Share

Fated to Love You, My Prince
Fated to Love You, My Prince
Author: Shanelaurice

Chapter One

Sabi nila, bago ka pa man isilang sa mundong ito, nakatadhana na ang mga mangyayari sa buhay mo. Nakatadhana na ang mga taong makikilala mo at nakatadhana na ang isang taong mamahalin mo at makakasama sa buhay. Everything about your life was already written in a book. In your book of life.

Pero para kay Serene, hindi siya naniniwala sa kasabihang iyon. She always believed that people make their own destiny, can live their own lives and choose their own path. Everything wasn't fated, even in love.

Until she met him...

"Anong nangyari?"

Puno ng pag-aalala ang boses ni Emily matapos nitong malaman ang nangyari sa kanya.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Hintayin mo ako, pupuntahan kita diyan." She said urgently.

Na agad naman niyang sinansala.

"H-Huwag na, okay na naman ako. At hindi naman ako nasaktan."

She said trying so hard to calm her voice, sa kabila ng hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.

"Hinde Serie, pupunta ako diyan." Pagpumilit nito. "Mag-isa ka lang at hindi mo alam ang pasikot-sikot diyan sa bayan. Maghahanap lang ako ng masasakyang bangka. Saan presinto ka ba naroroon hah?"

Ngunit wala na sa sinasabi ng kaibigan ang kanyang atensyon. Ang mga mata niya ay naka-focus na sa bultong naglalakad palapit sa kanya.

"Serie, ano ang pangalan ng presintong kinaroroonan ninyo?" Ulit nito.

Pero hindi na ma-sinc-in sa kanyang pandinig isa man sa mga sinasabi nito. Nanatiling nasa bultong iyon ang kanyang tingin. Ewan niya, pero para siyang nahipnotismo na hindi niya maalis-alis ang mga mata rito. May kung ano sa lalake na tila humihigop sa kanyang kamalayan. At ang kanyang puso, bakit ang bilis ng tibok?

"Serie! Serie! Naririnig mo ba ako?"

"Miss, okay ka lang ba?"

Tanong ng lalake sa baritonong boses na ang mga mata ay nasa kanyang sugatang braso.

She swallowed. Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso ng marinig ang buong-buo nitong boses.

"Serie, sino iyon? May kasama ka ba diyan? Hoy Serie!"

Sumigaw na ang kaibigan sa kabilang linya. At doon lang siya nahimasmasan.

"Huh? Ahm, y-yung tumulong sa akin na mahabol yung snatcher. S-Sinamahan niya ako rito sa presinto."

"Ganoon ba? Hay.. salamat at may kasama ka pala diyan." Tila nakahinga naman ito ng maluwag sa nalamang iyon. "Mabuti at hindi ka iniwan."

"S-Sinamahan niya ako. Kaya huwag ka ng masyadong mag-alala, at huwag mo na akong puntahan. Magkita nalang tayo diyan sa Isla."

Sabi niya na manaka-nakang sumusulyap sa kaharap.

"Sigurado ka? Pero--"

"Mel.. kaya ko na dito. Sige na, ibababa ko na 'to."

Bumuntong-hininga ito. "Okay, pero tawagan mo ako kung naroroon ka na sa pier hah?"

"Oo."

"At mag-iingat ka.."

Natawa na siya. "Oo. Noted po.."

Matapos na putulin ang tawag, ibinaling niya ang mga mata sa kaharap.

Inangat nito ang kamay nitong hawak ang kanyang bag. Ang bag niyang hinablot kanina ng snatcher.

"Here's your bag. Check it and see if some of your belongings went missing nang sa ganoon makabalik pa tayo sa loob para mag reklamo sa mga pulis."

Naglapat siya ng labi. Inabot niya ang bag sa kamay nito, binuksan at hinalungkat ang loob.

Wala naman kulang. Naroroon ang pitaka niya, at iilang personal na gamit na inilagay niya doon.

Inangat niya muli ang tingin sa kaharap saka umiling.

"Wala naman. Salamat nga pala sa ginawa mong tulong."

Isang tango lamang ang ginawa nito. He then darted his eyes back on her arm.

"Your wound is bleeding."

Sinundan niya ang tinitingnan nito. And he was right. May bahid nga ng dugo ang galos niya sa braso. Nakuha niya marahil iyon ng matumba kanina nang agawan siya ng bag ng snatcher na iyon.

"Galos lang ito. Malayo sa atay." Sinubukang niyang magbiro. Panlaban sa nararamdaman niyang hindi niya maintindihan.

She licked her lips and darted her eyes on the exit of the police station.

There's a part of her telling that she must go, pero may parte rin na tila tumututol. But then, she choose to go. Iyon naman ang tamang gawin. There's no reason for her to stay, dahil nakakulong na naman ang snatcher at naibalik na ang kanyang bag ng walang kulang sa gamit niya.

