"What the hell is that all about? Kailangan ba talaga na maabutan ko kayo ni Trey sa gano’n na puwesto? At gustong-gusto mo pa talaga na nilalandi ka ng gago na kapatid ko!" Nagulat ako nang madatnan si Tyrone sa apartment ko sa pag-uwi ko. Hindi ako nakahuma at na-estatwa na lamang ako sa may pintuan nang marinig ang galit na tinig niya pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang. Hindi ko na rin kasi inaasahan na pupunta siya rito ngayon na wala man lamang pasabi. "And where the hell have you been? Kasama mo ba si Trey sa maghapon? Did you spend time with my brother again? Fuck it! What did you two do?" Galit na galit siya nang tumayo siya at agad na hinaklit ako sa braso.
"Royce, what is wrong with you? You're hurting me." Pilit ako na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko, ngunit mahigpit ang kapit niya roon at ramdam ko ang galit niya sa akin. Pasalya niya ako na itinulak sa may sofa habang nanatili siya na nakatayo at madilim ang mga mata na nakatitig sa akin. "Ano ba ang mga sinasabi mo?"
"Answer me, Raven! Saan ka galing? Kasama mo ba si Trey? Saan kayo nagpunta at ano ang pinaggagagawa ninyo? Ano, nagkulong na naman ba kayo ng tarantadong iyon sa kuwarto? Bullshit! Hindi ko na nga sinabi sa’yo na bumalik na siya, pero nagkita pa rin kayo." Sunod-sunod na tanong niya sa akin at kitang-kita ko ang lalo na pag-usbong ng galit sa mga mata niya sa bawat pagsasalita niya. "At ano ang ginagawa mo roon sa opisina? Bakit hindi mo nabanggit sa akin na ikaw ang kinuha ng kumpanya namin para sa commercial? Are you doing this on purpose? Are you spying on me and Ivory?"
"What?! I am not spying on you and your wife. Hindi ako gano'n katanga para pasakitan ang sarili ko."
"Then what? Alam mo na nagbalik na si Trey kaya bigla na gusto mo na pumunta at bumalandra sa casting call? Siya pa rin ba, Raven?! Are you still in love with him? Tang-ina!"
Nangingilid na ang mga luha sa mata ko, pero pilit ako na nagpapakatatag sa sandali na ito. Ayaw ko na umiyak, kahit na nasasaktan ako sa mga paratang niya. Alam ko na mali ako dahil hinayaan ko ang mga yakap at akbay na iyon ni Trey. I should have stayed away from him, lalo na at kaharap namin si Tyrone, pero hindi ko magawa, dahil lubos rin ang saya ko na nagbalik na ang lalaki na siyang buhay ko noon. But are Tyrone's words against me justifiable? Hindi ko na rin alam, but I know that I am at fault, kaya sa muli ay ako na lamang ang magpapakumbaba.
"I’m sorry, hon. Hindi ko alam na si Trey ang magiging kapareha ko. Hindi ko rin alam na ako na pala ang gaganap doon dahil ang sabi ni Ashley sa akin ay casting call pa lamang iyon. Kanina ko lamang din nalaman buhat kay Trey na ako na pala ang napili niya. I tried to back out, and that's the truth. Sinubukan ko na kausapin si Ashley na huwag na ako ipasok doon pero wala akong nagawa. Alam mo naman na pagdating sa trabaho ay wala akong magagawa basta sinabi na ni Ash."
Napapahilot na lamang si Royce sa kan’yang noo habang palakad-lakad siya sa harapan ko. “Fuck it, Raven. I hate it! I hate it that Trey is all over you again. And I hate it even more, dahil pinapayagan mo na naman siya na hawak-hawakan ka. I am fucking jealous of that asshole! Akin ka lang, Raven, akin ka na ngayon! Iniwan ka na niya noon, pero bakit ngayon, parang wala lang sa’yo iyon? Are you doing this on purpose? Ganti mo ba ito sa akin kaya tuwang-tuwa ka na makita na nanggigigil ako sa inis at sa selos kanina sa kapatid ko? Nasisiyahan ka ba na makita na gustong-gusto ko na sapakin ang gago na iyon dahil sa pagyakap at pag-akbay niya sa’yo!?" sigaw niya pa sa akin.
