Share

Chapter 5

It's been two days since I had lunch with Mr. and Mrs. Cruz, and all I can say is I don't want to have lunch with them again. Given na yung mabait sila pero I felt that they are looking at me as someone they want to be with, not as Elisa who had her breakdown in stadium. Wala nang ginawa si Tita Asyana kung hindi itanong kung ano pa ang favorite ko at kung gusto ko pa ba umorder ng macaroni. They also insisted to call them Tito and Tita kaya medyo nalilito ako sa itatawag ko sa kanila. Tito Golem, on the other hand naman, keep on glancing back at Hanz and me. Para bang sinasabi niya na Hanz should talk to me or must insist a conversation.

            That lunch made me feel awkward, hindi ko alam kung ano ang kilos na kailangan ko'ng gawin kasi parang binabantayan nila ako. I do understand na nakikita nila sa akin si Brie and sobrang mahal nila si Brie, nalaman ko kasing parents sila ni Hanz kaya mas nakaramdam ako ng awkwardness. But not because nakikita nila sa akin si Brie ay kailangan guarded na yung kilos ko, parang hinahanapan nila ako nang maraming similarities ni Brie just to prove na ako nga ang asawa ni Hanz. Thankful naman ako na hindi na naki-issue pa si Mark and Bryle, si Bert naman ay naunang umuwi kasi may emergency raw sa kanila. Gusto ko na sanang sumabay sa kanya pero hindi ko alam kung paano aalis at magpapaalam, kaya ang ending inihatid nila ako pabalik sa school.

            As of now, I'm at peace. Walang Hanz na nagpapakita sa akin for two days at nagpupumilit na ako si Brie. Nasa loob na ako ng classroom at naghihintay ng professor, nagsabi naman si Ma'am na medyo malelate siya dahil may meeting pa sila and narinig ko rin na on leave pa ang teacher namin sa isa naming major subject ang Theory of Personality, personal reason raw kaya hindi na detailed inexplain ng aming dean. Hindi ko kilala kung sino ang magiging temporary teacher namin for that subject but the dean termed her as 'fresh from Canada'. Wala ako'ng makausap kasi wala pa rin si Bert, may problema pa rin daw sa kanilang bahay. Si Grace naman ay hindi na pumapasok, matagal na siyang pinatigil ng kaniyang ina dahil na rin sa kakulangan sa pera.

            "Good morning class, sorry kung 30 minutes late ako. Alam niyo namang ako ang assigned sa pagmomonitor ng temporary teacher niyo sa TOP kaya may inayos ako sa office."  Mabilis namang umayos ng upo ang mga kaklase ko at ibinalik ang cellphone sa kanilang mga bag nang biglang pumasok si Ma'am Contempo sa room. Medyo nasanay na rin ako'ng tawagin siyang Ma'am Contempo kai prof namin siya sa Contemporary World pero kapag sumasagot naman ako is Ma'am lang ang binabanggit ko. "Bukas sa time niyo ng TOP ay si Ms. Estefano na ang aattend sa inyo." Pagpapatuloy pa nito.

            Narinig ko naman ang bulungan ng ilan ko’ng mga kaklase. Estefano? Kamag-anak kaya siya nila Gov? Wala kasi ako masyadong kilalang kamag-anak ni Duke except sa mga Aunties niya na bumibisita sa Isla. Madalas pa nga ay may kasama ang mga ito'ng negosyante, narinig ko sa usapan ng mga kasamahan ni Nanay na ayaw raw talagang manirahan dito ng mga kapatid ni Gov kaya pinapalipat na rin nila sina Duke sa Manila. Iniaalok rin daw ng mga ito sa negosyante ang Isla pero dahil mahal ni Gov ang Isla at pinapahalagahan niya kami ay hindi siya pumapayag.

            Hindi ko napansin na tapos na pala ang klase ni Ma'am. After mag dismiss ay dumiretso na agad ako sa labas para maghanap nang kakainan pero naalala ko'ng wala nga pala ako'ng kasabay ngayon kaya hindi ko feel kumain sa canteen. Tatambay na lang muna ako sa library at magrereview para sa next class ko'ng BioLecture. 1 unit lang yung BioLecture pero parang buong maghapon yung pagod na mararamdaman mo after class. Ang terror ni Sir tapos maraming actual.

