Share

Explore with Me
Explore with Me
Author: Darkwritesss

CHAPTER 1

Hinanda niya ang kaniyang camera dahil sasamahan ang kaniyang pinsan sa shoot. Make up artist kasi ito ng mga celebrity or models. Gusto niya sana mag picture picture lang dahil iyon ang hilig niya. Hobby lang naman niya iyon, taking a picture of scenery.

Lumabas siya ng kaniyang bahay at ni-lock iyon. Nakita niyang naka park na sa labas ang sasakyan ng kaniyang pinsan na si bella.

"Hi gorgeous!" Nakipag beso siya dito ng makaupo sa shotgun seat.

"Okay lang talaga na pumasok ako sa loob ng make up room doon sa may studio?" paninigurado niya ulit dito. Nag aalala kasi siya baka naman palabasin lang siya kung mahigpit. Tumango ito habang pinapaandar ang makina ng kotse.

"Of course, pwede ko namang sabihin na nasa team kita," nilingon siya nito at kinindatan bago paandarin ang sasakyan.

Si Bella ay mas matanda kaysa sa kaniya. 28 years old na ito at medyo matagal na talaga sa industriya ng tinatrabaho nito. Napakagaling kasi nito mag make up, nakapag trabaho din ito sa New York at South Korea bilang make up artist ng mga kilalang artista.

"Ate Bella, sino pala 'yong m-make up-an mo? guy ba? pogi?!" she excitedly asked her cousin. Tumawa naman ito habang hindi nito inaalis ang tingin sa harapan.

"A guy, he's half filipino pero sumikat kasi siya sa New York." Napaisip naman siya, wala siyang maisip, wala siyang ideya kung sino iyon.

Sa totoo lang kahit mga sikat na artista, international man o local ay hindi niya kilala lalo na ang mga pangalan. Minsan kakilala niya lang sa mukha.

"Hindi ko kilala," pagsabi niya ng totoo dito.

"Hmm. He's hot! Boyfriend material! Nakita ko na siya kung saan-saang magazine. Mas matanda lang sayo 'yon ng dalawang taon." Bigla tuloy siyang na-excite makita kung sino iyon.

Pero naisip niya din may bago na siyang crush, 'yong kaibigan ni Ivy, si Thunder. Hindi niya talaga to makalimutan kahit noong sa hospital palang niya nakilala.

Kung walang Krelton si Ivy siguro pagkakamalan niyang boyfriend ito ng kaibigan niya. Dahil nakita niya talaga ang closeness ng dalawa.

Dumaan muna sila sa starbucks para bumili ng drinks at dumeretso na din sila sa studio, kung saan magaganap ang photoshoot.

Pumasok sila sa loob at nakita niya ang props na inaayos. Nakakita pa siya ng sofa at parang bakal doon.

"Ate Bella, Anong theme ba 'to?" bulong niya sa pinsan niya dahil parang rated 18 ang naiisip niya.

"Oh! I forgot to tell you, underwear products ang ipo-promote ng model." Napaawang ang kaniyng labi at naisara din bahagya ng may lumingon sa kanila, iyong mga photographer at mga nag aayos.

"Good afternoon!" bati ng ate Bella niya sa mga tao doon.

"Oh, nandito ka na pala Bella! 'yan ba ang pinsan mo?" tanong no'ng isang photographer na medyo may edad na.

"Yes! Ganda 'no? Mana sa akin!" Napangiti naman siya, wala siyang reklamo dahil maganda talaga ang ate Bella niya.

"Oo! Nag momodel ka ba hija?" Bahagyang lumapit ito sa kanila.

"Minsan lang po, pag hindi masiyadong busy."

"Ay kung gano'n! Pagkailangan ko ng model at hindi ka busy pwede ka ba? Ako nga pala si Victor, pwede mo ko tawaging kuya Victor" nakipag kamay siya dito at napatango.

"Nice to meet you." Nakipag kwentuhan lang sila saglit at nag handa na din ang ate Bella niya katulong ang isang assistant nito na si ate Janella.

Siya naman ay pumirmi sa tabi at nilabas ang camera niya. Kinuhaan niya ng picture ang ate Bella niya na nag aayos ng mga make-up.

"Ms. Bella, ready na? Nandito na si Thunder" sambit nang babae na nakita niya kanina na nag aayos ng mga ilaw.

Thunder?

Nagtaka naman siya dahil kapangalan pa ng Thunder na kilala niya.

Chineck niya ang mga pictures na kinuha niya, puro stolen shots iyon ng ate Bella niya. Kung hindi lang ito naging make-up artist papasa talaga to sa pagiging artista.

"Good afternoon," the low baritone voice filled the room. Napatigil siya sa kakatingin ng pictures sa camera niya at inangat ang tingin para makita kung sino 'yong nag salita.

Muntikan niya ng maihulog ang camera niya nang makita kung sino iyong pumasok sa room.

"Good afternoon sir Thunder, pwede na po kayong maupo," sambit ng ate Bella niya. Siya naman ay nakanganga pa rin habang sinusundan ng tingin ang lalaki, hanggang sa makaupo ito hindi man lang siya nito napansin dahil nasa may gilid siya.

