Share

Chapter 6

Chapter 6

Her knees curled. Her body trembled with the thought of men. She may look calm when she is being held by those guys but she knew well she’s shaking inside. 

Nasa hallway na siya ng bigla siyang mahina. Ikinuyom niya ang kamay at huminga ng malalim. She needs to escape. She needs to be out of her way as soon as possible and it will not happen if she’s gonna be like this.

Matapos niyang ikalma ang sarili ay nilingon-lingon niya ang paligid. Mula sa pinanggalingan niya ay naghanap siya ng pwedeng taguan kung sakaling may dumating na tao at daan na pwede niyang labasan.

May narinig siyang mga yabag ng paa kaya agad siyang kinabahan. She can’t see any doors to open aside from where she was before. Natatakot siyang bumalik dahil baka hindi na siya muling makalabas doon pero wala na siyang nagawa ng mas lumakas nang lumakas ang tunog ng mga yabag.

Napasandal siya sa likod ng pintuan habang kagat-kagat ang labi. “Sana hindi nila mapansin,” mahinang bulong niya.

“Ikaw,” tawag ng lalaki sa kanya na ikinagulat niya. Napaupo siya at nanginginig na hinarap ang lalaki na nakadungaw sa sungaw ng pintuang bakal. “Anong pangalan mo?”

“C-Cris,” nauutal niyang sagot. Napaismid ang lalaking hindi kagwapuhan at may nakataas na kilay na iniwan siya.     

Nakahinga ng maluwag si Cris nang makaalis ito. Naghintay muna siya ng ilang minuto bago marahan at walang tunog na tumayo at naglakad papalapit sa pinto. Laking pasasalamat niya ng hindi nito napansin ang hindi nakasarado na gate.

Pinakiramdaman muna niya ang paligid bago binuksan ang gate at pikit-matang isinarado ito. Nilingon niya ang kaliwa’t kanang daan bago nag desisyong sa kanan na lang dumaan. 

Napangiti siya nang maaninag ang liwanag mula sa labas. Dineretso niya iyon hanggang sa tagumpay niyang marating ang labas.

Maraming sasakyan ang nakaparada sa malawak na bakuran at matataas ang bakod mula sa pinakaraan ng pinagdalahan sa kanya.

“Hoy!” Mabilis na napalingon siya sa mataas na parte ng gusali ng makarinig ng malakas na sigaw. Agad hinampas ng kaba ang dibdib niya kaya mabilis siyang tumakbo at nagtago sa mga sasakyan. Nakarinig siya ng mga lalaking nag-uusap na parang hinahanap rin siya.

“Nalintikan na! Sino ba kasi ang nagpatakas sa babaeng ‘yon? Hala sige at hanapin niyo na!” malakas na sigaw nito. Nasa likuran lamang ang mga ito ng sasakyang pinagtataguan niya at namamawis na siya sa sobrang kaba na baka makita siya.

Unti-unting nabawasan ang mga boses na narinig niya. Kahit papaano ay kumalma siya pero patuloy lang siyang nakikiramdam sa paligid. Maingat siyang sumilip mula sa harapan ng kotse para tignan kung wala na ang mga tauhan at nagtago muli sa panibagong sasakyan. 

Mula sa malaking sasakyan na pinagtataguan niya ay kampante siyang tumayo at hinanap ng mata ang labas papunta sa pinakakalsada.

Habang panay ang lingon ni Cris, hindi niya namamalayan na ang salamin ng sasakyang nasa likuran niya ay unti-unting bumababa at bumungad mula sa loob ay ang lalaking kumalag ng tali sa kamay ni Cris.

“Shit, nasaan kaya ‘yon?”  mahinang ani ni Cris

“Hindi mo makikita mula rito ang labasan dahil paradahan ito. Diretsohin mo ang daan mula rito at kumanan ka. May tambak na dahon kang mapapansin doon. Tanggalin mo ‘yon at makikita mo ang tagong pintuan,” mahabang litanya ng lalaki na nagpatalon sa gulat kay Cris. Mabilis itong lumayo mula sa sasakyan.

“S-Sino ka? Huhulihin mo rin ba ako?” Halata sa boses ni Cris ang takot na nagpakunot sa noo ng lalaki.

“If I were going to catch you, sana kanina ko pa ginawa. Mula sa paglabas mo ng bodega at pagtatago mo mula sa mga lalaki ay nakita ko,” may mapaglarong ngiting sabi nito.

Binuksan ng lalaki ang pintuan ng sasakyan at agad namang naidikit ni Cris ang likod ng malakas sa sasakyang nasa likuran niya at parehas silang nagulat ng mag-ingay ‘to.

