Share

Chapter 4: TEST OF BRAVERY

Kakalabas lang ng tauhan niya nang bigla niyang mapagtanto ang sinabi nito. Naningkit ang kaniyang mga mata sa salitang torture na sinambit nito. Kung hindi psychopath ang nag-torture sa babaeng iyon posibleng may pinapaamin, o may gustong makuha.

Binalot ng kuryusidad ang sistema niya kaya humakbang siya para lumabas. Malaki ang stronghold ng Dreadblood Consortium na teritoryo nila. Nasa tabi ito ng dagat at nasa bente na palapag. Secured itong gusali dahil sa dami ng mga aktibidad na pinapatupad niya sa loob. Iyon ay pampalakas pwersa ng grupo niya at sinisiguradong walang intruder na makakaligtas once pinasok sila. 

Punong-puno ito ng teknolohiya, bawat pintuan ay may scanner, mula sa loob palabas, awtomatikong nagbubukas ang pintuan at bumabalik pasara. Mula naman sa labas papasok, may scanner ito upang kilalanin kung myembro ba ng organisasyon ang papasok o hindi. 

Ganoon kahigpit ang teritoryo nila, kaya kahit sinong katulad nilang malalakas ay walang may nangangahas na pasukin ito. Bukod sa matibay ang lugar malakas rin ang pwersa niya dahil hindi rin nagpahuli sa imbakan ng mga armas ang panig niya.

Sa harap ng stronghold, isang malawak pantalan na may mga naka helirang mga barko, yatch, sandamakmak na speedboat para sa mga tauhan niya sa oras na inatake sila, may magamit silang panghabol. Lagi silang handa sa gulo dahil ganoon na ang kanilang buhay. 

Yamang pandagat ang kanilang puhunan, bagay na mas kinakainteresan ng mga kalaban. Siya ang mas may malaking imbakan at ang teritoryo niya ay ilang beses nang pagtangkaan na agawin ng iba. Lalo na't ang lugar niya ay mismong nasa pagitan ng Pilipinas at China. 

Sumunod ang ilan sa mga tauhan niya sa likuran. Totoong malakas na siyang nilalang, ngunit mayroon pa rin siyang proteksyon, na kusang binibigay lang din ng mga nasasakupan niya. Ganoon naman talaga kapag malaking tao ka. Kaya mas lalong lumalakas ang pwersa mo dahil maraming tagasunod na umaaligid sa'yo. 

Tila nakita ng tauhan niya na sumunod siya. Hindi pa nito pinaalis ang yatch na sasakyan pabalik sa pampang na sinasabi nitong kinaroroonan ng babae. Hinintay siya nito, at habang papaakyat siya sa yatch titig na titig ito sa kaniya. Animo'y nabuhayan ng pag-asa. 

"Nagbago ba ang isip mo, Boss?" tanong pa nito. 

Tinapunan lang niya ito ng tingin. Nalalamon kasi ang pride niya sa pagbago ng desisyon niya. Tumahimik naman ito nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. 

Nagbigay na lang ito ng hudyat na paalis na. Umandar naman ang yatch, at nagsimula na ring pumalaot. Malawak ang nasasakupan ng teritoryo niya na iyon, kaya kahit sinabi ng tauhan niya na sa dalampasigan natagpuan ang babae hindi ibig sabihin noon na malapit lang. 

Tatawid sila ng dagat para marating ang kabilang pampang. Ngunit hindi pa sila nakaabot roon nakasalubong na nila ang isa pang yatch na panigurado naroon ang babae sa loob. Parehong huminto ang dalawang sakayan sa gitna ng laot. 

Napakatarik pa ng araw at masakit sa balat ang liwanag nito. Ngunit hindi niya iyon alintana, at sa pagdikit ng dalawang sakayan, hinintay lang niyang mailagay ang tulay at tumawid sa kabila. 

"Gising na ang babae, Boss," salubong sa kaniya ng isa pa niyang tauhan, si Darwin. "Hindi siya nagbigay ng pangalan kasi hindi niya raw maalala," dugtong pa nito. 

Diretso lang ang lakad niya. Nauna naman itong humakbang upang i-guide siya. Ngunit hindi pa sila nakapasok, dahil sumalubong sa kaniya ang babaeng tumatakbo palabas at hinahabol ng mga tauhan niya. Parang balak tumakas.

Mahaba ang buhok nito, basa pa ang suot na puting bistida. Mabilis niyang hinawakan ito sa braso, at narinig niya ang singhap nito sa higpit nang pagkahawak niya. Binalik niya ito paatras, at tiningnan ang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. 

Marami itong pasa, nagba-violet ang ilang parte ng pisngi nito, lalo na sa contour, talagang binugbog. May sugat rin ito sa ulo, kung hindi pinalo nang matigas na bagay, nauntog. Ngunit dahil nakatayo ito, at nakatakbo pa, masasabi niyang hindi ito ganoon kabaldado. 

Tulad ng sabi ng tauhan niyang si Barth, maganda nga ito. Cute nga ng mukha, dahil sa bangs, sa bagsak ng buhok. Makinis ang kutis kung wala lang itong mga pasa. At malambot hawakan ang braso nito, ramdam niya iyon sa kaniyang palad. 

