Share

Chapter 4

"Oh! Hanz?"

            Kahit si Duke ay parang nagulat sa pagsulpot ng lalaking ito sa aming harapan. Sino ba naman ang hindi? Gabi na at tahimik lang kami tapos biglang may lalabas na kung sino na hindi namin expected. Hobby na ata ni Hanz ang bigla na lang magpapakita sa mga unexpected situation.

            "Why are you going home late?" Parang tatay na tayong niya sa akin. Yes, sa akin talaga kasi diretso lang yung tingin niya sa mata ko na para bang hindi niya narinig ang pagkakagulat na bati sa kanya ni Duke.

            "May shift ako sa cafe and ganitong oras ang out ko. Nakita ko lang si Duke sa pier kaya nagsabay na kami pauwi." Wait, why do I need to explain?

            "That's not safe. Let me have your schedule and let me accompany you after school and after your shift." Sino ba siya sa akala niya? Nakakahiya kay Duke, baka isipin niya may relasyon kami ni Hanz.

            Siguro ay nalilito na rin siya sa mga sinasabi ni Hanz kaya palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Bakit naman Hanz?"

            Kahit ako ay nalilito rin, ayaw niyang maniwala na hindi ako si Brie pero wala ba siyang nakikitang differences sa amin ni Brie para paniwalaan niya pa rin yung mga sinasabi niya.  Maybe he's venting out his emotion with someone who has the same characteristics with Brie. Ayaw niyang tanggapin sa sarili niya na wala nang pag asa na makikita pa nila si Brie kaya instead of accepting the reality, his mind will just trick him for someone na kamukha ng taong namimiss niya. Perks again of being a psychology student, parang automatic ko'ng nabigyan ng analysis yung act niya.

            "Let me do the things I want without your words. We're not close enough, so stop acting that you own me. Ayaw ko nang ulitin na hindi ako yung tinutukoy mo kasi ayaw mo rin naman maniwala." Inilipat ko ang tingin k okay Duke. "Kaya ko na Duke, umuwi ka na rin," pagpapaalam ko sa kanya. May sasabihin pa sana siya pero tumalikod na ako. Nagulat na lang ako nang may humila sa aking braso at niyakap ako nang mahigpit.

            "You gave me the right to interfere with every decision you'll make. I'm sorry if I waste the chances that you gave me. I'm a change man now, I look for you in any places just to prove that I can be a better person for you now." Hindi ko alam kung umiiyak ba siya pero parang basag yung boses niya. Napansin ko rin na wala na si Duke, siguro ay umuwi na nga.

            Tinulak ko nang mahina si Hanz kasi masyadong mahigpit ang yakap niya at halos hindi na ako makahinga. "Good to hear that you are a change man now after you've waste someone who truly love and appreciate you. But Hanz, nagsasayang ka lang ng laway sa mga sinasabi mo sa akin kasi wala ako'ng maintindihan. Hindi ako si Brie, I am Elisa."

            "You have an amnesia, you've been living in this Island for 4 years. The fact that you have the same face, voice, mole like her and have the exact years that we lost Brie are enough for me to believe na hindi ako naninirahan sa imahinasyon ko. Nakalimutan mo lang kami pero hindi ka namin nakalimutan."

          Nagulat ako nang marinig ko sa kanya na may amnesia ako, paano niya nalaman? Sabi ng doctor ay possible na hindi na bumalik ang alaala ko kaya sinanay ko na lamang ang sarili bilang Elisa ang anak nina Minggoy at Lydia. Kahit wala ako'ng nakikitang pamilyar na pangyayari noon sa lugar na ito ay minahal ko pa rin ang buhay ko dito sa loob ng apat na taon. Kilala ako ng mga tao dito kaya naniniwala ako'ng taga-rito talaga ako.

            "Kanino mo nalaman iyan?" Galit na tanong ko sa kanya, hindi niya dapat pinanghihimasukan ang personal kong buhay.

            "I've asked you with someone and she told me that she is your friend. I act that I'm interested with your life here in Island even that is the truth and she told me the important part that I'm looking for."

            Si Grace iyon panigurado, siya lang naman ang kaibigan ko dito sa Isla at ang nakakaalam ng halos buong-buhay ko dito. Ang daldal niya talaga. "Eh ano naman kung may pagkakatulad kami ni Brie? Magkaibang tao pa rin kami kaya wag ka nang magpumilit pa." Sabi ko na lamang para matapos na ito. Mas gumagabi at mas kinakailangan ko nang magpahinga.

