Share

CHAPTER 5

Nag simula ang photoshoot, na una si Eleina at sumunod si Thunder. Solo shots kasi muna kaya nakaupo siya ngayon sa lounge para maghintay ng turn niya.

Napapitlag siya sa gulat nang may umupo sa kabilang lounge chair, si Gino 'yong model. Nakangiti ito sa kaniya at nakaharap.

"Hi! I'm Gino, you're Yessha, right?" Tinaas nito ang kamay at nakipagkamay, naramdaman niya ang marahan na pag pisil nito sa palad niya habang nakangisi pa rin sa kaniya.

"Yeah," marahan niyang hinatak ang kamay niya at ngumiti na lang ng tipid.

Ayaw niyang pag isipan ito ng masama kaso ang mga titig na binibigay nito sa kaniya ay iba. Kita niya pang bumaba ang titig nito sa dibdib niya at ngumisi ulit na parang natutuwa.

"How old are you?"

"22."

"I'm 28." Tumango lang siya rito at inalis ang tingin sa lalaki, pinanood niya si Thunder mag pose, sobrang hot talaga nito. Hindi ata siya magsasawa sa mukha at katawan nito.

Nainis na naman siya nang sinalubong ni Eleina si Thunder at nakipag usap nanaman ito. Hindi niya marinig kasi medyo malayo ang mga ito sa pwesto niya.

"Yessha! Gino!" Tawag sa kanila ni kuya Victor. Tumayo na siya at sumunod naman sa kaniya si Gino. Nakasalubong niya si Thunder at nginitian niya ito, mabuti na lang na tumango ito bilang tugon kahit papaano.

Nag umpisa siyang mag pose, umupo siya sa gilid ng pool at nag pose lang ng kung ano-ano. Mas ginanahan siya dahil mas pinalakas ang music.

Nang natapos siya si Gino naman ang sumunod. Pagkatapos ng mga solo shots nag group shots na sila.

Napangiti siya ng marinig si kuya Victor na partner daw sila ni Thunder.

"Pwede bang ako na lang direk? Hmm. Mukhang mas okay kung kami ang partner ni Thunder," singit ni Eleina. Natigilan siya dahil sa narinig, kung sila sila lang siguro tinarayan niya na itong Eleina na 'to.

Kanina pa siya naba-badtrip dito dahil papansin kay Thunder. Babae siya at halatang-halata niya ang galaw nito.

"Pero mas bagay sila ni Yessha, dahil parehong black ang buhok nila at kayo naman ni gino ay parehas din ng buhok," napangiti siya sa loob loob dahil sa sinabi ni kuya Victor.

"Tss, Okay," maarte nitong sambit.

"But can Yessha and I take a picture together? Sa last outfit, sa pool na kami mismo 'di ba?" Napalingon siya roon kay Gino, tumingin naman ito sa kaniya at ngumiti.

"I want too! Kami rin ni Thunder, para lang may choices 'di ba," ngumiti ito ng matamis. Gusto niyang irapan ito dahil halata namang nag papabebe lang.

"Sige, mamaya." Gusto niyang mag reklamo kay kuya Victor pero wala na siyang magawa.

Muntikan na siyang madulas nang may sumagi sa kaniyang braso.

"Oops. Sorry dear," hinawakan pa siya kaya winaksi niya ang kamay nito.

"Okay lang, halata namang sadya," bulong niya rito at ngumisi. Nawala ang ngiti nito sa labi at pasimple siyang inirapan.

Just wow...

Nagpalit na lang siya ng damit sa loob ng comfort room. Pagkalabas niya ng cubicle naabutan niya si Eleina na nag li-lipstick.

"Close kayo ni Thunder?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Yes," sagot niya at nanalamin na rin. Inayos niya ang buhok niya.

"Pero bakit hindi ka niya pinapansin?" Nagkibit balikat siya rito.

"We are working. We're professionals when it comes to work, ikaw ba hindi? Gusto mo bang makita kaming naghaharutan sa harapan ninyong lahat?" Napanganga ito habang nakatingin sa kaniya.

"I like Thunder!"

"So? I like him too and he's mine," she smirked and turned around leaving Eleina inside the comfort room.

Hanggang sa paglabas niya nakangisi pa rin siya. Hindi siya nito masisindak. Halata naman talagang may gusto ito dahil trying hard mag papansin.

Nakasuot siya ng bathrobe dahil medyo hindi siya comfortable sa top ng bikini, kasi naman maliit talaga para sa dibdib niya.