"Ahm.." bahagya siyang yumuko upang bitbitin ang dala niyang duffle bag. "Kailangan ko ng umalis, salamat ulit sa--"

Ngunit bago pa man niya natapos ang sasabihin ay naramdaman niya ang malaki nitong kamay sa kanyang palapulsuhan. Hinawakan iyon at sa gulat niya ay hinila siya papunta sa exit. Inagaw din ng isang kamay nito ang bit-bit niyang duffle bag.

Takang napatingin siya rito.

"B-Bakit? S-Saan mo ako dadalhin?"

It's not that she's scared. Wala naman sa aura nito na may balak itong gawan siya ng masama. At saka hindi siya nito tutulungan kung masama itong tao. Pero ano ba talaga ang balak nito? Bakit bigla siya nitong hinila at ngayon ay tila dadalhin sa kung saan?

"Hey! Saan mo ako dadalhin?" Ulit niya.

Bumaling naman ito sa kanya.

"Don't worry, hindi kita kakainin. We will just go to the nearest pharmacy to buy some first aid kit. Kailangan nating linisin yang sugat mo bago maimpeksyon."

Sinubukan niyang hilahin ang braso, but he didn't let her go.

"S-Sinabi ko na.. ayos lang ako. Hindi mo na ito kailangan gamutin."

"Don't be hardheaded young lady. Tinulungan na rin lang kita. Lulubus-lubusin ko na."

Pinara nito ang nakitang paparating na taxi. When he open the passenger door, marahan siya nitong ipinasok sa loob. Pagkatapos niyon ay lumigid ito sa kabilang bahagi at pumasok rin.

Nang mahimasmasan siya, tumatakbo na ang taxi at wala na siyang magawa.

Habang bumibili ito ng mga gamot, naroroon lang siya sa likod nito't naghihintay. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit naroroon siya at sunud-sunuran rito.

Palihim niya itong minasdan. From his head down to his body. He's gorgeous, even with his back from her. Medyo may kahabaan na ang buhok nito na nagbibigay ng pagkabrusko sa aura nito, at kahit nakatalikod ay nakikita niya ang bakat nitong mga muscle sa braso at katawan. It was obvious from his tight white t-shirt. Nang ibaba niya pa ang mga mata sa bandang puwitan nito, wala sa sarili siyang napalunok. The shape of his butt is perfect! Parang kay sarap hawakan at pisilin!

Diyos ko! Gimbal siya sa mga naiisip.

Nababaliw na siya! Nababaliw na talaga siya!

Kailan pa siya nagkaroon ng ganitong kamunduhan? And to think that it was with a total and complete stranger.

Shit! Ano ba 'tong nangyayari sa kanya?

Maghunos-dili ka Serene!

Nang makita niyang pabalik na ito, pinilit niyang ibaling sa ibang direksyon ang kanyang mga mata. Nakakahiya kapag nahuli siya nitong nakatitig sa matambok nitong puwit.

"Come, let's go to that bench." Sabi nitong nakatingin sa mga bakanteng upuan sa lilim ng mga punong kahoy sa kabilang bahagi ng kalsada.

Nagpatiuna itong maglakad bit-bit pa rin ang bag niya at ang supot ng binili nitong mga gamot.

"H-Hindi mo na naman talaga kailangan gawin to. Maliit na sugat lang ito. Doon ko nalang gagamutin sa bahay ng kaibigan ko."

He turned and raised his brows. Ini-angat nito ang hawak na supot.

"Hindi ba late na para gawin mo iyon? Nakabili na ako ng mga gamot."

Sumimangot siya. Sino ba kasi ang nag-utos rito na gawin iyon? Sinabi na nga niyang ayos lang siya kanina pa, eh ito naman ang nagpumilit.

Sinalubong siya nito ng tumigil siya sa paghakbang. Hinawakan nitong muli ang kanyang palapulsuhan.

And one touch from him, biglang nawala ang kanyang inis, and she can't believe it!

He pull her to the nearest bench. Nang makaupo siya, umupo rin ito sa gilid niya saka sinimulang buksan ang supot na dala.

Kinuha nito ang cotton at betadine.

"Sinabi ko na, lulubus-lubusin ko na ang pagtulong ko sayo. Mukhang bago ka lang rito, saan ka ba papunta?"

Tanong nito na ang atensyon ay nasa sugat niya sa siko na dahan-dahan nitong nililinisan.

Naglapat siya ng labi. Kahit bahagya siyang napapangiwi sa kirot ng ginagawa nito ay sinagot naman niya ang tanong nito.

"Bibisitahin ko sana ang kaibigan ko. Unfortunately, nangyari ito. Akala ko sa Manila lang maraming snatcher, kahit pala dito naglipana sila." Madilim niyang sabi ng maalala ang nangyari kanina.