            "When the results came out, I hope you'll somehow remember me. Ihahatid na kita sa inyo at gabi na." Buti naman at alam niya, mas ginabi ako kasi ang dami niya pang sinabi. Saka ano bang result ang hinihintay niya?

••

            Nag usap kami ni Bert na sabay kaming aattend ng program na gaganapin sa stadium. Sabi kasi ay ipapakilala raw yung nag-sponsor ng new building sa aming University at dahil malaki ang maiitulong noon sa amin ay nag organize ang council na gumawa ng program para dito. Ang bait naman nila para mag sponsor ng building, ang mahal kaya nang magagastos doon. For sure mayaman sila, as in super. Nakita ko na si Bert sa isang bench, may kausap na blonde guy. Malapit lang ako sa kanila kaya kitang-kita ko ang itsura nang kausap niya but I can't say if his hair is natural blond or not. In fairness pogi at matangkad siya, pero ngayon ko lang siya nakita dito sa school kaya nakakapagtakang kausap niya si Bert na parang close sila. Are they relatives?

            "Britanny!" Tawag ko kay Bert, baka mag hysterical na naman ito kapag tinawag kong Bert.

            Lumingon naman sila sa akin at nakita ko ang gulat sa mukha ni blonde guy. Tingin na tingin siya sa akin na para bang may nakitang multo. The second shock reaction I've seen next to Hanz. Ano ba ang problema ng mga ito at parang may nakikita sila sa akin na sila lang ang kayang magpaliwanag?

            "Hello Elisaaa. You're so matagal." Maarteng bati sa akin ni Bert. "Oh! This is Mike nga pala Elisa,  cousin ko." Pagpapakilala nito sa lalaking kanina pang nakatulala. Hindi pa rin ito nagsasalita pero medyo iba na ang expression niya ngayon. Hindi ko naman alam kung paano ito iaapproach kasi mukhang hindi ako papansinin. "Alam ko'ng maganda si Elisa pero huwag mo siyang isasali sa list of girls mo. Maganda, matalino at masipag yan kaya out of the bitches agad." Nakakahiya naman ang nga sinasabi nitong si Bert, parang ang assuming ko ha.

            "Tumahimik ka nga Bert. Nakak--"

            "Brie,"

            Again. Nagpatigil na lang ako sa pagsasalita nag marinig ko na naman ang pangalan na iyon. Brie na naman? Wala ba talaga kaming differences para mag second thought man lang sila kung ako nga si Brie? So it means, kakilala niya si Hanz.

            "Elisa nga Mark, not Brie." Sabi ni Bert na parang mas naimbyerna pa kesa sa akin dahil mali ang sinabing pangalan ng kaniyang pinsan.

            "Elisa? Oh sorry. Kamukha niya kasi yung kaibigan ko dati. By the way I'm Mike, nice to meet you Elisa" Pagpapakilala nito nang makabawi sa pagkakagulat. Kamukha raw ako ng kaibigan niya, so magkakaibigan sina Brie, Mike at Hanz?

            "I heard that name too from someone I bumped some days ago. He also told me that I'm Brie and insisted that we are the same person." Sagot ko na lamang dito para malaman niyang he don't need to say sorry kasi he's not the only one who mistaken me as another person.

            "Really, and Brie rin ang tawag niya sa'yo? Who?"

            "Hanz. He is a friend of my friend sa Isla ng Soloc. I bumped with him last week I guess dito rin sa may Sta. Ana and he also told me that I'm Brie. Nakikita ko siya lagi ngayon sa Isla and ipinipilit niya na ako talaga yung babae na hinahanap niya." Pagpapatuloy ko pa. Nakita ko naman na nagulat ulit siya, siguro ay kilala nga niya si Hanz at iisang Brie yung hinahanap nila.

            "Tara na Elisa, magsisimula na ang program. Baka wala na tayong maupuan niyan, kailangan pa naman na hindi mangalay ang mga legs ko." Nagpaalam na rin naman si Mike na mauuna na siya sa stadium dahil nandon na ang mga kasamahan niya.

            Pagkarating namin ni Bert sa loob ay halos punuan na nga, buti na lamang at may ilang vacant seat pa sa unahan kaya doon na kami puwesto. Ayaw ko pa naman sa unahan kasi masyadong malapit sa sounds and hindi ganoon kalinaw tingnan ang mga nasa stage pero no choice kaya dito na lang. "Ang dilim naman sa puwesto natin tapos over ang liwanag sa stage. Iba ha!" Napaka reklamador talaga nito, pero tama naman siya. Buti na lang at medyo malayo yung speaker, kung nasa tapat talaga namin ay baka hindi na lang ako umattend.

