Nagising na lamang ako sa tuloy-tuloy na pagtunog ng aking telepono. Agad ako na dumilat at inabot iyon, nagmamadali pa ako na sagutin iyon nang makita ko na tumatawag na si Ashley sa akin.
"Ash." Walang kalatoy-latoy na bungad ko sa kan'ya.
"And where are you, Raven?" mataas ang boses na sabi niya pa sa akin.
"Sa bahay, saan pa ba ako pupunta?"
"At bakit nariyan ka pa? We were supposed to meet today, Rave." Agad ko na tiningnan ang oras sa telepono ko, maaga pa naman para sa meeting namin, kaya OA na naman si Ashley sa pagmamadali niya sa akin.
"Maaga pa, Ash, mahigit dalawang oras pa bago ang usapan natin na magkikita tayo."
"Nakalimutan mo na ba na isang malaking oportunidad ito para sa’yo? Kailangan natin na maaga na makarating doon sa casting. Get your lazy ass up, at mag-ayos ka na. Hindi ito ang oras para mag-inarte ka pa riyan."
"Ash, sabi naman kasi sa’yo na ayaw ko na pumunta sa casting call na iyon."
"No, Raven, na pag-usapan na natin ito. Bumangon ka riyan at pupunta tayo roon sa ayaw at sa gusto mo man. Mag-ayos ka na dahil susunduin na lamang kita." Pagkasabi no'n ay agad niya na pinutol ang tawag.
Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon at dumiretso sa banyo. I am dreading this day. Ayaw ko talaga na pumunta sa casting call na iyon dahil hindi ko rin nabanggit kay Royce ang tungkol sa trabaho na ibinibigay sa akin ni Ashley, at alam ko na hindi niya iyon magugustuhan kung tatanggapin ko.
Isa akong commercial model, and Ashley is my good friend and agent. At kahit paulit-ulit ko na sabihin sa kan’ya na ayaw ko na pumunta ngayon ay hindi niya ako papakinggan. Ashley knows about my relationship with Royce. Hindi man siya sang-ayon doon ay wala siyang magawa dahil alam niya na hindi ko rin siya pakikinggan. Pinapabayaan niya ako sa gusto ko, basta’t huwag lamang ito magiging sagabal at makaka-apekto sa trabaho ko.
Ito ang dahilan kung bakit kahit ayaw ko na pumunta ngayon ay wala ako na magawa. Kailangan ko na maging propesyunal ano man ang maging sirkumstansya. Kailangan ko na maging propesyunal na harapin si Royce ngayon araw kung sakali na magtagpo ang landas namin.
Ang pamilya ni Royce ay nagmamay-ari ng mga sikat na restaurant chains sa bansa. At ngayon ay naghahanap sila ng modelo para sa isang commercial na gagawin nila. At hindi ko nabanggit sa kan'ya na ipapasok ako ni Ashley para roon.
Pagkalabas ko ng banyo ay agad ako na nag-ayos. Sinuot ko ang black dress na ipinadala ni Ashley noon isang araw at kabilin-bilinan na ito ang aking susuotin ngayon sa trabaho. Hapit na hapit ito sa aking katawan at hindi pa umabot sa aking tuhod ang haba. Hindi gaano na revealing ang harapan nito ngunit low-back ang likuran. Nag make-up ako at itinaas ang aking buhok na nakabalumbon sa tuktok ng ulo ko. Isinuot ko ang aking stiletto at agad na nagdiretso palabas ng kuwarto matapos ko ayusin ang aking bag at ilan gamit.
"It's about time." Ito ang bungad ni Ashley sa akin pagkababa na pagkababa ko sa may sala. May susi siya sa townhouse ko kaya libre siya na nakakalabas-pasok dito.
Nagkibit-balikat na lamang ako at naglakad palapit sa kan'ya at nagbeso-beso. "It’s still early, Ash. Maya-maya na tayo umalis."
"Perk it up, Rave. Hindi puwede na para kang nalugi riyan kahit na alam naman natin pareho na matagal ka nang lugi sa relasyon na mayroon ka sa jowa mo na ewan."
"Shut it, Ashley! Ayaw ko nang pag-usapan pa ang bagay na iyan." asar na balik ko sa kan’ya.
"Whatever you say! Alam ko naman na matatagalan pa bago ka mauntog dahil sa sobrang kapal ng helmet na ipinasuot sa’yo ng walang kuwenta na jowa mo."
"Ashley!"