            "Elisa, wait!" Lumingon ako at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko naman si Duke na nakasuot ng black Dickies shirt at pantalon, ang gwapo niya talaga kaya hindi ko rin masisisi ang mga babae dito sa Sta. Ana at Isla kung lagi silang nagpapapansin kay Duke.

            "Hi Duke! Ano'ng ginagawa mo rito? Sino’ng kasama mo?" Tanong ko sabay ngiti nang makalapit siya sa akin.

            "Mag isa lang ako. Nautusan lang ako ng kapatid ko'ng ayusin yung mga documents na kakailanganin niya kasi magtetemporary teacher siya dito bukas." Kapatid? Naalala ko naman ang temporary teacher namin sa TOP na Estefano ang surname. So kapatid siya ni Duke?

            "May kapatid ka pa ba bukod k—," Nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya ay napapikit na lamang ako. "Ay oo, uuwi si Ruth?" May kapatid nga pala siyang nasa Canada, kaya pala sabi ng dean ay 'fresh from Canada.'

            "Oo, si Ruth. Buti nga at napakiusapan siya ni Daddy na umuwi, medyo pasaway rin kasi iyon. Sabay na silang uuwi ni Hanz."

            "Ganon ba."

            Nasa Canada pala si Hanz kaya hindi ko siya nakikita. Teka, bakit parang namimiss ko? Erase. Bigla na lang ako'ng nawalan ng gana nang marinig ko na magkasama si Ruth at Hanz. Iba kasi yung pakiramdam ko kay Ruth, parang laging may galit. Kahit iisang beses ko pa lang siyang nakita ay may nararamdaman na agad ako'ng inis. Naalala ko rin ang sinabi ni Gov na hindi uuwi si Ruth kung hindi si Hanz ang gagawa nang paraan.

            "Kumain ka na ba? Tara sa canteen, libre ko na."

            Hindi na ako nakatanggi kasi kumulo ang tiyan ko. Nakakahiya ka Elisa. "Ahm. Sige." Nahihiya ko'ng sagot dito pero natawa na lang rin kami. Pagkarating sa canteen ay umupo agad ako sa vacant, buti na lang at kaunti lamang ang tao. Pansin ko ang mga tingin ng iba'ng estudyante kay Duke pero diretso lamang ang lakad nito sa counter, siya na raw kasi ang oorder.

            "Elisa, I just want to ask something pero wag ka sanang magalit." Kinabahan naman ako, ano ba naman ito'ng si Duke.

            "Sure, basta di nakaka offend ha." Nilakipan ko na lamang ng tawa para di masyadong awkward.

            "Pansin ko kasing may iba sa inyo ni Hanz. I don't want to be nosy but he called you Brie. I do not personally know Brie but alam ko na ex-wife siya ni Hanz. Bakit ka niya tinatawag na Brie?" Seryoso yung boses niya ngayon, pero ano ba ang isasagot ko sa kanya? Na sabi ni Hanz ay ako ang asawa niya at nagka amnesia lang ako?

            I shrugged my shoulder. "I don't know. Sabi niya magkamukha kami ni Brie kaya siguro akala niya ay ako ang nawawala niyang asawa."

            "Ganoon ba. I want to ask a favor rin sana. Ikaw na lang ang dumistansya kay Hanz kung ipinipilit niya na ikaw si Brie. Ikaw naman si Elisa at saka may gusto kasi si Ruth kay Hanz at ayaw namin ni Dad na magkaroon na naman ng reason si Ruth para umalis ng bansa."

            "Sure." Sagot ko na lamang dito at bumalik na sa pagkain. Ang plastic mo Elisa ha! Nakakawala naman ng gana ang topic ni Duke.

            Napansin niya siguro na nawala ako sa mood. "Did I got you offended Elisa? Sorry, huwag mo na lang pansinin yung sinabi ko. Sige na, kumain ka na." Nginitian ko na lamang ito at hindi na nagsalita.

            Medyo nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko rin alam kung bakit. Masyado na ba ako'ng na-attach kay Hanz or nagseselos ako kay Ruth? I hate this feeling. I am not obligated for something especially kung about dito, bakit ba ako yung kailangang mapressure dahil lang sa isang tao na sila ang may kailangan? Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kay Duke at sinabing may kailangan pa ako'ng hiramin sa library. Dito na lang rin muna ako tatambay hanggang sa mag next class.

