Share

Chapter Three

"So, sinasabi mong si Dylan ang lalakeng tumulong sayo ng manakawan ka, tapos sinamahan ka sa presinto at ginamot yang sugat mo?"

Manghang tanong ni Emily matapos niyang i-kwento kung paano sila nagkita ni Dylan.

Marahan siyang tumango. "Inalok niya rin akong sumabay sa kanilang bangka papunta dito. Mukhang mali yung sinabi mo kanina na suplado siya."

Nagtaas ang kilay nito.

"Ang sabi ko, suplado lang siya pagdating sa mga babae. Hindi ko sinabing suplado siyang tao."

"Matanong ko lang, dito ba nakatira sa Isla ang pamilya niya?"

Makahulugan siya nitong tiningnan. "Hmm... Mukhang interesado ang best friend ko kay Dylan ah. Nagpakilala at ngayon gustong malaman ang background."

Ngumuso siya. "Interesado na agad? Hindi ba pwedeng curious lang?"

"Ganoon din iyon. Curious ka, kasi interesado ka." Natatawa nitong sabi. "Pero sasagutin ko iyang tanong mo. Hinde. Hindi dito nakatira ang pamilya niya. Ang alam ko, kaya siya naririto dahil nagtatrabaho siya diyan sa Amore Hotel and Resort."

She ceased her brows.

"Yung resort na inaplayan mo?"

"Oo."

"Ang pagkakaalam ko, waiter siya doon."

Tumango-tango siya. Natahimik.

"Huwag kang mag-alala, oras na magtrabaho na ako doon, ilalakad kita sa kanya. Magpaparaya nalang ako since kaibigan kita. Kakalimutan ko nalang ang feelings ko. Tingin ko rin naman kasi, interesado siya sayo eh. Isa pa, Ayokong best friend ko ang magiging kaagaw ko sa pag-ibig." Pinalungkot nito ang boses.

Natatawa niya itong tinampal. "Baliw!"

"Emily, Serie.. Pumasok na kayong dalawa, maghahapunan na tayo."

Mula sa labas ay narinig nila ang boses ni Aling Salve. Ang nanay ni Emily.

Nagkatinginan sila ng kaibigan. Maya-maya ay nag-uunahan na sila sa pagpasok. Kapwa na tumatawa habang nag-uunahan rin sa paghila ng mauupuan.

"Kuu.. kayong dalawa, para pa rin kayong mga bata."

Sabi ng Ginang habang bit-bit ang isang mangkok ng sabaw na inilapag nito sa mesa. Umupo rin ito pagkatapos.

"Hayaan mo na kasi kami inay. Matagal-tagal na rin namin itong hindi nagagawa, di ba Serie? Nakakamiss."

"Noong huling ginawa ninyo iyan, nabali ang upuan dahil sa kagustuhan ninyong maunang makaupo."

Kapwa sila naglapat ng labi ng kaibigan saka nagkatinginan. In their lips were a ghost of smile.

"O kumain na kayo. At kumain kayo ng marami. Tingnan ninyo nga iyang mga katawan ninyo, parehas kayong patpatin. Lumakas lang ng konti ang hangin, tiyak maililipad na kayo."

"Inay, beynte dos na kami ni Serie. Ganito dapat ang figure ng mga dalagang tulad namin. Paano kami magkaka boyfriend kung kasing dambuhala kami ni Dabiana? Ang mga lalake ngayon, ang gusto nila sa babae yung sexy."

Aling Salve raised her brows. "Kung iyon ang pundasyon ng pagmamahal niya sayo, sigurado hindi tatagal ang pagsasama ninyo. Paano kung nakapanganak ka na at tumaba, iiwan ka na ganoon?"

Ngumuso ang kaibigan. "Hindi pa nga kami nagkaka-boyfriend, pag-aasawa at panganganak na agad ang sinasabi ninyo. Tapos iiwan pa? Inay naman."

Umiling-iling ito. "Eh, Ikaw itong nagbukas ng topic ng tungkol sa boyfriend. Ang akin lang naman, magkalaman-laman iyang mga katawan ninyo. Aba'y magsisimula ka na sa trabaho mo sa resort sa lunes. At Ikaw Serie, di ba paalis ka na rin ng bansa para magtrabaho doon?"

She licked her lips and smile. "Oho, inay Salve. Pero sa susunod na buwan pa po ang flight ko." Bumaling siya sa kaibigan. "Natanggap ka na sa resort?" Tanong niya.

Nakagat ito ng labi, saka unti-unting lumapad ang ngiti.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Talaga? Kailan mo nalaman? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ikaw hah? Pinaglilihiman mo na ako." Kunwari pagtatampo niya.