"Oh my gosh! Thunder?" she blurted out. Napatingin ito sa kaniya at mukhang natigilan.

"Hi! Kaibigan ako ni Ivy, remember noong sa hospital?" Tumayo siya at nilapitan ito.

"Model ka pala..." dugtong niya pa.

"Uhm... yeah... hi." Tipid itong ngumiti sa kaniya at binalik na ang tingin sa salamin.

"Magkakilala kayo?" Tanong ng pinsan niya habang kumikilos na.

"Yes ate! Kaibigan siya ni ivy, diba kilala mo yun"

"Yes! Of course i know ivy serenity" nagsimula na itong make-up-an si thunder siya naman pinag dikit ang labi. Gusto niya sana daldalin pa ito kaso, mukhang busy talaga ito. Kaya umupo siya ulit sa tabi at nag simula picturan ang binata.

Puro stolen ang kuha niya sa binata, napapangiti nalang siya dahil kahit saang anggulo napaka gwapo nito.

Sinundan niya ng tingin ang binata matapos ito sa saglit na pagme makeup at pag aayos ng buhok. napalunok siya dahil napakaguwapo talaga nito. Napahawak siya ng husto sa kaniyang camera ng inisa isa nitong buksan ang butones ng polo na suot nito.

Mabilis niya itong kinuhaan ng pictures pero napatigil siya ng lumingon ito sa gawi niya at naglakad papunta sa kaniya.

"Can you stop taking a pictures of me?" bigla siyang kinain ng hiya, napansin niyang napatingin pa sa gawi nila ang manager nito at ang ate Bella niya. Napatitig siya dito dahil walang ngiti sa labi ng binata, pakiramdam niya tuloy napahiya siya.

"Uh... okay.." mamaya nalang ulit. Tumalikod ito sa kaniya at nag umpisa na mag tanggal ulit ng polo. Siguro kung nakakatunaw lang ang titig natunaw na si Thunder dahil sa titig niya. Kahit medyo sinungitan siya nito mas lalo lang siyang na attract sa binata.

Napaawang ang labi niya ng makita ang galit na galit na muscles nito at abs. Hindi masyadong bulky ang muscles nito, lean lang ang body shape ni Thunder pero napaka ganda ng katawan. Saktong-sakto ang mga muscles, at kitang-kita niya ang mga ugat nito na galit na galit. Sigurado siyang nag work out ito bago pumunta rito.

Ang sarap... pwede 'to i ulam! perfect!

"Nako, baka matunaw si Thunder!" bulong sa kaniya ng ate Bella niya at siniko pa siya. Hindi man lang niya ito nakita na lumapit sa kaniya. Masiyado na ata siyang pokus sa binata at hindi niya na alam ang nangyayari sa paligid niya.

"Siya 'yong bago kong crush ate Bella! nakilala ko siya dahil kay Ivy!" bulong niya pabalik na parang kinikilig kilig pa.

"Hmm... may bago ka na namang crush? hindi mo na crush 'yong kapitbahay mo na fafable din?" natawa siya ng bahagya tiyaka umiling.

"Mas masa— mas gwapo 'to!" Napailing na lang ito sa kaniya dahil sa paraan ng pagkasabi niya.

Nakita niyang umalis saglit ang binata at pag dating sa room ay nakasuot na ito ng medyo maluwag na pantalon at kita din ang boxer na suot. Parehong kilalang brand ang tatak ng suot nito. Kating kati na siya kuhaan ito ng pictures, kaso mamaya na lang pag nag sho-shoot na ito para maka simple siya ng kuha.

Mayamaya tinawag na ito ng photographer, sumunod din siya at pumwesto sa may gilid lang, 'yong hindi siya mapapansin pag nagnakaw siya ng litrato dito. Pumwesto ito sa sofa at nagsimula mag posing.

Masasabi niyang professional talaga ito dahil lahat ng shots nito maganda ang kuha. Napaka-photogenic nito at higit sa lahat gwapo talaga at mukhang masarap.

Tuwang tuwa siya dahil nakakuha siya ulit ng litrato nito. Pagnakauwi siya i-piprint niya 'yon.

Agad niyang naibaba ang camera na parang wala siyang ginawang kababalaghan, napatingin kasi si Thunder sa kaniya dahil dadaan ito para magpalit ng next na outfit. Lumapit siya doon sa may monitor para kunwari tinitingnan lang niya ang mga pictures nito.

Nang lumabas ulit ito halos maluwa na ang mata niya dahil naka boxer na lang ito. Napapadyak siya ng mahina dahil sa saya. Hindi naman siya pervert pero hindi niya maiwasan mapatingin sa ano nito.

His bulge...

His thing is really big! nararamdaman ko, my gosh. I can't believe that I'm seeing it right now.

how lucky I am.

Bakat pa lang galit na galit na, paano pa kaya kung tumigas 'yan?

Napangiti siya ng malawak sa mga naiisip, nakakapanood siya ng mga adult video pero hindi niya pa nararanasan makakita sa malapitan kahit pa may takip at tanging bakat lang ang nasisilip niya.