            After ng klase ay dumiretso na ako agad sa cafe ng Tita ni Bert, medyo na-late pa ako ng ilang minutes kasi may actual task ang prof namin kanina at dahil last subject siya ay nag overtime kami.

            Nagpalit na ako ng uniform at lumapit agad sa bagong pasok na customer. "Good day Ma'am! Here is our menu. Kindly call me po if you already have your order. Thank you." Magalang na sabi ko dito.

            "No need, my order is just one cup of frappe." Mabilis nitong sagot sa akin. Inulit ko lamang ang order nito at ibinigay ko na sa counter ang order niya. Kakaunti ang tao ngayon sa cafe, siguro ay dahil mainit talaga at mas masarap kung ice cream.

            "Magpahinga ka naman Elisa, kanina ka lang nagpupunas ng mga table."

            "Okay lang, baka antukin mask ako kapag umupo lang ako. Gabi na rin kasi kaya mabilis lang ako'ng aantukin." Sagot ko na lamang dito dahit iyon naman talaga ang totoo. Puna sa akin ni Ella. Iilan lang kasi ang customer kaya para di ako maboring ay nagpunas na lang ako ng table at counter.

            "Sa bagay, si Ella kasi mas gusto ang nakaupo lang." Pabiro lang naman ang tono ni Jake, ang barista dito, pero mukhang napikon si Ella kasi umirap ito at umalis. "Nagalit ata?" Sabi pa ni Jake kaya tinawanan ko na lamang ito. "Nga pala Elisa, may lalaking dumaan dito kahapon pagkatapos mo mag out tapos hinahanap ka. Kakaalis mo lang kaya hindi ko alam kung inabutan ka ba niya." Maalin lang lay Duke at Hanz ang naiisip ko kasi sila lang ang kilala kong lalaki bukod kay Bert. So Bert naman ay kilala na nila kasi Tita niya ang may ari ng cafe, si Hanz naman sabi ni Duke ay nasa Canada noong isang araw pa kaya si Duke na lang ang possible na dumaan dito.

            "Talaga, naitanong mo ba ang pangalan?" Tanong ko kay Jake kasi baka hindi rin si Duke iyon.

            "Hindi eh kasi umalis rin agad. Basta medyo matanda na siya, around 60 years old na siguro pero mukhang malakas pa rin kasi maganda ang pangangatawan." Ha? Mas nalito ako sa sinabi niya kasi wala ako'ng kakilala na ganoonang edad.

            "Sigee, next time wag mo ako'ng ituturo ha kasi hindi ko iyon kilala. Sabihin mo na lang ay mag iwan ng sulat kung may gusto man sabihin sa akin."

            "Ganon ba, naku pasensya ka na."

            Nginitian ko na lamang si Jake at sinabing ayos lang kasi di niya naman kasalanan iyon. Hanggang sa matapos ang shift ko ay iniisip ko pa rin kung sino iyong naghahanap sa akin. Imposible naman na si Gov kasi hindi naman kami ganoon ka-close at kung may kailangan siya ay kay Nanay niya idinadaan. Nasa bahay na ako ngayon, at hindi ko alam kung bakit biglang tahimik lang si Nanay. Hindi rin siya lasing at siya na rin ang nagluto. Kahit kasi gabing-gabi na ako umuuwi ay ako pa rin ang pinagluluto niya kaya nakakapanibago siya ngayon.

            "Elisa, kumain ka na rito." Napapiksi ako nang magsalita si Nanay. Hindi na ako sumagot pa at dumiretso na lang sa lamesa. Siguro ay kumain na siya kasi may isang plato na sa hugasan at 10:00 p.m na rin naman. "Paborito iyan ni Minggoy, at ang paborito ko naman ay sinigang. Ayaw ni Minggoy ng spaghetti at mas gusto rin namin ang pansit." Hindi ko alam kung bakit sinasabi ito ni Nanay, malungkot ang boses niya pero walang emosyon ang kaniyang mukha. Nakatingin lang rin siya sa binislad na ulam namin na para bang doon niya kinukuha lahat ng gusto niyang sabihin. "Wala kami parehas nunal sa batok, kahit maliit na nunal ay wala. Pango ang ilong namin, makapal ang labi ni Minggoy samantalang medyo malapad naman ang akin. Malalim ang aming mata, kulay itim rin." Gusto ko'ng umiyak dahil naiintindihan ko na kung ano'ng gusto niyang iparating. Napapansin ko na rin ang mga pagkakaiba namin pero mas pinili ko'ng paniwalaan pa rin ang kuwentong sinabi nila sa akin noon.

