Share

Chapter 2

            After ng klase, dumiretso agad ako sa cafe na sinasabi sa akin ni Bert. Naulit ko kasi na wala na ako'ng work at mahihirapan na naman ako'ng maghanap ng trabaho na babagay sa schedule ko sa school. Kaya naman sabi niyan sa akin ay hiring raw yung cafe ng Tita niya, puwede raw ako'ng mag apply doon at sasabihin niya na lamang ay kung puwedeng every afternoon ang schedule ko ng work kasi hapon pa ang tapos ng klase ko.

            Nang makausap ko naman si Ate Liz , Tita ni Bert ay ayos lang raw iyon. Ang bait niya and mahinhin ang boses, hindi ako nahirapang kausapin siya kasi ang smooth lang niya kausap and ang bilis naming nagkapalagayang-loob. Puwede na rin daw ako'ng mag start sa Monday since Saturday na bukas. Pagkalabas ko sa cafe ay pumara agad ako ng tricycle papunta sa pier at para umuwi. May maliit kasing bangkaan dito at pier ang tawag namin, nakasanayan lang kaya hindi na rin binago ang tawag. Sasakay na sana ako sa tricycle nang mapansin ko na may sakay ito, kaya hindi na ako sumakay. Ano ba naman itong si Manong, may sakay na tapos tinigilan pa ako?

           "Sakay ka na Elisa, sa pier rin ang punta biting si Totoy." Sabi sa akin ni Manong. Kilala na rin nila ako kasi iilan lamang naman Silang driver na paikot-ikot dito. Nagulat ako sa sinabi niyang sa pier ang punta ng lalaking sakay sa tricycle, sa Isla lang kasinang destinatyon ng bangka kaya malamang ay sa Soloc ang punta niya. Nakakapanibago naman na may mga taga-Sta. Ana nang pumulunta sa Isla.

            Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Sige po Manong," sagot ko na lamang at sumakay sa likuran ng tricycle kasi may pasahero na nga sa loob.

            Ngunit bago pa ako makaupo ay nagsalita ang lalaking pasahero. "You can sit inside," maikli nitong sabi na halos hindi bumubuka ang bibig.

            Ang tangkad niya at maganda ang pangangatawan. Naka-puti ri —, teka siya yung lalaki sa Isla. At ngayon nga, babalik ulit siya sa Isla. Nakita kong umupo na siya sa likuran kaya dali-dali na ako'ng sumakay sa loob bago pa ako mapahiya. Pinilit kong hindi tumingin sa salamin ni Manong kahit curious na curious ako sa lalaking pasahero. Mukha siyang mayaman kaya siguro nga ay kaibigan siya ng anak ni Governor. Hindi rin siya mukhang taga-Sta.Ana, iba ang pagsasalita niya compared sa mga tao dito. Pagkarating sa pier ay sumakay agad akong bangka at nagbayad. Ngunit sadyang malas talaga ang mga araw ko.

            "We have the same destination."

            Sa sinabi niya pa lamang na iyon ay gets ko na agad na gusto niyang sumabay. Naiilang ako sa kanya, at hindi ko rin maiwasan na titigan ang mukha niya dahil talagang may kamukha siya na hindi ko maalala. Pero, puwede bang tumanggi?

            "Yes, Sir." Sagot agad ni Kuyang magsasagwan na halatang inisip pa ang isasagot. Mukhang nahirapan siya mag isip pero dahil pera rin yon, nakapag-yes na lang rin agad.

            Hindi na ako umimik at tumingin na lamang sa binabagtas na tubig ng bangka. Sana ganito na lang rin lagi kapayapa ang buhay ko pero siguradong pagbaba ko pa lamang sa bangkang ito ay maririnig ko na ulit ang sigaw ni Nanay sa pangalan ko.

            Simula nang namatay si Tatay tatlong taon na ang nakakalipas, naging ganiyan na siya sa akin. Palagi niya na ako'ng sinasaktan at lagi na rin siyang lasing, hindi man niya sabihin pero ramdam kong ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Tatay. Nagpumilit kasi akong balikan ang nawawala kong tsinelas sa my dagat kahit pa masama ang panahon, ngunit sinabi ni Tatay na siya na. Bumagyo noon ng malakas at maraming nasirang mga bahay at natumbang puno, pero kahit nasira rin ang bahay namin ay mas naisip ko si Tatay, hindi pa rin kasi siya bumabalik.

