Share

CHAPTER 4

Paggising niya wala na si Thunder, nag-iwan lang ito ng message sa i*******m na 'thanks' pero kahit na maiksi binuo naman nito ang araw niya. Masaya siyang pumunta ng school. Magana niyang ginawa ang mga kailangan niyang gawin sa school.

"Ngiting ngiti?" siniko pa siya ni Olivia, tiningnan naman siya ni Ivy.

"Ano 'yan? inspired? kanina ka pa masaya ha," natatawang pansin ni Ivy sa kaniya, umiling lang siya rito at nilabas ang phone. Chinat niya si Thunder dahil hindi naman niya na reply-an kanina.

Yessh_a: Hi! busy ka?

Sakto naman na pag chat niya rito ay tumawag ang ate Bella niya kaya mabilis niyang sinagot.

"Hello ate?"

'Ay ang bilis sagutin, wala ka bang klase?'

"Breaktime lang namin, why?"

'Sama ka sa wednesday? gabi naman 'yon'

"Saan?"

'Shoot with Thunder, wala si Janella, 'yong iba kong teams busy naman dahil may mga sched na. Wala akong assistant.'

"Go ako riyan ate Bella, malakas ka kaya sa akin!" tumawa pa siya, bigla tuloy siyang na-excite.

'Malakas raw! kuung hindi ko lang alam na may crush ka kay Thunder maniniwala ako riyan, pero... nako ha!'

"Kaya love kita e, galing mo talaga! anyways, sino pa ang kasama? siya lang ba na model or meron pang iba?"

'Meron pa, si Eleina Johnson at Gino.'

"Ah, sige sige, itext mo na lang sa akin kung anong oras tayo! Thank you, I love you ate Bella!" nagpaalam siya rito at siya naman mas umapaw ang kasiyahan ngayong araw.

Itatago na niya sana ang kaniyang phone nang tumunog ulit at nakita niyang nag reply na si Thunder sa kaniya. Pinindot niya ang notification.

Thndr09: yes.

Nag selfie siya at pinakita ang background niya, kita roon sila Olivia at Ivy na may hawak na tela habang nag-uusap.

Yessh_a: Busy rin kami!

Thndr09: Ok.

Yessh_a: Tipid! pwede bang 'wag ka mag sungit sa akin hon? ayaw mo ba sa akin?

Thndr09: Ayaw.

Yessh_a: Ouch. tagos sa puso ko ang sakit, huh!

Sineen lang siya nito kaya naman nag tipa ulit siya ng mensahe.

Yessh_a: Hon naman eh, 'di na ako galit! umuwi ka na, please? babawi ako mamayang gabi.

Thndr09: The f?!

Yessh_a: Akala ko ba busy ka, bakit hawak mo pa rin 'yang phone mo?

Thndr09: Break. What about you? you said you're busy but you still pestering me.

Yessh_a: Kinilig ako do'n hon! ang haba ng tinype mo! see you on wednesday.

Thndr09: Don't tell me you'll be there in my shoot too?

Hindi na niya ito ni-reply-an at ngumisi na lang. Binulsa niya ang phone niya at magana na naman siya sa paggagawa ng damit niya. Gusto niya talaga si Thunder maging partner with no string attached.

Yes, naghahanap siya ng isang lalaki na makakasama niya mag explore. Sure na siya ro'n, it's her life so it's her choice. Atleast hindi kung kani-kanino lang 'di ba? ayaw niya mag-asawa at ayaw niya rin pumasok sa isang relasyon.

She knows she will be hurt again, ayaw niya na ulit masaktan. She's scared to be in a relationship, ayaw niya maranasan 'yong sobrang mahuhulog ka sa isang lalaki tapos iiwan ka lang din naman at lolokohin pa.

Naalala na naman niya ang past niya, napangiti siya ng mapait ng pumasok sa isip niya ang mga bagay na kinalimutan niya na.

---Flashback---

Dala dala niya ang paboritong donut ni Gerald, ang kaniyang kasintahan. Isang linggo na kasi siya hindi nito pinapansin dahil umayaw siya sa gusto nitong mangyari. Noong nakaraan kasing pumunta siya sa bahay nito ay gusto nitong makipagtalik.

