Share

Chapter 5

Magdadalawang linggo na kami na hindi nagkikita ni Tyrone matapos ang araw na iyon na sumugod siya sa apartment ko dahil sa labis na selos niya para umalis din naman agad nang tawagan siya ng asawa niya. Maski ang mag-text ay hindi na nga rin niya nagawa pa sa loob ng dalawang linggo, habang ako naman ay patuloy na umaasa at naghihintay.

Ganito ang buhay ko sa piling ni Tyrone Lorenzo. Kung hindi niya ako tatawagan o ite-text man lamang ay hindi rin puwede na ako mismo ang kokontak sa kan’ya. Kailangan namin na pareho na mag-ingat sa mga kilos namin dahil baka sumakto na kasama niya si Ivory kapag bigla ako na tumawag at mag-text.

Ang kailangan ko lamang na gawin ay ang maghintay kung kailan niya ako ulit maaalala at kung kailan niya ulit ako mapupuntahan. As always, I don’t own him; I don't have the right to demand anything from him because I am just a mistress and I am just borrowing him from the rightful owner.

Mabuti na lamang din at naging abala kami ni Ashley sa mga kakailanganin para sa pagsisimula ng proyekto sa kumpanya nila. It keeps my mind off of him, lalo na at nitong mga nakalipas na araw rin ay si Trey ang malimit na nagte-text at tumatawag sa akin. Kapag may pagkakataon din ay pinupuntahan niya ako kung nasaan kami ni Ashley.

Hindi ko naman na binibigyan pa ng malisya o iba na pakahulugan pa ang mga ikinikilos niya dahil noon pa man ay magkaibigan na talaga kami, at kilala ko rin naman talaga siya na maharot sa mga babae. At bago pa kami magkakilala ni Tyrone ay ganito na ang samahan namin ng kapatid niya, at kung hindi lamang siguro umalis si Trey at nagpunta sa Amerika ay hindi mapuputol ang magandang samahan namin.

"Raven, what do you think of this one?" Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Ashley upang ipakita ang ilan mga damit na napili niya na suotin ko sa shooting. 

Wala man dito ang isipan ko ay kailangan ko na pilitin na maging interesado sa mga ginagawa namin. "Don’t you think that’s too sexy, Ash?"  Pagtatanong ko nang makita ang bestida na gusto niya na ipasuot sa akin.

"Well, what Mr. Lorenzo wants is something that can show off your curves." Napataas ang kilay ko sa tinuran ni Ashley. Sino sa dalawang Lorenzo ang tinutukoy niya na Mr. Lorenzo?

"Mr. Lorenzo?" tanong ko pa sa kan'ya.

"Trey Lorenzo. I’m talking about Trey, Rave. Si Trey lang naman ang may pakialam dito at hindi si Tyrone."

"I don’t know, Ash. Wala bang medyo less revealing diyan? Kausapin ko na lamang si Trey at sasabihin ko na hindi ako komportable na iyan ang suotin ko. I mean, it is a commercial and print ad targeted at families, bakit kailangan na ganyan ang suot ko?" Parang hindi naman kasi pang restaurant commercial ang nais nila na ipasuot sa akin. 

"Sige, magpapahanap na lang ako ng iba." 

"Ikaw muna ang bahala rito, Ash. Lalabas lang ako sandali habang nagpapahanap ka ng ibang damit."

"Saan ka na naman pupunta?" Taas-kilay na tanong pa niya sa akin. "Don't you dare meet him at this time, Raven."

Naparolyo na lamang ako ng mga mata ko sa kan’ya. "Meet him? How can I meet him when he hasn't even contacted me? Sa coffee shop lang ako riyan sa kabila pupunta para bumili lang ng kape." Pagpapaalam ko pa sa kan’ya.

"Bakit kasi naghihintay ka pa na kontakin ka niya? Hindi mo siya kailangan, lalo na at mayroon naman na araw-araw na tumatawag at nagte-text sa’yo. Kung effort at effort lang ang pag-uusapan, panalong-panalo na ang nag-effort kaysa sa pinipili mo na pag-effortan." And of course I know she is referring to Trey.

