Share

Chapter 5

When he reached the gate with thick tubes forming a gate, his brows furrowed. He roamed around his eyes to find any other way but none.  Only the gate and the pathway back to where he was. He was clueless on what to do because he can’t see any button or doorbell to call the people inside.

“Just what the hell is this place?” inis na bulong niya. Inangat niya ang tingin at saktong bumungad sa kanya ang isang kahon na puro pull down ang nakasulat. Katulad ng ginawa ni Leo ay hinigit niya rin ito pababa.

Hindi niya inalis ang tingin sa gate para sana makita kung sino at saan ito manggagaling ngunit laking gulat niya ng makita ang isang standee na babae at may butas ito sa noo at may tali sa leeg na halos sumira sa leeg na gawa sa papel.

Nahulog iyon mula sa itaas at nakalambitin ito gamit ang tali na nasa leeg. Kinilabutan siya sa unang naisip pero hindi na niya iyon binigyang pansin pa.

Pinanatili niya ang tindig at iniwas ng tingin sa nasa harapan at muling hinigit pababa ang kahon.

Hindi katulad ng nangyari kay Leo, ang gate na nasa harapan ni Daniel ay bumukas pataas kasabay nito ang pagbukas ng pintuan ng pader na kahit sino ay hindi mahahalata kung hindi oobserbahan ng mabuti.

Wala sa plano niya ang mag-abot lang ng pagkain sa gwardya kaya imbis na tumawag ng tao para kuhanin ang dala niya ay ibinaba niya iyon sa huling baitang ng hagdan at pumasok na sa loob. Mabilis na inilibot niya ang tingin para humagilap ng tao pero wala. Wala ni isang tao ang naabutan niya.

Puti at malamig na silid lamang at kagamitan ng laboratoryo ang laman noon. He cursed and kicked the things near him making a loud sound.

Inisa-isa niya ang bawat kwarto ng silid hanggang mapunta siya sa huling kwarto. Hindi katulad ng mga nauna ay mas magulo iyon. Maraming litrato ang nakadikit sa board at lahat iyon ay may naiwang piraso mula sa pagkakapunit.

Itinuloy niya ang pagtingin sa lahat ng nakalagay sa board at sa dulo no’n ay may papel na may sulat. Hindi maganda ang sulat no’n na tila ba ay nagmamadali. Tumalim ang mata niya at kumuyom ang kamay sa nabasa.

‘You shouldn’t dare steal her away from us, idiot.’

Marahas niya iyong kinuha at nilumukos. Itinapon niya iyon kung saan at inis na umalis ng basement. Bago pa man siya makaalis sa loob ng bahay ng kaibigan ay nakita siya ng kasambahay na may nagtatakang tingin.

“May nangyari ba?”

Cris Alvaro

“Saan ba natin dadalhin ‘to? Pwede naman natin siyang itago sa isa sa mga kwarto roon kaya bakit itinakas pa natin ‘to?” Nagising si Cris sa naiinis na boses ng lalaking nagdala sa kanya ngayon sa sasakyan. Wala siyang alam kung saan siya balak dalhin ng mga ito. Nakabalot ng tela ang ulo niya at nakatali ang kamay at paa niya ng mahigpit. 

Hindi na siya komportable sa pwesto niya pero ayaw niya rin magreklamo dahil ramdam niya ang patalim na nakatapat sa bewang niya. Nakataas ang dalawang paa niya sa upuan kaya hindi rin niya maigalaw ang katawan.

“Hoy, ibaba mo nga ‘yang kutsilyo na ‘yan. Sabi ni boss bawal masugatan ‘yan.” Pero imbis na ilayo sa kanya ang patalim ay nanatili iyon doon. 

“Baka mamaya may gawing kalokohan ang isang ‘to. Mas mabuti ng handa ako,” sabi nito sa kasama atsaka sila nanahimik.

Cris can’t think of any other reason why they’re in such a hurry. She was locked in there for almost five years and couldn’t think of any other reason why they did that.

That guy… who took her never showed his face but she can recognize his voice and she’s sure that that guy is living with her. 

She has no family left aside from her uncle who she never met even though her parents are alive. Her mother keeps on saying that she has no uncle but she knows that she has. Despite not being allowed to see if she has another cousin or family relatives, she insisted that she have.

She was surprised that one of the guy untie her and when she thought they’re setting her free but she was wrong. Bago pa man siya buhatin ng maskuladong lalaki ay itinali nito ang kamay at paa niya at nilagyan ng tela ang mukha.

She couldn’t see because the cloth was thick but she managed to breathe. Little did the kidnappers know that she kept a doctor's knife in her bra. She just wrapped it with a cloth to prevent it from scratching her skin. 

Hindi nakatali patalikod ang kanyang kamay kaya naman palihim niyang makukuha ang patalim sa kanyang damit. Dahil hindi naman siya napapansind dahil sa pagkakabaluktot ng katawan niya, maingat na ikiniskis niya ang patalim sa kamay niya.

Nagtagumpay siyang maputol ang tali pero hindi niya tinanggal iyon ng tuluyan para hindi mahalata ng mga kasama. Maingat niyang ipinulupot ang tela at muling ibinalik kung saan niya iyon kinuha. Dahil naigagalaw na nya ng maayos ang mga kamay ay ibinaba niya iyon papunta sa kanyang paanan. Alam niya ang klase ng pagkakatali roon kaya hindi na niya ginamitan pa ng patalim.

She was waiting for the right time to escape. Matagal na silang nasa sasakyan at ramdam pa rin niya ang paggalaw nito.