Ngumuso ito at tinaasan siya ng kilay.

"Kanina lang nila ako tinawagan. Sobrang saya ko ng marinig ang balita, pero kalaunan napalitan ng pag-aalala at kaba ng makita kong wala ka sa bangka, tapos hindi pa kita matawagan." Sumbat nito.

Siya naman ang ngumuso. "Hindi ko naman iyon kasalanan. Malay ko bang naglipana rin dito ang mga snatcher. Akala ko sa Manila lang. Anyway, congratulations." Pag-iiba niya ng topic. "Masaya ako para sayo. Matagal mo ng gusto na magtrabaho sa resort na iyon at--" Ikiniling niya ang ulo ng may pumasok sa isip. "Hindi ka naman nagpursiging makapasok doon dahil kay--" tiningnan niya si inay Salve.

"Hindi noh. Anong akala mo sa akin, ganoon na kabaliw sa lalakeng iyon? Hindi ko pa man siya nakikita, nagplano na akong mag-apply doon para hindi na ako malalayo kay inay ."

"Hmp! Defensive. Natatawa niyang puna.

"Eh kasi po.. pinapalabas mo na desperada ako."

"Nagtatanong lang ako. Sabi mo kasi, crush na crush mo--"

"Crush lang iyon. As in paghanga dahil guwapo at matipuno. Hanggang doon lang iyon. At saka di ba sinabi ko na, ibinibigay ko na siya sayo."

"Sino ba iyang pinag-uusapan ninyong dalawa hah?"

Kapwa sila naglapat ng labi saka bumaling kay inay Salve. Nakalimutan nilang naroroon pala ito  at kasama nila sa mesa.

"Ahm, ito kasing si Serie inay, na love at first sight kay Dylan.

"A-Anong ako? Ikaw nga itong--"

Nang kindatan siya nito, gustong-gusto niya itong batukan.

"Si Dylan po ang tumulong sa kanya kanina sa bayan. Tapos pinasabay pa sa bangka papunta rito. Mukhang nahulog po siya sa taglay na karisma ni Dylan. Nagtatanong tungkol sa lalake. Sabi ko po, wala rin akong masyadong alam. Aalamin ko pa lamang kapag nagtrabaho na ako sa resort."

"Kuu.. ang sabihin mo, gusto mo rin alamin para sa sarili mo. Akala mo, hindi ko alam na kinukutsaba mo si Rory para makapuslit ka sa resort nang sa ganoon makita mo ang Dylang iyon."

Tiningnan niya ang kaibigan saka ngumisi. Pinandilatan naman siya nito ng mata. And she chuckled more.

"Kumain na nga lang kayo. Baka nagkakandasamid na ang Dylan'g iyon dahil pinag-uusapan ninyo. Eh baka may asawa na ang taong iyon. Siya nga pala Serie, anong petsa ba ang alis mo?" Pag-iiba nito ng topic.

"Sa a beynte po sa susunod na buwan." Sagot niya.

Tumango-tango ito.

"Hangad namin ang magandang kapalaran mo doon sa ibang bansa. Sana mabubuti ang magiging amo mo."

"Iyon din ang ipinagdadasal ko, nay Salve."

"Uuwi ka pa ba sa inyo sa Cagayan bago ka umalis, o sina Javier nalang at Lorna ang pupunta ng Maynila?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang Itay at inay niya.

"Hindi na po siguro. May mga aasikasuhin pa po kasi akong mga papeles. Sila itay at inay naman baka hindi na rin makakapunta pa. Bawal pa kasi kay itay ang bumiyahe."

"Oo nga pala, kaka-opera lang pala ng itay mo. Hayaan mo, kung makakalugar kami ni Emily, kami nalang ang maghahatid sayo sa airport."

"Salamat po, nay Salve."

Nakangiti niyang sabi saka ipinagpatuloy na nila ang kanilang hapunan.

<<<<-->>>>

"Inaantok ka na ba? Gusto mo bang maglakad-lakad na muna tayo sa dalampasigan?"

Sabi ni Emily sa kanya ng lumabas ito. 

"Tulog na si nay Salve?" Bagkus tanong niya.

"Oo. Palagi iyon maaga kung matulog. Maaga rin kasi gumigising para mamakyaw ng isda. O ano, maglakad-lakad na muna tayo." Lumapit ito saka pilyang bumulong. "Sa dulo ng mga batong iyon ay ang Amore resort, pwede tayong pumuslit para pumunta sa loob. Alam mo ang saya doon tuwing gabi. May mga disco at concert. Tapos halos mga mayayaman at foreigner ang mga bisita. Mga guwapo at--"

"Hoy Emily hah, hindi ko pinagbigyan ang hiling mong bumisita rito para pumuslit papunta sa resort na iyon. Nakakahiya kung mahuli tayo. Baka isipin nila mga magnanakaw tayo."

