Share

Chapter 6

Pagkarating ko sa clinic ay dumiretso na ako sa kama kahit wala pa ang nurse na mag aassist. Hindi ko na rin hinintay na magreply si Ms. Estefano kanina dahil sumasakit na lalo ang ulo ko at mukhang matagal pa bago siya maka get over sa pagkakagulat. Nawala ang maganda niyang posture nang makita ako, yung tingin at gulat niya ay mas sobra pa kesa sa unang pagkikita naming ni Mike. If part talaga siya ng past ko, alam ko'ng may hindi kami magandang nakaraan. May galit kasi ako'ng nararamdaman at parang gusto ko'ng umiyak at sampalin siya.

            "Ms. Soriano?" Napapiksi ako nang dumating na ang nurse sa clinic.

            "Masakit po ang ulo ko. Meron po ba kayong gamot dito?" Nginitian ko na lamang ito at sinabi ang kailangan, pero parang mas kailangan ko ang magpahinga.

            "Yes, of course. Inumin mo ito kung nakakain ka na at magpahinga ka muna."

            " Sige po, salamat."

            Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal nakatulog, nagising na lamang ako dahil nakakarinig ako ng mga boses na nag uusap. "Siguro po ay maayos na siya." Narinig ko'ng sabi ng nurse.

            "Very nice. Kailangan ko kasi siyang makausap para sa darating na Quiz Bee, medyo late na kami makakapag practice kaya kailangan ko na siyang masabihan." Boses ito ng Dean. Ako ba ang tinutukoy niya? Dahan-dahan ako'ng nagmulat at kumilos para mapansin nila na gising na ako.

            "Naku! Buti naman at gising ka na Ma. Soriano. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Dean at ang nurse, tumango na lamang ako bilang sagot. "Hinahanap ka rin ni Dean, may kailangan raw siyang sabihin sa'yo. Maiwan ko po muna kayo'ng dalawa Dean, may mga kailangan pa po ako'ng ipatas na gamot." Nagpasalamat lang ako sa nurse at lumabas na rin ito.

            "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Ano ba ito'ng si Dean, sabi nang okay na ako.

            "Yes po, sumakit lamang ang ulo ko kanina pero nakapag pahinga na rin po ako."

            "Mabuti naman, gusto sana kitang makausap tungkol sa darating na Quiz Bee na gaganapin sa Manila. Napag-usapan sa office na ikaw ang aming ilalaban, alam kasi namin na kaya mo iyon." Medyo na-fluttered naman ako pero siguradong may mga kailangang pagkagastusan doon at wala na ako'ng pera. Napansin niya siguro ang pag aalinlangan ko kaya nagsalita siya ulit. "Don't worry sa expenses, sagot ito ng department since scholar ka rin naman dito sa University. Another, may 10,000 pesos prize ang mananalo kaya gusto ko rin na ilaw ang sumali." Ang laking halaga noon, puwede ko iyong itabi para sa page aaral ko at bibigyan ko si Nanay nang puwede niyang gastusin kapag may kailangan siya.

Naalala ko si Bert, isa rin kasi siya sa nagpapataas ng confidence ko kaya nakakapanibago kapag hindi ko siya kasama sa school at after school. "Sige po, Dean. Kailan po ba ang simula ng practice at mga what time po? May part-time po kasi ako sa cafe ng 5:00 p.m - 10:00 p.m kaya baka po hindi ako pwede ng ganoong oras."

            "Kung vacant ka every 11:00 a.m - 1:00 p.m ng Tuesday and Thursday is pwedeng ganoong oras tayo mag review."

            "Wala naman po. Hihingi rin po ako ng mga possible scope para makapag review rin ako kapag nasa bahay."

            Nag thank you lamang si Dean at nagsabi ng ilang kailangang gawin. Nagpaalam na rin siya dahil sumaglit lang raw siya sa clinic para dito. Inayos ko na ang aking sarili at lalabas na rin ako. Kailangan ko'ng umattend sa next class dahil ayaw ko'ng maiwanan sa discussion. Pagkalabas ko ng clinic ay may nakabungguan ako, kung minamalas ka nga naman. Buti at hindi ako natumba kahit malakas ang impact noon sa akin

            "Oh sorry Elisa, hindi ko napansin." Boses iyon ni Duke. "Galing ka’ng clinic?" Dagdag pa nito. Obvious ba eh kakalabas ko nga lang sa clinic?