            Hanggang sa narinig na lamang namin ang sigaw ng isa naming kapit-bahay, "Lydia si Minggoy nabagsakan ng puno ng niyog." Iyak ako ng iyak pero alam kong mas nasasaktan si Nanay. Kaya nga pinipili kong hindi sumagot kay Nanay kahit pinagsasalitaan niya pa ako ng masama at hinahampas ng walis, kasi alam kong kasalanan ko nga.

            Isang malalim na boses ang gumising sa aking pag iisip. "We're here."

            Tiningnan ko na siya ng diretso at nagulat ako ng bigla kong maalala kung saan ko siya nakita. Ang lalaking tinawag ako'ng Brie, siya iyon. Iba lamang ang suot niya pero ang puwesto ng buhok at features nila ay iisa. Habang nanlalaki ang mga mata ko ay para naman siyang inip na inip sa sasabihin ko. Napalunok ako bago inayos ang puwesto at bumaba na.

            "Salamat po." Maikli kong sabi sabay lakad pauwi. Hindi ko na nilingon pa ang bangka dahil siguradong nasa likuran ko ang lalaking naka-puting T-shirt.

            "Elisaaaaa! N-asaan ka na naman bang bata ka? Napakalayas mo." Medyo tuwid ang pagsigaw ni Nanay pero alam kong lasing na naman siya. Nagmadali na lamang ako pauwi.

            "Nay, nandito na po ako."

            "Saan ka galing ha. Labahan mo yung damit nila Gov, sayang ang pera. Layas ka ng layas eh mas kailangan iyon gawin." Galit na sabi ni Nanay, pinaglalaba kasi namin ng damit sila Gov at binabayaran naman nila kami.

            "Pero dilim na po Inay, puwede bang bukas na para makapag pahinga rin muna ako?" Dahan-dahan ko'ng tanggi dahil baka nagalit siya.

            "Aba! Tumatanggi ka na ngayon, at sa pera pa ha. Unayos ka Elisa, kung hindi dahil sa'yo eh sana nagkakapera pa tayo ng maayos at may sumusuporta sa atin. Kasalanan mo ito kaya ikaw ang gumawa ng paraan kung paano tayo magkakapera." Litanya ni Nanay. Hindi man niya direktang sabihin ay alam ko'ng ang pagkamatay ni Tatay ang tinutukoy niya. "Kumilos ka at pumunta kina Gov." Tumango na lamang ako at pumunta sa kwarto para magbihis.

            "Aalis na po ako," pagpapaalam ko kahit alam ko namang wala siyang pakialam.

            "Yung suweldo mo ibibigay mo sa akin ha." Hayst.

Habang binabagtas ko ang daan kina Gov ay binuhay ko ang flashlight sa asking cellphone. Madilim na kasi talaga, but I na lamang at ilang metro lang ang layo namin sa bahay nila. Pagkarating ko sa gate ay nag doorbell ako agad, pinagbuksan ako ng isa sa mga katulong nila. "Ate Nits, magpapalaba raw po si Gov. Pinapunta po ako ni Nanay dito." Sabi ko kay Ate Nits, katulong nila Gov.

            Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Ay oo, pero gabi na ah. Bakit hindi na lamang bukas? Sigurado naman ako'ng marami pang isusuot sila Gov." Iyan rin sinabi ko kay Nanay kaso pinilit pa rin ako.

            "May gagawin rin po kasi ako bukas kaya ngayon na lang po." Pagdadahilan ko para di na masyadong humaba pa ang usapan namin at nang makapag simula na ako.

            "Siya sige, nasa may labahan na ang mga damit at kakailanganin mo. Dumiretso ka na lamang doon." Ngumiti na lamang ako at nagpaalam na. Dire-diretso ako sa labahan, kailangan ko'ng matapos agad.

            "Elisa?" Ano ba yan? Daming istorbo. Lumingon ako at nakita ko'ng si Duke pala ang tumawag sa akin. Anak siya ni Gov, bale dalawa silang magkapatid. Si Ruth ay nasa America habang si Duke ay nanatili rito upang tulungan ang ama sa negosyo. "What are you doing here? Gabi na ah."

            "Maglalaba ako, nagpapalaba raw si Gov kanina kaso may klase ako kaya ngayon na lamang gabi. Mauna na ako para matapos ko rin agad iyon." Hindi ko na siya hinayaang sumagot kahit pa mukhang magsasalita pa siya. Nakakahiya man sa kaniya pero kailangan ko na talagang matapos ito kasi pagod na rin ako. Pagkarating ko sa labahan ay pinaghiwa-hiwalay ko na agad ang mga damit nila at nagsimula na ako'ng maglaba. After 4 hours ay tapos na rin ako, 10:23 p.m na pala.