At sa puntong ito, nagpanting ang tainga ko sa mga sinabi niya. Alam ko na may mali rin ako, pero bakit ganito ang mga salita niya sa akin? Bakit parang kasalanan ko pa na nilapitan ako ni Trey? Bakit ako pa ang parang may mali kahit na pilit naman ako na umiiwas kanina? Ako lang ba ang may pagkakamali sa lahat ng ito para pagsalitaan niya ako ng ganito?
Maaari na martir ako sa pag-ibig, pero hindi ako gano’n katanga para akuin lahat ng mga pagkakasala na hindi naman sa akin lamang. "Teka nga, ano ba ang ikinagagalit mo?! Ano ba ang dahilan ng pagwawala mo?"
"You are not stupid, Raven! Alam na alam mo ang ikinagagalit ko."
"Si Trey ba? You’re jealous of your brother? You’re insane to react that way if that’s your only reason. Ako nga ang halos madurog ang puso kanina sa sakit na nakikita ko sa inyo ni Ivory, pero nagwawala ba ako ngayon? Hindi, dahil alam ko na wala akong karapatan dahil isang kabit lamang ako."
"Don't you fucking go there, Rave. Hindi ang pagiging kabit mo ang isyu natin dito." Paulit-ulit ang pagkuyom niya ng kamao niya dahil sa galit niya, pero sa punto na ito ay nabubuhay na rin ang galit ko sa mga sinasabi niya sa akin. "Ang isyu dito ay ang paglalandian ninyo ng kapatid ko sa harapan ko!"
Sarkastiko ako na napatawa sa sinabi niya. Tama nga ang hinala ko na ako ang pinatutungkulan niya ng mga salita niya kanina. "Don't you fucking say that to me because you don't know what I have to go through, Royce. Pinilit ko na umarte kanina na parang balewala sa akin ang lahat ng nakikita ko sa inyo ni Ivory, kahit na halos pinapatay mo na ako sa sakit na makita kung paano mo alagaan at asikasuhin ang asawa mo. Nagagalit ka sa simpleng yakap at akbay, paano pa ako sa patuloy ninyo na paghahalikan sa harapan ko? Alam mo ba kung ano ang mas masakit? Ang makita mo ang taong mahal mo na may hinahalikan na iba sa harap mo pero wala kang magawa dahil alam mo na hindi siya sa’yo."
"Raven."
"I was there, Royce, but you chose to show affection to your wife in front of me. You didn't even stop her from the PDA that she is doing; you are all over her as well, and you are slowly killing me with those actions. Bakit mo ginawa iyon? Para makaganti ka sa akin? Trey is my best friend, at bago pa tayo magkakilala ay magkaibigan na kami ng kapatid mo. Pero ano nga ba ako sa'yo? Bakit kahit ako ang nauna, sa iba ka ikinasal? Ngayon, sabihin mo nga sa akin, ikaw pa ba ang lugi sa atin dalawa? Ikaw lang ba ang may karapatan na masaktan at magselos dito?" galit na sagot ko rin sa kan’ya.
Sobra na ako na nasasaktan na parang isinisisi pa niya sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari kanina, pero hindi ko rin naman maamin kay Trey ang kung ano ang mayroon kami. I am not even protecting myself here, but I am protecting his marriage and his name. And if I had a choice, hindi ako pupunta sa lugar kung saan maaari na magtagpo kami ng asawa niya, dahil kung may magagawa lang ako hindi ko na pahihirapan pa at sasaktan ang sarili ko para makita ang mga tagpo nila ni Ivory.