            "Ah oo, nagpahinga lang." Humarap na ako dito pero sana ay hindi na lang pala. Nakita ko agad ang apat na pares ng mga mata na sa akin nakatingin, bukod pa ang kay Duke. Sabay nga pala silang umuwi kaya siguro magkasama ulit sila ngayon.

            "Ganoon ba, kumain ka na? Sumabay ka na sa amin. Elisa, ito nga pala si Ruth, kapatid ko'ng babae."

            Thankful ako at may klase ako ngayon, may dahilan ako para tumanggi. "Professor ko siya sa isang major subject ko.  Good day po Ms. Estefano." Bati ko na rin dito. "Next time na lang ako Duke sasabay, may klase pa kasi ako."

            "Sayang naman. Sige next time na lang, mauna na kami Elisa."

            Nagpaalam na rin ako at dumiretso na sa classroom. Hindi ko na tiningnan si Hanz kahit pa iba ang tingin niya sa akin. Mukha siyang nag aalala. Dahil ba galing ako sa clinic o dahil nakita ko'ng nakalingkis sa kanya si Ms. Estefano? Ang assuming ko na talaga.

            Pagdating ko sa room ay naandon na si Ma'am, nag excuse ako at nang makaupo ay nakinig na sa discussion. Pinilit kong hindi isipin ang nakita ko kanina at mag focus sa lecture ni Ma'am. "Napag aralan niyo na naman sa Introduction to Psychology ang operant conditioning diba? As we continue our discussion, we will study again and give some broader explanation about operant conditioning and its behaviorist B.F Skinner."

Buti na lang at maganda ang topic ni Ma'am. Favorite ko rin kasi talaga ang mga examples ng positive and negative reinforcement/punishment. Nakakalito sila kaya ramdam ko ang thrill.             Hindi namin napansing lahat na time na lala. Nagpa contest kasi si Ma'am by group, paramihan ng tamang sagot. Magbibigay siya ng situation then sasabihin namin if Positive or Negative Reinforcement ba ito or Positive or Negative Punishment. Nanalo kami kaya inabutan kami ni Ma'am ng fudge bar, uso pa rin pala ang ganitong prizes sa college. Kahit papaano ay na-divert ang isip ko sa ibang bagay pero nang makalabas ako ay naalala ko na naman sina Hanz at Ruth. Nakakainis, mukhang nagka-crush pa ako kay Hanz kahit pa alam ko'ng nilalapitan niya lang ako dahil nakikita niya sa akin si Brie.

            "Ay!"

            Nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, si Bert? Sinagot ko rin agad dahil baka emergency, hindi kasi siya mahilig sa call. "Hello, Bert? Kumusta ka na?" Bati ko dito agad.

            "Elisa hihiramin muna kita kay Tita, huwag ka munang pumasok sa work. Samahan mo ako sa Life." Parang problemado nga si Bert, medyo pagod kasi ang boses niya. Hindi mo naman siya pipilitin magkuwento kasi alam ko'ng kusa siyang magseshare kapag gusto niyang pag usapan.

            "Sige ba, okay lang basta sagot mo ako sa Tita mo ha." Nilakipan ko pa ng tawa ang aking sagot. Lagi ko'ng naririnig sa mga kaklase ko ang 'Life', sa kabilang bayan iyon pero hindi ko alam kung ano ba'ng meron doon. Pumayag lang ako'ng sumama dahil alam ko na kailangan ni Bert ng kasama.

            "Thank you, Elisa. Susunduin kita by 5:00 p.m ha, ako na ang bahala sa susuotin mo para di ka na umuwi." Nagpaalam na rin siya pagkatapos ko'ng pumayag. Sana ay maging okay na talaga sila.

            Wala pa'ng 4:30 ay dinismiss na kami ng amIng prof kaya naman maaga ako'ng nakalabas. Tinext ko si Bert na sa may shed niya na lamang ako sunduin dahil may dadaanan pa ako, hindi siya nagreply pero siguro naman ay mababasa niya iyon. Dumaan ako sa clinic para kuhanin ang naiwan ko'ng bag, nakalimutan ko kasi kanina.

