Share

Chapter 1

           "Elisa tawag ka ni Ate Lydia, pero mamaya ka na muna umuwi kapag nakatulog na siya. Mukhang galit kasi at nakainom nang hinanap ka sa akin. Alam mo naman yang Nanay mo, mas nakakapanakit kapag lasing." Mahabang litanya ni Grace ang nagpagising sa aking diwa.

            Napabuntong-hininga na lamang ako sa narinig habang patuloy na nakatanaw sa papalubog pa lamang na araw. Ang ganda naman lagi ng panahon pero bakit hindi na gumanda yung buhay ko sa araw-araw? Wala namang bago sa sinabi ni Grace, basta lasing si Nanay ay ako agad ang tatawagin niya. Wala kasi siyang masisigawan, uutusan para maglinis ng suka niya, at hahampasin ng walis kapag naiinis. Hindi na ako nasanay sa buhay ko kahit halos araw-araw naman itong nangyayari sa tatlong taong nawala si Tatay.

            "Hoy Elisa!"

"Ahh." D***g ko nang hilahin niya ang aking buhok.

            "Narinig mo ba ako? Sabi ko yung Nanay -"

            "Narinig ko, at narinig ko rin na sinabi mong mamaya ako umuwi kapag nakatulog na siya. Kaya nga di pa ako umaalis mask malamang gising pa iyon." Pagputol ko sa kanyang sasabihin. Ang daldal ni Grace, kailangan ko talagang sumingit dahil siguradong marami pa siyang sasabihin.

            "Awan ko ba dyan sa Nanay mo, tumatanda nang paurong. Kung naghahanap-buhay siya, edi may pagkain sana kayo lagi. Kapag nagkakapera nang kaunti, alak agad ang binibili." Sermon niya pa na parang siya ang anak, pero tama naman siya. Minsan naiisip ko rin kung bakit mas pinipili ni Nanay ang buhay niya bilang isang maglalasing kesa maghanap ng trabaho na bubuhay sa amin.

            Matipid ko na lamang nginitian si Grace. "Hayaan mo na, di ka pa nasanay. Halos araw-araw na nating naririnig ang sigaw ni Nanay, lasing man o hindi." Ako rin di nasanay, dugtong ko pa sa isip ko.

            "True, umay na nga ako. Siya umuwi ka na at medyo tahimik na rin, di ko na naririnig boses ni Ate Lydia. Siguradong nakatulog na iyon, napagod kakasigaw ng pangalan mo."

            "Sige, umuwi ka na rin at malapit na mag dilim. Alam mo namang may nabalita g umuuli na hindi kilalang lalaki dito." Sabi ko kay Grace dahil usap-usapan sa barrio namin na may matipunong lalaki na laging naka-puti ang pabalik-balik sa lugar namin. Hindi siya kilala ng mga kasamahan namin dito at hindi rin daw ito turista, napapansin lamanng nila na pauli-uli ito sa may tabing-dagat habang parang nagmamasid sa mga tao.

            "Ay ayos lang!" Tili ni Grace. "Narinig ko'ng napakagandang lalaki raw non at matangkad. Abo raw ang kulay ng mata at medyo singkit, matangos rin ang ilong. Kapag nakita ko siya, magpapakilala agad ako." Pagpapatuloy ni Grace sa kanyang sinasabi habang nakatingin sa langit. Kitang-kita ko pa ang ang pagpikit-pikit ng mata niya. Ang hilig talaga sa gwapo. "Bawal kang magpakita sa kanya Elisa dahil siguradong mawawalan na ako nang pag-asa. Halos lahat ng mga kabaryo natin kalalakihan ay may gusto sa'yo." Hirit pa nito.

            Hindi ko na siya sinagot at dire-diretyong nilakad ang daan pauwi sa amin. Ngunit bago pa ako maka-ilang hakbang ay may natanaw ako'ng lalaki na naka-tingin sa may banda ko —sa akin mismo. Pinasingkit ko ang mata ko para mas makita ang mukha niya ngunit dahil dumidilim na, ang napansin ko na lamang ay ang kayang magandang bulto at puting T-shirt. Siya kaya ang tinutukoy nila?

            Inalis ko na ang tingin dito at nagpatuloy sa paglalakad. "-sa tatamaan ka sa akin pag nakita kita." Akala ko pa naman tulog na si Nanay, rinig na rinig ko nag galit nitong boses habang tinatawag at binabantaan ako. Wala naman ako'ng choice kung hindi umuwi at harapin kung ano man ang ibibigay niya sa akin. Ayos na rin ito para matapos na.

            "Nanay," tawag ko kay Nanay pagpasok ko sa loob ng bahay. Lumingon agad siya sa akin habang pikit na ang mata. Lasing na lasing talaga siya.

