Share

Chapter 7

 

"You sure you didn't see her before?" Naniniguradong tanong ni Daniel habang pare-parehas silang nakatingin kay Cris na natutulog.

 

May benda ito sa balikat at ilang parte pa ng katawan dahil sa pagkakatama sa truck. Mabuti na lang at mabilis nilang nadala ang dalaga sa hospital kundi ay baka naubusan na ito ng dugo.

 

"I've never seen her complete face before. I just saw her side profile picture," sabi nito na titig na titig din sa pinsan niyang naka-confine.

 

"Sino ang nag-handle ng factory?" tanong ni Nate. Napagpasyahan ng binata na siya ang tatayong abogado para sa dalaga kapag nagising na ito.

 

"May secret agent na ipinadala roon ang organisasyon. Ibibigay raw sa atin ang impormasyon once na nakumpleto na nila," paliwanag naman ni Tim na nakakrus ang dalawang kamay sa dibdib.

 

"Before you rescued Cris, you received a message, right? Laman ba no'n ang address niya?" tanong ni Leo. Daniel only nodded and looked at him.

 

"Why?"

 

"Then you should know who's the secret agent?" Napatango ang dalawa pa nilang kasama sa loob ng kwarto at naghihintay ng sagot niya.

 

"Yes but I'm not sure if he's the one. Sabi niya ay dalawa sila kaya hindi ko alam kung sino sa kanila. By the way, they are Dion and Gideon. Dion is the one who texted me," paliwanag niya.

 

Muling napatango ang dalawa at namayani na ang katahimikan. Tanging ang makina lang na nag-momonitor sa lagay ni Cris ang natunog.

 

"Mauuna na ako. I need to arrange Cris case and talk to higher ups about this," sabi ni Nate at umalis na.

 

"Me too. Cris hospital bills," paalam nito at sumunod na kay Nate palabas ng kwarto.

 

"Ikaw? May gagawin ka rin?" tanong ni Daniel kay Leo. Natawa ng mahina si Leo atsaka umiling.

 

"Nope. I'll stay here with my cousin. Ayaw ko pa humarap sa ama ko," sabi nito. Bumaba ang tingin ni Daniel sa mga kamay nitong kumuyom. Napailing siya.

 

"Ask your Dad why he did this. He might have a valid reason." Napataas ng tingin si Leo kay Daniel.

 

"Kahit gaano pa ka-valid ang rason niya ay hindi tama na itago at gano'n ang gawin sa kanya ng ama ko. Kadugo niya ang itinago niya ng limang taon at hindi isang kriminal," mahabang litanya nito. May punto si Leo pero hindi niya maisip kung ano ba talaga ang pwedeng maging dahilan no'n.

 

"Do you think he's the mastermind?" biglang tanong ni Daniel kay Leo dahilan para mapipilan ito.

 

Iyon din ang bumabagabag kay Leo ngunit hindi niya lang masabi. Ayaw niyang hugasan ang maruming kamay ng ama niya para lang hindi masisi sa ginawa.

 

"I don't know. If he's the mastermind, he should be hiding now but no, he just called me awhile ago telling me that I need to sign some papers." Napatango si Daniel sa sagot ng kaibigan.

 

Then who? Sa bahay nila ito ikinulong kaya may paninindigan ang ama ni Leo sa nangyari. May iba pa bang may kasalanan dito?

 

"Is it okay if I talked to him?" tanong niya. This time, ang ama niya talaga ang kakausapin niya. Gusto niyang tanungin ito bakit niya ginawa ang bagay na 'yon.

 

Tumango si Leo. "Yeah, alam ni Dad na pinasok mo ang bahay namin. I don't know if you still can talk to him after what you did," sabi nito na ikinatigil ni Daniel.

 

Napaismid si Daniel. "I know I still can," sabi niya na ikinangunot ng noo ni Leo.

 

"What do you mean?"

 

"Kahit hindi ang ama mo ang pasimuno nito, kasali pa rin siya. He hostage your cousin and imprisoned her for five years. That's cruel," muli silang napatingin kay Cris.