            "Good Day our dear students of University of Sta. Ana. I would like to extend my gratitude for every student who attended for this event despite of their loaded projects. Also, to our team council who organized this event and make it successful. Thank you!" Paunang bati ng emcee sa aming lahat. Palaging siya yung emcee kapag sa stadium ginaganap ang program, maganda naman talaga ang boses niya and welcoming. "Huwag na natin patagalin pa, let us all welcome the sponsors of our new building that will become a building of CAS Department, Mr. and Mrs. Cruz."

            Pumalakpak ang lahat pati na rin kami ni Bert. Nakaka proud yung mga taong tumutulong kahit sa hindi kilalang paaralan. Nakita kong may tumayong dalawang tao sa unahan, ngayon ko lang napansin na may mga nakaupo pala sa harapan namin at kasama doon si blonde guy. Hindi ko alam kung bakit pero sumakit bigla ang ulo ko nang makita ang mukha nina Mr. and Mrs. Cruz. May mga nagfaflash na event sa isip ko pero hindi ko maintindihan kung ano iyon. Ang gulo at medyo blurred.

            "Don't make me mad again Aubrie."

            Narinig ko'ng bigla. Galit yung boses at parang mananakit, hindi ko kilala kung kaninong boses iyon pero sobrang pamilyar niya. Bigla ako'ng nakaramdam nang pangungulila at sakit, hindi ko alam kung bakit. Nagsala yung upo ko at napalakas ang pagkakabagsak sa sahig kaya naglingunan sa puwesto ko ang mga estudyanteng malapit sa amin.

            "Are you okay Elisa? Uy!" Naririnig ko ang boses ni Bert pero mas naririnig ko ang magugulong boses sa isip ko.

            Huminga ako nang malalim at nag focus sa magandang topic para ma-divert ang isipan ko. Ang hirap pero pinipilit ko, ramdam ko kasing may mga lumalapit pa sa puwesto ko. "Y-es." Pinilit kong sumagot dahil alam ko'ng nag aalala na siya sa akin. Nang alam ko nang medyo okay na ako ay bumalik na ako sa aking upuan.

            May umalalay sa akin na isang magaspang na kamay pero magaan lamang ang pagkakahawak. Nilingon ko ito at nagpasalamat pero parang na-bato ito sa kaniyang puwesto nang makita ang aking mukha. Alam ko na ang ganitong sitwasyon, tatawagin na naman nila ako'ng Brie. "Brie, anak." Nagulat ako dahil tinawag niya ako'ng anak. Ngayon ko lang rin napansin na si Mr. Cruz pala ang umalalay sa akin at nasa tabi niya ang kaniyang asawa at si Mike. Napatingin ako sa lalaking katabi ni Mike, isa rin siya sa mga guests na nakaupo kanina sa harapan. Blanko lamang ang kaniyang mukha at hindi babakasan ng kahit ano'ng emosyon.

            Ibinalik ko ang tingin kay Mr. Cruz at ngumiti ulit. "Ako po si Elisa, hindi po Brie." Magalang ko'ng sagot dito.

            Hindi ko makuhang mainis kahit pa napagkamalan na naman ako na si Brie. Ang gaan ng loob ko sa kanya, parang may memories kami na magaganda at gusto ko na lang yumakap sa kanila bigla. Pinigilan ko ang aking sarili na gumawa nang hindi inaasahang hakbang dahil baka magtaka sila kung bakit ganon ang kilos ko. Niyaya na sila ni Mike bumalik sa puwesto at humingi na lamang ako ng pasensya dahil napatigil saglit ang event. Nakakahiya naman, feeling important ako. Pagkatapos ng event ay narinig ko na may tumawag sa akin.

            "Elisa!" Boses iyon ni Mike.

            "Hello, pasensya na ulit kanina ha. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko. May kailangan ka ba?" Sagot ko agad dito dahil nagugutom na rin ako.

            "Sumabay na kayo sa amin ni Bert mag lunch, dyan lang naman sa malapit na resto." Kinurot ni Bert ang braso ko kaya nagulat ako, hindi ko alam kung oo ba o hindi ang gusto niyang iparating sa akin.

            "Si Bert na lang ang tanungin mo, baka kasi may plano pa siya ngayon." Nagbigay na lang ako ng safe na sagot, hindi ko kasi alam kung papayag ako o hindi.

            "Yes naman basta kasama si Bryle." Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy ni Bert pero for sure ay pogi iyon dahil kumikinang pa ang mata niya. Ang hilig talaga.

