Share

GENUINE LOVE IN DECIET
GENUINE LOVE IN DECIET
Author: Heel Kisser

Chapter 1: UNEXPECTED BETRAYAL

"Ibibigay mo sa amin ang yaman mo, o pâpâtâyîn ko itong boyfriend mo?"

Kasalukuyang nakagapos si Clary sa isang wrought iron chair ngunit may sapat na bigat upang hindi siya matumba sa oras na magpumiglas siya. Sa harapan niya mayroong lamesa, kung saan nakapatong ang kasulatan na pinagawa ng mga ito upang makuha sa kaniya ang kompanyang iniwan sa kaniya ng kaniyang ama.

Nasa loob sila ng silid na bakal ang sahig, green na makakapal na parang yero tingnan ang buong paligid. Ang lugar na iyon ay kasalukuyang gumagalaw na para bang nasa loob lang sila ng isang barko at hindi rin niya mawari kung saang parte ng dagat ito.

Sa harapan niya, nakaluhod ang boyfriend niyang si Tristan, luhaan ang mga mata nito sa takot. Nakatali rin ang mga kamay nito sa likuran at namamaga ang kaliwang bahagi ng pisngi nito na halos sinakop na ang buong kaliwang mata.

Punit rin ang kilay nito at kasalukuyang nagdudurugo. Si Jasper, kinikilalang kuya niya, ay kasalukuyang may hawak na kutsilyo. Hawak nito ang baba ni Tristan na pinapatingala at ang talim ng kutsilyo ay nasa leeg nito. Kung hindi siya susunod sa gusto ng mga ito, sa harapan niya mismo mawawalan ng buhay si Tristan.

Wala siyang kawala ngayon, dahil nakagapos siya. Bukod doon may mga tauhan si Jasper na nanonood rin sa kanila halimbawa pumalag siya. Nasa likuran rin ni Jasper nakaupo si Ruby sa kaparehong upuan na inuupuan niya at nasa harapan din nito ang lamesa na may nakapatong na ibat-ibang klaseng pampaganda. Biological sister ito ni Jasper at kasalukuyan itong naglalagay ng kulorete sa kuko at iniihip-ihipan pa.

Sa mata ng lahat, magkakapatid sila. Pero ang totoo niyan, bago makilala ng kaniyang ama ang ina ang dalawang Kinikilalang kapatid ay nag-exist na sa mundo ang mga ito. Sa madaling salita, hindi ito mga anak ng ama niya, siya lang ang may karapatan sa Alliarez at ang dalawang ito ay kahit isang kusing ay walang dahilan para magkaroon ng parte.

Iyon ang rason kung bakit siya dinukot ng mga ito at ginagamit ang kasintahan niyang ito na may higit isang taon na ring parte ng buhay niya para mapasunod siya.

Sobrang mahal niya ang lalaki, at talagang takot na takot siya sa maaring gawin ng Kuya Jasper niya rito.

"Hindi ko akalain, na sa kabila ng pagiging tunay na kapatid mo sa akin kahit hindi kita kadugo, magagawa mo ito," matigas niyang sabi sa kuya-kuyahan niya. Kasunod roon ang pagdaloy ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.

Si Jasper ang kinikilala niyang the best motivator ng buhay niya. Lalo na noong biglang nawala ang kaniyang ama dahil sa aksidente, si Jasper ang nag-papaalala sa kaniya na huwag mawalan ng pag-asa.

Nagawa rin siya nitong alagaan. Ipinagtimpla ng gatas tuwing gabi para makatulog. Ipinagluto ng paborito niyang pagkain, tinuruan din siyang lumaban. Pero ang lahat ng pinakitang kabaitan nito noon tila biglang naglaho. Kung totoo ang dark magic baka maisip pa niyang sinapian ito ng démónyo ngayon.

Umismid ito. "Sabihin na lang natin na maliban sa tángá ka na, uto-uto kapa. Ganon talaga, Clary. Kung may gusto kang makuha sa isang tao kailangan mong magpanggap na kakampi niya para makamit mo ito. Interesado ako sa yaman mo kaya nagawa ko iyon."