 

She's sleeping peacefully. She's now saved but the effect of her experience isn't joke. She must be traumatized after what happened.

 

Tinitigan niya ang mukha ng babae. She changed a lot. Mas nagmukha siyang dalaga ngunit marami ring kapansin-pansin sa katawan niya.

 

Maputla ang maputi niyang balat maging ang kanyang labi. Parang dalawang lang sa isang araw kung uminom ng tubig. Ang buhok ay mahaba pero magulo. Mahahaba ang kuko at madungis ang mukha nito.

 

"Dan, you're shaking." Napatigil si Daniel sa pagkuyom ng kamao at bahagyang ikinalma ang sarili. Galit siya. Galit na galit at gusto na niyang puntahan ngayon ang gumawa nito sa dalaga. Hindi niya alam ang lagay nito sa loob ng limang taon pero hindi na niya gugustuhing malaman pa iyon.

 

"You look like you're gonna stab someone."

 

"And I will kapag nalaman ko ang may pakana nito." Napailing si Leo at tumayo na.

 

"Bibili lang ako ng makakain." Tinapik nito ang balikat niya bago lumabas ng kwarto.

 

Lumapit siya sa kama ni Cris at naupo sa tabi nito. Ipinatong niya ang kamay nito sa kamay nito at malungkot na ngumiti.

 

"Kung hindi siguro kita ni-reject ng araw na 'yon, mangyayari kaya ito sa 'yo?" Inalala niya ang araw kung kailan pinuntahan siya ng dalaga sa isa sa mga bench ng school nila.

 

Nakatirintas ang buhok nito, may salamin at hawak ang makakapal na libro na tinawag ako. Nakangiti ito pa ito at mula sa kaliwang kamay ay may hawak na isang sobre.

 

Inabot niya iyon kay Daniel pero tinignan niya lang iyon. Hindi nito tinanggal sa harap niya ang sobre hanggat hindi niya kinukuha kaya kinuha na niya iyon at binasa ang laman na nakakunot ang noo.

 

"No" sagot niya gamit ang matigas na boses.

 

"No?" patanong na sabi niya kay Daniel. Itinaas niya ang papel at inulit ulit ang sinabi.

 

Ngumiti itong muli sa kanya pero alam niyang dismaya at malungkot ang totoo nitong nararamdaman.

 

"Okay lang. Akin na 'yan." Kukunin sana ulit iyon ni Cris ngunit hindi niya ibinalik.

 

"No. You already gave it to me," sabi nito at itinago na sa loob ng bag. Nagkatinginan silang dalawa.

 

"But you rejected me." Nawala na ang ngiti nito at yinuko na lang ang ulo. Ang kaliawang kamay nito ay hindi mapakali. 

 

"Doesn't matter. Now, go." Iyon ang huli nilang pag-uusap bago siya nito tinalikuran at wala siyang ideya na iyon na rin pala ang magiging huli nilang pagkikita.

 

Titig na titig si Daniel sa kamay ng dalaga nang biglang gumalaw ang hintuturo nito. Nanlalaki ang mata na tinignan niya ang mukha nito pero nakapikit pa rin ang mata.

 

Baka guni-guni ko lang.

 

Ngunit naulit ulit ang paggalaw ng daliri nito hanggang sa mapatayo siya ng biglaan nang bigla itong bumangon at magwala.

 

"Ikaw! Ikaw! Lumayo ka! Mga demonyo kayo! Lumayo kayo sa 'kin! Ayaw ko na..." Agad niyang pinigilan ang dalaga pero dahil may pwersa ang paggalaw ng dalaga ay natanggal ang ilang nakakabit sa katawan niya at nagdugo iyon.

 

Gano'n din ang panghihina niya ng mawalan ulit ito ng malay at tumulo ang luha kahit na nakapikit.

 

Mabilis siyang lumabas ng kwarto at nagtawag ng nurse para maayos ang itsura at lagay nito. Mabilis silang naglakad pagbalik at nilapatan agad ng lunas ang mga sugat nito na nagdugo.

 

Nang matapos ang mga nurse ay agad siyang naupo sa tabi ng dalaga at iniyuko ang ulo.

