Share

Chapter 5: TRUST ISSUES

Lihim na nakahinga nang maluwag si Clary nang hindi kinalabit ng gwapong lalaki ang gatilyo ng baril kanina. Tinatawag itong boss ng mga lalaking kumuha sa kaniya. Ang babagsik ng mga ito, nakakatakot, ang bibigat ng mga hakbang, halatang kargado ng mga nakatagong armas ang mga katawan. Puro pa malalaking tao, pero ang boss ng mga ito, napaka-hot ng pangangatawan, matangkad at naroon ang aura ng katakot-takot.

Napakalinis nitong tingnan sa taglay ng kagwapuhan. Mas gwapo pa ito kay Tristan. Umiigting ang panga, kilay na parang ginuhit at ginawang perpekto, nanghihilang attention na mga mata, lalo na kapag titigan ito, tila may sarili itong salita at iyon ay 'hûbâd ka.'

Putok na putok ang matipunong katawan nito sa suot nitong black t-shirt. Napasimple ng porma pero nakakakaba. Parang nangingibabaw pa rin ang maawtoridad na pangangatawan nito sa suot na damit. Wala man siyang tinig na maririnig ramdam pa rin niya ang utos na lumuhod sa harap nito.

Ngunit hindi ganoon kahina ang fighting spirit niya. Binabalot man ng takot ang kalamnan niya kaya naman iyon takpan ng mapagpanggap niyang aura. Kasalukuyan siyang nasa deck, naka upo sa outdoor sofa, at kitang-kita niya ang ganda ng karagatan.

Ngunit hindi niya ito na-appreciate ngayon. Ang boss naman ng mga taong ito, natatanaw niyang nakatayo mismo sa bow, may katabi itong lalaki na gumagamit ng teleskopyo at tila kausap rin nito. Sa ibabaw naman ng lamesang nasa harapan niya, nahatak ng pansin niya ang nilapag na pagkain.

Napatingin siya sa lalaking gumawa noon at ang sabi nito. "Kumain ka, para bumalik ang lakas mo. Ang gusto kasi ni Boss, malusog ka, ayaw niya sa babaeng sakitin."

Kumunot ang noo niya. Curious siya sa mga sinasabi nito. "Bakit niya to ginagawa? Anong kailangan niya sa akin?"

"Deretsohin na kita ha," anito, tumayo ng tuwid sa harapan niya at nag-cross pa ng mga braso. "Kaya ka buhay pa ngayon, dahil may pakinabang ka sa kaniya. Hindi ka takot sa baril niya, ituloy mo lang iyan, dahil diyan ka maliligtas. Pero ang totoo niyan, kaya ka niya kailangan dahil gusto niyang magkaanak sa isang babaeng maganda at matapang."

Biglang pumutok ang kaba sa sistema niya. "Sinasabi mo bang kailangan ng lalaking iyon ang matris ko?" Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig rito. Napakuyom ng mahigpit ang kamao niya.

"Sa lugar na ito, kahit sinong taong mapadpad rito hindi na nabubuhay. Sa madaling salita, ang buhay mo ngayon ay utang mo na lang sa kaniya kaya wala kang choice kundi ibigay ang gusto niya. Kapag magmatigas ka, ibig sabihin, gusto mong mamatay. Choice mo na iyon."

Tumama ang masama niyang titig sa pagkain. Kaya nga niya hindi binigay kay Tristan ang pagkábábáè niya dahil gusto niya, ibigay niya lang ito sa lalaking iyon kung kasal na sila. Pero ngayon talagang pinagkakait na sa kaniya ang lahat pati sarili niya ginagawa nang pag-aari ng iba. Gusto niyang umiyak, nagagalit siya sa sarili niya kasi nagpakabulag siya sa pagmamahal. Kung hindi dahil sa pagmamahal niyang iyon hindi siya hahantong sa ganito.

"Kumain ka na, alam kong gutom ka," ani naman nito.