Rumagasa ang mga luha niya. Nanggagaliiti siya sa galit habang umiiyak. "Libre lang din magalit, sis. But I suggest na magalit ka sa sarili mo dahil tángá ka. Kung hindi dahil sa kátángáhán na iyan, hindi ka nasasaktan ngayon."

"At kung inaasahan mong maging kuya mo talaga siya..." sumingit si Ruby, si Jasper ang tinutukoy. Tila ingat na ingat pa ito sa ginagawang pagpapaganda ng kuko. "Nagkakamali ka, panaginip mo lang iyan, kaya panahon na para magising ka sa katotohanan na ako lang talaga ang kapatid niya."

Napakaamo ng mukha nito tingnan, napaka-inosente, mahaba ang buhok nito, hanggang baywang at talagang bagsak na bagsak. Kung tutuusin wala silang pinagkaiba sa style ng buhok, sadyang may bangs lang siya habang ito naman ay wala. Sinong mag-aakala na aasta itong ganito ngayon sa harapan niya? Samantalang dati, kitang-kita niya ang saya sa mukha nito kapag kasama siya.

Mahilig silang pareho sa damit, madalas pa silang terno, minsan magkatabi silang matulog, nagyayakapan pa, pero bakit ngayon may ganito na?

Bukod doon, hindi simple ang porma nito ngayon, katulad niya. Sleeveless na pula ang damit nito, putok na putok ang cleavage at pulang square pants na katerno ng damit nito. May tali lang sa harapan pero sa ibaba ng pusod at ang damit nito hanggang sa itaas ng pusod lang. Hindi ito ang pormahan na gusto nila noon, pareho sila ng hilig pero ngayon iba na at patunay lang iyon na ang lahat ng pinapakita ni Ruby sa kaniya ay peke lang. Heto talaga ang totoong Ruby Alliarez na nasa harapan niya.

Mas lalong lumakas ang hagulhol niya at inusal na lang ang mga salitang, "Mga hayóp kayo. Magbabayad kayo sa ginagawa niyong ito." Nagtagis ang kaniyang mga ngipin, tinapunan na lang niya ng tingin ang boyfriend niyang tuloy-tuloy ang agos ng mga luha sa mga mata.

"Hindi niyo alam kung ano ang ginagawa niyo," matigas niyang sabi. Mahigpit na nakakuyom ang kaniyang kamao sa pagkagapos.

"Of course, alam namin," ani Jasper, at natawa naman si Ruby. "Hindi naman kasi kami kasing tángá mo, Clary."

"Pakawalan niyo si Tristan," matigas niyang utos.

"Kung mapagpanggap man kaming tao, atleast mayroon kaming isang salita. Sign the deed, the content of which is all about transferring the company to Ruby's and my name. If you do, you and your boyfriend will be free, pangako iyan," mapang-asar na wika ni Jasper.

Kitang-kita niya sa mga ngiti nito na parang ito pa rin ang Kuya Jasper niya. Ngiti na parang mayroong magandang surpresa kapag nagawa niya ang nais nito, pero ngayon wala siyang magandang surpresa na asahan dahil ang mga kamay nito ay nasa leeg ni Tristan at may hawak na kutsilyo.

"What if I don't?" Matalim niya itong tinitigan.

"Then welcome to heaven for your boyfriend. Gusto mo bang masaksihan kung paano bumulwak ang dugo sa leeg niya once hiwain ko na ito?" mapang-uyam na tanong ni Jasper.

Nagpumiglas siya mula sa kaniyang pagkagapos. Alalang-alala siya sa kalagayan ni Tristan. "Kung pipirma ako, papakawalan niyo ba talaga siya?" matigas niyang tanong. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya kahit na todo pigil siya sa kaniyang paghikbi.

Matapos ang mga kasamaang pinakita nito sa kaniya, pinili niyang umaktong matapang sa mata ng mga ito para hindi naman siya magmukhang kaawa-awa kahit paano.

