Share

Her, Inside My Arms
Her, Inside My Arms
Author: Spokening_Pen

Prologue

"You choose to stay away from me tapos ipapamukha mo sa akin na parang ako ang nang-iwan sa ating dalawa? Na ikaw ang kawawa?" Walang pakialam si Cris sa mga dumaraan na tao. Tuloy lang siya sa panunumbat sa lalaking minsan niyang minahal tapos kung kailan handa na siyang kalimutan ito atsaka babalik sa buhay niya.

"Because I really am. I'm sorry I had to do that. I have no choice but to leave you to keep you safe." Pilit na inaabot nito ang kamay niya na pilit naman niyang inilalayo.

"Simula pa lang noong araw na nawala ako ay hindi na ako naging ligtas, Daniel. Kahit saan ako magtago, kahit saan ako magpunta, nahahanap nila ako. Alam mo ang pinagdaanan ko pero pinili mo pa rin na iwan ako. Bakit? Para maging ligtas ako? No Daniel! Mas lalong naging delikado ang buhay ko. Gabi-gabi akong hindi makatulog kakaisip na baka pagpikit ng mata ko ay nakuha na naman nila ako,"  

Hindi alam ni Daniel ang tamang sasabihin para maniwala at pakinggan siya nito muli kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit. 

"Let go of me!" Pilit inalis ni Cris ang pagkakayakap sa kanya nito pero hindi niya magawa hanggang sa hinayaan na lang niya ito at doon siya umiyak nang umiyak.

"I love you. I love you. I love you. I'm sorry, baby." Hinaplos nito ang buhok niya. "From now on, nasa tabi mo lang ako. Hindi kita iiwan hangga't hindi natin nahuhuli ang may gawa nito sa 'yo. I promised you that,"      

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status