Share

Chapter 3

"Wala ka bang pupuntahang iba? Kanina ka pa sunod ng sunod sa akin." Tanong ko kay Hanz na kanina pang nasa likuran ko at wala atang balak pumunta sa kung saan man siya sadya tutungo.

            "I need to guard you. Base on what you are wearing, I'm sure that there are many guys who will go after you." Seryoso nitong sagot sa'kin. Ang over acting niya naman, normal lang ang suot ko pero big deal lagi sa kanya.

            Nagulat ako nang kuhanin niya ang mga pinamili kong props. Aangal pa sana ako pero nauna pa siyang maglakad sa akin. "Hoy, wait. Dito ako bibili. Kailangan ko ng mga tela para sa dim at light effect." Bumalik naman siya at sumunod ulit sa akin. Kitang-kita ko ang mata ng mga magtitinda na nakasunod sa bawat galaw ni Hanz, parang ngayon lang sila nakakita ng lalaki. Ang haharot.

            "Men are drooling at your legs." Ako pa talaga ha?

            Di ko siya pinansin at bumaling sa mananahi. "Ate may tela po ba kayong black and white, mga tig-5 yards lang." Tanong ko sa magtitinda na lampas sa akin ang tingin. Kumaway ako sa harap niya kaya napabaling sa akin ang kanyang tingin, parang naiinis pa.

            "Ano iyon?" Mataray niyang tanong sabay baling ulit ng tingin sa lalaking nasa asking likuran at ngumiti ng matamis. Sarap kurutin.

            "Wala. Walang bibili dito kung hindi marunong mag assist yung seller. Ako yung bibili pero sa kanya ka nakatingin, tapos tinatarayan mo pa ako. Sa kabila na lang ako bibili, mukha namang wala kang tela na maganda." Naiirita ko'ng sagot dito. Para namang napahiya siya kaya medyo nakonsensya ako. Lumipat na lamang ako sa kabilang tahian para magtanong. "May black and white po kayong tela dito, tig-5 yards po." Ngumiti naman sa akin si Ate at tumango, buti naman approachable.

            "Yes po Ma'am, meron rin pong makapal at manipis. Ano po bang hanap niyong style ng tela? May mga wavy po kasi dito at straight lang," pagpapaliwanag ni Ate sa akin.

            Ang bait ha, dapat ganito ang magtitinda. Hindi yung di na naintindihan kung sino at ano'ng bibilhin ng customer. Pinili ko na lamang ang manipis at straight na tela, nagpasya na rin ako'ng umuwi mask hapon na at pagod na ako'ng mamili. Nakalimutan ko nang may kasama ako, kung hindi pa siya tumikhim ay hindi ko maalala.

            "Don't you want to eat? I'm hungry."

            "You can eat if you want. I want to go home now ,so I can't eat with you."

            "Wait for me. I'll order your favorite."

            Parang wala lang siyang narinig kasi hinila niyan na ako sa malapit na fastfood. I have no choice but to sit kasi ipinaghila niya na ako ng upuan. Napaka demanding. And again, hindi na naman ako nakatanggi. Paano niya malalaman ang favorite ko? This is the first time that we eat together. Pagbalik niya ay napansin kong may dala siyang tatlong cup of rice at dalawang bowl ng adobo, may isa rin na bowl ng macaroni. Natakam ako, favorite ko ang adobo at macaroni. Pero teka, paano niya na nalaman' ang gusto ko?

            "How come you know my favorite?" Hindi ko na napigilang itanong dahil nakakapagtaka lang.

            "You're my wife." Maikling sagot niya na naging dahilan para di na ako ulit magtanong. Naniniwala pa rin siya na asawa niya ako kahit pa ang dami ko nang naipaliwanag sa kanya. Kumain na lamang ako dahil nakakagutom ang mga pagkain. Pagkatapos namin ay nagpasalamat ako sa kanya at magpapaalam na sana, pero ayaw niyang ibigay ang mga pinamili ko.

            "Akin na iyan, kailangan ko nang umuwi dahil dilim na." Pagpupumilit ko pa sa kanya.

            "Let me carry these, pauwi na rin naman ako. Sabay na tayo."

            Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Pumara na lamang kami ng tricycle papunta sa pier. Pagkasakay namin sa bangka ay naging tahimik na naman ang paligid, wala sa ni isa sa amin ang bumabasag ng katahimikan. Nakakailang naman ito lalo na at wala ako'ng maisip na topic. Hindi naman ako makapag focus sa paligid kasi pakiramdam ko nakatingin siya sa akin.