"Actually pinapatagal mo lang ang paghihirap niya." Lumapit si Ruby sa kaniya, hinampas nito ng palad ang papel sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan niya. "Kung gusto mo talaga siyang iligtas, pumirma ka at huwag mo nang patagalin. Nakikita mo naman, hirap na hirap na siya. Ikaw kaya ang lumuhod doon tapos patingalain ng ganoon tingnan natin kung hindi ka magrereklamo at magmamakaawang tama na. Hindi mo ba iniisip kung gaano kahirap iyon? Tapos ang tagal mo pang magdesisyon."

Napatingin siya kay Tristan, umiiling ito sa kaniya, tila ba'y pinaparating lang nito na huwag siyang pumirma ngunit gaya ng sabi ni Ruby nahihirapan na ito. Hindi na niya kayang pagmasdan iyon. "Ano Clary? Baka gusto mo pang maubusan ng pasensya ang kuya ko at maging late na lang iyang desisyon mo?"

Pabagsak nitong nilapag sa ibabaw ng kasulatan ang ballpen na gagamitin niya sa pagpirma. "Pipirma ka o hindi?"

"Akala ko ba hindi kayo tángá?" bara din niya. "Pinapapirma niyo ako pero nakagapos ang dalawa kong kamay? Inaasahan niyo bang bibig ko ang gamitin ko?" pamimilosopo niya, lumuluha pa rin.

Tila nasampal ng salita niya si Ruby at umiwas ito ng tingin. Napabuga ito ng hininga at inis na sinenyasan ang tauhan gamit ang ulo. Kumilos naman ang lalaki at kinalagan ang isa niyang kamay.

Gustuhin man niyang makawala, pero wala siyang magagawa dahil nakasalalay sa kaniya ang buhay ni Tristan. Kaka-propose lang sa kaniya ng lalaki, ayaw na niyang pakawalan ito. Mahal na niya ito ng sobra at ayaw niyang saktan ito ng iba.

Magkahalo ang galit, sama ng loob na hinawakan niya ang ballpen na iyon at inis na pinirmahan ang papel. Ilang pages pa naman ang pinirmahan niya at pagkatapos noon, tumawa si Jasper. Kinuha ni Ruby ang papel at patalon-talon itong parang baliw dahil sa sobrang saya.

Binigay nito kay Jasper ang bagay na iyon kapalit ng kutsilyo. "Ngayong napirmahan ko na, pakawalan niyo si Tristan," matigas niyang utos.

"Sure! Of course! Papakawalan ko ang boyfriend ko, malamang! Ang tángá mo talaga Clary!" pasigaw na natatawang wika ni Ruby habang kinalagan ng tali di Tristan.

Nanlaki ang mga mata niya nang matanggal na ang tali ni Tristan at inalis na rin ang busal sa bibig.

"A-Anong ibig niyong sabihin?" nagtataka niyang tanong, natatakot rin siya sa magiging sagot.

Para siyang tangang palipat-lipat ng tingin sa tatlo at pagtayo ni Tristan, sa mismong harapan niya, nagdikit ang labi nito sa labi ni Ruby. "Surprise, Clary! Told you, hindi lahat ng nagtatrato sa'yo na nang mabuti mahal ka," pang-uuyam na wika ni Jasper at napailing pang tawang-tawa sa reaction niya. "Ang bilis mo kasing magtiwala. Hangang-hanga talaga ako sa kátángáhán mo, Clary. Kung may paligsahan lang ng katangahan sa mundo sigurado akong ipapatong agad ang korona sa ulo mo."

Halos mabingi siya sa pang-iinsulto nito. Nangangailangan siya ng paliwanag at hindi naman iyon ipinagdamot ni Jasper sa kaniya."

"Matagal nang boyfriend ni Ruby si Tristan, para malinawan ka, nasa plano na namin ang lapitan ka niya at paibigin iyang pani-paniwala mong puso."

Ngumisi ito, nakaawang naman ang mga labi niya at dulot ng matinding emotion, napasigaw siya nang malakas. "Mga hâyôp kayo!"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jekk'27
Luh.. Clary naisahan ka.. tanga mo daw kc hahahah charrrr
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status