Share

Chapter Six

Kailan ba ang huling pagkakataon na payapa niyang minasdan ang paglubog ng araw na tulad nito?

Ah, hindi na niya matandaan. Maybe it was then when she was still in highschool. Kung saan hindi niya pa pasan ang lahat, kung saan malaya pa niyang nagagawa ang lahat.

Dahil matapos maatas sa balikat niya ang responsibilidad sa kanyang pamilya, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na isipin pa ang magliwaliw na tulad nito. Buong oras niya ay ginugol niya sa pagtatrabaho. Nakalimutan na niya na may ganitong tanawin sa dakong ito ng mundo.

"I..It's beautiful." Anas niya.

Hindi lamang ang paglubog ng araw ang tinutukoy niya, kundi pati na rin ang kapayapaan na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

And honestly, masaya rin siya na ito ang kasama niya.

"Yeah, it's really beautiful..." Paos nitong sabi.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapagtantong hindi naman ito nakatanaw sa tanawin sa harap. Nasa kanyang mukha ang tiim nitong mga titig. Realizing that made her swallowed hard. Lalo na ng mapagtanto ang kanilang ayos. Nasa likod niya ito at nakayakap sa kanya.

Hindi niya man lang namalayan na ginawa na nito iyon. And for Christ sake, bakit kailangan nito iyon gawin? Kahapon lang sila nagkakilala, and they are not even friends!

"Ahm..."

She had lost her words. Hilaw siyang kumawala mula rito saka idinistansya ang katawan.

At tila napansin iyon nito.

"I-I'm sorry, I crossed the boundary. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I've been wanting to hug you since last night." Mahina at seryosong pag-amin nito.

Binasa niya ang kanyang labi saka hilaw na ngumiti.

"B-Bakit mo naman iyon gustong gawin?"

Umiling-iling ito. "I don't know. Pero magmula kahapon, hindi ka na naalis sa isip ko. It may sounds weird dahil kahapon lang tayo nagkakilala, but I think, I like you, Serie."

Napa-angat siya ng tingin. Her heart suddenly beat loudly against her chest that it made her lost for words more.

"You occupied my damn mind the whole night last night. Kagabi pa lang gustong-gusto ko ng hilahin ang kamay ng orasan para magkita na tayo ngayon. You made my heart flutter, and at the same time nervous. And I never felt anything like this with another woman. Sayo lang."

"I..I.."

For a moment she was startled. Hindi niya inaasahan ang mga narinig. Pero ano pa nga ba ang aasahan niya sa lahat ng ito?

At dapat ba siyang maniwala? She was almost convinced at first. Pero ang sinabi nitong sa kanya lang nito naramdaman ang ganoon? Is he kidding? Dahil para sa kanya napaka imposible ang bagay na iyon.

With his looks, imposibleng wala pa itong naging girlfriend. And if he already had, hindi ba nito naramdaman ang ganoong pakiramdam sa mga iyon? Because if he's not, isa lang ang ibig sabihin niyon, ginamit lang nito ang mga iyon at pinaglaruan.

Obviously, he's a playboy.

Bahagya siyang tumawa sa isiping iyon. But then, wala na siyang pakialam pa kung playboy ito o hindi. Kung seryoso ito o pinaglalaruan lamang siya. Hindi rin naman siya magtatagal doon. At wala rin siyang planong maghanap ng seryosong relasyon dahil aalis na siya sa bansa sa susunod na buwan.

Sa ngayon, susunod nalang muna siya sa agos. She like him too. Matindi ang atraksyon na nararamdaman niya para rito kaya habang naririto siya, i-eenjoy niya ang panahon na kasama niya ito.

Tiim niya itong tiningnan. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Well, tingnan natin kung saan tayo dadalhin nitong atraksyon natin para sa isa't-isa." Makahulugan niyang sabi.

Ikiniling nito ang ulo saka kumunot ang noo.

"Y-You mean--"

She licked her lips. Hindi siya sumagot. Bagkus humarap siya sa karagatan at itinuon ang mga mata sa tanawin.

Tuluyan ng lumubog ang araw, but it's embers still remain on the sea. Nagniningning iyon sa mga alon.