Hindi na nagdalawang isip si Cris sa gagawin at agad na tumakbo palayo dahil sa pagkataranta. Hindi na niya nilingon ang lalaki at agad na tinahak ang natandaan niyang daan na sinabi nito.

“Hoy! Bumalik ka rito!”

Hindi pa man siya nakakaliko ay may nakakita sa kanyang tauhan na humahabol sa kanya kaya imbis na dumiretso sa tagong pintuan ay lumiko siya at muling nagtago. Hind iyon naging sapat dahil ramdan niya na papalapit na ang lalaki. 

Nahagip ng mata niya ang ilalim ng sasakyan. Pikit-mata siyang napailing atsaka sumuksok sa ilalim ng sasakyan. 

Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang paa ng lalaki na dumaan sa pinagtaguan niya. Tulo ang pawis na nagdadasal siya na sana ay hindi siya nito tignan sa ilalim pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang mahulog ang lighter ng sigarilyo nito.

Tila nag-slow motion ang paligid niya ng makita na itinukod ng lalaki ang tuhod at kinuha ang lighter. Ilang segundo niyang hindi pinakawalan ang hininga at hinintay na makaalis ito.

Nang makaalis ito ay doon lang niya pinakawalan ang hininga at kahit nakahiga ay ramdam niya ang panghihina ng katawan niya. Muntikan na siyang mahuli mabuti na lang ay hindi malapit sa pwesto niya ang pangsindi ng sigarilyo.

Nakailang buntonghininga pa siya bago marahan na umalis sa ilalim ng sasakyan. Tinignan niya ang daang kung saan sana siya papunta. Medyo lumayo siya dahil sa pagtatago pero mas inigihan niya ngayon ang pagtatago para hindi na ulit mahuli pa.

Dahil naglalakihang sasakyan ang nakahilera kung saan siya nagtago ay mas mabilis niyang narating ang tagong pintuan na tinutukoy ng lalaki pero bao pa man niya tuluyang matanggal ang mga halamang nakatakip doon ay naisip niya ang lalaking ilang beses niya nakita ngayong araw.

Hindi niya alam kung isa ba ang lalaking iyon sa dumukot sa kanya o mabait lang talaga ito sa kanya.

“Imposible,” mahinang bulong niya. Nasa isip niya na ang taong gano’n ay hindi dapat pinagkakatiwalaan dahil kapag nagtiwala siya ay baka ikapahamak niya lang iyon. 

Mabilis na inalis niya ang nakatabon na mga halaman at agad na binuksan ang pintuan. Hindi iyon naka-lock kaya naman agad siyang nakalabas.

Walang lingon-lingon niyang nilisan ang lugar. Nasa kalagitnaan na siya ng pagtawid ng mahagip ng mata niya ang isang tao na  nasa taas ng tower. Nagmula iyon sa lugar na pinanggalingan niya. 

Nagtitigan ang dalawa hanggang sa maramdaman niya ang pagtama ng bala sa balikat niya.

Tinignan ni Cris ang harap niya kung saan naman paparating ang isang sasakyan ngunit hindi niya magawang umalis sa kinatatayuan niya.

Namingi ang tainga niya at parang wala siya sa sariling nagpapalipat-lipat ang tingin sa balang tumama sa balikat niya at sa sasakyang paparating. 

Muli niyang nilingon ang lalaking nakita sa tuktok pero wala na ito roon. Rumehistro ang malakas na pagbusina ng sasakyan hanggang sa maramdaman na lang niya ang pagtama nito sa katawan niya.

Bago pa man tuluyang bumigay ang katawan niya ay narinig pa niya ang malakas na pagsabog at ang isang malakas na sigaw ng lalaki.

Daniel Lee

"I know you guys knew so don't glare at me like that," natatawang ani ni Daniel. Lahat kasi sila ay masama ang tingin sa kanya matapos malaman na kumilos siya ng mag-isa.  

Tinawagan siya ni Tim at seryosong sinabi sa kanya na kailangan nilang mag-usap. From that time, he knew he's fucked up.

"Want us to beat you? You should've asked for our help!" Seryosong sagot sa kanya ni Nate. They're all in serious mode so instead of joking, he sit and set a serious face.

"Now I'm asking for your help."

Nasa basement sila ngayon at pinaghandaan na ni Daniel ang pagpunta rito. Mula sa isip niya ay ibinahagi niya sa mga kaibigan ang plano na nabuo niya.

This time, he can't do it alone. He need a help. He was writing in their whiteboard when he suddenly realized one thing.

Leo is silent. He knew what he done is wrong but he didn't do anything to his father. Hindi niya nga rin ito nakita mula ng makapasok siya sa loob at makalabas.

