Share

Chapter Two

"Dumating ka rin sa wakas. Kanina pa kita hinihintay. Akala ko nga, may nakita ka ng chikababes sa bayan kaya inindiyan mo na ako. Bakit ba ang tagal mong bumalik?"

Tanong ng lalakeng napagtanungan niya sa lalakeng tumulong sa kanya.

Hindi ito sumagot. Nanatili lang ang mga mata sa kanya. At napansin iyon ng kaharap.

"Ah, papunta sana sa Isla. Kaso naiwan ng bangka. Na-lobat rin ang cellphone. Inaalok kong gamitin niya ang cellphone ko para tawagan yung kaibigan niya, pero sa malas hindi niya memoryado ang numero."

"Sa Isla Paraiso pala ang punta mo?"

Inignora nito ang sinabi ng lalakeng kaharap at itinuon ang pansin sa kanya.

"Taga roon ba ang sinabi mong kaibigan mo?"

Nakagat niya ang labi saka kiming ngumiti.

"Ahm, Oo. Pero gaya ng nakita mo, naiwan na ako ng bangka. Kaya bukas na siguro akong--"

"Teka, magkakilala kayo?"

Kapwa sila bumaling sa lalakeng nagsalita. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa lalakeng katabi niya. Hindi siya sigurado, pero parang may multo ng ngisi sa gilid ng labi nito.

"Siya ba ang dahilan kaya matagal bago ka nakabalik?" Tanong ulit nito. Mas lalong nadepina ang ngisi.

Nagtaas siya ng kilay. Sa uri ng ngisi nito, parang alam na niya kung ano ang nasa isip nito.

"Siya nga..." Sagot ng lalakeng katabi, pagkunwa'y nilagpasan sila. "Pero hindi gaya ng kung ano mang pumapasok diyan sa kukote mo. Naisakay mo na ba ang lahat ng mga dala natin?" Tanong nito habang papunta sa isang bangkang nasa pangpang.

Saglit pa siyang minasdan ng lalakeng kausap nito, bago sumunod rito.

"Oo, kumpleto na ang lahat ng iyan. Ikaw na lang talaga ang hinihintay."

Tumalikod na siya. Hindi na siya dapat tumunganga pa doon. Obvious namang balewala siya sa lalakeng tumulong sa kanya.

Nilubos na nito ang tulong sa kanya kanina, at hanggang doon na lang talaga iyon.

Binitbit niya ang kanyang bag at nagsimulang humakbang. Kailangan pa niyang mag-charge at maghanap ng matutulugan sa bayan.

"Saan ka pupunta?"

Napatigil siya sa paghakbang. Siya ba ang tinatanong nito?

She turn her head. Nakita niyang nakasampa na ito sa bangka, but he is looking at her, kaya napagtanto niyang siya nga ang tinanong nito.

"Gaya ng narinig mo sa kasama mo, naiwan ako ng bangka. Hindi na ako makakapunta ng Isla Paraiso ngayon. Kaya babalik nalang ako sa Bayan para doon maghanap ng matutulugan ngayong gabi."

Minasdan siya nito pagkunwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Sumabay ka na sa amin."

Ikiniling niya ang ulo. Did she heard it right? Ibig sabihin...

"Papunta kayo ng Isla Paraiso?" Tanong niya. Biglang-bigla parang umawit ang mga anghel sa langit.

Nagkibit ito ng balikat. "Oo. Kaya kung gusto mong sumabay, halika na. Nagsisimula ng tumaas at lumakas ang mga alon."

Isang ngiti ang bumahid sa kanyang labi.

Nang makita niyang kinakalas na ng kasama nito ang tali ng bangka ay mabilis niyang tinakbuhan ang pagitan nila. Kung magpabagal-bagal siya, baka iwan siya ng mga ito.

Humihingal siyang nakarating sa pangpang kung saan ang mga ito.

"Hindi mo naman kailangan tumakbo."

Sabi nito, pero inabot naman ang kamay sa kanya para siya alalayan.

"Baka kasi iwan ninyo ako kapag hindi ako nagmadali." Nakanguso niyang sagot na nagpataas ng kilay nito.

Isang ngiti ang nakita niyang sumilay sa gilid ng labi nito. Unti-unti, ang ngiting iyon ay naging bahaw na tawa.

Nagtatakang tiningnan niya ito, para lamang matulala sa nasilayan. He has perfect set of teeth. God, wala na bang kapintasan ang lalakeng ito pagdating sa panlabas na anyo?

At ang paraan ng pagtawa nito, bakit tila iyon nang-aakit? And she can't help but to slowly fall for it.

Hindi pa man siya nakakasampa ng tuluyan sa bangka ng hampasin iyon ng alon. Hindi niya iyon napaghandaan. Nawalan siya ng balanse.