            "Oo naman. Kasama rin si Tito at Tita, gusto rin kasi nilang makausap si Br —Elisa."

            Brie na naman. Bakit ba ang dami nilang nagsusulputan bigla na naghahanap kay Brie? Nakakapagod rin mag explain pero nahihiya naman ako'ng tumanggi lalo na at sina Mr. Montero ang nag iimbita. Pumayag na lamang kami ni Bert, nasa malayo pa lamang ay tanaw ko na ang lalaking naka-puting T-shirt na nakasandal sa isang Honda car. Ano'ng ginagawa niya rito? Paglapit namin ay binati agad ito ni Mike.

            "Buti naka-abot ka, akala ko mauuna na kami."

            Tiningnan lang nito si Mike at hindi na sinagot. Hindi ko alam kung sino ba ang iniintay niyang pumasok sa sasakyan, bigla niya kasing binuksan ang pinto pero hindi naman nagsalita. Nakita kong nakatayo lang si Mike at si Bert naman ay naglalakad na sa direksyon ng isa pang sasakyan. Tingnan mo ito, hindi man lang ako isinama.

            Susunod na sana ako pero hinila ako ni Hanz sa braso at pinilit isinakay sa passenger seat.  "Ano ba? Masakit ha." Inis na sabi ko dito nang maisara niya ang pinto.

            Hindi na naman siya sumagot at umikot lang sa driver seat. Inilagay ko na ang seatbelt dahil baka iutos niya pa, ang tahimik niya ngayon ha. I mean is, tahimik naman talaga siya pero iba ngayon. Parang hindi niya trip magsalita kasi may pupuna sa mga sasabihin niya. Hayst. Wag ko na nga siyang problemahin, humarap lang ako sa may bintana nang simulan niyang imaneho ang sasakyan. Pagkarating namin sa resto ay binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako. Nakita ko'ng nasa loob na si Bert, ang bagal naman kasi magmaneho ni Hanz. Pumasok na lang ako at dumiretso sa puwesto nila.

            "Hello po, pasensya na po kung makikisabay pa kami ni Bert sa lunch niyo." Pagbati ko sa kanila nang makarating ako sa may lamesa.

            "Ayos lang iha, kami nga ang dapat humingi ng pasensya. Baka kasi may plano kayo ni Bert ngayon tapos pinilit pa namin kayo na sa amin sumabay." Ang lambing ng boses ni Mrs. Cruz, ang hinhin. Yung parang never gagawa ng masama at palaging honor in class.

            "Naku okay lang po. Sa canteen lang rin naman po sana kami maglulunch, vacant rin naman po namin kaya okay lang kung medyo magtagal kami."

            Umupo na ako nang mapansin ko'ng ako na lamang ang nakatayo. Hindi man lang ako hinila ni Bert para umupo, kanina ko pa napapansin na parang di siya active sa paligid niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko'ng sa lalaki pala na walang emosyon. Siya iyong nasa event kanina at isa sa mga guests, siguro ay siya rin si Bryle na binaggit ni Bert kanina. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at medyo pinisil ito. Hindi naman masakit, sapat lang para mabaling ang atensyon ko sa taong katabi ko.

            "Stop staring at him."

            Sino ba ang tinutukoy niya? Kung ano-ano talaga mga sinasabi nito.

            "Let's order, baka gutom na ang mga bata." Biglang sabi ni Mrs. Cruz. Natakam naman ako nang makita ang pagkain ng mga customer. Inabot ko agad ang menu at namili nang gusto ko'ng kainin. Ang mahal pala dito, halos one month allowance ko na yung presyo ng drinks nila.  "Order want you want, that's my treat." Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi na ulit ako mag iinarte, talagang wala ako'ng ibabayad kung hindi nila ako ililibre. "What are your order guys?" Tanong pa nito. Idinikta naman nila ang kanilang mga orders at syempre kaunti lang ang sa akin.

            Napansin ko'ng nakatingin silang lahat sa akin, except kay Bert na busy pa rin sa pagtitig kay Bryle. "Ahm. Bakit po?" Alangan ko'ng tanong sa kanila kasi medyo nakakailang yung mga tingin nila sa akin.

            "Sorry, we just remembered someone na favorite yung mga foods na inorder mo. Favorite niya rin ang resto na ito at iyon ang lagi niyang inoorder." Alam kong si Brie ang tinutukoy nila, macaroni kasi ang inorder ko at sabi ni Hanz ay favorite iyon ni Brie. Ngumiti na lamang ako at hinintay na lang dumating yung pagkain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status