Lumabas na rin ng comfort room si Eleina at huli niyang inirapan pa siya nito pero nginitian niya lang ito ng matamis. Gusto niya lang makita itong mabwisit lalo sa kaniya.

"Ganiyan 'yong pose natin." Nagulat siya kay Thunder nang may ibigay ito sa kaniyang printed pictures.

Napaawang ang labi niya dahil sa mga pose na gagayahin nila. Mayroon kasing 'yong lalaki bubuhatin 'yong babae tapos magkalapit sila ng mukha. Nakatingala 'yong lalaki at 'yong babae nakayuko. Tapos meron pa 'yong nakaupo sa gilid ng pool at nakaupo sa pagitan ng hita ng lalaki 'yong babae at nakasandal sa dibdib ng lalaki.

"Okay!" excited na sambit niya rito at tiningnan ito.

"Don't go near him." Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ni Thunder. Napatikhim pa siya dahil tumabi pa ito lalo sa kaniya. Nakaupo na sila sa iisang lounge chair.

"Sino?"

"Gino, he has a lot of issueㅡ just don't go near him," medyo iritable na ani nito. Napangisi naman siya rito at pasimpleng hinawakan ang kamay nito na naka patong sa inuupuan nila. Mukhang nagulat ito dahil naramdaman niyang natigilan ang binata.

"Selos ka lang 'no?" Mabilis nitong kinuha ang kamay.

"Why would I? I don't even like you." Napanguso sa, she felt uneasy suddenly. Pero ngumiti pa rin siya rito.

"Pero gusto kita! Don't worry hindi naman kita mahal," she said while smiling. Sinalubong niya lang ang titig nito at siya na rin ang unang lumihis ng titig.

Pinanood niya lang sila Gino at Eleina na nag p-photoshoot na. Medyo kinakabahan talaga siya sa mga pose nila ni Thunder, kahit pa sabihin na napakalakas ng loob niya, kinakabahan pa rin siya 'no.

Straightforward siya pero naduduwag din naman siya. Hindi niya alam pero parang kay Thunder lang siya ganito.

Nang matapos ang dalawa, tinawag na sila at nag retouch lang siya saglit tiyaka sila pumunta sa pool banda ni Thunder. Nag picture muna sila sa hindi sila mababasa, hindi niya na mabilang kung ilang lunok na ba ang ginagawa niya sa tuwing papasadahan ng binata ang bewang niya para hapitin. Mayroon pang magkatinginan sila na pose at sobrang lapit ng mukha.

Nang natapos sila mag picture, bumaba na sila ng pool. Pababa na siya ng pool nang muntikan na siya dumulas, buti na lang nasalo siya ni Thunder at nahawakan sa bewang.

Napalunok siya dahil ramdam niya ang balat nito, naka topless kasi ito at trunks. Nakagat niya ang ibang labi, gusto niyang mangiti pero madaming nakatingin kaya pinipigilan niya.

"Careful." Tumango siya rito at tuluyan na silang bumaba sa 5 feet na pool. Siyempre halos hanggang leeg niya ang tubig kasi 5'4 lang naman ang height niya. Napahawak siya kay Thunder nang pumwesto sila sa gitna.

She felt a shiver run up to her spine as she felt Thunder's hand in her waist. Napalunok ulit siya dahil may iba pa siyang naramdaman. Saktong pag angat niya ng tingin dito, nakatitig ito sa kaniya at nakakunot ang noo. Bigla siyang napaiwas ng tingin, bigla siyang nailang dito sa hindi malaman na dahilan, aatras sana siya ng hinapit siya nito ng husto.

Yapos nay apos nito ang hubad na bewang niya. Himbis na malamigan sa tubig na bumabalot sa katawan niya ay mas nakaramdam lang siya ang init.

"Are you okay?" his low baritone voice make her suddenly weak.

Fuck, Yessha! anong nangyayari sayo?

Tumango siya rito ng dahan-dahan, tumikhim pa siya at kinakalma ang sarili niya. Nagbigay ng cue ang photographer, ginawa niya ang best niya para maging natural ang mga pose niya pero hindi pa rin siya makalma dahil sa pagkakadikit ng katawan nila. The theme is a sexy couple, they should be look like a couple.

Thunder hold her waist, siya naman ay humawak sa balikat nito, para maka buwelo siya ng talon pag binuhat siya nito. Nagbigay sila ng cue at nagbilang, agad naman siyang tumalon ng magaan para madali siyang mabuhat ni Thunder.