"Leo, what do you think?" He asked making Leo looked at him puzzled. He sighed.

"Can you suggest something? You look bothered. Is this because I entered your house?" tanong niya sa maingat na paraan. Alam niya ang mali niya and he should apologize though it's not his thing.

"Uhh no. I'm thinking about a picture I saw on his workbook. I'm sure it's a plantation and I think it is somewhere excluded." Daniel's forehead creased when he remember the picture on the pin board. 

Punit na iyon pero kapag tinignan mo ang naiwan at makikita mo ang mataas na tore. May ilaw roon at paniguradong pang-look out ang ganoong kataas na tore.

He remembered the old building that is planned to make a high end factory with advance technologies but unfortunately, the owner met an accident that leads him to death.

Is someone already bought the old factory?    

He felt the vibration of his phone on his pocket. Kinuha niya iyon at binasa ang mensahe ng isang kakilala. He gasped after reading the message.

He opened his g****e map and tracked the given address. "Shit" He cursed in a low voice.

His friends forehead creased and asked what is it.

"I know where she is," sabi niya sa mahinang boses. Tumayo si Nate at hinarap ang tatlo niyang kaibigan. Umubo ito ng mahina bago nagsalita gamit ang seryosong boses.

"Dan, go and find Cris. We'll back you up if things turns south. You know what to do," Nate said and ready the things they needed.

Mabilis ang lakad ni Daniel palabas ng mansyon at maging pagsakay niya sa sasakyan. Kinuha niya sa ilalim ng upuan ang ear piece at binuhay iyon.

"Lee go," sabi niya pagkabuhay ng ear piece.

"Navarro spot," tinig ni Nate.

"Saldivar up," matigas ang boses na sabi ni Leo.

"Alvarez on," mabilis na bigkas ni Tim sa code na ginagamit nila kapag nasa misyon o importanteng gawain.

Mabilis na pinaharurot ni Daniel ang sasakyan papunta sa address na itinuro ni Dion, ang kakilala na nagmensahe sa kanya.

Isa iyon sa mga secret agent ng organisasyon nila at doon niya nakita ang dalaga. Napariin ang hawak niya sa manibela at mas pinabilis ang takbo. 

Nag-iigting ang panga at hindi niya alam ang gagawin kapag nakita niyang sugatan ang babae. 

Malapit na siya sa pupuntahan ng makasabay ang isang truck. Hindi na ganoon kalawak ang daan kaya naman hindi siya makasabay dito.

"Shit!" mura niya sa nangyayari. Pinindot niya ang ear piece atsaka  nagsalita. "Check the perimeter, spot."

"Damn it" Narinig niyang mura ng kaibigan. Agad siyang naalarma sa sinabi nito.

"What's happening?" tanong niya dahil hindi niya na alam ang nangyayari sa harap ng sasakyan.

"Cris is in danger," sabi ni Tim. 

"Where is she?" tanong niya. Madiin pa rin ang hawak sa manibela. Napansin niyang nagewang na ang truck kaya lalo siyang kinabahan.

"She's in front of the truck. Masasagasaan siya!" sigaw ni Leo. "I'm on my way with the ambulance. Try to do something to stop the truck."

No. He can't do anything. Wala siyang magagawa dahil nasa likuran siya. 

"Fucking fuck" bulong niya sa nanggigigil na tono. 

Imbis na magpatuloy ay madali niyang itinigil ang sasakyan at sinubukang habulin ang truck para mailigtas si Cris ngunit huli na ang lahat.

Tumama sa poste ang sasakyan at nakita pa niya ang paglipad ng katawan ni Cris. Nanghina siya sa nasaksihan at muntikan pang bumigay buti na lang ay nakayanan niya.

Lumikha ng malakas na pagsabog ang truck. Bumaba ang tingin niya sa katawan ni Cris na nasa kalsada.

"Cris!" sigaw niya. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa at agad na hinagkan ang babaeng walang malay. "Wake up, Cris." 

Yinugyog niya ang katawan nito pero hindi na siya nagmulat pa. Tulad ng sinabi ni Leo ay may kasama nga itong ambulansya.

Puno ng dugo ang katawan na binuhat niya si Cris papunta sa reclining bed ng ambulansya. Hindi siya umalis sa tabi ng babae at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.

"We'll wait for you in there," ani Tim. Behind him are Nate and Leo. Titig na titig si Leo sa pinsan niyang nakahiga. Puno ng dugo at walang malay.

"Can I go too?" Inasahan na ni Daniel na itatanong ito ng kaibigan niya kaya tumango siya at umisod ng upo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status