And I’ve got him with my words this time. Bahagya siya na nahimasmasan sa galit niya para sa akin. Napabuntong hininga si Royce at lumuhod sa may harapan ko. "Hon, I’m sorry that I got jealous. I know he is just your best friend, but we both know that what you feel for each other goes beyond that. Nagselos ako na ang una ko na makikita pagkadating ko sa opisina ay ang nakapulupot na braso ng kapatid ko sa pag-aari ko. You are mine now, and Trey doesn’t have the right to touch what is mine."
"Talaga, Royce, am I really yours to begin with?" mataray na balik ko pa sa kan’ya. "Bakit ang dali mo na sabihin na pag-aari mo ako, pero bakit ako, wala akong karapatan na sabihin na sa akin ka lang din? Isn't that just unfair?" Maluha-luha na sagot ko pa.
"Rave, sorry." Muli na pagmamakaawa niya sa akin. "Huwag na natin pagtalunan ang sitwasyon natin na ito."
"What are you even doing here? Paano ka nakatakas sa asawa mo ngayon?" tanong ko na lamang sa kan’ya. Hindi ko maintindihan na ngayon na galit na galit siya sa akin dahil sa nagseselos siya kay Trey ay nakahanap siya ng paraan para tumakas sa asawa niya. Pero kapag kailangan ko siya ay hindi ako puwede na mag-demand na puntahan niya ako sa oras na gusto ko.
"It doesn’t matter, ang importante ay narito ako ngayon. Where have you been, hon? Are you with Trey?" Malumanay na ang boses niya nang tanungin niya ako muli. "Magkasama ba kayo sa buong maghapon?"
"Si Trey? Why would you even say that? Hindi ba at naiwan ang kapatid mo sa opisina ninyo nang umalis kami ni Ashley."
"He left the moment you left."
Naparolyo na lamang ako ng aking mata sa kan’ya. At times, I just find it unfair, bakit siya ay may karapatan na magselos habang ako ay wala? "Si Ashley ang kasama ko dahil may dinaanan pa kami na costume fitting. Hindi kami magkasama ni Trey."
"I’m sorry, hon. Nagseselos ako kay Trey. Alam ko kung gaano kayo kalapit na magkaibigan noon at alam ko rin kung ano ang namagitan sa inyo noon. And I am threatened now that he’s back. I don't want him back, but I have no choice. Hindi ko rin gusto ang mga tingin na ipinupukol niya sa’yo kanina, pero mas lalo na hindi ko gusto ang mga paghawak-hawak niya sa’yo na pinapayagan mo naman."
"Royce, kagaya nga ng sabi mo, malapit kami na magkaibigan, and you can’t stop that. You can't take that away from us, dahil mas nauna kami na naging malapit sa isa’t-isa bago naging tayo. Kapareho lamang iyon na hindi ko mapipigilan ang relasyon ninyo ni Ivory bilang mag-asawa." Pilit ko man na iwaksi sa isip ko ang sakit na nararamdaman ko ay hindi ko magawa. Inggit na inggit ako kay Ivory dahil hawak niya ang dapat ay sa akin. "Don't be unfair to me, Royce. And I need you to trust me in the same way that I trust you every time that you are with your wife."
"Sorry, hon, hindi ko rin alam na darating si Ivory kanina sa opisina. She knows that I have a meeting regarding the project, and maybe she just wanted to see who the model is. Huwag na tayo mag-away, hon. I’m sorry if I’ve been a jerk to you again. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko at nagawa ko kanina. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." Hinaplos niya ang mga pisngi ko habang unti-unti na inilalapit ang kan'yang mukha sa akin upang gawaran ako ng halik.
At kapag ganito na si Royce ay kusa nang natutunaw ang lahat ng galit at inis na nararamdaman ko para sa kan’ya. Dahil sa kabila ng sakit na patuloy ko na nararamdaman sa relasyon namin ay mas nananaig pa rin ang pag-ibig ko sa kan’ya. Mas matimbang pa rin ang pagmamahal na mayroon ako, kaysa sa negatibo na emosyon na lumulukob sa akin.