Napaangat ang tingin niya at nakita niya itong nakatitig sa kaniya, nakakunot ang noo nito kaya nginitian niya ito at nag thumbs up siya. Hindi niya alam kung para saan ang pag thumbs up niya pero gusto niya lang talaga bigyan ng thumbs up ang binata.

Nanood lang siya hanggang sa matapos ito dahil nakakuha na siya ng mga stolen shots. Tinulungan niya ang ate Bella niya na mag ligpit ng makeup kasi sobrang dami iyon, para na din mapabilis. Pinasok niya na din ang camera sa kaniyang bag dahil tapos na rin naman siya roon. Napakasaya ng araw niya dahil napakaganda ng mga tanawin na nakita niya.

Umupo siya sa sofa saglit at inopen ang phone niya, nakita niya kasing may message sa i*******m niya. Napanganga siya ng makita kung sino iyon, nasa request message niya ang mensahe ni Thunder.

Thndr09: Can we talk? Meet me at the parking lot now.

Hindi niya alam ang dahilan pero na excite siya sa 'di malamang dahilan. Lumingon siya sa pinsan niya at tumayo tiyaka sinukbit ang bag.

"Mauuna na ako ate Bella."

"Oh, hindi ka na sasabay sa akin?" Umiling siya rito at ngumiti.

"Mukhang may date ako," kinikilig na sambit niya. Tinaasan siya nito ng kilay at natatawa na lang na tumango. Nagpaalam din siya sa assistant nito pati sa photographer na nakilala niya. Mabilis ang paglalakad niya papunta sa parking lot, napalingon lingon pa siya kung nasaan ito.

Napatigil siya ng may bumusina at nakita niya ang black audi na tinted. Sure siya ito ang sasakyan ni Thunder. Naglakad siya ng mabilis habang nakangiti siya. Kinatok niya ang salamin ng kotse bago buksan.

"Hi-"

"Get in, faster." Mabilis siyang pumasok at ni lock ang pinto.

"Hmm... faster..." napahagikgik siya ng may pumasok sa isip.

"Can I borrow your camera?" natigilan naman siya dahil sa sinabi nito.

"Bakit? Low battery na eh," she lied. Malakas ang pakiramdam niya, sa tingin niya ay buburahin nito ang mga pictures na kinuha niya.

"Then I'll borrow it— no I can buy a new one for you. Akin na ang camera mo," sumeryoso ang mukha nito lalo kaya napanguso siya.

"Eh 'di bumili ka na lang ng bago, sa akin pa ang gusto mo! crush mo ba ako?" Kumunot ang noo nito lalo at kita niya na parang umiinit na ang ulo nito sa kaniya.

"May I remind you that I have the rights because I know you took a lot of pictures of me while I'm busy working earlier." She crossed her arms, pouted her lips and looked at him.

"Bakit, model ka 'di ba? dapat masanay ka na! tiyaka ayaw mo ba 'yon? fan mo na ako, dapat hindi mo sinusungitan ang fan mo!" napatingin siya dito lalo ng napasuklay ito ng buhok gamit ang daliri.

"Ang gwapo mo tiyaka ang sexy mo talaga, naghahanap ka ba ng girlfriend?" tanong niya agad dito. Hindi naman siya into commitment pero kung ito lang naman, papayag na siya.

"What?" kunot noong tanong nito sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?" tanong niya at napabuga ng hangin.

"Hindi ako nakikipag biruan dito—"

"Ako rin naman! tinatanong ko lang kung naghahanap ka ba ng girlfriend? o may girlfriend ka na?" tinitigan niya ito ng husto at inabangan ang sagot pero mas lumukot lang ang mukha nito.

"Get out of here!" Napanganga siya dahil medyo sumigaw ito.

"Ito naman highblood! nagtatanong lang naman," sambit niya. Inayos niya ang bag at kinandong iyon sa hita niya. Wala siyang balak umalis dahil wala namang maghahatid sa kaniya, wala rin siyang dalang sasakyan dahil nga sinundo siya kanina ng ate Bella niya.

"Just don't post my pictures, you can leave now," ani nito at inistart ang engine ng sasakyan. Pero nakatitig pa rin siya sa binata kaya't napalingon ito sa kaniya at kumunot na naman ang noo nito.

Bakit kaya mas lalo siyang gwapo pag galit? Galitin ko pa kaya?

"You can leave now, tapos na tayo mag usap." Mabilis siyang umiling at sumandal, nilipat niya ang tingin sa harapan.

"Hindi ako aalis dito, ihatid mo ako! wala akong dalang sasakyan. Sinabi ko na kay ate Bella na may date ako," paliwanag niya rito.

"I'm busy person, miss. Can you please leave now? I don't want to get mad at you because you're Ivy's friend," seryosong sambit nito sa kaniya.

"Aba! ikaw kaya ang may kasalanan! panagutan mo ako! wala akong dalang sasakyan kaya hindi ako makakauwi." Napabuga ito ng hangin dahil sa pangungulit niya. Napasigaw na lang siya sa isip niya ng wala itong nagawa at pinaandar ang sasakyan.

Ang galing ko talaga!

"Thank you crush!" she said while grinning.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status