            Ang mahabang katahimikan ay binasag ni Hanz. "If I can go back from the past, I want to change the way I treated you." Biglang sabi niya, medyo nagulat ako pero mas nagulat ako sa sinabi niya. Mas pinili ko'ng hindi magsalita dahil pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin na ngayon niya lang masasabi. At saka, hindi ko alam kung ano ang dapat ko'ng isagot sa kanya. Ayaw niya naman maniwala na ako si Elisa at hindi si Brie na asawa niya 'raw'. "Sabi ko, I won't regret all the things I did to you. But why do I'm regretting it until now? I am late, too much late when I realized that I should have treated you right. Sana hindi ko piniling pangunahan ng inggit. Nainggit ako kasi ang tagal ko nang pinipilit maging proud sa akin si Dad pero nang dahil sa'yo, halos lahat nang nangyayari sa bahay ay biglang naging tama. He told me to assist the board members pero nagkamali pa ako. Tapos bigla kang dadating at gagawa nang paraan, Dad was so thankful to you but full of anger with me. Sinisi kita kung bakit mas nahirapan ako lalong kuhanin ang loob ni Daddy, na kahit ano'ng gawin ko mas hindi na ako magiging tama sa paningin niya." Pagpapatuloy niya sa mga gusto niyang sabihin. Ramdam ko'ng nasasaktan siya pero wala ako'ng masabi sa kanya. "That was so lame, to vent out on you my incapabilities. Wala ako'ng pakialam noon kung mahal mo ako at ginagawa mo ang lahat para sa akin, ang gusto ko lang noon ay mawala ka. Iyon ang akala ko."

            "Bakit mo ba yan sinasabi sa akin?"

            Hindi niya ako sinagot, bagkus ay nagpatuloy sa pagkukwento. "Walang nangyari sa amin ni Ruth, I'm sure of that. Hindi ko rin alam kung bakit wala ako'ng damit habang magkatabi kami, ang naaalala ko lang ay kasama ko sina Mark sa bar. Gusto ko pa sanang mag explain sa'yo pero nahiya ako nang isumbat minsa akin lahat nang pagkukulang at sakripisyo mo sa relasyon natin."

            Hindi ko napansin na umiiyak na ako. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, parang gusto ko siyang sigawan pero hindi ko alam kung bakit.  Tumutulo pa rin iyong luha ko kahit pa ano'ng punas ko sa mga ito. Ano ba'ng problema ko? Pagkatigil nang bangka ay dali-dali ko'ng kinuha ang aking mga pinamili at tatakbong umuwi. Hindi ako lumingon kahit pa tinawag niya ako, nakakahiya kung makikita niya ako'ng umiiyak sa hindi ko alam na dahilan. Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto, buti na lang at wala pa sa bahay si Nanay. Mamaya na lang ako magluluto pagkatapos kong ayusin ang sarili ko.

            Maaga ako'ng pumasok kinabukasan sa school dahil ipeprepare ko pa ang mga props na kailangan naming gamitin. Nakita ko na sina Angie kaya tinawag ko sila para tulungan ako'ng ayusin ang mga kakailanganin namin mamaya. Inilalagay ko ang stars sa black curtain nang maalala ko si Hanz at ang mga sinabi niya kagabi. Medyo naiinis ako sa pagpupumilit niya na ako si Brie pero at the same time naaawa ako sa kanya, ramdam ko yung pagsisisi niya at pagmamahal kay Brie.

            Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. "Hoy Elisa, mali na yan." Lumingon ako at nakitang si Bert lang pala, tiningnan ko naman ang aking ginagawa at napansin na araw ang nailagay ko sa black curtain. Sinasakop na naman ni Hanz ang isipan ko. "May problem ka?" Tanong ni Bert, hindi ako masanay sa Britanny.

            "Wala naman, medyo natulala lang ako. Kumusta na ang activity niy para mamaya?" Pag iiba ko ng topic dahil siguradong hindi njya ako titigilan basta may masabi ako'ng kukuha ng atensyon niya.

            "Okay na, tapos na kami. Mahilig naman magmagaling si Ana kaya siya na halos ang tumapos ng gawain namin."

            Mahina ko naman siyang kinurot at natawa na lang sa kanyang sinabi. Lahat na lang talaga may issue siya. "Sadyang masipag lang si Ana. Tapos na rin kami dito and ready na sa performance mamaya. Galingan niyo para matalo niyo kami ha." Pagyayabang ko kay Bert.

            "Uuwi na lang kami. Sigurado naman na kahit walang props ay kayo pa rin ang mananalo. Dalang-dala mo ang grupo niyo." Kailangan kasi namin mag-act para sa isang minor subject, full of effort talaga kami kasi medyo mababa mag grades si Ma'am. After a minute ay dumating na rin si Ma'am at isa-isang nagsimula ang bawat grupo hanggang sa matapos kami. "Sabi ko na highest kayo. Ang galing mo talaga Elisa, pahingi ako ng talino at ganda." Ngumiti na lamang ako sa iba na nag congrats sa grupo namin, binati ko rin sila pabalik.