"I’m sorry too, hon." bulong ko sa kan’ya. "I won't get too close to him again."
Naramdaman ko na lamang nang hapitin niya ako papalapit sa kan'ya. "Akyat na tayo." Pagyaya niya pa sa akin.
"Dito ka matutulog ngayon?" sabik na pagtatanong ko.
"I can’t. I have to be home later, but while I’m here, let’s make the most of it." Pagkasabi niya no’n ay agad niya ako na binuhat ng pa-bridal style, kaya napatili na lamang ako.
"Hon!"
"What?! Sa tingin mo ba ay makakaligtas sa akin ang suot mo na iyan? At sa tingin mo rin ba ay papayag ako na ang huling yakap na matatanggap mo ngayon araw ay galing sa kapatid ko? I would never allow another man to touch what’s mine, Rave. I would never allow anyone, especially my brother, to take what is mine."
Buhat-buhat niya ako hanggang sa makapunta kami sa kuwarto. Pagkapasok na pagkapasok sa silid ay agad niya ako na inilapag sa kama habang ang mga mata niya ay patuloy na pinapasadahan ang kabuuan ko.
"You are mine, Rave. All mine. Always remember that." Pagkasabi no'n ay agad niya na sinakop ang labi ko. Isang mapusok na halik ang ibinigay niya sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang hapitin siya at tugunan ang mga halik na iginagawad niya sa akin.
"Royce!" Sa bawat halinghing na lumalabas sa akin ay siya naman na pagdiin ng halik niya. Ramdam na ramdam ko rin ang epekto ng mga halik na iyon sa kan’ya. Hinimas-himas niya ang mga binti ko at lalo ito na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa akin.
"Raven, shit!" Pababa nang pababa ang mga halik na iginagawad niya sa akin at nagsisimula na rin ang paglikot ng mga kamay niya upang tanggalin ang aking damit. Nilulukob na rin ako ng kakaibang pakiramdam, ang sensasyon na tanging si Royce lamang ang makapagbibigay sa akin.
Pareho na kami na nalulukob sa pagnanasa. Pareho kami na nalulunod sa mali at bawal na pagmamahal. Ngunit pareho rin kami na walang magawa upang mapaglabanan ito, kaya parang tadhana na ang gumagawa ng paraan para tigilan namin ang mga pagkakasala namin. Sa gitna ng mainit na eksena namin ay isang pagtunog sa telepono ang aking narinig.
"Hon, your phone." usal ko sa gitna ng mga halik at halinghing.
"Hmm." Wala siyang balak na tumigil sa ginagawa namin, ngunit wala rin tigil ang pagtunog ng kan’yang telepono.
"Hon, answer your phone." Muli ko na utos sa kan’ya.
Inis na inis naman siya na tumigil sa ginagawa niya at bumangon upang abutin ang telepono niya. "Fuck! Istorbo!" Inis na usal niya pa. Ngunit nang makita ang tumatawag sa kan'ya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Baby?"
Isang salita lamang iyon. Isang salita lamang ang muli na nagpaalala sa akin na ang lalaki na nasa harapan ko ay hinihiram ko lamang. Muli na bumangon ang sakit sa aking puso dahil sa isang salita na iyon. Huminga ako ng malalim saka tuluyan na inayos ang aking sarili at tumayo buhat sa pagkakahiga. Nanghihiram lamang ako at kailangan ko na iyon na isoli.
Nang putulin ni Royce ang tawag ay alam ko na ang ibig sabihin no'n. Hindi na niya kailangan pa na magpaliwanag dahil alam ko na ang dahilan ng ekspresyon niya. "I know, Royce. She needs you. I’ll be okay. Sige na at umuwi ka na." Pagkasabi ko no'n ay agad na ako na pumasok sa banyo. Ayaw ko nang makita pa ako ni Royce na muli na lumuluha. Ayaw ko nang makita na naman niya ako na nasasaktan na naman dahil sa kan’ya.