Makahulugan siya nitong tiningnan. Nang bumahid ang ngisi sa labi nito ay pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Hindi nila tayo mahuhuli. Walang bantay sa dakong iyon. At kapag nasa loob na tayo, hindi na nila mapapansin sa dami ng mga turista."

Halos madapa siya habang hila nito papunta sa mabato at madilim na parte ng dalampasigan na sinasabi nito.

Excited at natatawa pa ito.

"Naaalala mo ba nung pumuslit tayo sa concert ng Westband noong highschool tayo? Ayaw tayong papasukin non sa Gym dahil wala tayong ticket. Wala rin tayong pambili, dahil wala tayong kapera-pera, eh idol na idol natin ang boyband na iyon. Kaya yung ginawa natin, sinalisihan natin yung mga guwardiya na nagbabantay sa entrance. Mabuti nalang talaga, wala pang CCTV ang gym ng campus noong panahon natin." Hagikhik nito. "Nakakamiss ang panahon na iyon, di ba?"

"At dahil namimiss mo ang panahong iyon kaya ginagawa natin ito?" Taas kilay niyang tanong. "Alam mo, hindi maganda ang pakiramdam ko sa ginagawa nating ito. Bumalik nalang tayo sa bahay at--"

"Ano ka ba? Nandito na tayo oh." Sabi nito na ang mga mata ay nasa batuhang nasa harap.

Mula sa kinatatayuan, dinig na dinig nila ang ingay ng disco sa kabilang bahagi ng dalampasigang iyon.

"Pero Emily..."

Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila paakyat sa mga batuhang iyon.

"Halika na. Walang bantay at CCTV rito."

Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. At habang ginagawa nila iyon ay abot sa kanyang lalamunan ang lakas ng tahip ng kanyang dib-dib. Sa kaba at... hindi man niya aminin, sa excitement na rin.

Para nga talaga silang bumalik sa panahon noong highschool sila.

"Mauna ka ng sumampa sa malaking batong iyan. Itutulak kita, tapos aalalayan mo ako." Sabi nito.

Nang tingnan niya ang malaking bato sa harap nila, muli siyang nagdalawang isip. Mataas at matarik iyon at sa ibaba ng malaking batong iyon ay dagat na. Isang maling apak lang nila, tiyak hulog sila.

"Emily, hindi ko kaya to. Bumalik na tayo." Sabi niya ulit.

"Sige na, hahawakan naman kita eh."

Pinilit na siya nitong itulak paakyat.

"Isipin mo nalang na makikita mo si Dylan sa likod ng mga batong iyan." Hagikhik nito.

"Baliw! Hindi siya ang dahilan kaya ako sumama sayo rito. Kung alam ko lang na ganito ang dadatnan ko, nungkang sumama ako sayo." Sabi niya habang pinipilit na na maka-akyat.

Ipinagpasalamat niya ng taimtim ng matagumpay siyang nakarating sa kabilang bahagi kahit na pakiramdam niya nagkandasugat-sugat ang paa niya sa matulis na bato.

"Nandito na ako. Umakyat ka--"

"Anong ginagawa mo rito?"

Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig ng makarinig ng boses mula sa kanyang likod.

"Tinatanong kita, anong ginagawa mo rito?"

Hindi na niya alam kung ilang beses siyang napalunok. She saw a light coming from the back. Mula ba iyon sa flashlight?

Diyos ko, nahuli sila!

Emily nasaan ka?

"Miss, sagutin mo ako. Kung hindi, tatawag na ako ng guwardiya."

Mariin siyang napakagat-labi. Her hands is already shaking. Nagsisimula na ring mumuo ang pawis sa kanyang noo.

Emily, mapapatay talaga kita kapag nagkaharap tayo. Makikita mo!

Iyon ang nasa isip niya habang unti-unting lumilingon. Hindi na kasi ito nagparamdam. Mukhang iniwan siya at iniligtas ang sarili.

Yuko ang ulong humarap siya. Hihingi nalang siya ng tawad sa kapangahasang ginawa niya.

"Patawarin ninyo po ako. Hindi ko na uulitin itong ginawa ko. Pakiusap, huwag na kayong tumawag ng guwardiya. Gusto lang naman namin na--"

Bahagyang siyang napapikit ng tumama ang liwanag ng flashlight sa kanya.

"Serene?"

Inangat niya ang mukha para lamang manlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang lalakeng nasa harap niya.

Si Dylan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status