"Anong ginagawa mo rito? Bakit diyan ka dumaan sa mga batuhang iyan?" Kunot-noong tanong nito na saglit pang idinako ang mga mata sa batuhan sa likuran niya.
Mariin siyang naglapat ng kanyang mga labi. Nag-iinit ang kanyang pisngi sa kahihiyan."Ahm..."Shit! Hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag niya.She bit her lip hardly."K-Kasi--""By chance, are you trying to get inside the resort by climbing on that rock?" Nananantiya at taas kilay nitong tanong. In his lips was a ghost of smile.Ah, Sana bumuka ang lupa at lamunin nalang siya.She bit her lip again. Ini-angat at ibinaling niya ang mga mata sa batuhan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, naroon ang hiling na sana magpakita si Emily para tulungan siyang magpaliwanag sa kaharap.Mas madali, at mas hindi kahiya-hiya kung makita nitong hindi siya nag-iisa.But there's no sound from Emily. Mukhang iniwan nga talaga siya nito doon.Ah, she will going to skinned her alive later on."Are you with someone?"Napabaling siyang muli sa katabi saka hilaw na ngumiti."P-Pasensiya na. Nagkatuwaan lang namin ni Emily ang umakyat sa mga batong iyan. Hindi talaga namin balak na--" she close her eyes and bit her lip more. "Gusto kasi kitang makita kaya ginawa ko ang bagay na ito!" She blurted that out of panic.And as she realized what she just said, para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig.Oh God.. baliw na nga siyang talaga!Naroroon ang kagustuhan niyang tumalikod at takasan ito, pero para naman siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. At isa pa, wala naman siyang matatakbuhan pa. Sa likurang bahagi ng lalake ay ang resort, sa gilid nila ay ang malawak na karagatan, at sa likod niya naman ay ang batuhan.Mas lalo siyang kahiya-hiya kung babalik at aakyat siyang muli sa batuhang iyon.Sa huli, wala siyang choice kundi ang harapin ito na noo'y tila naumid ang dilang nakatingin lamang sa kanya. He is looking at her in amazement. A ghost of smile was again on his lips. At ilang saglit lang, ang ngiting iyon ay naging halakhak."So you mean, dahil sa akin kaya ka umakyat sa mga batong iyan? Dahil sa kagustuhan mong makita ako?"Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha sa dag-dag na namang kahihiyan.Awkward niyang iniyuko ang ulo. Ayaw na niyang magsalita pa, dahil baka kung ano na namang kahiya-hiyang bagay ang lumabas sa bibig niya.She felt him walk closely towards her."You never ceased to amaze me, Serene." He chuckled. "Nagagalak talaga akong nakilala kita."Ngumuso siya. "Nagagalak dahil ngayon ka lang nakakilala at nakakita ng babaeng umaakyat ng matarik na batuhan para lamang makita ka?"But somehow, medyo nawala ang kaba niya sa sinabi nito.He nodded amusingly. "Well, yes. Ngayon nga lang. Honestly, I was really caught off guard. But then, I'm glad Serie, I'm glad to know that you wants to see me. Dahil ganoon din ako. Gustong-gusto rin kitang muling makita."Natigilan siya. Hindi niya iyon inaasahan. Unti-unti niyang ini-angat ang kanyang mukha."Alam mo bang habang naglalakad- lakad ako rito, ikaw ang nasa isip ko? My thoughts of you never end since earlier. And I have this fast beating of my heart. Tell me, did I fall inlove with you at first sight?""Huh?"Her mind went blank. Ano itong sinasabi nito? It was exactly what she is feeling for him right now.Nababasa ba nito ang isip niya? And because he can read it, kaya nasasabi nito ang lahat ng iyon? Because he can read it, kaya sinusubukan siya nito?"Sinabi mong gusto mo rin akong makita, does it mean.. you feel the same way too?"That was a really bold question. At hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Oo, at ganoon din ang kanyang nararamdaman. Hindi rin ito maalis-alis sa isip niya mula pa kanina and he make her heart beat faster, pero masyado