Inosente tingnan ang mga mata nito, napakaamo, na parang hindi makabasag pinggan. Ngunit may napansin siyang kakaiba. Ang ilang mga babae hindi makipagtitigan sa kaniya ng ganito. Yuyuko ang mga iyon at iiyak dahil sa takot pero ito, walang emotion ang mukhang nakatitig sa kaniya hindi pa kumukurap. 

Naningkit ang mga mata niya. Sa paraan na iyon malalagyan niya ito ng takot sa katawan pero ganoon pa rin. "Anong ginagawa mo sa teritoryo namin?" tanong niya rito. Malamig pero katakot-takot.

Hinablot nito ang braso mula sa pagkahawak niya. Dumáíng pa ito dahil tila nahawakan niya ang may pasa. Tinapunan niya ng tingin ang parteng iyon, at hindi nga siya nagkamali. Nagkukulay ube ang balat nito sa brasong hinawakan niya. "Hindi ko alam," tipid na sagot nito.

"Saan ka nanggaling?" tanong pa niya.

 

"Hindi ko alam," sagot ulit nito. 

Napansin niyang lumunok ito, tumingin sa karagatan at wala pa ring kaemo-emotion. "Alam mo ba na, ang kung sino man ang makapunta sa lugar na ito hindi namin binubuhay?" nananakot niyang tanong.

Dahil doon tumingin ito sa kaniya, naging masama na ang paningin. Kinasa niya ang hawak niyang baril, at tinutok sa noo nito. Ngunit imbis na magitla, sinulyapan pa nito ang dulo ng baril niya. 

Dahil sa reaction ng babae, napansin niyang nagkatinginan ang mga tauhan niya. Na para bang sinasabi ng mga ito na natagpuan na niya ang hinahanap niya. Tumaas ang sulok ng labi niya, ngunit bigla itong nagsalita, "Bakla ka ba?"

Ang hatak na pagkakurba ng kaniyang mga labi ay unti-unting napapawi. Ilan sa mga tauhan niya ay nagpigil ng tawa, dinaan na lang sa tikhim para makontrol ito. Humigpit ang hawak niya sa baril at nagbanta, "Naintindihan mo ba kung ano ang hawak ko?"

"Tanda ng kabaklaan mo," ani pa nito, wala talagang katakot-takot. Ang ibang babae, halos takasan na ng kaluluwa sa sobrang takot pero ito nagawa pang asarin siya? 

Gusto niya ng babaeng matapang pero hindi ang babaeng basta na lang siya insultuhin. Nagtagis ang mga ngipin niya, napatabingi na ang ulo niya sa panggigigil. Nangangati na ang mga kamay niyang kalabitin ang gatilyo pero nagpipigil siya. Bihira lang kasi ang ganitong klaseng babae, sayang. Kung ganito ang ugali ng anak niya, siguradong pikon na pikon ang mga kalaban nila. 

"Hindi mo ba naisip, na habang tinututok mo sa akin iyang pangit mong baril lalo kang naging bading sa aking paningin? Sayang, gwapo ka pa naman sana," ani pa nito. 

Napunta sa baril ang mga mata niya. Wala namang pambabaeng disenyo ang baril niya para tawagin siya nitong bakla. Lalong hindi naman pambabae ang kulay at ang paghawak ng baril ay wala naman sa gender. Paano nito nasabing bakla siya?

"Sa dami-daming term na pwede mong itawag sa akin iyan pa talaga? Nagtatawag ka ba ng kamatayan?" tanong pa niyang nananakot pa rin. 

"The more na tinatakot mo ako..." Humakbang ito nang dahan-dahan. "...The more na gigil na gigil kang kalabitin ang gatilyo na iyan, lalo kang bumabakla. Alam mo kung bakit?" Talagang idinikit pa nito ang noo sa dulo ng baril niya. "Kasi sa ating dalawa, ako ang mahina, ako ang maraming pasa, ako ang walang armas, ako ang babae, at ikaw ang lalaki, ikaw ang malakas, ikaw ang may armas, hindi mo pa rin ba narealize ang pinagkaiba?" 

Sinikap niyang pigilan ang paglunok upang takpan ang kahihiyang nararamdaman niya. "Sa madaling salita, bakla ka, hindi lang bakla, duwag ka pa, umaasa ka sa hawak mong baril kaya matapang ka," dugtong pa nito. 

Tumikhim ulit ang isa niyang tauhan na si Darwin. "P-Papatayin mo ba siya, boss? K-Kasi kung—"

Sa kabila ng ngit-ngit niyang pinahiya siya ng babaeng ito sa harapan ng mga tauhan niya sinikap niyang ibaba ang baril. Parang siya na iyon na pinigilan ang démónyo sa loob niya para hindi niya ito mapatay. Inayos lang niya ang baril niya at nagsalita, "Dalhin niyo ito." Tinitigan ang babae taas-baba. Matalim rin ang titig nito sa kaniya, na para bang ito na yata ang pinakamatapang na babaeng nakilala niya maliban sa ex-wife niya. "Pakainin niyo, para makaalala. Baka gutom lang kaya hindi alam ang dahilan kung bakit siya nandito." 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status