Share

Chapter 3: THE SINISTER KING

Nakalayo na ang barko, ngunit abot tanaw pa rin ito ni Hake si Clary na kumapit sa salbabida. Alam niyang pinapanood nito ang barko na papalayo. Naawa siya sa babae, ngunit maliban tulong na ginawa niya, wala na siyang ibang naisip pa. Mabigat ang dibdib niyang huminga nang malalim, dinampot niya ang mga tali na nagkalat sa sahig at tinapon rin ito sa dagat. Saktong pagbato niya sa mga tali na iyon, may dumaklot sa kwelyo niya, sabay tanong ng pabulong sa mukha niya. "Anong ginagawa mo?" 

Nanlaki ang mga mata niya, hindi niya akalaing may makakita sa kaniya. "Isusumbong mo ba ako?" Tinitigan niya ito nang masama. 

Sa inis nito, binitawan siya nito sa patulak na paraan. "Paano kung may nakakita sa'yo?" 

Kinabahan siya sa tanong na ito, pero may bahid rin na pasasalamat ang nararamdaman niya dahil naamoy niyang hindi ito magsusumbong. Kaibigan niya si Ian at ang dahilan kung bakit magkasama sila sa ganitong trabaho dahil sa anak niya. Sa madaling salita tinutulungan siya nito. 

"Dapat hindi ka na lumapit, dahil madadamay ka rito," wika naman niya. 

Pagalit itong nagsabunot ng buhok. Balisang-balisa ito, takot na mahuli. Kilala nila si Jasper, lingid sa kaalaman ni Clary, leader ito ng isang gang, na halos pansindikato na rin ang mga gawain. Sa madaling salita, once nahuli siya, pâtây siya. 

"Sabihin mo nga sa akin," nanggagalaiti nitong tanong, pero pabulong pa rin. "Anong rason mo bakit ginawa mo iyon? Awa? Paano kung makaligtas iyon at balikan tayo?"

"Kung mabuhay siya, babalik talaga siya pero exempted tayo doon," aniya. 

"Pinagsasabi mo?" giit nitong nalilito sa ibig niyang sabihin. 

"Bakit sa tingin mo, basta-basta na lang siyang pumirma ng kontrata?" tanong niya rito. "Takot siya, pero kitang-kita ko pa rin ang tapang sa mga mata niya. Umiiyak siya, kasi nasasaktan siya, pero hindi niya pinakitang ubos na ubos na talaga siya. Dapat marunong kang magbasa ng tao, Ian." 

"Dahil lang sa emotion na iyon?" sarkastikong tanong nito, hindi pa rin kumbinsido sa sinasabi niya o baka hindi lang malinaw lalo na't nilalamon ito ng inis sa kaniya. 

"Narinig mo ba ang sinabi niya kanina? 'Hindi niyo alam ang ginagawa niyo," aniya.

"Oh tapos?" tanong nito, hindi pa rin kumbinsido. 

"At ang sabi niya sa akin kanina, kung tutulungan ko siya kahit kalagan ko lang siya at once makaligtas siya babayaran niya ako ng malaki.  Ibig sabihin may pera pa siya, may tinatago pa siya at sigurado ako mas malaki iyon kaisa sa nakuha sa kaniya," paliwanag niya.

Nararamdaman niya kasi kanina may kakaiba sa linya ng babae. Imbis na umiyak ito nang umiyak sa harapan niya, lumuhod para magpakaawa. Nakiusap lang ito ng simple sa kaniya, pakiusap na handang magbayad ng malaki kapalit ng tulong niya. 

"So anong gusto mong sabihin?" naiintriga nang tanong nito kahit naroon pa rin ang bahid ng inis. 

Sumagot siya, "Kapag bumalik siya, lilipat tayo sa kaniya. Dahil naniniwala akong mas makapangyarihan siya na kaya niyang bawiin ang kung ano ang meron siya." 

Sa kabilang panig naman isa-isang binusisi ni knox Wolthorn ang mga babaeng nakatayo sa harapan niya. Kinikatis niya ito, mula sa buhok, mga mata, kinis ng balat, mga ngipin. Lahat, magaganda, makinis sapat na para magkaroon siya ng kahanga-hangang anak. 