            Tumayo na ako kahit hindi ko pa tapos ang aking pagkain, nahihirapan na kasi ako'ng lumunok at alam ko na pansin na iyon ni Nanay. "B-ukas ko na lang po ito huhugasan. Magpah —"

            "Gusto ko'ng malaman mo na tinanggap at minahal ka namin. May mga pangyayari lang talaga na puwedeng bumago sa samahan."

            Mas naiyak ako pero dumiretso na ako sa taas kasi hindi ko kayang marinig ang mga sasabihin ni Nanay. Ang daming gumugulo sa isip ko at dumagdag pa ang sinabi ni Nanay. Bakit nila ako pinaniwalang anak nila ako at bakit hindi nila ako ibinalik sa totoo ko’ng mga magulang? Oh baka naman bata pa lamang ako ay ibinigay na ako sa kanila kaya hindi na rin nila maalala ang totoo ko'ng mga magulang. Pero, paano kung ako nga si Brie? Kung inampon nila ako apat na taon pa lamang ang nakakaraan? Marami ako'ng gustong itanong pero hindi ko pa kayang marinig ang kuwento ni Nanay.

            Nagising ako na parang wala pa rin sa sarili, ayaw ko muna sanang umattend sa first class ko pero naalala ko'ng ngayon nga pala papasok si Ms. Estefano. Gusto ko siyang makita dahil pakiramdam ko ay parte rin siya nang nawawala ko'ng alaala. Hindi ko rin naman kasi masyadong nakita ang mukha niya noon sa party dahil may kausap sila ng kaniyang ama.

Pagkarating ko sa room ay wala pang tao, masyado naman ata ako'ng maaga. Tiningnan ko ang oras at 8:32 a.m pa lang, may 28 minutes pa before class. Matutulog na lang muna ulit ako dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ang aking katawan, siguro dahil na rin sa mga iniisip ko. Hindi pa ako nakakapikit ay narinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko'ng kakapasok pa lang sa room. Hayst, imposibleng makatulog pa ako kaya nag scroll na lang ako sa i*******m. May social media account kaya si Hanz? Isesearch ko sana siya pero pinigilan ko rin agad ang aking sarili, magmumukha ako'ng stalker. After a minute, nakita ko na lamang ang sarili ko'ng nag i-scroll sa timeline ni Hanz. Wala siyang mga post pero may recent tag siya katabi ang magandang babae, matangkad ito at medyo may hawig sa mata ni Gov.

            'My great day was spent with my great man.'

            Basa ko sa caption ng post. Si @Estefyruth ang nagpost kaya alam ko na agad na ito si Ruth, ang kapatid ni Duke. Nanakit na lang bigla ang ulo ko at parang maiiyak ako, ini-off ko agad ang phone at umubob sa arm rest ng upuan.

            "Good morning. BS Psych 2201 right?" Nanigas ako sa boses na aking narinig, sobrang pamilyar pero hindi ko alam kung bakit. Umiyak na lang ako bigla at parang gusto ko'ng mag breakdown, ganito ang naramdaman ko nang makita ko sina Mr. at Mrs. Cruz. Narinig ko ang 'yes po' ng mga kaklase ko pero hindi na ako nakasabay pa’ng sumagot. Tumayo ako at lalabas sana para pumunta sa clinic pero tinawag niya ako. "May I know where are you going Miss?" Mataray na tanong nito at alam ko'ng ako ang tinatanong niya.

            "Sa clinic po, masakit po kasi ang ulo ko." Mababang boses na sagot ko rito. Hindi ako tumitingin, nakayuko lamang ako.

            "Look at your professor when you're answering them. That's a proper etiquette."

            Natahimik ang klase sa sinabi niya kaya tumingin na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan, pero mukhang hindi niya inaasahan ang pagharap ko dahil muntikan na siyang mapa-upo sa gulat.  Nanlalaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala. Sabi ko na, parte siya ng nakaraaan ko, ramdam ko na kilala niya ako. Ruth Estefano, Hanz Cruz, Mike, at Mr. and Mrs Cruz, malaki ang parte nila sa buhay ko bago ako maging si Elisa. Ang kailangan ko'ng malaman ay kung ako ba si Brie.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status