naman yatang mabilis. Ni hindi pa lumilipas ang isang araw. At isa pa, hindi siya sigurado na totoo ang sinasabi nito. Maaaring sinasabi lamang nito iyon dahil nababasa nito ang kilos niya at ang kanyang isip at para lamang makaisa.With his looks and aura, hindi malayong isa itong playboy.She licked her lips. "H-Hindi ko alam. Hindi rin ako sigurado. Maaaring ganoon nga, pero maaari ring hinde. Or it could be that I was just grateful for all you've done for me earlier."He look at her intently."Then why don't we find out?"Muli na naman siyang natigilan. She look at him in puzzle."Let's get to know more about each other. Let's meet again and talk about ourselves. How about that, hmm?""By meeting again, do you mean.. here?" Sabi niya saka minasdan ang paligid, partikular sa batuhang nasa likuran niya.Sinundan nito iyon ng tingin saka pilyong ngumisi."Why? Will you crossed that rock again to meet me?"Hilaw siyang ngumuso. Looking at it now, her stomach is churning. Hindi niya talaga alam kung ano ang pumasok sa kanyang isip at pumayag siya sa kalokohan ni Emily."Silly you... Don't ever try to do it again. One wrong step, and you could fall and get injured or worst, maaari kang mamatay kapag napasama ang bagsak mo sa mga matutulis na mga batong iyan."Imagining what he had said gave her an eerie feeling. Hindi niya na talaga uulitin ang ginawa niyang iyon. Never."Just tell me where's your friend address, pupuntahan kita doon."Ikiniling niya ang ulo at ibinaling muli ang mga mata sa mukha nito."Seryoso ka ba talaga diyan sa mga sinasabi mo? I mean sa sinasabi mong magkita tayo muli at kilalanin ang isa't-isa?"Kumunot ang noo nito."Bakit? Iniisip mo bang nagbibiro lang ako?"Tumango siya. "Hmm.." tapat niyang sabi. Iyon naman talaga ang iniisip niya. "Maybe you're just playing with me. Hindi kasi kapani-paniwala ang mga sinasabi mo. You're a playboy right?"Natawa ito. "What? Paano mo naman nasabi iyan?"Nagkibit siya ng balikat. "Well, guwapo ka at matipuno. Lahat ng guwapo at matipuno na kilala ko, puro mga playboy. Ayoko lang na may biglang sumabunot sa akin.""Well, you can put your mind at ease about that part. Walang gagawa non sayo, dahil wala akong girlfriend."She raised her brows. "Sabi mo eh." Sabi niyang hindi lubos na naniniwala rito."So, let's go?" Inilahad nito ang daan."S-Saan?""Sa resort. Don't tell me, diyan ka ulit dadaan sa batuhan para makauwi sa bahay ng kaibigan mo?"Naglapat siya ng labi. "Hindi ba tayo mahuhuli kapag sumama ako sayo sa resort?"Nang biglang may pumasok sa kanyang isip. Ikiniling niya ang ulo at tiningnan ito."Teka, Wala ka namang balak na i-report ako sa guwardiya at sa management, di ba?""Bakit ko naman gagawin iyon kung naging masaya ako sa pagkikita nating ito? Just don't do crossed those rock again. Kung gusto mo akong makita, doon ka sa entrance ng resort pumasok."Umirap siya. "As if naman napakadali niyon gawin. Bayad pa lamang sa entrance, isang buwan na suweldo ko na yata."He chuckled. "Don't worry about it, I am an employee of the resort at may pribiliheyo ang mga empleyado rito. Libreng pumasok ang mga magulang o kapatid ng sino mang nagtatrabaho rito.""So, ipapakilala mo akong kapatid mo ganoon?" Taas kilay niyang tanong.Umiling ito. "Nope." And then his eyes became serious. "Not as a sister. Ipapakilala kita bilang girlfriend ko."Malayo pa lang ay kita na niya si Emily na palakad-lakad sa labas ng bahay ng mga ito na tila hindi mapakali. Nagtaas siya ng kilay. Kung hindi lang dahil sa katabi ay tinakbuhan na niya ng pagitan nila para sabunutan ito. Iniwan ba naman siya!"S-Serene!" Agad itong inihakbang ang mga paa papunta sa kanya. Ngunit napatigil rin ng makita kung sino ang kanyang kasama."Ahm, may kasama ka pala."Matalim niya itong inirapan.'Humanda ka sa akin mamaya!Hilaw itong ngumiti saka pilit na ibinaling ang atensyon kay Dylan."Magandang gabi, Dylan. Salamat at inihatid mo rito si Serene." Sabi nito. Dylan smile "It's my pleasure to walk her home. You're Emily, right?"Sunod-sunod na tumango ang kaibigan. "Oo. Ikinagagalak kitang makilala." Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito ng maglahad ito ng palad at tanggapin iyon ng lalake."Me too, Emily." Sagot nito saka idinako ang mga mata sa kanya. "It's already late, babalik na ako ng resort."She licked her lips and nodded. "Hmm, salamat sa pagha