"Let’s go." Nagmamadali na siya na lumabas at sumakay sa van na nakaparada sa labas ng bahay ko na parang wala lang sa kan'ya ang mga sinabi niya kanina patungkol sa relasyon namin ni Royce. "Sinabihan ko na ang PA mo ng mga outfit requirements mo at naihanda na rin nila iyon. Nagawa na namin ang trabaho namin, kaya gawin mo naman ang trabaho mo ngayon. All you have to do is smile, at magpanggap na excited ka rin para rito."
"Hindi ko alam na hindi lang pala ako modelo, artista na rin pala ako ngayon."
"This is your choice, Raven. You chose this for yourself. We have an agreement about this, kung ayaw mo pala na umarte dapat ay hindi mo pinasok ang mga bagay na pinasok mo."
Alam ko na naiinis na rin sa akin si Ashley, pero ano nga ba ang magagawa ko? Pinana ni kupido ang puso ko. Nagkataon lang na kahit nasa tamang tao naman iyon ay sa maling oras at pagkakataon naman niya iyon nagawa.
"Let’s not talk about this, Ash." Tumahimik na lamang ako at pumikit na lamang sa buong biyahe. Iniisip ko na ang mga maaari na mangyari dahil sa walang alam si Royce tungkol dito, kaya ayaw ko nang dagdagan pa ang stres ko dahil sa pagtatalo namin ni Ashley. Sana na lamang ay huwag magalit sa akin si Royce dahil hindi ko ito nasabi sa kan'ya.
Makalipas ang ilan minuto ay nakarating kami sa opisina na pagmamay-ari nila Royce. Nakahinga ako ng maluwag ng walang anino ni Royce ako na nakita. Siguro naman ay hindi siya darating ngayon dahil may lakad sila ni Ivory.
Kabado man ay taas-noo ako na naglakad papasok sa gusali kasabay si Ashley. Tunog lamang ng takong namin ang naririnig habang ang mga tao ay nakamasid sa amin. Patuloy ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba pero pilit ko na kinakalma ang aking sarili.
"Raven?!" Isang baritono na boses na tumawag sa pangalan ko ang agad na nagpahinto sa amin ni Ashley sa paglalakad. I knew that voice so well, kaya mas lalo naman na dumagundong ang puso ko sa kaba. Nag-aalangan man ay lumingon ako at nagulat ako sa nakangiti na mukha ng lalaki na nakatunghay sa amin. "Finally! It’s you! I’m so happy to see you!" Hindi agad ako nakakibo at tipid na napangiti na lamang. Lumapit siya sa amin ni Ashley at agad siya na yumakap sa akin.
"Trey!" Naibulalas ko na lamang dahil sa naging pagyakap niya sa akin. Nagulat man ako sa ginawa niya ay napayakap na rin ako sa kan'ya pabalik. I miss Trey so much.
"I suppose you’re here for the casting call." malambing na tanong niya sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot sa kan'ya. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kan'ya upang maipakilala si Ashley sa kaibigan ko. "Trey, this is Ashley, and she’s my agent. Ashley, this is Trey Lorenzo."
"Ah, Ashley. Yes, we talked on the phone." Inilahad pa niya ang kamay niya kay Ashley at inabot naman iyon ni Ashley. "It's nice to formally meet you in person."
"Yes, Mr. Lorenzo, and thank you for the invitation. This is a big opportunity for Raven, and I thank you for considering her in the project."
"Of course." Napataas naman ang kilay ko nang malaman na nakapag-usap na sina Ashley at Trey. Marahil nakita ni Trey ang kaguluhan sa reaksyon ko kaya natawa siya at muli ay hinapit niya ako sa beywang papalapit sa kanya. "You can ask me about it, Rave, kaysa ang patuloy na pagkunot ng noo mo riyan."
Tinapik ko siya sa braso at tumawa. "Kilalang-kilala mo pa rin ako. Puwes, ano ang ibig sabihin ng pag-uusap ninyo ni Ash? And Ashley, really? Keeping secrets from me."
"Ako ang nagsabi sa agent mo na isikreto ang lahat. Actually, this isn’t a casting call, dahil ikaw na talaga ang napili para sa proyekto na ito. Ikaw na talaga ang napili ko."
Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ko. “Ha? Napili mo? Napili na ako? Bakit ako?"
"Bakit hindi ikaw? This job is for you, Rave. Ikaw lang talaga ang nakikita ko na puwede sa proyekto na ito, lalo pa at ako ang magiging kapareha mo. Kaya nang malaman ko na bakante ang schedule mo ay ipina-final ko na agad ang mga detalye sa agent mo."