"Hey, be careful!"

Isang sigaw ang kumawala sa kanyang lalamunan bago niya mariin ipinikit ang kanyang mga mata ng maramdamang unti-unting bumabagsak ang kanyang katawan. Waiting for her to fall on the cold water.

Pero lumipas nalang ang ilang saglit, hindi niya naramdaman ang lamig ng tubig, bagkus isang mainit na bagay ang naramdaman niyang nasa ilalim ng kanyang katawan. Or is it really a thing?

Mukhang sa katawan siya ng lalake bumagsak!

"Ayos lang kayo?" Narinig niyang tanong.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at napagtanto niyang nakapatong siya sa ibabaw ng katawan ng lalake. But not in equal position. Nasa bandang sikmura nito ang ulo niya at ang kanyang dib-dib ay nasa pagitan ng... ng hita nito!

Her eyes widened in shocked. Ramdam na ramdam niya rin ang biglang pagsalakay ng init sa kanyang pisngi. Lalo na ng maramdaman niya ang kaumbukan niyon.

Did she felt him pulsating?

Her eyes widened more. Natataranta siyang umalis mula sa ibabaw nito. Ganoon din naman ang lalake natataranta nitong iniwas ang katawan sa kanya at bumangon din.

Malamig na ang simoy ng panghapong hangin, pero ramdam niya ang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Ang kanyang dib-dib ay taas-baba sa dagundong ng tibok ng kanyang puso. Mas lalo iyon nadepina sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa ere.

Naglapat siya ng labi. Pilit na kinakalma ang sarili. Nakatalikod siya sa direksyon ng lalake, sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niyang nakatalikod din ito sa kanya. Kung ano ang reaksyon nito o iniisip ay hindi niya mahulaan.

"Ayos lang ba kayong dalawa? Hindi ba na ano iyang mga ano ninyo?"

Tanong ng kasama nilang lalake na pigil na pigil ang mapatawa.

Her face heated more. Ang lalake naman sa likod niya ay napaungol.

"Paandarin mo na ang makina nang makaalis na tayo." Sabi nito pagkunwa'y naramdaman niyang gumalaw ang bangka, indikasyon na nahimasmasan na ito at tumayo. "Bilisan mo na.." dugtong pa nito ng makitang hindi pa gumagalaw ang kaharap at pilyo lang nakatingin sa kanilang dalawa.

Pinilit na rin niyang umayos. Hilaw ang ngiting dahan-dahan siyang tumayo at tinungo ang upuan sa gilid at tahimik na umupo doon.

"Bilisan mo na.."

"Oo na boss..." Natatawang sabi nito.

Inihakbang nito ang mga paa papunta sa unahang parte ng bangka, pero hindi pa man ay tumigil ito at bumaling muli sa lalake.

"Pero sigurado ka bang okay ka lang? Mula rito, halata ko pa ring--" Inilapit nito ang mukha sa katabi at bumulong pagkatapos ay malakas na tumawa.

Binigyan nito ng headlock ang lalake, na noo'y natatawa namang nagpumiglas.

"Lumalakas na ang alon, bahala ka..." Babala nito.

He let him go. Iiling-iling at natatawa pa rin ito ng dumako sa makina ng bangka.

The man then darted his eyes on her. Nagkunwari naman siyang abala sa pagmashid sa dagat.

<<<<<--->>>>>

Halos isang oras din ang ibiniyahe nila bago sila nakarating sa Isla Paraiso. At kasalukuyan ng nagkukulay kahel ang kalangitan.

"Serene!"

Napa-angat ang kanyang tingin sa pamilyar ngunit nag-aalalang boses na iyon. Sa di kalayuan, kita niya si Emily na tumatakbo papunta sa daungan ng mga bangka.

Malayo man ay halata niya sa mukha ng kaibigan ang pag-aalala.

Halos gusto niya na rin takbuhan ang kanilang pagitan. Ngunit hindi pa tuluyang nakadaong ang sinasakyan nilang bangka.

She saw how Emily halted her step as she darted her eyes on the two men with her. Agad ring kumunot ang noo nito. Pero saglit lang iyon, dahil mas nanaig ang pag-aalala nito at ang galak na nakarating siya ng ligtas.

Sinalubong siya nito ng makababa siya sa bangka at mahigpit na niyakap.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala ng makita kong wala ka sa huling biyahe ng bangka? Tapos hindi pa kita makontak. Ayos ka lang ba?"

Tumango siya.

"Pasensiya na hah.. na-lobatt kasi ang cellphone ko kaya hindi kita natawagan."

Binitiwan siya nito at sinipat. And then she saw the wound on her arm na may band-aid ng nakalagay.

"Napaano yang braso mo?"

