Share

Chapter 2

Chapter 2

"Son, how's your company? Need any help?" He shakes head and continue eating. Ilang beses na siyang inaalok ng ina niya ng tulong pero tinatanggihan niya iyon. Hindi ang kompanya niya ang kailangan ng tulong.

"Don't worry, Mom. Ako ang lalapit sa inyo 'pag kailangan ko na. My company is in good state. Leo handled it well." Leo Saldivar is one of his biggest investor. Isa rin ito sa mga naging kaibigan niya kaya ipinagkakatiwala niya ang kompanya dito.

"Don't trust him too much, Niel." Bumuntonghininga siya. Ganyan lagi ang sinasabi ng ama niya kapag nababanggit nito ang kompanya. Hindi niya alam bakit iyon lagi ang komento nito pero alam naman niya kung sino at ang hindi dapat pagkatiwalaan and obviously, he trusts his friends.

"By the way, Tim asked me a random question." Natigilan siya sa sinabi ng ama. Pinuntahan siya ni Tim? When? "He asked me if you asked for my help. Is there any problem?" Napaisip siya at napailing. Tim is really quick to know that something is wrong.

"Don't mind him, Dad. You know him. He fishes information and asked so many questions to get what he wanted." Paniguradong marami na iyong napagtanungan kaya hindi na siya magtataka kung may masasabi na naman ito 'pag nagkita sila.

"Una na ako Mom, Dad." Humalik siya sa pisngi ng ina at tinapik naman ang likod ng ama.

"Take care nak," bilin ng ina niya.

Pagdating sa pintuan ng bahay nila ay tinawagan niya si Leo. "Hey bud, nasaan ka?"

"Grabe, wala bang goodmorning muna dyan?" Tumawa ito. "Anyways, nasa tapat na ako ng kompanya. Kita na lang tayo sa office mo,"

Narinig pa niya ang pagtunog ng kotse nito hudyat na nakaparada na ang sasakyan nito. "Alright. See you there,"

Sa kanilang apat, bukod sa madalas bumisita si Nate ay mas madalas niyang nakakasama Leo dahil ito ang kanang kamay sa loob ng kompanya. 

Nang makarating sa sariling kompanya. Taas ang noo, malamig ang tingin at nasa loob ng bulsa ang kamay na naglakad siya hall way. Nakita niya ang mga empleyadong nagkukumahog bumalik sa dati nilang pwesto at sa kanilang mga ginagawa. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay may dalawang babae na nakatalikod sa gawi niya at nagkukwentuhan.

"Sana good mood si sir ngayon, no? Nakakatakot baka tayo na ang susunod." Tumigil siya at pinakinggan ang dalawa.

"Oo nga eh. Iyak nang iyak si Mary kahapon kasi natanggal siya. 'Di na naawa si sir sa kanya." May pahawak pa sa dibdib ang dalaga at hindi pa rin siya napapansin sa likuran nilang dalawa. 

"May sa demonyo ata boss natin." Doon napantig ang tenga niya sa narinig. Kumuyom ang kamay niya na nasa bulsa. Ikinalma niya ang sarili at tumikhim.   

"Go and get your things. Leave the building immediately. I don't like employees who talks behind my back." Gulat na gulat ang itsura ng dalawang babae. "Go," Mabilis na nawala sa harap niya ang dalawa at nilingon niya ang lalaking sekretarya na nasa likod lang niya.

"Make sure no one's gonna hire them. If they do, let me know." He smirked and continued to walk. On his way to his office located on the fourth floor of the building, Leo approached him.

"Aga-aga mukha ka na namang dragon na mambubuga ng apoy. May tinanggal ka na naman 'no?" Hindi niya ito sinagot at patuloy lang na naglakad. Katulad ng dati, kay Jayson, sa sekretarya niya ito nakipag usap.

"He fired two women working on the front desk. Why? They call Sir Lee a demon. Result? They're fired and I make sure no one's gonna hire them." Napa 'ohh' si Leo sa narinig at napangisi.

"Then, goodluck to them," 

Nang makarating ang dalawa sa opisina ay agad niyang kinuha sa volt ang kopya ng papeles na hiniram niya kay Nate. 

"Did Tim ask you something?" Nilingon niya ito at naabutang nahigop sa kape. Nang matapos ay umiling siya at kumunot ang noo. 

"Why?" Ibinalik niya ang tingin sa mga papel.

"He came to my dad and asked him questions I don't know," 

"Lalapit naman 'yon sayo for confirmation. You know Tim, f-cker." Tinignan niya sa mata ang kaibigan.