            "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita pinapatawag kay Grace ah." Putol-putol man ang imik ay malinaw ko pa rin naintindihan ang kanyang Sinasabi.

            "May ginawa lang po."

"Bakit hindi pa hugas ang mga plato? Nasaan yung alak ko sa ilalim ng lamesa?" Sabay hampas sa akin ng walis na hawak niya na sadya bago pa ako makauwi. Hindi na lamang ako d*****g pa. Sinadya kong itapon ang alak dahil akala ko di niya na maaalala iyon.

            "Pasensya na Nay, maghuhugas na po ako." Pinili ko na lamang hindi banggitin ang itinapon kong alak para di na siya mas magalit pa.

            "Aba! Dapat lang." Sigaw ni Nanay bago siya bumagsak sa mahaba naming upuan.

            Dumiretso na ako sa kusina para maghugas ng mga plato. Ganito lamang lagi ako para maiwasan na mas magalit siya sa akin. Pagkatapos ko dito ay matutulog na ako dahil may exam ako sa isa kong major subject, hindi ako puwedeng bumagsak ulit.

            Habang naghuhugas ay naalala ko ang lalaking nakita ko kanina. Pansin ko talagang sa akin siya nakatingin, diretso lang ang katawan niya habang nakatingin sa direksyon ko. Ano kayang kailangan niya dito sa lugar namin? Mukha kasi siyang mayaman kaya hindi ko maisip na maymasama siyang balak, ngunit wala rin naman sa itsura o ayos ang paggawa nang masama. Baka kaibigan siya ng anak ni Governor.

            Bakit ko ba pinoproblema ang lalaking iyon? Hindi tuloy ako matapos agad dito.

•••

            Sa University of Sta. Ana ako pumapasok, ito ang pinakamalapit na school sa baryo namin. Taga-Soloc ako, isang maliit na isla na nasa dulo ng Palawan. Walang school sa Isla na tinitirahan ko kaya kailangan ko pang lumiban sa kabilang lugar para makapasok, ayos lang rin naman dahil malapit lang sa bahay.

            Habang naglalakad ako sa hallway, naririnig ko ang pinag-uusapan ng mga Junior students sa aking likuran. "Nakita ko rin noong nagpunta kami kahapon sa Soloc." Rinig kong tili ng babae sa asking likuran.

            Napataas ang kilay ko sa narinig, bihira lang kasing pumunta ang mga taga-Sta.Ana sa Soloc kahit na maganda ang tanawin lalo na ang dagat sa among lugar. Malapit lamang sila sa Isla ngunit bibihira Silang lumiban simula pa noon, hindi ko rin alam kung bakit. Naiisip ko lamang dahilan ay ayaw nila sa mga tao sa amin, halos mahihirap lang kasi ang mga naninirahan sa Soloc at ang mga taga-Sta. Ana ay puro mayayaman. Maganda naman ang lugar namin at inaalagaan kaya ayos na rin kung hindi sila pupunta, baka masira lang ang ganda ng Isla.

            "Ha? Pumunta kayo sa Soloc?" Parang hirap na hirap siyang sabihin ang ang 'Soloc' at halos di makapaniwala na nagpunta sa ganitong Isla ang kaibigan niya.

            "Oo, may dinalaw lang sila Mama doon. Maganda ang lugar, masyado nga lamang maraming tao na hindi maganda sa paningin."

            "I knew it" Maarteng tugon ng panibagong boses. "Pero balik tayo sa topic, nakita mo yung sinasabi nilang gwapong lalaki na laging nasa Soloc? Ang swerte mo girl."

            "Hindi ako sure kung siya nga ang lalaking pinag uusapan ng mga estudyante dito sa school pero pogi yung nakita ko. Maganda ang katawan, at nakaputing T-shirt. Hindi ako makakilos kaya di ko siya nalapitan, na-starstruck ako sa itsura niya girl." Mahabang sagot nang babaeng nagsabi na galing siya sa Soloc. Mukhang ang tinutukoy nila ay yung misteryosong lalaki na pabalik-balik raw sa Isla. Siya na naman?

                        Hindi ko na itinuloy ang pakikinig sa kanila at dumiretso na ako sa canteen. Kanina pa ako'ng nagugutom, nagmamadali kasi ako'ng umalis ng bahay dahil ayaw kong maabutan ako ni Nanay. Siguradong hindi niya ako papapasukin o kaya ag sesermunan niya ako nang sobrang tagal hanggang sa hindi ako makapag take ng exam. 8:00 a.m pa naman ang exam at 7:03 a.m pa lang, may almost 1 hour pa ako para mag breakfast sa canteen. Sana lang may menu na para masustansya ang breakfast ko at mas mas may maisagot ako sa exam. Nag review naman ako kagabi kaya medyo sure ako'ng makakapasa ako ngayon.

