Share

Chapter 7: LOST AND FOUND

Inaapoy ng lagnat. Ito ngayon ang kalagayan ni Clary nang magising siya. Wala siyang lakas, at basang-basa siya ng pawis. Isang lalaking mangingisda ang nakakita sa kaniya sa dalampasigan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mangingisdang iyon, lihim na nagmamasid si Hake sa di kalayuan sakay sa isang speedboat.

Siya ang nagdala kay Clary sa tabing dagat at binantayan ito hanggang sa may dumating na saklolo. Iyon lang naman ang magagawa niya para iligtas ang babae. Pinalabas lang niya na nakarating sa tabing dagat ang motorboat na nakita niyang kasama nito. Nakatali si Clary roon, buti na lang nakalutang lang ang babae kaya nakita niya agad at hindi ito naubusan ng hininga.

Nagbakasakali kasi siyang hanapin ang babae kinabukasan noong iniwan niya ito sa dagat. Gustong-gusto niyang mabuhay ito. Gustong-gusto niyang tulungan. Lihim niyang ginagawa iyon at sana hindi siya matunugan ng mga amo niya.

Sa maliit naman na bahay kung saan naroon si Clary, ramdam niyang inaalagaan siya ng isang bab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status