Kailangan niyang makabawi ng lakas. Nanakit ang buong katawan niya dahil sa mga pasa at sugat niya pero nararamdaman niya rin na bumibilis ang paggaling nito, iyon ay dahil sa dagat. Hindi man siya sigurado kung ang dagat ba ay may halong gamot sa sugat pero iyon ang nararamdaman niya.

Nakahain ang sinabawang karne at kanin sa harapan niya. Tila masarap ang pagkaluto dahil sa amoy nito. Hindi na siya nagdalawang isip, nilantakan niya iyon. Sobrang nami-miss niyang kumain, daig pa niya ang nagutom ng isang taon.

_

Nang maging okay na ang pakiramdam niya, nagamot na rin ang gutom niya. Hindi niya alam kung saan patungo itong yatch na sinasakyan nila dahil may alas-tres na ng hapon, siguro nga baka alas-kwatro pa. Nag-isip naman siya ng paraan para makatakas. Alam niyang hindi madaling takasan ang mga ito. Kung tatalon naman siya sa dagat, hindi siya makakalayo agad, sigurado paulanan siya ng bala ng mga ito.

Ngunit papayag na lang ba siya na basta-basta na lang punlaan ng lalaking iyon ang sinapupunan niya? Shempre hindi, at naniniwala siya sa sarili niyang makakatakas siya. Ayaw niyang maging ama magiging anak niya ang lalaking iyon lalo na't halatang mâmâmâtay tao ito. Baka manahin pa ng anak niya.

Buti na lang pinagkatiwalaan siya ng mga ito kahit papaano. Hindi siya tinali o kinulong man lang sa cabin. May bantay nga lang siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Wag ka nang magtanong. Manahimik ka na lang diyan. Kung gusto mong humiga, sabihin mo lang dadalhin kita sa cabin," ani naman ng lalaki.

"Hindi ko ba pwedeng malaman?" tanong pa niya, bahala na kung mainis ito sa kaniya sa pangungulit niya.

"Umiwas lang tayo ng daan dahil may kalaban na paparating, ayaw ni Boss na matunton ang teritoryo niya."

"Saan tayo dadaan?" tanong na naman niya.

"Di ba sabi ko wag ka ang magtanong?" masungit nitong sabi.

"Sumagot ka rin eh," katwiran naman niya.

"Pwes wala ka nang sagot na makuha pa."

Huminga na lang siya nang malalim. Ilang oras na naman siyang nanahimik. Hanggang sa napansin niyang malapit na naman magdilim. Mas madaling makatakas sa gabi kaya iyon na lang ang hihintayin niya.

Humiga siya sa sofa at nakaidlip, hindi niya alam kung gaano katagal. Ngunit nakarinig niya ang tanong, "How's she?"

Iyon ang gumising sa kaniya. Nagmulat siya ng mga mata pero hindi siya bumangon, nakinig lang sa usapan. "Walang problema sa kaniya boss, mukhang wala naman siyang balak tumakas."

"Tinanong mo ang pangalan?" tanong pa ng amo.

"Hindi na boss, parang ayaw naman niyang sabihin."

"Hindi mo man lang ba narealize na kailangan kong malaman ang pangalan niya? Paano kung spy pala iyan? Gusto kong malaman kung anong klaseng organisasyon ang pinanggalingan niyan," ani pa nito.

Spy? Organisasyon? Anong pinagsasabi nito? Hindi na nakasagot ang tauhan nito. Naramdaman lang niyang humakbang ito palapit sa kaniya. Pumikit na lamang siya at nagpanggap na tulog. Ngunit nakarinig siya ng pagkasa ng baril at may malamig na bagay agad na dumikit sa noo niya. "Hindi oobra sa akin ang mga pagkukunwari mong walang may naalala, o ang mapangmanipula mong salita at mas lalong hindi oobra sa akin ang pagpapanggap mong tulog."

Nagbukas siya ng mga mata. Nakatutok na naman ang baril nito sa kaniya. Gumuhit ang takot sa sistema niya pero pilit niya itong iwinaglit. Kahit nakakatakot dahil alam niya anytime pwede nitong kalabitin ang gatilyo, bumangon pa rin siya at sinabing, "Lakas naman ng trust issue mo."