Kailan ba ang huling pagkakataon na payapa niyang minasdan ang paglubog ng araw na tulad nito? Ah, hindi na niya matandaan. Maybe it was then when she was still in highschool. Kung saan hindi niya pa pasan ang lahat, kung saan malaya pa niyang nagagawa ang lahat.Dahil matapos maatas sa balikat niya ang responsibilidad sa kanyang pamilya, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na isipin pa ang magliwaliw na tulad nito. Buong oras niya ay ginugol niya sa pagtatrabaho. Nakalimutan na niya na may ganitong tanawin sa dakong ito ng mundo."I..It's beautiful." Anas niya. Hindi lamang ang paglubog ng araw ang tinutukoy niya, kundi pati na rin ang kapayapaan na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. And honestly, masaya rin siya na ito ang kasama niya."Yeah, it's really beautiful..." Paos nitong sabi. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapagtantong hindi naman ito nakatanaw sa tanawin sa harap. Nasa kanyang mukha ang tiim nitong mga titig. Realizing that made her swallowed
Wala man kasiguruhan kung saan patutungo itong namamagitan sa kanila ni Dylan ay pikit mata niya pa rin sinuong. She will just savour the moment. She will just grab the opportunity to be with him while she's at the Island. Hindi na niya iyon magagawa kapag nakaalis na siya ng bansa dahil alam niyang magiging abala na siya sa kanyang trabaho kung sakali. Iyon na lamang marahil ang huling pagkakataon na mapagbibigyan niya ang kanyang sarili. Kaya hanggang naririto siya, lulubus-lubusin na niya ang panahon na makasama niya si Dylan. Ah, this intense feeling, this kind of attraction, hindi na niya alam kung mararamdaman niya pa ang ganoon sa ibang lalake. Isang ngiti ang bumahid sa kanyang labi habang minamasdan ito mula sa mesang kanilang kinauupuan. Wearing a long sleeve white polo with bow tie on his neck, he is gorgeously serving the customers in that bar counter. Sa galaw nito, parang sanay na sanay na talaga ito sa trabahong iyon.Tama nga si Emily, waiter nga talaga ito sa reso
If there's one thing she want to wish now, yun ay ang bigyan pa siya ng maraming oras para makasama si Dylan. Ngunit alam niyang imposibleng matupad ang hiling niyang iyon. Dalawang linggo nalang ay aalis na siya. At dalawang araw nalang ang natitira niya para manatili sa Islang iyon. After two days, kailangan na niyang bumalik sa Manila para asikasuhin ang iba pa niyang kailangan asikasuhin sa kanyang pag-alis.Gaano man katindi ang kagustuhan niyang manatili sa tabi nito, hindi niya iyon pwedeng gawin, dahil sa kanya nakasalalay at umaasa ang magulang niya at mga kapatid. Isa pa, everything is ready and settled. Kaya hindi na siya pwedeng umatras. Hindi niya pwedeng pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso.She already chose her fate. At hindi kasama doon si Dylan.Marahan niyang isinandal ang ulo sa dib-dib nito pagkunwa'y ipinikit ang mga mata. Ang init na hatid niyon ay lalong nagbibigay kurot sa kanyang puso. "Can you hear the fast beating of my heart?" Paos nitong tanong hab