Madalas kasi na kapag magkasama kami ay sumasakto rin ang nagiging pagtawag ni Trey sa akin, kaya naman pakiramdam ko ay mas pabor pa si Ashley kay Trey kaysa kay Tyrone.  But then again, that is simply because she is supposing that Trey is single while Tyrone is already married.

"I don't want to talk about this, Ash. Huwag mo nang dagdagan pa ang sakit ng ulo ko ngayon."

"Tanggalin mo na nga kasi ang helmet na ipinasuot sa’yo ng walang kuwenta mo na jowa para ako na mismo ang mag-uuntog sa ulo mo para isang sakitan na lang ng ulo mo at hindi na paulit-ulit. Kapag nauntog ka rin ay mata-tauhan ka kung sino ang mas karapat-dapat para sa’yo." Sarkastiko na tugon pa niya sa akin. 

"Ash." Ayaw ko nang mainis sa kaibigan ko dahil alam ko na kapakanan ko lamang din naman ang iniisip niya, pero hindi ko mapigilan dahil kadalasan ay sobra-sobra na rin ang mga salita niya patungkol kay Tyrone.

"Stay here, Rave, dahil sigurado ako na magsesenti ka na naman sa pagbili mo ng kape na 'yan. Si Sandra na lang ang utusan mo."

Napasimangot ako bago muli na nagsalita sa kan’ya. "I just need air, Ash, at katabing-katabi lang ng boutique na ito ang coffee shop. Sandali lang ako, promise." Napatingin na lamang siya sa akin, at sigurado ako na awa ang nakikita ko sa mga mata niya, and I don’t like it. Ayaw ko nang kaawaan pa niya ako dahil lalo lamang din ako na maaawa sa sarili ko. "Babalik ako agad, Ash, at pangako, hindi ako magsesenti."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Ashley at mabilis na ako na lumabas ng boutique upang pumunta sa coffee shop. Kilalang-kilala na rin atalaga ako ng kaibigan ko at alam na alam niya na ang simple na pagbili ko na ito ay ang paraan ko para matakasan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. She knows that I am hurting, and it is all the more reason for her to hate what I and Tyrone have.

Mabuti na lamang din at kokonti lamang ang tao sa shop kaya naman ay nagtungo na agad ako sa counter at umorder, saka ako pumuwesto sa may bandang gilid na lamesa. I try to get my mind off Tyrone, kahit na hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari at hindi man lamang niya nagawa na kontakin ako. Pero naisip ko rin naman na hindi makakabuti kung iisipin ko pa siya dahil sigurado na maaapektuhan na naman ang trabaho ko, at kapang nangyari iyon ay magagalit na naman si Ashley sa akin.

Makalipas ang ilan minuto ay nagpasya na lamang ako na magbalik na sa botuique. HIndi nakakatulong ang paglabas ko dahil si Tyrone pa rin ang nasa isip ko. Patayo na sana ako para lumabas nang makita ko ang isang babae na papasok sa shop. Si Ivory, ang tunay na asawa ni Tyrone.

Napasulyap din siya sa akin saka matamis na ngumiti. I wanted to run away from her, pero hindi ko na iyon magagawa pa dahil lumakad siya sa direksyon ng lamesa ko. "Hi, Raven. I fancy seeing you here." Wala akong nagawa kung hindi ang muli na magpanggap at maging artista na naman sa harap ng mortal ko na kaagaw. Bakit nga ba ako naging modelo at hindi na lamang nag-artista? Mukha kasing mas magaling na ako na umarte ngayon kaysa ang maglakad sa runway.

"Hi, Mrs. Lorenzo." Bati ko sa kan'ya ng buong giliw, kahit na ang aking puso ay parang sinasaksak nang tawagin ko siya na Mrs. Lorenzo. Ako dapat iyon at hindi siya, dahil ako ang nauna sa amin dalawa.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status