Tinitigan niya ito. Hindi niya gaanong makita ng buo ang mukha nito dahil nakaharang ang kamay at braso nito sa sentro ng kaniyang paningin. Bukod doon, madilim na ang paligid at lumalakas ang hangin, umuulan nang malakas na may kasamang kulog at kidlat na rin.

"Sabihin mo sa akin, anong kinalaman mo sa grupong nakasunod sa atin?" maawtoridad nitong tanong, binabaliwala ang kalagayan ng panahon.

May kaaway yata itong lalaking ito kaya siya pinagbibintangan na espiya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo," kalmado niyang sagot. Napapahigpit ang pagkuyom niya sa kamao dahil sa lamig ng hangin. Nanonoot kasi ito sa buong katawan niya.

Kaya lang naman niya nakokontrol ang takot niya dahil iniisip niya na ayos lang mamátáy, wala naman siyang pamilya. Traidor naman lahat ng minahal niya bakit pa niya sikaping mabuhay?

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko."

"Ikaw ang umuubos sa pasensya mo. Sinasabing wala akong alam, bakit ka ba mamimilit?" Sinamaan niya ito ng tingin. Sinulyapan pa niya ang dulo ng baril nito. "Kung spy ako sa paningin mo bakit hindi mo iyan iputok para wala kang problema?"

"Kung spy ka mas lalong hindi kita papatayin sa ngayon dahil sasabihin mo sa akin lahat ng impormasyon?" Nambabanta ang tono ng boses nito.

"Pwes hindi ako spy. Pwede mo na akong pátáyin," aniya.

Tumaas ang sulok ng labi nito. Gwapo ng dating nito kaso nga lang may hawak na baril, kaya ekis. "Alam kong handa kang mamatay para sa amo mo kaya okay lang sa'yo na pátáyin kita dito. Pero hindi ako ganoon katanga, sa inaakala mo. Sasabihin mo sa akin lahat sa ayaw at sa gusto mo. Magsasalita ka, kung ayaw mong isa-isahin kong tanggalin ang iba't-ibang parte ng katawan mo. Gusto mo bang unahin ko iyang mata mo? Kanina pa ako nagtitimpi diyan."

Mas gusto niyang patayin na lang siya kaisa parusahan ng ganoon. Mas nakakatakot iyon. Mukhang démónyo talaga ang lalaking ito. Sayang na sayang ang mukha.

Umiwas siya ng tingin. "Wala akong alam."

"Sabihin mo sa akin ang pangalan mo," utos nito.

"Clary," sagot niya. Mas maigi nang magbigay na lang siya ng impormasyon sa sarili niya kaysa naman tanggalan siya ng mata. Baka hayaan pa siya nitong mabuhay na kulang-kulang ang parte ng katawan.

"Clary what?"

"Alliarez," sagot niya.

Tumingin ito sa tauhan at tinanguan. Tumalima naman ang lalaki. Hinintay lang niyang makaalis ito at nagsalita siya ulit, "Kung gusto mong paimbestigahan ang pagkatao ko. Huwag ka nang magtaka kung madiskobrehan mong wala akong record."

Tila mas lalo itong nagduda sa sinabi niya kaya mas diniin nito ang baril sa noo niya. Nagpatuloy siya. "Kaya ako nandito dahil dinukot ako, pinapirma ng papeles para makuha ang mga pag-aari ko mula sa akin bago tinapon sa dagat. Kung iniisip mong spy ako, pwes nagkakamali ka. Biktima ako dito."

Saktong sinabi niya iyon, biglang may malakas na ugong na dumating. Napatingin siya sa gawing iyon, hindi pa niya naklaro ang malaking bagay na nahagip ng paningin niya sa karagatan may sumigaw agad ng, "Boss dapa!" Kasunod noon ay ang nakakabinging pútúkan ng mga baril.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status