            Bago ako lumabas ay nakarinig ako ng mga boses na parang nagtatalo kaya napatigil ako sa pag galaw. "What if siya nga, paano na ako Kuya?" Boses iyon ni Ms. Estefano. Tinawag niyang Kuya ang kaniyang kausap kaya nasisiguro ko na si Duke ito.

            "Stop with that topic, Ruth. Magkamukha sila pero magkaiba pa rin silang tao." Ako ba ang tinutukoy nila? At saka bakit sila nasa clinic?

            "No, nalaman ko na nagpatest na si Hanz at darating na ang results sa isang-araw. I can't lose this chance to be with him lalo na at matagal ko'ng hinintay na mawala siya." Kaya siguro naiinis ako kahit walang ginagawa sa akin na masama si Ms. Estefano ay dahil masama talaga ang ugali niya. Ng dahil lamang sa lalaki ay hihilingin niya na mawala ang isang tao. Maganda naman siya at siguradong marami rin manliligaw.

            "Can you please stop? She doe--" Bago pa matuloy ang kaniyang sasabihin ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse.

            "Oh Ms. Soriano, what are you doing here?" Automatic namang bumukas ang kurtina sa kabilang kama at parang nanigas sa pwesto ang dalawang tao na kanina ko pa'ng naririnig ang pinag uusapan. "Ay, nadito rin pala kayo Ms. And Mr. Estefano." So they just came here to talk about Hanz and Brie kasi akala nila walang ibang tao?

            Nginitian ko lamang ang nurse at hindi na lumingon pa sa magkapatid. "Binalikan ko lang po ang bag ko, paalis na rin po ako."

            "Wait, Elisa." Narinig ko ang boses ni Duke kaya tumigil ako sa paglalakad at huminga ng malalim bago lumingon.

            "Ano iyon?" Tanong ko dito nang nakangiti at umarte na parang walang narinig kanina.

            Mukha siyang kinakabahan, hindi niya na rin kasama so Ruth. "Ahm, kanina ka pa ba sa clinic or have you ever heard something?"

            "Nope. Almost two minutes lang, kasi kinuha ko lang naman ang bag ko. And, heard about what?"

            "Nothing. Medyo nagtatalo kasi kami no Ruth kanina kaya nakakahiya kung narinig mo pa." Nilakipan niya pa ito ng tawa kaya tumawa rin ako para hindi niya mahalata.

            "Wala naman ako'ng narinig. Mauna na ako Duke ha, may lakad kasi kami ng kaibigan ko."

            Bigla ko'ng naalala si Bert, siguro ay nadoon na iyon sa shed at hinihintay ako. Kumaway na lamang ako kay Duke para magpaalam ulit. Mukha namang walang masamang balak si Duke, kilala ko na rin siya noon pa. Mabait at mapagbigay siya sa kapwa tulad ni Gov, kaya naman mabait rin sa kanila ang mga taga-Isla Soloc. Wala rin ako'ng nabalitaan na may girlfriend or naging girlfriend siya, masyado kasi si Duke focus sa trabaho. Sobra lang siguro ako'ng na-curious sa pinag uusapan nila ng kapatid niya kaya kung anu-ano ang naiisip ko.

            Binilisan ko na ang paglalakad dahil baka mainip sa akin si Bert, marami na naman iyong sasabihin sa kabagalan ko. Pagdating ko sa shed ay naandon na nga siya at nagcecellphone, chineck koa naman ang phone ko kung may text siya sa akin. Meron nga, isang 15 minutes ago at isang 7 minutes ago.

            "Elisaaaaa." Masigla ang boses niya pero halata mo na nagtataray. Natawa naman ako kasi alam ko nang magsesermon siya.

            "Hep, uunahan na kita. Dumaan pa ako sa clinic para kuhanin ang naiwan ko'ng bag kaya medyo nagtagal ako." Pagpigil ko sa kung ano man ang sermon niya.

            "Bakit naman nasa clinic ang bag mo?"

            "Sumakit kasi nag ulo ko kanina, nang okay na ako eh nakalimutan ko'ng dalhin papunta sa room ang bag ko."

            Inirapan lang ako nito at niyaya nang sumakay. Hindi ko alam kung saan ang Life, basta ang alam mo ay sa kabilang bayan iyon. "Dadaan muna tayo sa hotel para makapag bihis ka." Sabay turo niya sa likuran gamit ang labi, kaya naman napalingon ako.

