sa asawa niya? May alam na ba siya sa mga kataksilan namin ni Tyrone? Ipinipilit ba niya ako kay Trey para mailayo niya na ako sa asawa niya? Ang dami ko na naman na mga tanong, pero walang kasagutan.
Napangiti na lamang ako sa kan’ya dahil wala naman akong balak na makipagkuwentuhan pa at makipag-plastikan sa kan'ya. "Ahm, Ivory-"
"Wait, mag-order lang ako, tapos sabay na tayo na lumabas." sabi pa niya sa akin. Agad siya na tumalikod para dumiretso sa counter habang ako naman ay napabuntong hininga na lamang at nagpanggap na kinuha ang aking telepono.
"Baby." Ang boses na iyon ang nagpatigil sa pagpapanggap na ginagawa ko, at nang mag-angat ako ng ulo ko ay kitang-kita ko ang pagpasok ng lalaki na matagal ko nang hinahanap-hanap. Hindi niya ako napansin at agad siya na nagdiretso kay Ivory na nakakailan na hakbang pa lamang buhat sa lamesa ko.
Pagkalapit niya sa asawa niya ay agad niya nang hinalikan sa labi si Ivory, at ang puso ko ay parang dinudurog na naman sa eksena nila na iyon. I am fucking jealous of her all the time. Bakit hindi? She can have him whenever she wants without restrictions. Normal na m********n sila at magyakapan sa kahit na saan na lugar nila na naisin dahil legal sila na mag-asawa, samantalang ako, nakikiamot na nga ng oras, kailangan pa lahat ay patago.
"Babe, ano ka ba nakakahiya kay Raven." Malumanay na sagot naman ni Ivory na yumakap naman sa beywang ni Tyrone habang inginunguso pa ako sa asawa niya. Naging dahilan pa tuloy iyon para mapatingin ang asawa niya sa direksyon ko.
Bahagya ang gulat na rumehsitro kay Tyrone nang makita niya ako, pero dahil magaling din siya na umarte ay agad siya na nakabawi at parang wala lang ang lahat sa kan'ya. "Ms. De Ocampo." Tipid na sabi na lang niya sa akin habang lumapit sila na mag-asawa sa lamesa ko ulit.
Asar na asar ako sa nangyayari ngayon. Bakit kailangan pa nila ako na lapitan? Bakit hindi pa niya hatakin ang asawa niya at lunurin sa kape para naman lubayan na nila ako? "She’s here for the costume fitting, babe." sabi pa ni Ivory na dikit na dikit kay Tyrone
"Mr. Lorenzo, nice to see you and your wife here." Hindi ko alam kung napansin nila ang pagkasarkastiko ng tono ko, lalo na at mukhang walang pakialam si Tyrone sa akin sa mga oras na iyon. "Well, nasa fitting kami ni Ashley for the project. Diyan lang sa kabilang boutique iyon, pero hindi lang ako sigurado kung darating din ba si Trey ngayon, but I hope he does." Ako na mismo ang nagbigay ng detalye kahit na alam ko na walang pakialam si Tyrone ngayon sa mga balak ko na gawin sa araw na ito. Kahit nga ang pagbanggit ko ng pangalan ng kapatid niya ay wala man lamang epekto sa kan'ya ngayon dahil kasama niya ang asawa niya.
"It’s good if Trey will be coming, right baby?" dagdag pa ni Ivory. "Bagay talaga sila ni Raven."
Tipid na tango lamang ang isinagot ni Tyrone at ramdam ko nang hindi siya komportable sa paghaharap namin na ito. Alam na alam ko ang mga sulyap niya na iyon sa akin. He is clearly sending me a message to leave now. At dahil ayaw ko na nahihirapan siya, nagpasya na rin ako na magpaalam na lamang sa kanila. Wala rin naman akong balak pa na pasakitan na naman ang sarili ko habang patuloy ko sila na pinapanood na dalawa.
"I have to go, Mr. and Mrs. Lorenzo, baka hinahanap na rin ako ni Ashley. It’s nice to see you both here." Nag-iwan pa ako ng matatamis na ngiti sa kanilang dalawa saka ako lumabas ng coffee shop na iyon na halong nangingilid na ang luha.
Pigil-pigil ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko nang makalabas ako ng shop. Shit! Ang sakit lang talaga na makita na kasama ng mahal mo ang legal na asawa niya. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo, Raven? Dapat talaga ay nakinig na lang ako kay Ashley, at nag-utos na lamang ako sa PA ko, sana hindi ko na nakita ang tagpo na magpapa-iyak na naman sa akin.
Hay, Raven De Ocampo, kailan ka ba matututo? Kailan ka ba mapapagod? Patuloy ko na pinapagalitan ang sarili ko dahil sobra-sobra na ang sakit na nararanasan ko, pero gano'n pa man ay wala pa rin akong balak na tumigil.
Masyado na akong nalubog sa kung ano ang mayroon kami ni Tyrone. Sa tingin ko hindi ko kayang mapagod at hindi ko kayang sumuko kapag siya ang pinag-uusapan. Hindi ko siya kaya na ibigay kay Ivory, dahil baka hindi na ako makabangon pa kapag naiwan na naman ako na nag-iisa.