Sa alindog, pasado ang mga ito, hindi lang niya alam kung sa tapang ay may makukuha siya. Tinutukan niya ng baril ang isang babae mula sa mula sa kanan. Nanginig ito sa takot, namutla naging luhaan ang mga mata. Sunod na tinutukan niya ng baril, ay ang kasunod. Walang pinagkaiba ang reaction nito sa katabi. 

Pagtingin niya sa pangatlo, pang-apat pang-lima, hindi pa nga niya tututukan ng baril ang mga ito, nagsi-iyakan na. Nagkadikit-dikit pa, nanginginig sa takot. Dismayado na naman siya, wala siyang may makitang tipo niya. 

Naghahanap siya ng babae hindi para maging asawa niya, kundi para anakan. Ngunit ang gusto niyang babae matapang, para ang maging anak niya ay matapang rin. 

Ibinaba niya ang armas niya at tumalikod sa mga ito. Marahan siyang nagtaas ng kamay at kumalabit sa hangin ang kaniyang hintuturo kasama ang gitnang sarili at sinabing, "Wala akong gusto."  

Agad na kumilos ang mga tauhan niya, nagbigay ng guide sa mga babae palabas sa silid na iyon. Kasabay ng mga yapak, unti-unti ring naglaho sa pandinig niya ang iyak ng mga ito. 

Ang totoo niyan, mayroon siyang asawa, actually, ex-wife, dahil nagpanggap siyang baog, na naging dahilan kung bakit nag-file ito ng annulment. Ngunit ang totoo niyan, ang asawa niya mismo ang hindi makakabuo ng anak. 

Walang problema sa kalusugan niya. Makakabuo siya ng anak sa kahit kaninong babaeng aktibo ang matris. Kaya lang naman niya pinalabas na siya ang walang kakayahang magkaanak dahil kung halimbawang hayaan niyang malaman ng asawa niyang ito mismo ang may deperensya, habang-buhay siyang itatali nito na walang anak. 

Tama lang ang desisyon niya, kaya ngayon ay malaya na siya.  Iyon nga lang nasa pamamahay pa rin niya ito nakatira. Ayaw nitong umalis at bukod doon, alam niyang nakikipagkita rin ito sa ibang lalaki sa labas. Nagbabakasakaling magkaanak. Hinayaan niya lang ito, wala siyang pakialam kung ano man ang gagawin nito sa buhay. 

Sakaling madiskobrehan ng ex-wife niya ang katotohanan. Huli na, hiwalay na sila, at wala na siyang problema. At least siya malayang ikasal ulit, ngunit naisip niya rin, hindi asawa ang kailangan niya. Anak ang kailangan niya, lalaking anak na magmamana ng lahat ng ari-arian niya pagdating ng araw. 

"Boss!" tawag ng tauhan niya. Bahagya siyang lumingon at hindi humarap. "May babaeng natagpuan sa dalampasigan malapit sa teritoryo natin."

Kumunot ang noo niya. Naanting nito ang attention niya. "Sinong babae?"

"Walang malay boss kaya hindi pa natanong ang pangalan. Marami siyang pasa sa katawan, parang nakaranas ng tôrtûre," sagot nito.  

"Basura ng iba iyan, iligpit niyo na lang," malamig niyang utos. 

Hindi agad ito nakaimik. Tila nag-dalawang isip pa kaya marahan niya itong hinarap, "Bakit?" tanong niya nang mapansin niya itong nag-aalangan. 

"M-Maganda kasi ang babae boss," nauutal na sagot nito. 

Naningkit ang mga mata niya. "So what kung maganda?" 

"E-Eh, baka kasi gusto mo," anito. Napangiwi at napasulyap pa sa baril na hawak niya. 

"Ikaw na ang nagsabi may mga pasa siya na parang nakaranas ng torture, hindi ba ang hanap ko ay makinis?" pagsasarkastiko niya.

Napatikhim-tikhim ito. "S-Sige boss. Pero baka gusto mong—"

"Pagsinabi kong patayin, patayin niyo. Oh baka gawin ko iyon sa'yo?" dahil sa sinabi niya tumalikod na lang ito. 

Malamang, sinong hindi matatakot kung siya na ang nagbabanta? Siya lang naman si Knox Wolthorn ang ulo ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization sa mata ng karamihan lalo na sa kaniyang mga kalaban. Sa madaling salita, isa siyang dangerous mafia king and pity is not a word he knows. If you come across this man, ensure you can be of use to him to gain a 30% stroke of luck. If not, he will take your life without a second thought.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status