Nakatingin siya sa mukha ng binata at ngumiti ito, medyo natigilan siya dahil ito ang pangalawang beses na nakita niya ang ganitong ngiti.

Her natural smile form in her lips, a real smile from her. Para bang ang ngiti ng binata ay nagpangiti na rin sa kaniya. Nahahawa siya sa maganda nitong ngiti.

Nakarinig siya ng palakpakan ng mga staff at photographers.

"The best shot! we should suggest na ito ang ilagay sa front magazine?" rinig niyang sambit noong babae na head ata ng team. Binaba siya agad ni Thunder matapos ang shot, bigla itong umiwas ng tingin sa kaniya at humakbang ng palayo. Kaunti lang iyon pero napansin niya.

"Nice, Yessha!" napangiti siya ng nag thumbs up si kuya Victor sa kanila.

"Okay ka lang? mabigat ba ako?" she tried to be a jolly again in front of him.

"Y-yeah..."

"Mabigat ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. She was trying to light up the mood.

"No! I mean, I'm okay," he looks flustered. Iniisip niya tuloy kung ano ang ginawa niya kanina. Kitang-kita niya kasi itong parang nailang. Ngumiti lang naman siya at nag behave siya.

Pinapunta na sila roon sa gilid ng pool, kailangan niyang umupo at si Thunder naman ay nasa pagitan ng hita niya. hinarap niya ang binata at tinaas niya ang dalawang kamay.

"Pabuhat," she smiled. Nag diwang naman siya ng hindi na ito nag salita at binuhat na lang siya para makaupo siya sa gilid ng pool.

"Thanks, hon," she playfully said. Umayos na rin siya agad ng makalapit na ang photographers at assistant. Naging mabilis lang din naman ang photoshoot nila roon. Ang next ay 'yong pareho silang nakaupo sa lounges at nakaupo siya sa pagitan ng hita nito at nakasandal sa dibdib ni Thunder.

Dapat kasi roon sa gilid ng pool pero nag bago ng pwesto. Nag punas muna sila ng katawan, napadaan pa sila sa gawi nila Gino at Eleina na nanonood sa kanila. Siyempre tinarayan na naman siya no'ng Eleina pero agad din nawala noong napalingon si Thunder sa mga ito, biglang ngumiti na akala mo'y anghel.

Fake, nakakasuka.

Niyakap niya ang katawan niya dahil sa lamig, may tuwalya naman siyang nakabalot sa kaniya pero nilalamig pa rin siya.

Pumunta sila sa pwesto nila at si Thunder ang unang umupo para makapwesto, siya naman ang sumunod na umupo sa pagitan ng hita nito.

"Urong ka pa Ms. Yessha," sambit noong babae na nag-aassist sa pose nila, tumango naman siya at mas umurong pa kay Thunder pero hindi sagad.

"Urong pa po, kailangan magkadikit po talaga kayo." Hindi niya alam kung paanong urong pa ba, uurong na sana siya ng si Thunder na ang humapit sa kaniya. Ang kamay nito ay nakapatong sa tiyan niya dahilan para mapalunok siya ng sunod-sunod lalo na nang maramdaman niya ang parteng gitna nito.

Oh, fuck...

"Shit..." Sobrang hina noon pero narinig niya pa rin sa tainga niya ang pagmumura ni Thunder. She moved her hips, pero mukhang mali iyong ginawa niya.

"Don't m-move." Ngayon, pati siya ay hindi na rin mapakali. Ramdam na ramdam niya na kasi ang pagkalalaki nito, hindi niya alam kung nabuhay ba dahil sa kaniya. Bumigat ang pag hinga niya dahil hindi niya alam ang gagawin, ramdam niya pa ang mainit na hininga ni Thunder banda sa leeg at balikat niya.

"Okay, let's start!" Nag cue ang mga ito at nag umpisa sila picture-an. She tried to hide her awkwardness with Thunder. Pilit niyang kinakalma ang sarili kasi sigurado siya na makikita sa camera na hindi siya mapakali at komportable. Ginawa niya ang best niya pati na rin si Thunder para lang matapos agad ang shoot na iyon.

Hindi naman siya agad tumayo, hinintay niya abutin ang bathrobe sa kanilang dalawa, nang maabot na agad nilang sinuot iyon. Napangiti naman siya nang may maisip, hinarap niya si Thunder at pasimpleng bumulong.