"Ikaw?!" Gulat na gulat na tanong ko lalo.
"Siyempre naman, sino pa ba?" Natatawa na sagot niya saka ako muli na niyakap. "I missed you so much, Raven." bulong pa niya sa akin.
Nagalak ang puso ko sa narinig ko sa kan'ya, kaya gumanti naman ako ng yakap at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng aking luha. I will always feel this way about Trey. He will always hold a special place in my heart.
Pareho kami na nakayakap lamang sa isa't-isa at hinahayaan ang mga damdamin na lang namin ang mag-usap, ngunit naputol lamang iyon ng isang boses ang aking marinig. Panandalian pa ako na naestatwa dahil sa boses ng bagong dating na iyon.
"Trey." seryoso na tawag ng boses na iyon.
Bumitaw sa akin si Trey at humarap sa lalaki na bagong dating. "Tyrone, bro! Naaalala mo ba si Raven?"
"Ty, ayos ka lang ba? Bakit ba kadarating mo lang ay salubong na salubong na naman agad ang kilay mo?" tanong ni Trey kay Tyrone. "Hi, Mr. Tyrone Lorenzo, I am Ashley Buenaventura, Ms. Raven De Ocampo’s agent." Inilahad pa ni Ashley ang kan’yang kamay kay Tyrone at kahit na salubong ang kilay niya ay inabot niya pa rin iyon. "Rave, natatandaan mo si Ty, right?" muli na tanong ni Trey sa akin. "Sigurado ako na hinding-hindi mo siya nakalimutan pagkatapos niya tayo na mahuli sa kuwarto ko noon." Tumango na lamang ako at napahalukipkip kay Trey dahil sa pagpapaalala pa sa akin sa tagpo na iyon. "Hindi ko na kayo kailangan pa na ipakilala sa isa’t-isa dahil sigurado naman ako na natatandaan ninyo ang bawat isa. And, Ty, I know very well that you remember my babe." "Your babe?!" Lalo naman ang pagsasalubong ng kilay ni Tyrone dahil sa sinabi ni Trey sa kan’ya. And at this moment, I just want to disappear and leave this scene. Hindi naman pinansin ni Trey si Tyrone at muli na itinuon an
"What the hell is that all about? Kailangan ba talaga na maabutan ko kayo ni Trey sa gano’n na puwesto? At gustong-gusto mo pa talaga na nilalandi ka ng gago na kapatid ko!" Nagulat ako nang madatnan si Tyrone sa apartment ko sa pag-uwi ko. Hindi ako nakahuma at na-estatwa na lamang ako sa may pintuan nang marinig ang galit na tinig niya pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang. Hindi ko na rin kasi inaasahan na pupunta siya rito ngayon na wala man lamang pasabi. "And where the hell have you been? Kasama mo ba si Trey sa maghapon? Did you spend time with my brother again? Fuck it! What did you two do?" Galit na galit siya nang tumayo siya at agad na hinaklit ako sa braso. "Royce, what is wrong with you? You're hurting me." Pilit ako na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko, ngunit mahigpit ang kapit niya roon at ramdam ko ang galit niya sa akin. Pasalya niya ako na itinulak sa may sofa habang nanatili siya na nakatayo at madilim ang mga mata na nakatitig sa akin. "Ano ba ang mga s
Magdadalawang linggo na kami na hindi nagkikita ni Tyrone matapos ang araw na iyon na sumugod siya sa apartment ko dahil sa labis na selos niya para umalis din naman agad nang tawagan siya ng asawa niya. Maski ang mag-text ay hindi na nga rin niya nagawa pa sa loob ng dalawang linggo, habang ako naman ay patuloy na umaasa at naghihintay. Ganito ang buhay ko sa piling ni Tyrone Lorenzo. Kung hindi niya ako tatawagan o ite-text man lamang ay hindi rin puwede na ako mismo ang kokontak sa kan’ya. Kailangan namin na pareho na mag-ingat sa mga kilos namin dahil baka sumakto na kasama niya si Ivory kapag bigla ako na tumawag at mag-text. Ang kailangan ko lamang na gawin ay ang maghintay kung kailan niya ako ulit maaalala at kung kailan niya ulit ako mapupuntahan. As always, I don’t own him; I don't have the right to demand anything from him because I am just a mistress and I am just borrowing him from the rightful owner. Mabuti na lamang din at naging abala kami ni Ashley sa mga kakailang