I am a mistress, and this is how my life is destined to be. Walang karapatan na mag-demand dahil ang oras niya para sa akin ay hinihiram ko lamang.
Magdadalawang linggo na kami na hindi nagkikita ni Tyrone matapos ang araw na iyon na sumugod siya sa apartment ko dahil sa labis na selos niya para umalis din naman agad nang tawagan siya ng asawa niya. Maski ang mag-text ay hindi na nga rin niya nagawa pa sa loob ng dalawang linggo, habang ako naman ay patuloy na umaasa at naghihintay. Ganito ang buhay ko sa piling ni Tyrone Lorenzo. Kung hindi niya ako tatawagan o ite-text man lamang ay hindi rin puwede na ako mismo ang kokontak sa kan’ya. Kailangan namin na pareho na mag-ingat sa mga kilos namin dahil baka sumakto na kasama niya si Ivory kapag bigla ako na tumawag at mag-text. Ang kailangan ko lamang na gawin ay ang maghintay kung kailan niya ako ulit maaalala at kung kailan niya ulit ako mapupuntahan. As always, I don’t own him; I don't have the right to demand anything from him because I am just a mistress and I am just borrowing him from the rightful owner. Mabuti na lamang din at naging abala kami ni Ashley sa mga kakailang
"Sino ang kasama mo?" Nagpalinga-linga pa si Ivory sa paligid namin na animo hinahanap kung sino ang kasama ko ngayon. "Ano ang ginagawa mo rito?""I’m here for a costume fitting with my agent, Mrs. Lorenzo. Actually, sa boutique lang sa kabila." mabilis na tugon ko."Oh! Talaga? That's nice. I hope that everything is going well for the project. And by the way, you are perfect for the job."" Hindi naman. Hindi ko nga alam bakit ako pa ang pinili ni Trey. But, thank you, Mrs. Lorenzo." Nakangiti man ako ay nagngingit
Alalang-alala sa akin si Trey pero hindi niya ako pinilit na magkuwento kung ano ang aking problema. Nanatili lamang siya na nakatunghay sa akin habang hinihimas-himas ang braso ko, and I gladly welcome the comfort that he is offering me. Matapos ang biglaan ko na pagluha sa harapan niya ay nagpasya kami na huwag na muna dumiretso sa boutique, kaya nag-text na lamang ako kay Ashley na nagkita kami ni Trey at nagyayaya lang na mag-snacks.Well, it was not entirely a lie, dahil totoo naman na magkasama kami na nag-sa-snacks ngayon. He was actually inviting me to the coffee shop, but of course, knowing that Tyrone and Ivory were there, I chose to go to the pastry shop instead. At dito nga ay hindi ko pa rin nakalimutan ang tagpo kanina, kaya naman patuloy pa rin ang pangingilid ng mga luha ko kahit pa pilit ko na pinipigilan ito."Whatever it is, Rave, I am here for you. You know that I’ll always be here for you." He kept comforting me, and I couldn't help but compare him to his brother
Mga braso na pumulupot sa beywang ko ang nagpatigil sa akin sa pagpasok ko sa boutique. "Damn, that was a hot exit that you did back there, babe."Naparolyo na lamang ang mata ko nang harapin ko si Trey na ngising-ngisi sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. "Bakit sumunod ka na naman sa akin?""I need to check on you. And, babe, don't you ever do that again. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na mag-isa ka na umaalis sa harapan ko.""I’m a grown woman now, Trey; I can go wherever I want to go and whenever I want to go." Tinulak ko pa siya at bahagya na lumayo sa kan’ya."But since I am here now, I will go wherever you go and whenever you want to go." Sagot niya sa akin sabay hakbang pa palapit sa akin."Are yo