"Your friend down there is already awake. Do you want me to calm it down?" she smirked. Napatitig ito sa kaniyang mata.

"Okay, 10pm, in my suite." Agad siyang napatayo ng ngumisi ito sa kaniya. Biglang nawala ang ngiti niya sa labi. Gusto lang naman niyang makipag laro rito at gusto niya lang ito inisin sana.

Hindi nawala ang ngisi ng binata sa kaniya hanggang sa makaalis ito sa harapan niya. Siya naman ay naiwang tulala. Buti na lang ini-stop na ang shoot, kasi naman nag pumilit pa si Gino at Eleina na photo shoot pa raw. Buti na lang sabi noong head okay na raw ang mga shots at hindi na kailangan pa.

Dumeretso na sila ng ate Bella niya sa room nila, naligo siya at nag ayos ng sarili. Sinuot niya ang night dress na dala at umupo sa kaniyang kama. Naka tulala siya dahil hindi pa rin maalis sa utak niya ang imbita ni Thunder.

Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya. She want it actually, 'yon talaga ang gusto niyang mangyari. She wants to propose something to him. Pero siyempre nag dadalawang isip siya, baka akala nito nagbibiro lang siya. Napabuga siya ng hangin at tumayo, kinuha niya ang sariling silk robe tiyaka sinuot iyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ng ate Bella niya, nakadapa ito at nanonood sa laptop na dala.

"Uh... diyaan lang..."

"Sige, kahit wag ka na bumalik." Nanlaki ang mata niya.

"Ate naman e!" Pinanlakihan siya nito ng mata.

"Bakit babalik ka ba? alam ko naman kung saan punta mo, tsk. tsk. Use protection!" humalakhak ito ng malakas at umiling-iling pa tsaka binalik ang tingin sa pinapanood. Napanguso na lang siya at hindi na nakaimik.

Lumabas siya ng room at sumakay sa elevator nasa taas kasi ang suite ni Thunder. Kagat-kagat niya ang labi niya dahil iniisip niya kung paano sasabihin kay Thunder ang gusto niyang mangyari.

Nakahinga siya ng maluwag ng walang tao sa floor nito, dali-dali siyang naglakad at nag doorbell ng makarating siya sa tapat ng pinto ng suite. Bumukas din naman ang pinto at bumungad sa kaniya si Thunder na naka itim na pants at naka-topless, mukhang kakatapos lang nito mag shower.

Hindi na niya ito hinantay magsalita at pumasok na siya sa suite nito.

"Are you serious? you really came, huh," hindi makapaniwalang sambit nito nang ma-i-lock ang pinto. Sinabit nito ang towel sa leeg at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

"Uhm... oo," dumeretso siya sa mini ref at tinignan kung may alak, napangiti naman siya dahil meron ngang beer.

"I was joking, you can go now," sumeryoso lalo ang boses nito kaya agad niyang nilingon ang binata at sumimangot.

"Pero ako hindi ako nagbibiro!" matapang na sambit niya, "I want... you..." Nakagat niya ng madiin ang ibabang labi. Sinalubong niya ang titig nito nang lumapit ito sa kaniya.

"Do you always do this?"

"Huh?" medyo napaatras siya pero ang tumama sa balakang niya ay sofa. Napakapit siya ng husto sa beer at napaupo sa sandalan ng sofa ng ikulong siya nito sa dalawang braso. Ngayon, sobrang lapit na talaga nila sa isa't isa.

Amoy na amoy niya pa ang mabangong shower gel nito.

"Do you always do this with other men?" Bigla siyang napatingin sa mga mata nito, nakita niya ang madilim na titig na binibigay ng binata sa kaniya. Para bang may mali lang siyang masabi ay sasabog na ito sa galit. Napalunok siya ng bahagya, napaiwas siya ng tingin. Sigurado siyang indirect ang tanong nito.

Sigurado siyang pag nalaman nitong wala pa siyang experience sa ganitong bagay ay tatanggihan siya nito.

"Oo! m-magaling ako, hindi ka magsisisi," sambit niya pero hindi pa rin niya ito tinitingnan. Ngunit hinuli ng binata ang mukha niya at ginaya para magkasalubong ang matat nila.

"Okay, let's do this, let's fuck and do what you want." Nakita niyang nandilim lalo ang titig nito sa kaniya, hindi niya mabasa ang nasa mata nito o ang iniisip nito. Thunder wrapped his hand around her waist. The next thing she knew they are kissing roughly like they are hungry for each other.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status