            Umalis na ako sa labahan at pupunta na sana sa loob upang magpaalam at makuha ang bayad ko, pero hindi pa ako nakakarating sa loob ay nakita ko ang lalaking laging naka-puting T-shirt. Ngunit iba na ang suot niya, naka-itim na siyang sando.

            "Brie." Iyan na naman siya. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumuloy na sa paglalakad. "Can't you really remember me? I'm Hanz, Brie. Alam kong ikaw yan, nang una kitang makita sa Sta. Ana alam ko na agad na ikaw si Brie. You may not remember me but I remember every detail of you."

            "Mister Hanz hindi po ako si Brie, I'm Elisa. You can also ask Duke, kilala niya ako. Matagal na po ako dito sa Isla kaya imposibleng ako ang hinahanap niyo. Kailangan ko nang pumasok sa loob kasi magpapaalam pa ako kay Gov." Sagot ko rito at umalis na.

            "There is something." Narinig ko pang sabi niya pero di ko na pinansin pa, gwapo nga pero di naman makaintindi.

            Pagpasok ko sa loob ay nakita ko agad si Governor sa sofa habang kausap si Duke.  "Baka magalit si Hanz, Papa. Alam mo namang si Ruth lang ang may gusto nito." Narinig ko'ng sabi ni Duke. Hanz at Ruth?

            "Alam ko, pero ito lang ang paraan para umuwi ang kapatid mo. Bagay naman sila kaya di mahihirapan si Hanz pakisamahan si Ruth." Ay may pilitan? Kaya ba nandito lagi yung lalaking nakaputi kasi gusto siya ni Gov para kay Ruth? Tumikhim na ako back pa sila makapag usap ulit, baka masyado na ako'ng maraming marinig. "Oh ikaw pala Elisa. Nasabi nga sa akin ni Duke na gabing-gabi ka na naglaba, Sana ipinagpabukas mo na lang para nakapagpahinga ka ngayon." Ang bait talaga ni Gov, kaya di na ako nagtataka kung bakit mabait rin si Duke. Hindi ko lang alam si Ruth kasi hindi ko pa siya nakakausap.

            "May gagawin po kasi ako bukas kaya ngayon na ako naglaba. Kaya ko pa naman po." Magalang kong sagot, inabutan niya ako ng dalawang-libo at inalok ng pagkain ngunit tumanggi ako. Kailangan ko nang umuwi dahil gabing-gabi na.

            "Duke, ihatid mo na si Elisa at gabi na." Tatanggi pa sana ako pero tumayo na si Duke at hinawakan ako sa balikat. Sanay na rin ako sa ganitong kilos niya. Nakasalubong pa namin si Hanz.

            "Where are you going?" Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya kasi kay Gov siya nakatingin.

            "Ihahatid ko lang si Elisa pauwi. You can rest now Hanz, maaga tayong pupunta sa dagat bukas." Nakita ko ang pagtalim ng mata ni Hanz pero hindi na ito nagsalita pa. Magkagalit ba sila? Akala ko ba magkaibigan ang dalawang ito? "Let's go Elisa, para makapagpahinga ka na rin." Ang lambing ha, ngumiti na lamang ako at hinayaan siyang nakaakbay sa akin.

••

            Saturday ngayon at balak ko'ng magtinda ng bracelet sa mga turista. Pakinig ko kasi na may mga turistang pupunta sa Isla ngayong Sabado kaya kumuha ako ng 50 pieces bracelet sa mga paninda ni Aling Saling. Nilalagyan ko ito ng limang pisong tubo kaya pipilitin kong maitinda lahat para may 250 pesos na ako. Kinuha kasi ni Nanay ang 1,500 na kinita ko sa paglalaba kina Governor, buti na lamang at hindi niya alam na dalawang libo ang ibinabayad sa akin kaya kahit papaano ay may pera pa ako. Kailangan ko'ng makaipon dahil matagal pa bago ako makasahod sa cafe ng Tita ni Bert.

            Pagdating ko sa tabing-dagat ay nakita ko na agad ang mga turista. "Good morning Ma'am. Would you like to buy bracelet as your remembrance. This symbolize that Soloc gives you a peaceful vacation." Sabay pinakita ko ang bracelet na may air pendant "Another, I have here as bracelet with a sun pendant. We believe here that this symbolize a bright future for tourists." Pagpapatuloy ko. Nakita ko namang ngumiti ang turista habang hinahawakan ang bracelet na may air pendant.