Ang sabi nila kapag nagmamahal daw dapat ay maging handa na magsakripisyo. Hindi kasi lahat ng pagmamahalan ay napupuno ng saya. Ang lahat ay dumaraan sa mga lubak na nagpapatatag sa isang relasyon. Pero paano ang relasyon namin ni Tyorne? May pag-asa pa ba na maging maayos ang lahat sa amin? May pag-asa pa ba na sa bandang huli ay maging akin siya?
Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang mga sandali na kaharap ko ang aking mahal at ang aking karibal. Parang sinasaksak ang puso ko na makita kung gaano kalaki ang pagmamahal at ang atensyon na ibinibigay ni Tyrone kay Ivory. At inggit na inggit ako sa kan'ya. Inggit na inggit ako dahil kahit na anong pilit ko, nasa kan'ya pa rin ang tao na pinaka aasam-asam ko.
Wala akong magawa kung hindi ang patuloy na ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko na maging matatag dahil iyon ang inaasahan sa akin ni Tyrone. Kailangan ko na magpakatatag dahil wala naman akong ibang kakapitan kung hindi ang sarili ko lamang.
Nangingilid ang mga luha ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko bago ako bumalik sa boutique. Ayaw ko na pagtalunan na naman namin ni Ashley ang bagay na ito. Napapakuyom na lamang ako ng aking palad kapag naiisip ko na naman ang mga naging eksena namin. Hanggang kailan ba magkukrus ang landas namin ng asawa niTyrone?
"Hey, sexy!" Agad ako na napa buntong hininga nang marining ang boses na iyon hindi ko pa man nakikita kung sino ang nagsalita na iyon. Kilalang-kilala ko na siya, at buti na lamang ay narito siya upang kahit na paano ay maibsan at makalimot ako panandalian sa sakit na nararamdaman ko.
"Trey." Sambit ko na lamang habang tuluyan na lumandas ang mga luha ko at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya.
Alalang-alala sa akin si Trey pero hindi niya ako pinilit na magkuwento kung ano ang aking problema. Nanatili lamang siya na nakatunghay sa akin habang hinihimas-himas ang braso ko, and I gladly welcome the comfort that he is offering me. Matapos ang biglaan ko na pagluha sa harapan niya ay nagpasya kami na huwag na muna dumiretso sa boutique, kaya nag-text na lamang ako kay Ashley na nagkita kami ni Trey at nagyayaya lang na mag-snacks.Well, it was not entirely a lie, dahil totoo naman na magkasama kami na nag-sa-snacks ngayon. He was actually inviting me to the coffee shop, but of course, knowing that Tyrone and Ivory were there, I chose to go to the pastry shop instead. At dito nga ay hindi ko pa rin nakalimutan ang tagpo kanina, kaya naman patuloy pa rin ang pangingilid ng mga luha ko kahit pa pilit ko na pinipigilan ito."Whatever it is, Rave, I am here for you. You know that I’ll always be here for you." He kept comforting me, and I couldn't help but compare him to his brother
Mga braso na pumulupot sa beywang ko ang nagpatigil sa akin sa pagpasok ko sa boutique. "Damn, that was a hot exit that you did back there, babe."Naparolyo na lamang ang mata ko nang harapin ko si Trey na ngising-ngisi sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. "Bakit sumunod ka na naman sa akin?""I need to check on you. And, babe, don't you ever do that again. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na mag-isa ka na umaalis sa harapan ko.""I’m a grown woman now, Trey; I can go wherever I want to go and whenever I want to go." Tinulak ko pa siya at bahagya na lumayo sa kan’ya."But since I am here now, I will go wherever you go and whenever you want to go." Sagot niya sa akin sabay hakbang pa palapit sa akin."Are yo
Galit si Tyrone, pero galit din kami ni Trey sa kan'ya, lalo na at sumosobra na siya sa mga sinabi niya sa amin. I get that he is mad, but is that reason enough for him to backlash us with those words? Hindi ko na rin nilingon pa si Tyrone nang hatakin na ako ni Trey papasok sa boutique dahil ayaw ko na rin na makita ang galit na reaksyon sa mga mata niya. Why is it that everything is so unfair? Siya ay puwede na makipaglandian sa asawa niya, samantalang ako ay hindi puwede sa kahit na kanina? And why does he always have to show me how much love and affection he has for her, but then he can freely accuse me of flirting when it was the other way around? Why is he being so unfair about this? Bakit lagi na siya lamang ang puwede? Dahil ba kasal sila? Nang makapasok kami sa boutique ay gulat na gulat si Ashley nang makita si Trey na inis na inis ang awra. "Mr. Lo