 

"God, what happened to you? Fuck," bulong niya sa nanghihinang boses. May ideya na siya sa pwedeng nangyari sa dalaga pero hindi niya mapigilang manggigil tuwing maiisip niya iyon.

 

Gusto na niyang balikan ang may gawa nito pero hindi pa niya magawa dahil baka siya naman ang mapahamak kapag kumilos siya ng walang pahintulot ng organisasyon.

 

Sa pangalawang pagkakataon ay muli na namang gumalaw ang daliri nito at hindi gaya noong una ay kalmadong nagmulat ng mata ang dalaga.

 

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Daniel pero agad din 'yon nawala nang makita na nanlaki ang mata nito at mabilis na lumayo sa kanya.

 

"No! No! Lumayo ka! Lumayo ka sa akin! Get the fuck out of here!" Malakas na sigaw nito atsaka pumalahaw ng iyak at paulit-ulit na binibigkas na lumayo siya.

 

Pumasok ang mga nurse at agad na pinakalma ang dalaga. Matapos nilang bigyan ito ng pampakalma ay muli na naman itong nakatulog.

 

Paglabas ng mga nurse at doktor ay siya namang pasok ni Leo na may nag-aalalang mukha. "Anong nangyari? Bakit may mga doktor at nurse? Anong ginawa nila kay Cris?"

 

"Nagising na siya pero nagwawala. They need to sedate her to calm. She's just sleeping." Malakas na napabuntong hininga si Leo.

 

"Kinabahan ako. I thought something bad happened," sabi nito at inilapag ang mga pagkain na binili sa labas. "Kain muna tayo." Tinignan muli ng isang beses ni Daniel si Cris bago sinaluhan si Leo sa pagkain.

 

"What are your plans after this?" tanong ni Daniel sa kalagitnan ng pagkain nila.

 

"Why me?"

 

"You're the cousin," iyon lang ang sinabi ni Daniel at agad niya itong naintindihan. "Yeah but I can't bring her home. Can you let her live in your house? Or condo?" tanong nito na ikinanuot ng noo ni Daniel.

 

"Condo?"

 

"Yeah... No! No! Delikado sa 'yo ang pinsan ko. Sa bahay niyo na lang." Napaismid si Daniel sa sinabi ng kaibigan.

 

"Dangerous huh? As if I'm gonna take advantage on her," sabi nito at nilingon ang natutulog na dalaga.

 

"Maybe. My cousin is beautiful and decent woman. Kahit sino magkakagusto sa kanya," nakangiting banggit ni Leo.

 

"Well, I'm not one of them." Actually, I'm one of them.

 

"Just take care of her until she gets better but I think matatagalan pa 'yon." Tumayo si Daniel at lumapit sa higaan ng dalaga.

 

"From what I saw earlier, she's deeply traumatized and I think she was violated," mabilis na binigkas iyon ni Daniel dahil kahit siya mismo ay ayaw banggitin iton ngunit kailangan.

 

Nakarinig ng lagabog si Daniel mula aa pinaggalingan niya kaya naman nilingon niya iyon at galit na mukha at nakakuyom na kamay ni Leo ang nakita niya.

 

"I'm gonna make them pay," sabi nito. Maya-maya lang ay tumayo ito at dumiretso sa tapat ng bintana. Baba-taas ang balikat nito senyales na bumuntonghininga ng malalim, kinakalma ang sarili.

 

"Not just you," komento ni Daniel. Mula sa isip niya ay binubuo na niya ang gagawing hakbang para mapalabas ang may pakana nito. I'm not going to let this pass.

 

Bahagyang gumalaw ang ulo ni Cris dahilan para matigilan ang dalawa sa pag-uusap. Dumaing ito ng mahina na para bang nananaginip at biglang napatayo.

 

"Cris! Don't move, yung mga sugat mo," nag-aalalang sabi ni Daniel. Hindi nagwala si Cris pero nagawa nitong umakyat sa mataas na parte ng kama at inilayo ang sarili sa dalawa.

 

Yinakap nito ang dalawang binti at isinubsob ang mukha sa pagitan at doon umiyak nang umiyak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status