8:07 a.m na ako nakarating sa school, masyado ko atang ninamnam ang sopas sa canteen kaya di ko namalayan ang oras. Buti na lang wala pa si Ma'am Jonna, ang teacher ko sa Cognitive Psychology. Second year college student na ako dito sa University of Sta. Ana, scholar ako kaya kailangan kong i-maintain ang mataas na marka. After some minutes at dumating na rin si Ma'am. Inutusan niya kaming ilabang ang cellphone kaya rinig na rinig ko ang d***g ng mga kaklase ko. Alam na kasi namin basta ipinalabas ang phone tapos may exam, sa Quizizz itetake ang test. Isa itong application sa cellphone na puwedeng magsagot ng mga random questions depende sa category na gusto mo at puwede rin gumawa ng exam katulad na lang ng hobby ni Ma'am Jonna basta magtetest.

            Inilagay na namin ang code at nag intay ng ilang minuto bago mag start. Madadali lang naman ang mga tanong, puro application and hindi definition pero gets ko naman kasi nakapag aral ako. Ang ayaw ko lang sa Quizizz ay may oras, 30 seconds per question lang ang inilalagay ni Ma'am kaya napepressure kami. Mas possible pa kaming magkamali dahil sa pressured sa oras. At last, natapos rin ako and 0 mistake. Nauna akong matapos sa kanila and perfect ko ang quiz kaya Rank 1 ako sa naka-flash na ranking ng Quizizz. Kitang-kita ko ang dismaya ng ilan dahil may nakatapos na, mas napressure silang magmadali.

            Nang matapos na ang lahat magsagot, pinatingin kami ni Ma'am sa ranking. "And as what I expected, perfect ka again Ms. Soriano. Hindi na ako nagtataka kung ikaw ang kukuhanin nilang sumali sa Quiz Bee na ilalaban sa Manila." Napangiti lamang ako sa sinabi ni Ma'am and narinig ko naman ang congrats ng mga kaklase ko, masaya ako na wala ako'ng nakakagalit na kaklase. Lahat naman kasi sila ay friendly and hindi matapobre kahit kitang-kita sa mga gamit at itsura na anak-mayaman.

            "Thank you po." Maikli kong sagot kay Ma'am Jonna.

            "Okay, we are done for now. I'm sure you are all exhausted sa results ng exam niyo' kasi iilan lamang ang may 10 below na mistakes. This is not a surprise exam so dapat nag aral kayo. See you next meeting"

            "OMG!" Rinig ko na agad ang tili ni Britanny/Bert, ang kaklase kong lalaki pero mas malambot pa sa akin ang kilos at boses. Kaibigan ko siya dito sa school. "Ang galing mo talaga Elisa, as always. Kaya hindi na rin ako magtataka tulad nang sabi ni Ma'am if ikaw ang ipanlaban ng program para sa Quiz Bee, I am sure na ikaw rin ang mananalo."

            "Ano ka ba Bert, wala ngang sinasabi sa akin na ganiyan si Ma'am Cheche. Kung ako ma yun, edi sana sinabi niya na sa akin kasi by next month na ata hahanapin."

            Si Ma'am Cheche ang head ng BS Psychology program at tumatayong adviser namin. Baka isipin ng ibang makakarinig na assuming ako, tapos malaman ko na lang rin na iba pala ang ilalaban sa Manila. Ayoko rin nang naiissue kahit alam ko naman na mababait ang mga kaklase ko, iba pa rin yung nag iingat ako sa mga kilos at sinasabi ko. Iniisip ko na lang lagi is hindi ito ang Isla ko kaya kailangan kong makibagay sa lugar nila.

            "My name Elisa. It's Brittany not that 'eww'. At saka, di niya pa lang nasasabi sa'yo pero for sure once of these days is magpapractice na kayo."

            "Hala! Bumalik ka na nga sa upuan mo at baka dumating na si Sir. Bagsak pa naman ako sa last exam niya." Naalala ko na naman ang 7/10 ko'ng score sa  surprise quiz ni Sir, buti na lang at sinabi niya sa GC nang gabi na hindi iyon recorded. Nasanay ako na 0-1 mistake lang ako lagi kaya medyo conscious ako kapag 3 mistakes na, scholar rin kasi ako kaya ingat na ingat ako sa grades ko.

            "OA mo girl ha. Yung 3 mistakes mo nga score ko lang, saka di naman recorded kaya no worries. Ciao." Sabay tayo niya at bumalik na ulit sa kanyang puwesto.

            Dumating na rin si Sir at nag open ng new topic. Nakinig na lamang ako pero after some minutes napansin ko na lamang ang sarili ko'ng iniisip yung lalaking naka-puting T-shirt. Para kasing nakita ko na siya, and yung tingin niya sa puwesto ko that time ay parang may gustong iparating.

            Hayst. Ang hilig ko talaga mag overthink, perks of being psychology major.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status