Share

CHAPTER 33

Uminom siya ng mainit na tsaa nang matapos siyang mag-sketch ng mga outfits. Nasa bahay lang siya dahil walang schedule ngayon si Thunder. Mabuti na lang din dahil ayaw niya muna itong makita.

Ang nangyari noong isang araw ay hindi niya kinaya, parang nagkabuhol-buhol ang utak niya at ang nararamdaman niya. Ayaw niya munang isipin iyon dahil bumabalik na naman ang sakit.

Binaba niya ang lapis niya at tiningnan nag message ni Gino. Pinaalalahanan lang siya nito para sa surprise birthday party ng ate Bella niya. Ang mga kaibigan na nito ang gagawa ng scene para mapapunta nila ito sa resort na nirentahan ni Gino.

Hindi na kasi nakakapag-party ang pinsan niya dahil busy sa trabaho kaya hinanda iyon ni Gino para makapagsaya naman ito kasama ang mga malalapit na kaibigan.

Napagdesisyunan niyang maghanda na ng damit na susuotin niya mamaya. Pagkatapos ay nagpahinga muna siya at natulog saglit para hindi siya mabilis antukin mamayang gabi, sigurado kasi siyang madaling araw na siya makakatulo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status