"Ang ganda talaga.." anas niya.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niya si Dylan na mangha ring nakatanaw doon. Without turning to look at her, she felt his hand reach for her hand and hold it. Pinagsalikop pa nito ang kanilang mga palad.

Isang ngiti ang sumilay sa kani-kanilang mga labi habang tahimik na pinapanood ang tuluyan pagkawala ng sinag ng araw sa naglalarong mga alon.

"I've been wondering this since earlier.." sabi niya matapos ang ilang saglit.

Naroon pa rin sila nakatayo sa itaas ng talampas. With him still holding her hands.

Bumaling ito sa kanya at ikiniling ang ulo.

"Ang ganda ng tanawin rito. Perfect para pagmasdan ang papalubog na araw, pero bakit walang katao-tao rito?"

Tanong niya na inikot pa ang mga mata sa paligid.

The Island is a tourist destination, kaya nakakapagtaka na tanging dalawa lamang sila ang naroroon. Hindi palalagpasin ng isang sunset lover ang lugar na tulad nito.

Maybe there's an explanation for this. Tiningnan niya muli ang katabi, at napataas ang kanyang kilay ng makitang unti-unting gumuhit ang ngisi sa labi nito. Lumapit ito sa bandang taynga niya at bumulong.

"They're scared to come here.."

Kumunot ang kanyang noo.

"Takot? Bakit naman sila matatakot? Ang ganda nga ng lugar. And it's perfect to watch the sunset."

Naglapat ito ng labi. His naughty smile remain on his lips. "May usap-usapan kasi na isinumpa ang lugar na ito."

She ceased her brows more.

"Isinumpa?"

He nodded. "Hmm.. Ayon sa kwento, it was dated back in nineteen twenties. Ninuno ng may-ari ng lupaing ito.  May magkasintahan daw na sobrang inlove sa isa't-isa, pero tutol ang  magulang ng babae sa kanilang pag-iibigan. Mahirap lamang kasi lalake and the woman was already promised to marry someone with high status in society. Patago sila kung magkita.. dito sa lugar na ito. But then, no secrets can hide forever. Natuklasan ng magulang ng babae ang ginagawang lihim na pagtatagpo ng anak sa binata. So they did everything to break them apart. Lumipas ang mga araw, hindi na nagpakita pa ang lalake. Walang alam sino man sa tunay na nangyari rito. Sapilitan ring ipinakasal ang babae sa ibang lalake. Magkagayon man, palagi pa ring bumabalik rito ang babae. Naghihintay. Because the man promised her that he will wait for her, here. Hanggang sa nalaman ng babae na namatay na pala ang lalake, no one knows if he was killed or he killed himself. In pain and in desperation to be with the man she loves, she killed herself too. She jumped off in this plateau, and was never been found."

Napasinghap siya. Ewan niya, pero parang nanindig ang kanyang balahibo sa ikinuwento nito. She's not into tales or folklore, pero ang pagkakwento nito, parang totoong-totoo. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa kamay nito.

"Some says, she never leave this place. She's still right here, waiting. People says, they sometimes see a built of a woman sitting here on the edge of the plateau." Pagpapatuloy nito. "It was the reason why no one has the guts to come here. Hindi lang dahil natatakot sila, may nagsasabi rin kasing naghihiwalay ang bawat magkasintahan na pumupunta rito."

She raised her brows. "So if that's the case, why did you bring me here? Para madali mo lang akong maididispatsa kung sakaling magkakaroon tayo ng relasyon? Well I'm telling you, wala akong balak na--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla siya nitong hinila. Niyakap ng isang kamay nito ang kanyang baywang habang ang isa naman ay hinawakan ang kanyang batok saka walang babalang inangkin ang kanyang labi.

Tulala siyang napatitig sa buwan na noo'y unti-unting nagpapakita sa pagitan ng mga ulap.

Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata ng tumigil ito at idinistansya ang sarili.

"They also said that, if you happen to kissed here when the moon rises, no one could ever break you apart. And we just did." Pilyo itong ngumisi. "Wala ng makakapaghiwalay sa atin, Serene. You will be mine from here onwards."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lei Zel
Update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status