            "This looks so nice, I want to buy 5 for me and my colleagues." Napangiti naman ako nang malaki at nagpasalamat. Pagkatapos ko sa babaeng turista ay naghanap naman agad ako ng iba pa, pero iba nga ang aking nakita. Si Hanz, kasam si Duke.

            "Oh Elisa, bracelet?" Napairap ako sa obvious niyang tanong kaya tumawa lang siya.

            "Pabili ako ng dalawa, tig-isa ka--"

            "I'll buy it all and you can now go home." Pagputol nito sa sinasabi ni Duke. Bastos talaga pero napangiti ako kasi mauubos na ang paninda ko agad.

            "Thank you, here. These costs 900 pesos." Sabay abot ko ng papel na may lamang bracelet.

            "Maiisuot mo ba lahat yan Dude?" Hindi siya sinagot ni Hanz at lumingon lamang ito sa akin.

            "Go home now. Change your clothes, that is too revealing." Para naman ako'ng napahiya sa sinabi niya pero okay lang naman ang suot ko ah. Short at sando, ganito lagi ang suot ko sa Isla.

            "Mister, I'm wearing a casual clo--." Hindi pa ako tapos magsalita ay sumabay na naman siya. Napaka bastos talaga.

            "Brie, go home now." Matigas nitong sabi at tinawag na naman ako'ng Brie.

            Nakita ko'ng nagulat si Duke, kilala niya ba si Brie? "Brie? Your long lost —" Nabitin ang sasabihin noya o mas pinili niya na lamang hindi ituloy?

            "I am not Brie. How many times should I tell you that?" Naiinis na talaga ako sa kanya. Mas maalam pa sa akin. Bakit niya ba ipinipilit na ako si Brie, eh ako nga si Elisa na taga Isla ng Soloc.

            "I don't care, I know you more than you know yourself." Aba't magsasalita pa ako pero tinalikuran niya na ako.

            "Sorry Elisa, moody talaga si Hanz. Siguro ay kamukha mo si Brie kaya ipinipilit niya na ikaw siya." Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumango. Sumunod na siya kay Hanz kaya lumingon ako sa gawi nila, siguro ay napakahalaga ni Brie sa kanya kaya hindi niya ito kayang kalimutan.

            Pagkagaling ko kina Aling Saling para magbigay ng bayad ay dumiretso ako sa bahay. Buti na lamang at wala si Nanay, siguradong nasa mga kasamahan niya siya at nag iinom. Kailangan ko'ng maligo agad at pumunta sa Sta. Ana, bibili kasi ako ng mga gagamitin ko sa project. Groupings naman ito kaso ako na ang bahala sa props, kapag hinintay ko pang kumilos ang mga kagrupo ko ay baka wala lamang kaming maipasa kay Ma'am. Pagkatapos ko magbihis ay tumakbo na ako papunta sa pier, pero kung minamalas ka nga naman.

            Nakita kong pasakay ng bangka si Hanz, napalingon si Manong sa akin at tinawag pa ako. Hayst. "Oh Elisa, pupunta ka ba sa Sta. Ana? Sabay ka na kay Totoy at doon rin ang punta niya." Nilingon ako ni Hanz at parang sinasabing, ‘sumakay ka na’, kaya napatango na lamang ako.

            "Why are you going in Sta. Ana while wearing a skirt? And take note that you will ride a boat." Pagalit na sambit nito pagkasakay sa bangka.

            "Bakit ba marunong ka pa sa akin eh ako ang nagsusuot?" Di ko na talaga mapigilang nagtaas ng boses kasi kanina niya pa ako'ng pinapakialaman. Buti na lang busy si Manong kaya di siya lumilingon sa amin.

            "I do care Brie, you're my wife." Hindi ako makaimik sa narinig ko. Wife? Kaya pala sobrang halaga ni Brie sa kanya ay dahil mag asawa sila. Bakit parang nasasaktan ako? Ano ba yan Elisa, ang arte mo.

            "I am not Brie and I am not you wife."

            "You can deny it as long as you want but when the results came out, I am telling you that you have no other options but to came back with us, on me." May pagbabanta niyang sabi na para bang sigurado siyang sa kanya papabor ang kung ano mang resulta na hinihintay niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status