Galit si Tyrone, pero galit din kami ni Trey sa kan'ya, lalo na at sumosobra na siya sa mga sinabi niya sa amin. I get that he is mad, but is that reason enough for him to backlash us with those words? Hindi ko na rin nilingon pa si Tyrone nang hatakin na ako ni Trey papasok sa boutique dahil ayaw ko na rin na makita ang galit na reaksyon sa mga mata niya. Why is it that everything is so unfair? Siya ay puwede na makipaglandian sa asawa niya, samantalang ako ay hindi puwede sa kahit na kanina? And why does he always have to show me how much love and affection he has for her, but then he can freely accuse me of flirting when it was the other way around? Why is he being so unfair about this? Bakit lagi na siya lamang ang puwede? Dahil ba kasal sila? Nang makapasok kami sa boutique ay gulat na gulat si Ashley nang makita si Trey na inis na inis ang awra. "Mr. Lo
"Kung ako ang tatanungin mo, you are better off with Trey than that jerk of a boyfriend that you have." Kapapasok pa lamang namin ng sasakyan ni Ashley ay sinimulan na niya ako ng mga litanya niya na naman tungkol sa kinasasadlakan ko na relasyon. "I mean, clearly there is no comparison at all. Why would you settle for less when there’s someone willing to give you the best of himself? Dapat naman sa pagkakataon na ito, Rave, ay alam mo na kung sino ang nararapat at hindi nararapat para sa’yo." Naparolyo na lamang ako ng aking mga mata dahil sa sinabi niya. I am just too exhausted from the arguments I have been having today. Mabuti na lamang din at sanay na sa amin ang driver at wala itong pakialam sa mga pinag-uusapan namin. "Ash, please stop." "No, Rave, you stop." mataray na sagot pa niya sa akin. Alam ko rin naman na nagpipigil lamang si Ashley sa akin, and I can’t really blame her for reacting this way toward Tyrone. Hinawakan niya ang kamay ko at saka nangungusap ang mga mata n
Simula pa kanina nang buksan ko ang cellphone ko hanggang ngayon na pauwi na kami ay wala pa rin na tigil ito sa pagtunog. At iisa lamang naman din ang patuloy na tumatawag sa akin. Si Tyrone lamang. Kanina pa rin pasulyap-sulyap sa akin si Trey habang nagmamaneho siya. He knows who has been calling me since earlier. He knew it was my boyfriend."Ayaw pa rin ba na tumigil ng boyfriend mo sa kakatawag sa'yo?" Naka-arko pa ang kilay niya habang tinatanong ako. "Text him that I’m already bringing you home so he can stop disturbing us."Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko upang sabihin sa kan’ya ang nararamdaman ko. "Trey, maybe this is really not a good idea. Ibaba mo na lamang ako sa kung saan at magpapadaan na lamang ako kay Ashley.""I won't do that, babe. I am bringing you home. Why are you afraid of him?" Nagtataka na tanong pa niya sa akin nang sulyapan niya ako ulit. “This is something new about you, Rave. I remember that you don't get easily afraid. Sa atin dalawa nga a
"Bakit ngayon lang kayo umuwi? Saan kayo nanggaling na dalawa?" Sunod-sunod agad ang pagtatanong ni Tyrone sa amin ni Trey nang makalapit kami sa kinatatayuan niya. "Ano ang ginagawa mo rito, Tyrone? Nasaan si Ivory?" "Just as I have thought, dito kita mahahanap, Trey." galit na sagot pa niya sa kapatid niya, pero ang mga mata niya ay patuloy na nakatutok sa kamay ko na nakakapit sa braso ni Trey. "Hindi mo na naman sinunod ang utos ko sa'yo. Sino ba ang ipinagmamalaki mo?" Ang tanong na iyon ay sinabi niya kay Trey, pero pakiramdam ko ay para sa akin talaga iyon. "Kumain lamang kami ni Raven, tapos ay hinatid ko na siya rito. Ano ngayon ang problema roon?" "She has a fucking boyfriend, Trey. Are you out of your mind?" Bahagya a