"Kung ako ang tatanungin mo, you are better off with Trey than that jerk of a boyfriend that you have." Kapapasok pa lamang namin ng sasakyan ni Ashley ay sinimulan na niya ako ng mga litanya niya na naman tungkol sa kinasasadlakan ko na relasyon. "I mean, clearly there is no comparison at all. Why would you settle for less when there’s someone willing to give you the best of himself? Dapat naman sa pagkakataon na ito, Rave, ay alam mo na kung sino ang nararapat at hindi nararapat para sa’yo." Naparolyo na lamang ako ng aking mga mata dahil sa sinabi niya. I am just too exhausted from the arguments I have been having today. Mabuti na lamang din at sanay na sa amin ang driver at wala itong pakialam sa mga pinag-uusapan namin. "Ash, please stop." "No, Rave, you stop." mataray na sagot pa niya sa akin. Alam ko rin naman na nagpipigil lamang si Ashley sa akin, and I can’t really blame her for reacting this way toward Tyrone. Hinawakan niya ang kamay ko at saka nangungusap ang mga mata n
Simula pa kanina nang buksan ko ang cellphone ko hanggang ngayon na pauwi na kami ay wala pa rin na tigil ito sa pagtunog. At iisa lamang naman din ang patuloy na tumatawag sa akin. Si Tyrone lamang. Kanina pa rin pasulyap-sulyap sa akin si Trey habang nagmamaneho siya. He knows who has been calling me since earlier. He knew it was my boyfriend."Ayaw pa rin ba na tumigil ng boyfriend mo sa kakatawag sa'yo?" Naka-arko pa ang kilay niya habang tinatanong ako. "Text him that I’m already bringing you home so he can stop disturbing us."Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko upang sabihin sa kan’ya ang nararamdaman ko. "Trey, maybe this is really not a good idea. Ibaba mo na lamang ako sa kung saan at magpapadaan na lamang ako kay Ashley.""I won't do that, babe. I am bringing you home. Why are you afraid of him?" Nagtataka na tanong pa niya sa akin nang sulyapan niya ako ulit. “This is something new about you, Rave. I remember that you don't get easily afraid. Sa atin dalawa nga a
"Bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan kayo nanggaling na dalawa?" Sunod-sunod agad ang pagtatanong ni Tyrone sa amin ni Trey nang makalapit kami sa kinatatayuan niya. "Ano ang ginagawa mo rito, Tyrone? Nasaan si Ivory?" "Just as I have thought, dito kita mahahanap, Trey." galit na sagot pa niya sa kapatid niya, pero ang mga mata niya ay patuloy na nakatutok sa kamay ko na nakakapit sa braso ni Trey. "Hindi mo na naman sinunod ang utos ko sa'yo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo?" Ang tanong na iyon ay sinabi niya kay Trey, pero pakiramdam ko ay para sa akin talaga iyon. "Kumain lamang kami ni Raven, tapos ay hinatid ko na siya rito. Ano ngayon ang problema roon?" "She has a fucking boyfriend, Trey. Are you out of your mind?" Bahagya a
"Tyrone, what’s this I’ve heard?" Umaga pa lamang ay si Trey na agad ang laman ng opisina ni Tyrone, at hindi siya natutuwa na makita ang kapatid niya ngayon. Iritadong-iritado siya sa presensya nito simula nang magbalik si Trey sa bansa at lalo pa na nadagdagan ang inis niya nang magdesisyon naman si Raven na kunin ang proyekto. Kaya naman nagsimula na rin siya na mabuwisit sa presensya ng kapatid niya lalo na at parati na magkasama ang dalawa kahit na tahasan niya na pinipigilan iyon. "Ano na naman ang problema mo at ang aga-aga ay narito ka na naman sa opisina ko?" Walang emosyon na sagot niya sa kapatid niya. Ayaw niya na magtalo na naman sila, lalo na at malimit na ang nagiging pagtatalo nilang dalawa dahil kay Raven. Ayaw rin naman ni Tyrone na mag-isip si Trey ng kung ano-ano pa, lalo pa at nagsimula na nga ang kapatid niya sa pagtatanong noon sa nararamdaman niya kay Raven nang huli sila na magkah
“Let’s pause for a break. You’re doing a good job, Raven.” Nakangiti na bati sa akin ng direktor sa shoot namin saka nag thumbs up pa sa akin. “You may take a rest while we prepare the next set. Magpahinga ka muna at tatawagin ka na lang namin kapag kukunan na ulit ang susunod na eksena mo.” “Thank you, direk.” Sagot ko sa kan’ya, saka naman ako agad na nagpaalam na. “Sa dressing room lang ako.” Agad naman na lumapit sa akin si Ashley at sumenyas sa direktor, saka niya ako iginiya papunta sa kuwarto namin kung saan ako maghihintay para sa next set ko. Pagkapasok namin ay agad niya na inabot sa akin ang telepono ko habang nakanguso pa nang magsalita. “May text message ka. Gusto ko na nga sana na burahin para hindi mo na mabasa at huwag ka nang umasa na naman sa wala, but then again, I changed my mind. Reminder lang, girl, huwag magpadala sa isang text lang at sa mga kunyari na pa-sweet ng jowa mo. Huwag shu-shunga-shunga, Raven. Hindi sa lahat ng oras ay puso lagi ang pinapairal, mins