            Nagpatigil ako nang marinig ang boses ng isa sa asking mga kaklase. "She looks so young pero parang hindi siya 20 years old lang. I mean is, baby face si Elisa at maganda talaga pero may angle and maturity a makikita sa kanya na others can say she's in range of 22-23 years old." Bakit nila pinag-uusapan ang age ko? Magkalapit lang naman ang features ng 19-23 years old. At saka medyo na-conscious ako na baka mukha na ako'ng matanda.

            "Napansin ko na rin iyan, nahiya lang ako mag open up about that topic. And, bagay naman kay Elisa."

            Dumiretso na lamang ako sa aking puwesto dahil si Bert ay kanina pang naka-headset sa kanyang upuan. Hindi ko na lamang pinansin ang mga kaklase ko'ng nag uusap sa aking likuran, bahala silang mamroblema sa age ko. Gusto ko sanang magpasama kay Bert sa cafe pero mukhang may lakad pa siya kaya sinabi ko na lamang na mauuna na ako. Pagdating ko ay nagpalit agad ako ng uniform at nagsimulang kumuha ng orders, medyo matao na rin mask dahil hapon na.

            "One slice of blueberry cheesecake, and one coffee latte." Sabi sa akin ng isang customer nang tanungin ko siya kung ano ang kanyang order.

            "I'll just repeat your order Ma'am. 1 slice of blueberry cheesecake and 1 coffee latte." Pag uulit ko sa kanyang order, protocol ito sa cafe kaya kailangan ko'ng sumunod. Tumango lamang ang babae kaya umalis na ako. Ibinigay ko sa counter ang order niya para maprepare na ito, after 3 minutes ay kinuha ko na ang order para i-serve. "This is your order Ma'am. Enjoy your day."

            Pagkatalikod ko ay kumuha na ulit ako ng panibagong order galing sa mga customer. Nakakapagod ang araw na ito pero wala ako'ng choice. After ng shift ko ay nagbihis na ako para makauwi na. 5 hours lang ang schedule ko sa cafe kaya napaka flexible sa schedule ko sa school, may time pa rin ako par mag review. Pagkalabas ko ay napansin ko agad na walang tricycle na dumaraan.

            "Pauwi ka na ba Elisa?" Narinig ko'ng tanong ni Ella, isa rin na server sa cafe.

            "Oo, kaso walang tricycle na dumaraan. Sa pier pa kasi ang punta ko." Sagot ko na lamang dito sabay lingon ulit para maghanap nang dadaang tricycle.

            "Naku! Wala na talaga masyadong sasakyan kapag ganitong oras. Sumakay ka na lang sa tricycle namin at ihahatid ka namin sa pier. May pupuntahan rin naman kami malapit doon." Nakakahiya man pero hindi na ako tumanggi. Kailangan ko nang makauwi dahil sigurado ako'ng hinahanap na ako ni Nanay.

            "Thank you nang marami Ella." Sabi ko pagkarating namin sa pier. Magbabayad pa sana ako  pero umiling na lamang ito at namaalam.

            Sasakay na sana ako sa bangka nang makita ko si Duke. "Uy Duke, saan ka galing? Gabi na ah." Masasabi ko'ng close kami ni Duke kaya casual lang ang kilos at galawa namin sa isa't isa.

Nakita ko na kumunot ang noo niya na tila inaaninag ako sa dilim. "Elisa? Ikaw ang saan galing? Gabi na." Pag uulit niya lamang sa tanong ko.

            "May trabaho ako sa cafe ng 5:00 p.m-10:00 p.m kaya gabi na sadya ako makakauwi. Ikaw ba?"

            "Ganon ba, delikado kapag gabi na lalo na dito sa Sta. Ana. Tara na umuwi at nang makapagpahinga ka na."

            Tumango na lamang ako at sumakay na. Hindi niya sinasagot ang tanong ko kaya hindi ko na lamang inulit. Tama naman siya, delikado dito sa Sta. Ana compared sa Isla Soloc. Marami kasi ditong mga magnanakaw at may nagsasabi rin na may mga takas sa presintong dito nagtatago. Marami man ditong mayayaman, pero ang seguridad sa lugar na ito ay hindi ganoon kaganda at katibay. Marami kaming napag usapan ni Duke pero pinipilit ko'ng gumawa nang topic na magkasama kami noong bata pa kami pero wala ako'ng maisip. Ang naaalala ko lamang ay nang magkita kami sa park sa plaza ng Sta. Ana. Sabi nila Tatay ay nakalimutan ko raw ang mga alaala ko nang bata pa ako kaya hindi ko maalala yung mga ginagawa ko noon.

            Pagkarating sa tabing-dagat ay magpapaalam na sana ako sa kanya pero nagpumilit siyang ihatid ako pauwi. Nasa may tapat pa lamang kami ng ibang mga bangka ay natigilan na kami, bigla kasing may humarang malaking bulto sa aming harapan. Naka-white T-shirt ulit siya at naka-short pero medyo magulo ang kanyang buhok na para bang kanina pang ginugulo ng hangin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status