Pagkasara na pagkasara pa lamang ng pinto ay muli nitong kinumyos ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. Hindi na ito nag-abalang dalhin pa siya sa kuwarto o kaya kahit doon man lang sa sofa. Basta na lamang siya nitong isinandal sa likod ng pinto saka sinibasib ng halik.He kissed her hard. Forcing her mouth to open. At ng buksan niya iyon ay walang pakundangan nitong ipinasok ang dila nito sa loob. He licked and trace every corner inside. And she can't stop but to moan loudly."Hmm..." Ungol niya saka mahigpit na nangunyapit sa leeg nito.She's been kissed by her boyfriend, her first and last boyfriend from two years ago, but never this intense. Hindi sila dumating sa puntong humantong sila ng higit pa sa hawak at halik.They broke up before they reach that point. And the reason was.. her lack of affection. Iyon ang palaging sinasabi sa kanya ng ex niya dati. She's stiff and cold. They only lasted for five months, he broke up with her.Hindi na siya muling nag entertain ng manlil
"Sleep here.." Anas ni Dylan sa kanya habang marahan nitong hinahaplos ang kanyang pisngi. Sinikop rin nito ang iilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at inilagay iyon sa likod ng kanyang taynga.They are lying on the bed now. Nakatagilid ang posisyon nito at buong lamlam ang mga matang nakatitig sa kanya. After their heated moment on the sofa earlier, sinikop siya nito at binuhat papunta sa kwarto sa ikalawang palapag.Inikot niya ang mga mata sa loob. Malapad iyon. The inside was painted with the combination of Gray and white. There were terrace with glass wall facing the sea. In total, it was definitely a luxury villa. "B-Bakit dito mo ako dinala?" Instead she asked. She is already wondering. Trabahante lang ba talaga ito doon? Nagdududa na talaga siya. But then she saw him being a waiter with her own two eyes."Mukhang mamahalin ang villa'ng ito. Don't tell me, isa rin ito sa pribiliheyo ng resort sa mga empleyado?" Hinaluan niya iyon ng biro. Iyon naman palagi a
Bit-bit ang kanyang duffle bag, isang mapait na ngiti ang bumahid sa kanyang labi habang inihahakbang ang mga paa papunta sa daungan ng mga bangka. Kasama niya si Emily na halata sa mukha ang pag-aalala habang nakasunod sa kanya."Ayos ka lang ba talaga, Serie?" Tanong ulit nito. Pangatlong beses na yata iyon. Wala siyang itinago rito. She told her everything she heard and saw last night at the resort. Kaya naiintindihan nito kung bakit imbes na bukas, ngayon siya babalik ng Manila. Bumaling siya rito at pinilit na ngumiti."Huwag kang mag-alala. Ayos lang talaga ako. Sa simula palang naman wala na akong inaasahan sa amin ni Dylan. Hindi ba at plano ko na talagang iwan siya bukas at hindi na makipagkita pa sa kanya kahit na kailan?""Kung ganoon, bakit kailangan mong umalis na ngayon kung bukas pa ang plano mo? It's because, you're affected. Hindi mo iyon maikakaila, alam kong gusto mo siya."She licked her lips. "Hindi ko naman iyon ikinakaila. Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa
"Bakit may dala kang bag? Are you leaving?" Walang kangiti-ngiti nitong tanong.Ramdam niya ang unti-unting pagbitiw ni Emily sa kanya."Ahm.. Serie, doon na muna ako." Mahinang sabi nito.Marahan siyang tumango. Sinundan niya pa ang likod nito habang papalayo sa kanila ni Dylan. As much as possible, she wanted to leave without his knowledge, with him knowing nothing, pero hindi na iyon mangyayari dahil nasa harap na niya ito ngayon. She can't run and hide, nor lie about it. Idinako niya ang mga mata sa bangkang sinakyan ng mga ito na noo'y itinatali na ng kasama nito sa pangpang. "Galing ba kayo sa bayan?" She asked casually. Tumiim ang labi nito. "Don't answer my question by questioning me back. By the looks of it, clearly, you're leaving." Matigas nitong sabi saka muling idinako ang mga mata sa hawak niyang bag.She licked her lips and nodded. "I am. Paalis na nga ako." Pag amin niya."Without telling me? Di ba ang kasunduan natin, ihahatid kita?"Sinalubong niya ang mga mata