For the sake of Hake's daughter, kakalma muna si Clary. Ayon sa lalaking iyon, simula pala noong ipinanganak ang anak nito, may sakit na ito sa puso at ang asawa nito ay namatay rin sa panganganak. Naka-schedule na rin ang operation nito, at siya na ang sasagot ng kulang, pero ang pangalan ng sponsor ay si Viana pa rin. Laging si Viana na lang ang tinutulak niya ipaharap sa tuwing mayroon siyang transaksyon lalo na kung tungkol sa pera. Mabuti na lang walang reklamo itong kaibigan niya. Kunsabagay, nanggaling ito sa mabuting tao kaya nananalaytay rin sa mga kaugatan nito ang pagiging mabuti. Ayon sa plano, hintayin niyang makalabas sa hospital ang anak ni Hake bago siya magsisimula. Kailangan muna niyang ilagay sa ligtas na lugar ang pamilya nito. Pagkatapos nang nangyari sa kaniya, masasabi niyang tuso si Jasper. Kung utak ang labanan at dahas, lalaban siya rito. Malakas ang pwersa ni Viana, mautak rin kasi ito. Nag-ipon rin ito nang tao para maprotektahan ang pagiging mayaman nit
Sa dahan-dahang pagmulat ng mga mata, biglang nanigas si Clary nang maramdaman ang mainit na hininga na tumatama sa batok niya at mainit na brasong nakadantay sa tila walang saplot niyang katawan. Nang makabawi siya, kumurap-kurap siya. Hinawakan niya ang brasong iyon; matigas ito, parang punong-puno ng kapangyarihan na kapag humigpit ang pagyakap sa kaniya, hindi siya makaka-angal. Ramdam ng palad niya ang mga ugat nito, at nang dahan-dahan niyang tingnan iyon, napalunok na lang siya nang mapagtanto na braso iyon ng lalaki at wala pa siyang damit. Napa-igtad siya sa biglaang realization, nanlaki pa ang mga mata niyang gumalaw ito at napatihaya ng higa sa tabi niya. "S-Shit...s-sino tong hinâyupâk na ito?" bulong niyang tanong sa sarili.Humarap siya rito, at saktong nagmulat ito ng mga mata. Nagtama ang paningin nilang dalawa at nang makilala niya ang mukha napabalikwas siya ng bangon. "Hoy!"Agad siyang bumaba sa kama, alanganin pa ang kilos niya dahil sumabit ang paa niya sa kum
Agad na tumayo ang lahat, habang si Knox naman na kasalukuyang tumatayo rin, napapako ang paningin sa babaeng may makapangyarihang aura papasok. Long white tuxedo-style dress with statement gold belt ang outfit nito. Naka-ponytail pataas ang bagsak, at mahabang itim na buhok nito. Kahit parang nasusundot na ang mga mata nito dahil medyo mahaba na ang bangs, taglay pa rin nito ang katakot-takot na mga tingin. Huminto ito sa tabi ni Viana. Simple lang ang make up nito, bumagay ang malakulay balat nitong lipstick sa kulay puti nitong damit. Marahan nitong nilapag ang bag sa upuang pang CEO, at saka tumingin sa kanilang lahat. Inikot nito ang paningin mula sa kanan pakaliwa at huminto ang mga titig nito sa kaniya. Gumuhit ang gulat sa mga mata nito. Kulang na lang mapamulagat ito nang makilala siya ngunit sa huli sinikap nitong maging kalmado at dinaan na lang ang tikhim sa lahat. "Good morning, Ms. Alliarez," bati ng lahat maliban lamang sa kaniya. Ang dating gulat sa mukha nito ay n
Saktong pagdating ni Jasper narinig niya ang sigaw ng kaniyang ina sa kwarto nito. Sigaw nang sigaw naman sa takot na tumatakbo pababa ng hagdan ang katulong. "Anong nangyari?!" agad niyang salubong rito. Nadulas pa ito sa hagdan kaya gumulong ito sa dalawang baitang. Nainis siya sa hindi nito pagsagot agad sa tanong niya pero nagtimpi dahil nakita niyang napàígik ito sa sakit. "Emi!" Tumakbo si Dessy palapit rito at tinulungan itong tumayo ngunit dahil sa nasaktan ito, lumakas ang iyak nito. "Ang sabi ko anong nangyari?!" nanggigigil na tanong niya. "May tao doon sa taas ng kwarto ni Madame Amelia, Sir!" sumbong nito at iyak nang iyak na napapahawak sa balakang. Napakuyom siya nang kamao at binalingan ng tingin ang mga personal bodyguards niya. "Bantayan ang buong paligid, lalo na ang nasa likuran," utos niya sa mga ito. "Okay, boss." Tumalima ang mga ito, siya naman ay malalaki ang mga hakbang na umakyat sa itaas. Dinig na dinig pa niya ang iyak ng kaniyang ina. "Mom?!" Til
