Share

Chapter 76

Habang naglalakad si Cris papunta sa bahay ni Nanay Belen ay hindi na nawala sa utak niya ang sinabi ng kaibigan.

“Cris, may nangyari na sa inyo. If ever na may mabuo nga, kayong dalawa ang dapat nag-uusap at hindi sinosolo lang. Magiging magulang na kayo kaya dapat inaalagaan niyo na ang isa’t isa para sa bubuuin niyong pamilya. Kung wala naman mabubuo, okay lang sana. But he took your first and he should be responsible for it. Right?”

Alam naman niya na mali ang tumakas. Ginusto niya ang nangyari pero hindi siya sigurado kung ganoon rin kay Daniel. Ni wala pa siyang naririnig na balita mula sa binata. Mapait siyang napangiti ng mapagtanto na baka nga wala itong naalala sa nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Sa panahon ngayon, iilang tao na lang ang nakaka-appreciate sa mga babaeng nagbibiga ng unang beses nila at hindi niya alam kung isa na ba roon si Daniel.

Malapit na siya sa bahay ni Miko nang maaninag niya ang mamahali

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status