Ilang oras pa ang lumipas atsaka niya naramdaman ang pagtigil nito. Hindi nahalata ng mga kasama niya ang pagkakatanggal ng tali nito sa paa at hindi man lang nagtaka at nakakasabay siya sa paglalakad kaya naman napangiti niya sa loob ng telang nakabalot sa ulo niya.

Nang tuluyan ng tanggalin ang nasa ulo niya at maaninag niya ang paligid ay napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung saang lugar ang pinagdalahan sa kaniya. Hindi niya alam kung paano siya ngayon makakatakas. 

Hindi na niya pinansin ang nakakapanibagong lugar at agad na iniikot ang paningin habang kinakaladkad siya ng mga lalaki papasok sa malaking bodega. 

Saan ba kami pumasok? Nasa pilipinas pa naman kami ‘di ba?

“Gideon,” narinig niyang tawag ng lalaking nakahawak sa braso niya ngayon. Nilingon niya ang lalaki at nakasalubong ng mata niya ang matangkad at may seryosong awra na gwapong lalaki.

Isiningkit niya ang mata at pinagkatitigan ang lalaki. Pakiramdam niya ay nakita na niya ang itsura nito rati ngunit hindi niya lang matandaan. Mula sa likod noong tinatawag nila na Gideon ay lumapit sa kanya ang isang lalaki at akmang kinuha ang kamay niya na nakatali.

Agad siyang napaatras at natigilan dahil muntik na niyang ibigay ang kamay niya. Hindi na iyon nakatali kaya naman agad na nilang matatanggal. Hindi natinag ang lalaking nasa harapan niya at kinuha ang kamay nito. 

Nakita niyang natigilan din ito. Malamang ay napansin nito na hindi gano’n kahigpit ang pagkakatali ng mga kamay niya. Pero nagulat siya ng putulin pa rin ito ng lalaki at umalis sa harap niya na parang walang nakitang mali. 

Ipinasok siya sa loob ng isang kwarto na bakal ang pintuan. Hindi niya nagawang umangal dahil sa mukha ng lalaking nagngangalang Gideon. Nanlaki ang mata niya ng may maalala kaya agad siyang pumunta sa harap ng pintuan at nagtawag ng bantay.

“Kuya!” sigaw niya mula sa siwang ng pintuan. Ilang beses pa siyang sumigaw bago may humarap sa kanyang lalaki na may naiiritang mukha. 

“Pwede ba tumahimik ka?” sabi nito sa naiinis na boses pero hindi niya pinansin iyon.

“Patawag nga yung tinawag niyo na Gideon. May itatanong lang po ako.” Hindi nawala sa mukha nito ang pagkainis.

“Anong kailangan mo sa kanya?” 

“May itatanong lang ako,” sabi niya.

Narinig niyang bumulong ito ng kung ano atsaka umalis sa harapan niya. Hindi siya umalis sa harap ng gate hangga’t hindi narating ang lalaking hinahanap niya. Ilang minuto lang ang lumipas ng makarinig siya ng mga yabag at tuluyan na niyang nakita ulit ang lalaki.

“Bakit mo ako hinahanap?” malagom ang boses na tanong nito sa kanya.

Binigyan niya ito na nakakabagot na tingin atsaka huminga ng malalim. Sinilip ng mata niya ang mukha nito. “Pwede mo bang itaas ‘yang kamay mo?” 

Ginawa nito ang iniutos niya at doon niya nakita na tama nga ang nasa isip niya. Ang lalaking iyon ay ang kakilala niya noong nasa elementarya siya. Matalas ang memorya niya kaya kahit malaki ang pinagbago niya ay sigurado siyang siya iyon.

“Kailan mo pa nabili ‘yan? At bakit ka kasama nila?” tanong niya sa nang-aakusang boses. Hindi niya alam na ang dating kaibigan ay dito pa niya makikita at sa ganitong sitwasyon pa.

“Wala akong alam sa sinasabi mo.” Napaismid siya sa sinagot nito.

“Matagal na kitang kilala at alam kong maskara ‘yang suot mo. Una pa lang na makita kita rito ay alam kong ayan ang maskarang gusto mong makuha. Ang boses mo ay lumagom pero alam ko may pilat ka malapit sa adams apple mo. Malayo rin ang kulay ng kamay mo sa mukha mo kaya imposibleng ayan talaga ang totoo mong mukha,” mahabang paliwanag niya.

Nawalan ng imik ang kaharap at hindi na ito makatingin sa kanya. Nakita niyang napalunok ito at kahit hindi na niya sabihin, alam rin niyang mahigpit na rin ang pagkakakuyom ng kamay nito. Bumuntonghininga ang lalaki at napayuko.

Kumunot ang noo niya nang marinig na may kumalansing mula sa tinitignan nito.

“'Wag ka ng makialam,” mariin na sabi nito bago siya iniwanan. 

Napangisi siya atsaka inilabas ang hair pin na nakalagay sa shorts niya. Nang makidnap siya ay maling parte ng damit niya ang nahawakan ng mga ito kaya naman lumuwag ‘yon. Kinailangan pa niyang lagyang ng pin para hindi mahulog ang suot niyang pang-ibaba . 

Umupo siya katapat ng pintuan, ipinaghiwalay ang parte ng hair pin atsaka niya inilusot iyon sa butas ng pintuan. May kung anong kinalikot siya roon hanggang sa narinig niya ang pagclick nito katunayan na nabuksan na niya ang lock ng pintuan.

Inayos niya ang sarili at tahimik na nilakad ang pasilyo papalabas. Ang mga ngiti kaninang meron siya dahil sa pagkakabukas ng pinto ay nawala dahil sa mga naisip.

Lalaki. Hawak. Gamit. Masakit…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status