"Are you okay the other day? I mean, you always call me f-cker but that day you called me Dan." Biglang natahimik si Leo at naibaba ang tingin. Ang mata nito ay hindi mapakali.

"House problems. My father being part of politics was never a good choice for me." Daniel knows something's off but he doesn't want to offend and interfere with his privacy. Hihingi rin naman ito ng tulong sa kanila 'pag kailangan na.

Leo don't know how to react and do after what his friend said. Gusto niyang mangiti dahil halos kabisado na siya nito pero nalulungkot din siya dahil hindi niya masabi ang problema niya. 

Hanggang ngayon ay dumadalaw pa rin sa isip niya ang nakita at narinig sa basement at ang sinabi ng ama niya. Hindi niya napapansin na kanina pa siya tinatawag ni Daniel.

"Leo!" napaigtad si Leo sa sigaw ng kaibigan. "You're spacing out, bud. Maaga pa naman, you want to rest?" Alok nito sa kanya na agad niyang tinanggihan. 

"No. Mauna na ako. Aasikasuhin ko lang yung ibang papeles." Tinapik lang siya sa balikat ni Daniel at agad na siyang umalis.

Sakto namang tumawag si Tim kay Leo. "Yow b-tch Alvarez. Wala akong tsismis na mabibigay sa 'yo. May iba pa ba?" Narinig niya ang malakas na tawa ng kaibigan sa kabilang linya. Making him forget what Daniel and him talk about earlier.

"G-go. We'll have our meeting at Zone17 club, 10 pm sharp." Tumango lang siya na parang nakikita siya nito at dumiretso na sa sariling opisina.

Daniel is busy cleaning and organizing his messy table when someone knocks on the door. "Who's that?" 

"Code near," sabi nito. 

"Come in." Sekretarya lang nito ang may gano'n na code pagpapasok dahil bukod sa mga kaibigan at sekretarya niya ay wala pa siyang ibang pinapapasok doon.

"Sir, may parcel na dumating and it was addressed to you." Kumunot ang noo niya. He never ordered anything online that's why he's confused. 

"Okay. Thank you." Umalis na ito ng opisina at agad naman siyang pumunta sa sofa malapit sa table niya. Kumuha siya ng cutter para buksan ang parcel. Pahaba ito at manipis lang pero balot ito ng bubble wrapper kaya naman maingat siya sa pagbukas.

Nang matapos ay lalo pang kumunot ang noo niya. Ang lalagyanan nito ay katulad ng nakita niya na hawak ni Nate. It is an envelope with an unknown case written on the front. Sa pag-aakalang impormasyon ulit 'yon kay Cris ay dali-dali niyang tinignan ang laman pero natigilan siya ng makita na isang bondpaper ang laman nito. 

Binasa niya ang nakasulat. "Hindi lahat ng nasa paligid mo ay nagsasabi ng totoo sa 'yo. Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa 'yo. May mga bagay rin na magandang gawin mo mag-isa kesa humingi ng tulong sa iba. Don't be confused."

Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang kinabahan sa nabasa. Ayaw niyang isipin na may traydor sa mga kaibigan niya kaya nilumukos niya ang papel at itinapon sa b****a.

Ilang sandali lang ay may tumawag sa kanya. Si Tim Alvarez. "Why?"

"Zone17, 10 pm sharp." Tumango lang siya na parang nakikita siya nito at ibinaba na rin ang tawag. Mukhang may kailangan silang pag-usapan tungkol sa organisasyon na kinabibilangan nilang magkakaibigan.        

Nate Navarro

Busy sa pag aaral ng panibagong kaso si Nate ng may kumatok sa pintuan ng opisina niya. Inis niyang binitawan ang papel at sinabihang pumasok ang nasa labas.

"Sir, nasa labas po si Ms. Alvaro. She wants you to be her lawyer." Walang reaksyong sinabi sa kanya ng sekretarya. Siya naman ay parang nanigas sa sariling upuan dahil sa apelyidong nabanggit nito.

"Pardon me?" naninigurado niyang tanong sa sekretarya.

"Ms. Alvaro wants to file a rape case." Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman at hindi agad siya makapagsalita kaya naman tinanguan niya ito, senyales na hayaang makapasok ang babae.

Ang inaasahan niyang papasok ay isang payat, matangkad, may mahabang buhok at maputing babae ang makikita niya pero nagkamali siya. Maliit na bata, maikli ang buhok pero maputi ito. Kahawig ng babaeng hinahanap nila.

May matapang na mata ito at kitang-kita na hindi ito natatakot sa kanya. Paano naging rape victim ang batang ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status