            "Bakit three paper bags iyan?" Tatlo kasi ang paper bag na puro branded. Pansin ko naman na bihis na siya, so sa akin ba iyon lahat?

            "Yes, of course. Dress iyan, sandals, at pouch. Syempre dapat bongga tayo para magkita agad tayo ng papabols." Papabols? Ang hilig talaga sa lalaki. Masigla rin siya ngayon, siguro ay para hindi ko mahalata na may problema siya. Nagpasalamat lamang ako at pinag usapan na namin ang mga namiss niya sa klase.

            Pagkarating namin sa hotel ay dumiretso agad kami sa binook niyang room, sabi niya ay baka doon na rin kami matulog dahil madaling araw na kami makakauwi. Nagtext ako kay Nanay kahit pa hindi ko alam kung babasahin niya ba iyon o may pakialam siya. Ang gaganda ng mga binili ni Bert, siguradong mahal ito dahil may brand pa’ng Balenciaga ang paper bag. Isang dark red short dress ang binili niya, halos kalahati lang ng hita ko ang haba nito at medyo loose pa ang upper part. Nakikita yung cleavage ko pero ang elegante niya tingnan, ang handa rin ng stiletto. Napaka fashionista niya talaga.

            "Hindi ba mahal ito? At saka halos kita na ang ibaba ko rito at dibdib." Sabi ko kay Bert nang makalabas ito sa C.R.

            "Hindi iyan mahal, huwag mong problemahin. Saka ano'ng kita ang dibdib eh konting cleavage nga lang. Bagay na bagay sa'yo Elisa, magtira ka ng pogi mamaya ha. Baka wala nang mapunta sa akin." Kinurot ko na lamang si Bert dahil sa kaniyang nga sinabi.

            "Tara na, tapos na ako rito." Pagyaya ko dito dahil naeexcite na rin ako umalis. First time ko kasi ang mga ganitong night life gala.

            Nasa labas pa lang kami ng ng 'Life' ay rinig na rinig ko na ang ingay dito. May malaking lalaki na naka-guard sa pinto, parang isang pitik niya lang ako dahil sobrang laki ng katawan niya. May ipinakitang card si Bert at sinabing kasama niya ako kaya mabilis kaming nakapasok. "Sobrang ingay, Bert. Ang sakit rin sa mata ng ilaw." Sigaw ko dito dahil siguradong kapag normal na boses ko ang ginamit ay hindi niya ako maririnig.

            "Ano ka ba Elisa, dinala kita dito para magsaya. Kailangan nating kalimutan ang problema kahit ngayong araw lang." Sasabihin ko sana na hindi solusyon ang alak sa problema pero mukhang malaki talaga ang kinakaharap niya ngayon kaya sasamahan ko na lamang siya. Dumiretso kami sa table at umorder siya ng alak. Hindi ko alam kung ano'ng tawag dito pero kulay orange siya na medyo yellow, nag goglow rin kaya mukhang masarap. "Drink Elisa, let us enjoy this night." Napainom ako kahit hindi ako umiinom. Mapait pero masarap sa bibig. Hindi ko na napansin na ilang beses ako'ng inabutan ni Bert ng alak kaya medyo nahihilo na ako. "Tara sumayaw, Elisa." Sumama agad ako sa kanya dahil feeling ko gusto ko'ng maging active today.

            "Talon pa Bert, igiling-giling."

            Tawa kami nang tawa sa mga sinasabi namin at hindi ko na naiintindihan ang mga tao na nasa tabi lang namin. Ang saya pala rito, sayaw lang kami nang sayaw. Tumalikod pa sa akin si Bert at parang mag twerk kaya mas natawa ako. Gagayahin ko sana siya pero nakita ko na lang nakahiga na si Bert sa sahig habang hawak ang kaniyang panga.

            "Bert!" Parang nawala ang kalasingan ko sa nangyari, medyo nabawasan rin ang ingay sa paligid namin. Lalapitan ko na sana si Bert nang may humila sa kamay ko.

            "Don't you dare." Matigas na boses ng lalaking may kagagawan nito. Inis ko siyang tiningnan pero nawala rin agad ito nang mapansin ko'ng umiigting ang kaniyang panga at handa pa’ng magbigay ng hindi lang iisang suntok sa magtatangkang kumontra sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status