Kasalukuyang inaaral ni Clary ang drawing ni Ino. Sobrang na-stress si Viana dahil ni-hire niya ito bilang personal secretary. Ngunit galing probinsya si Ino kaya kaunti lang ang kaalaman nito pagdating sa mga pangmayamang paraan. Ayon kay Viana, madaling matuto si Ino pero sa ang behavior nito, sa ang pagiging makulit, at sa madaling mamangha ng literal sa mga bagay bagay ang siyang mahirap alisin. Kapag nakakita kasi si Ino ng mga bagay na magara at noon lang niya nakita hindi na nito mapigilan ma-curious. Kaya tinanong niya si Ino kung kaya ba talaga nito gampanan ang trabaho, ayon naman sa lalaki, oo daw. Pero hindi siya kumbinsido, kailangan muna nitong dumaan sa training. Ngunit dahil sa curiosity ng lalaki, nang makita nito ang mga items na ginagawa muna ang mga iyon sa pamamagitan ng pag-guhit bago ihulma, nagpakitang gilas rin ito sa pag-drawing sa disenyong alam nitong maganda. Ngayon, iyon ang kasalukuyan niyang tiningnan. Kumurba ang mga ngiti sa kaniyang mga labi nang
"Proteksyon para sa pamilya ng batang kakaopera lang?" ulit ni Knox sa patanong na paraan sa sinabi ni Walter."Sa ngayon wala pa akong idea kung kaano-ano niya ang pamilyang iyon pero dahil sa kanila kumagat si Viana sa alok ko," anito, na may pasayaw-sayaw ang ulo habang nagsasalita saka lumagok ng alak pagkatapos. "So good news," dugtong nito pagkatapos lumunok.Napatingin siya sa sahig habang pinipitik sa ashtray ang hawak niyang sigarilyo. "So ibig sabihin, walang tao si Clary...""Sino boss?" inosenteng tanong ni Walter, nilapag ang baso sa ibabaw ng lamesa.Hindi pa pala nito alam na hindi si Viana ang may-ari ng Azara Gems. Tiningnan niya ito at inutusan na lang, "Alamin mo kung anong koneksyon ng pamilyang iyon kay Viana." Naisip niya kasi, kung sa kanila pa humingi ng proteksyon si Viana, ibig sabihin walang tao si Clary na gumawa ng ganito para sa kanila or si Viana man na malakas katulad ng grupo nila. At sa paraan ng paglapit ni Viana kay Walter mukhang malaking tao ang
"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Ang kapal niya, sobrang kapal!" Sa sobrang pag-aalburoto niya sa galit hilang-hila niya ang buhok niya habang walang prenong nagkakaragdag ng mga paa sa kinakatayuan. Natawa si Viana sa ginagawa niya at sinabi pang, "Balat buwaya ba?" "Hindi lang balat buwaya, buwayang statwa talaga! Kaya nga matigas, hindi marunong mahiya, makonsensya, sarili lang ang iniisip, mayabang pa! Akala mo kung sinong diyos umaasa lang naman sa baril niya! Bakit ba pinauso ang baril na iyan? Yumayabang tuloy ang mga tao, umaastang matapang, pero kung walang armas mga talunan naman!" Nasira tuloy ang maayos na pagkasuklay ng buhok niya ng bitawan niya. Gumulo pati ang bangs niya at pailing-iling na lang si Viana. Napabuga siya ng hininga. "Pero..." she trailed off, napatingin si Viana sa kaniya, matapos nitong sumilip sa loob ng pitser upang tingnan ang juice na tinimpla. "Pero?" tanong nito nang hindi siya nakapagsalita agad. "Hindi ba leader ng mafia si Walt
Sandaling natigilan si Knox sa sinabi ni Clary. Ngunit inasahan na niya ito, lalo na't alam ni Viana na mayroon siyang Mrs. Lilith Davis Wolthorn, but that was then, hindi na ngayon. Bumawi siya kaagad nang mapagtanto na inalam ng babaeng ito ang background niya. Tumaas ang sulok ng labi niya at sinabing, "Kung wala akong asawa, ibig sabihin ba niyan okay lang sa'yo ang mayroon tayo ngayon?" Bumusangot ito. Mas lalo siyang naaliw sa mukha nito. Gandang-ganda na siya rito, nadagdagan pa ng bumusangot. "Sinong nagsabi sa'yo na mayroong tayo? Nanaginip ka ba?" Akalain mo nga namang nabara siya ng ganoon? Dapat bang binabara ang isang Knox Wolthorn? Kumalma lang siya, at nagsalita, "Oo nga pala, bigla kong nakalimutan na one night—""Hake, Ian..." Pinutol nito ang pagsasalita niya. Kumurba ang ngiti sa mga labi niya nang agad itong umawat para hindi matuloy ang sasabihin niya. "Sa labas na lang kayo mag-hintay, sandaling meeting lang naman ito." Tinitigan siya nito taas-baba na parang