"Sino ang kasama mo?" Nagpalinga-linga pa si Ivory sa paligid namin na animo hinahanap kung sino ang kasama ko ngayon. "Ano ang ginagawa mo rito?""I’m here for a costume fitting with my agent, Mrs. Lorenzo. Actually, sa boutique lang sa kabila." mabilis na tugon ko."Oh! Talaga? That's nice. I hope that everything is going well for the project. And by the way, you are perfect for the job."" Hindi naman. Hindi ko nga alam bakit ako pa ang pinili ni Trey. But, thank you, Mrs. Lorenzo." Nakangiti man ako ay nagngingit
Alalang-alala sa akin si Trey pero hindi niya ako pinilit na magkuwento kung ano ang aking problema. Nanatili lamang siya na nakatunghay sa akin habang hinihimas-himas ang braso ko, and I gladly welcome the comfort that he is offering me. Matapos ang biglaan ko na pagluha sa harapan niya ay nagpasya kami na huwag na muna dumiretso sa boutique, kaya nag-text na lamang ako kay Ashley na nagkita kami ni Trey at nagyayaya lang na mag-snacks.Well, it was not entirely a lie, dahil totoo naman na magkasama kami na nag-sa-snacks ngayon. He was actually inviting me to the coffee shop, but of course, knowing that Tyrone and Ivory were there, I chose to go to the pastry shop instead. At dito nga ay hindi ko pa rin nakalimutan ang tagpo kanina, kaya naman patuloy pa rin ang pangingilid ng mga luha ko kahit pa pilit ko na pinipigilan ito."Whatever it is, Rave, I am here for you. You know that I’ll always be here for you." He kept comforting me, and I couldn't help but compare him to his brother
Mga braso na pumulupot sa beywang ko ang nagpatigil sa akin sa pagpasok ko sa boutique. "Damn, that was a hot exit that you did back there, babe."Naparolyo na lamang ang mata ko nang harapin ko si Trey na ngising-ngisi sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. "Bakit sumunod ka na naman sa akin?""I need to check on you. And, babe, don't you ever do that again. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na mag-isa ka na umaalis sa harapan ko.""I’m a grown woman now, Trey; I can go wherever I want to go and whenever I want to go." Tinulak ko pa siya at bahagya na lumayo sa kan’ya."But since I am here now, I will go wherever you go and whenever you want to go." Sagot niya sa akin sabay hakbang pa palapit sa akin."Are yo
Galit si Tyrone, pero galit din kami ni Trey sa kan'ya, lalo na at sumosobra na siya sa mga sinabi niya sa amin. I get that he is mad, but is that reason enough for him to backlash us with those words? Hindi ko na rin nilingon pa si Tyrone nang hatakin na ako ni Trey papasok sa boutique dahil ayaw ko na rin na makita ang galit na reaksyon sa mga mata niya. Why is it that everything is so unfair? Siya ay puwede na makipaglandian sa asawa niya, samantalang ako ay hindi puwede sa kahit na kanina? And why does he always have to show me how much love and affection he has for her, but then he can freely accuse me of flirting when it was the other way around? Why is he being so unfair about this? Bakit lagi na siya lamang ang puwede? Dahil ba kasal sila? Nang makapasok kami sa boutique ay gulat na gulat si Ashley nang makita si Trey na inis na inis ang awra. "Mr. Lo
"Kung ako ang tatanungin mo, you are better off with Trey than that jerk of a boyfriend that you have." Kapapasok pa lamang namin ng sasakyan ni Ashley ay sinimulan na niya ako ng mga litanya niya na naman tungkol sa kinasasadlakan ko na relasyon. "I mean, clearly there is no comparison at all. Why would you settle for less when there’s someone willing to give you the best of himself? Dapat naman sa pagkakataon na ito, Rave, ay alam mo na kung sino ang nararapat at hindi nararapat para sa’yo." Naparolyo na lamang ako ng aking mga mata dahil sa sinabi niya. I am just too exhausted from the arguments I have been having today. Mabuti na lamang din at sanay na sa amin ang driver at wala itong pakialam sa mga pinag-uusapan namin. "Ash, please stop." "No, Rave, you stop." mataray na sagot pa niya sa akin. Alam ko rin naman na nagpipigil lamang si Ashley sa akin, and I can’t really blame her for reacting this way toward Tyrone. Hinawakan niya ang kamay ko at saka nangungusap ang mga mata n