"Natumba ako nong hablutin ng snatcher yung bag ko. Nagalusan ng konti. Pero huwag kang mag-alala, maliit na galos lang ito. Nalinisan na rin at nalagyan ng ointment."

Tumiim ang bagang nito.

"Put*ang inang magnanakaw na iyon, Kung naroroon ako, pagsasapak-sapakin ko iyon hanggang sa malumpo!" She hissed gritting her teeth hardly. "Mabuti nalang talaga may tumulong sayo at sinamahan ka pa hanggang sa presinto."

'Nilinis niya rin itong sugat ko at pinasakay sa bangka niya papunta rito. And he's right here with me.'

Magugulat kaya ito kapag idinugtong niya iyon?

And thinking about it now, ang laki na pala ng utang na loob niya sa lalake.

Lumingon siya kung saan naroroon ang mga ito. Abala ang lalake sa pag-aayos ng mga dala ng mga ito, habang yung kasama nito ay itinatali ang bangka sa poste ng pangpang.

"Sabihin mo nga, paano mo sila nakilala?"

Hindi niya namalayang sinundan pala ng kaibigan ang kanyang tingin.

Bahagya siyang bumaling. "Kilala mo ba sila?" Bagkus tanong rin niya.

Sa tono kasi nito, parang ganoon na nga.

Nagtaas ito ng kilay. "Ang tinutukoy mo ba si Dylan? Yung pogi?"

Dylan...

Pumak-it agad iyon sa kanyang isipan.

"Walang taga rito ang hindi nakakakilala sa kanya. Kinababaliwan kaya iyan ng mga babae rito at pinagpapantasyahan. Ang pogi kasi, matangkad at macho.."

Bahagya siyang lumapit sa bandang taynga nito.

"Kasali ka ba sa mga babaeng iyon?"

Pilya itong tumitig sa kanya. "Sinabi ko na. Lahat." Kumindat ito. "Ngunit hanggang pantasya lang kaming lahat. Medyo may pagkasuplado kasi iyan si Dylan at tingin namin dito, may girlfriend na iyan."

Ikiniling niya ang ulo.

"Girlfriend?" hilaw niyang tanong.

Ewan niya pero parang may kung ano siyang naramdaman sa dib-dib sa nalamang iyon.

Lungkot? Panghihinayang? Hindi niya alam.

She doesn't even know why she is feeling that in the first place gayong kanina lang sila nagkita at nagkaharap.

Naramdaman niyang siniko siya ng kaibigan. Nang tingnan niya ito, lihim siya nitong sinesenyasan sa harap.

Nang ibaling niya ang kanyang mga mata, nakita niyang papunta na sa kanilang direksyon ang lalake. Sa kamay nito ay ang kanyang duffle bag.

"Your bag." Sabi nito saka inabot iyon sa kanya.

She immediately reach for it. "Ahm, salamat." Sabi niya. "I mean... Sa lahat ng ginawa mong tulong."

Bahagya itong ngumiti bago tumango. "Wala iyon. And since your friend is here," tumingin ito kay Emily. "Mauuna na kami."

Naglapat siya ng labi saka tumango. "Salamat ulit."

Muling bumahid ang ngiti sa gilid ng labi nito bago sila nilagpasan.

Ah, mali yata ang sinabi ng kaibigan na suplado ito. Dahil tingin niya, hindi naman.

"Ahm, sandali!"

Hilaw siyang nakagat ang labi. Huli na para marealized ang ginawa. Kahit si Emily ay napa-angat ng tingin sa kanya.

Tumigil ito at bumaling. Nagtatanong ang mga mata.

Ano nga ba ang dahilan, bakit niya ito pinigilan?

Hell, mag-isip ka Serene...

"Ahm.." she licked her lips. "Ako nga pala si Serene.." Iyon ang lumabas sa bibig niya.

And he smile.

"I know," Paos nitong sabi. "See you around Serene." He gently added before turning his back again.

She was speechless. Kung hindi pa siya kinurot ni Emily, hindi pa siya mahimasmasan.

"Ano iyon? Aminin mo nga.. Type mo rin siya noh?" Hagikhik nito.

"Nagpasalamat lang ako. Kung alam mo lang ang--"

"Anong nagpasalamat? Kanina pa iyon. Ang ginawa mo ngayon lang, nagpakilala ka. 'Ako nga pala si Serene' iyon ang sabi mo noh..

Sus! Palusot ka pa."

She smirked. And then, a naughty smile crossed her lips.

Ini-ankla niya ang braso niya rito habang ang isa ay binitbit ang dalang bag.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung paano mo nakilala si Dylan?"

Naglapat siya ng labi saka ngumiti. Tinahak nila ang pinong bungahin ng Isla.

"Mamaya.. ikwe-kwento ko."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status