Umangat ang tingin nito. Nagsalubong ang kanilang mga mata. And damn! Her heart is beating like a drum!

"So, you're from Manila?"

Hilaw siyang ngumiti. "Doon ako nagtatrabaho. Pero ang pamilya ko, nasa Cagayan."

Tumango-tango ito. Hindi na ito muling nagtanong. Ibinalik na nito ang atensyon sa pagamot sa sugat niya.

"Done.." Sabi nito matapos iyon lagyan ng ointment.

Tiningnan niya iyon bago ibinaling ang tingin sa kaharap.

"Maraming salamat." Sabi niya.

"De nada.." he answer and smile gently.

Katahimikan na ang sumunod na namagitan sa kanila. And she started to feel awkward, lalo na ng maramdaman ang tiim nitong mga titig.

She knew, she need to break the awkward silence. Pero blanko naman ang utak niya sa kung ano ang sasabihin niya. Kaya imbes na magsalita ay tumayo siya.

"K-Kailangan ko ng umalis." Sabi niya saka inabot ang kanyang bag. "Maraming salamat ulit."

Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang gilid ng daan at pinara ang nakitang taxi.

Saka niya pa lang pinakawalan ang kanyang hininga ng nasa loob na siya.

Earlier, infront of him, she felt like suffocating. Kay bilis ng tibok ng kanyang puso, at nablanko ang kanyang utak. Hindi niya kailan man nai-imagine na makakaramdam siya ng ganoon sa isang lalake.

Iyon ba ang tinatawag nilang love at first sight?

Dahan-dahan siyang lumingon. Gustong makita ang lalake sa huling pagkakataon, ngunit nanlumo siya ng makitang wala na ito sa kinatatayuan nito.

Hindi man lang niya naitanong ang pangalan nito.

<<<<<--->>>>>

Bit-bit ang bag ay lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa daungan ng mga bangka papunta sa Isla Paraiso para lamang madismaya ng marinig ang sinabi ng lalakeng kanyang napagtanungan.

Nakaalis na raw ang huling biyahe ng bangka papunta sa Isla!

"Hindi mo ba alam na alas-kwatro ang huling biyahe Miss?" Tanong ng lalakeng kaharap.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Alam naman niya ang bagay na iyon, sinabi ni Emily. Sadya lang na nakalimutan niya.

Kasalanan ito ng snatcher na iyon! Inis niyang palatak. At ng lalake rin iyon kanina. Kung hindi nito pinilit na gamutin ang kanyang sugat, nadatnan niya pa sana ang huling biyahe.

'At kasalanan mo rin, kasi nagpapilit ka. Nadala ka sa taglay na karisma ng lalakeng iyon.'

Paninisi ng isang bahagi ng utak niya.

Muli siyang napabuntong hininga. Mukhang bukas pa siya makakabiyahe papunta sa Isla. Maghahanap nalang muna siya ng matutulugan sa bayan ngayong gabi.

Ibinaba niya ang hawak na duffle bag. Kailangan niyang tawagan si Emily para ipaalam iyon. Ngunit napamura nalang siya ng makitang naubos na ang baterya ng cellphone niya.

Pag minamalas ka nga naman!

Gigil niyang palatak. Iritang-irita na talaga siya.

"Ahm, kuya.. may alam po ba kayo, kung saan ako pwedeng mag charge? Na lobatt po kasi ang cellphone ko. Kailangan kong tawagan ang kaibigan ko para ipaalam na naiwan ako ng bangka."

Magalang naman itong ngumiti.

"Doon sa may kanto, may tindahan. Magbayad ka lang, pwede ka ng mag charge." Sabi nito at itinuro ang sinabi nitong tindahan. "Pero kung nagmamadali ka, may pantawag itong cellphone ko, baka gusto mong makitawag nalang." Alok nitong inilahad pa ang cellphone nito.

Tiningnan niya ang ini-aabot nito pagkunwa'y ngumiti. "Salamat."

Aabutin na niya sana iyon ng bigla siyang natigilan.

Shit! Bago pala ang number na gamit ni Emily, at hindi niya iyon memorize!

This is totally a nightmare!

Nagbilang siya ng isa hanggang sampu para kalmahin ang sarili. Nasa punto na siya na gusto na niyang magsisigaw sa kamalasang nangyayari sa kanya.

"Salamat nalang kuya. Hindi ko pala memoryado ang number ng kaibigan ko. Magcha-charge nalang ako para matawagan ko--"

"Anong nangyayari rito?"

Minsan niya lang narinig ang boses na iyon, pero tila nakapak-it na iyon sa kanyang pandinig.

She licked her lips and slowly turn her head. At muli, nasilayan niya ang mukha ng lalakeng akala niyang hindi na niya makikita kahit na kailan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lei Zel
...️...️...️ Umpisahan ko na ms. A. Sana po lagi updated haha. Thank u po.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status