Share

Chapter 13: WHEELS OF DECEPTION

Saktong pagdating ni Jasper narinig niya ang sigaw ng kaniyang ina sa kwarto nito. Sigaw nang sigaw naman sa takot na tumatakbo pababa ng hagdan ang katulong.

"Anong nangyari?!" agad niyang salubong rito.

Nadulas pa ito sa hagdan kaya gumulong ito sa dalawang baitang. Nainis siya sa hindi nito pagsagot agad sa tanong niya pero nagtimpi dahil nakita niyang napàígik ito sa sakit.

"Emi!" Tumakbo si Dessy palapit rito at tinulungan itong tumayo ngunit dahil sa nasaktan ito, lumakas ang iyak nito.

"Ang sabi ko anong nangyari?!" nanggigigil na tanong niya.

"May tao doon sa taas ng kwarto ni Madame Amelia, Sir!" sumbong nito at iyak nang iyak na napapahawak sa balakang.

Napakuyom siya nang kamao at binalingan ng tingin ang mga personal bodyguards niya. "Bantayan ang buong paligid, lalo na ang nasa likuran," utos niya sa mga ito.

"Okay, boss."

Tumalima ang mga ito, siya naman ay malalaki ang mga hakbang na umakyat sa itaas. Dinig na dinig pa niya ang iyak ng kaniyang ina. "Mom?!"

Til
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status