Pero ayaw niya dahil masyado pa silang bata, hindi nga niya naiisip ang mga gano'ng bagay. 2nd year highschool pa lang sila at marami pa silang kailangan gawin, kailangan pa nila mag aral ng mabuti. ayaw niya makipagtalik dito dahil bata pa siya at hindi 'yon maganda.

Noong umayaw siya rito at hindi pumayag sinampal siya nito at pinaalis sa bahay nito. Hindi siya nag salita dahil ang nasa isip niya ay mainit lang ang ulo nito. Hindi naman niya matiis kaya siya na ang makikipag bati kahit naman hindi niya kasalanan ang nangyari.

Hindi niya kaklase si Gerald, malapit lang ito sa bahay nila at nakilala niya ito dahil kay Carliza 'yong kaibigan niya, nagta-trabaho kasi ang nanay nito sa bahay nila kaya naging kaibigan niya.

Kumatok siya sa pinto ng bahay nito kaso mukhang wala yatang tao, pero nakita naman niya ang tsinelas ni Gerald sa labas, napatigil siya ng makita nag tsinelas ni Carliza. Sigurado siyang kay Cariliza iyon dahil kakakita niya lang kanina sa kaibigan.

Nandito rin siya?

Pumasok na lang siya dahil welcome naman daw siya roon sabi ng nanay nito. Napag desisyunan niyang umakyat para puntahan ang kwarto nito. Nang nakalapit siya sa pinto ng kwarto ng kasintahan nakarinig siya ng maingay.

"Ohhhh... Gerald, sige pa!"

"Puta Carliza ang sarap mo talaga!"

Nailagay niya ang kanang kamay sa bibig niya, hindi siya makapaniwala. Hindi siya sigurado kung tama ba ang nasa isip niya. Malakas ang loob niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kaniya si Carliza na nakahiga at si Gerald naman ay nasa ibabaw nito, pareho silang hubad.

Agad naman napatigil ang mga ito nang makita siyang nakatayo roon.

"A-anong ginagawa niyo?!"

"Sex, tanga ka ba!" sigaw sakaniya ni Carliza. Napahigpit ang hawak niya sa handle ng box ng donut.

"Pero ako ang girlfriend niya! bakit niyo ginagawa yan! Bata pa kayo!" she shouted.

"Break na tayo, last week pa. Pasensya na Yessha pero kung ayaw mo makipagtalik sa akin, ayaw ko na rin sayo. Isa pa kaya lang naman kita niligawan at tiniis ko ang isang taon para lang sa katawan mo." Umakyat ata lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa inis, mabilis niyang nilapitan ang dalawa at binato ang box ng donut.

Nakita niyang sumapol sa mukha ni Gerald ang box at natapon naman ang mga donuts sa katawan ni Carliza.

"MGA WALANG HIYA KAYO! MINAHAL KITA GERALD AT IKAW CARLIZA?! TINURING KITANG KAIBIGAN—"

"Ang bobo mo kasi! lahat kinakaibigan mo hindi mo alam na 'yong iba pina-plastic ka lang! masyado kang mabait pero tanga at inosente!" Kinuyom niya ang kamao niya at hinatak ang buhok ni Carliza pababa ng kama, lumagapak ang katawan nito sa sahig. Wala siyang pakealam kung n*******d pa ang dalawa.

Natigil lang siya ng may malakas na pwersa na tumulak sa kaniya, si Gerald , tinulak siya nito kaya napahiga siya sa sahig. Napadaing siya dahil ang siko niya ang naitukod niya.

"Umalis ka sa pamamahay ko! 'wag ka ng makigulo, break na tayo!" bago pa tumulo ang luha niya sa harapan ng mga ito, mabilis siyang tumayo at naglakad paalis sa bahay na 'yon. Dumeretso siya sa parke na malapit at doon umiyak ng umiyak hanggang sa mailabas niya ang hinanakit niya.

Ayaw niyang umuwi sa bahay dahil galit siya sa daddy niya na niloloko rin ang mommy niya. Alam niya iyon pero hindi niya masabi sa mommy niya dahil may sakit ito sa puso.

Simula sa araw na iyon, tinatak na niya sa sarili niya hindi na siya mag aasawa o papasok sa isang seryosong relasyon.

---End of Flashback---

Ginabi na ulit sila ng uwi, pagod na pagod siya dahil ginawa niya talaga ang best niya para malapit na matapos ang damit na tinatahi niya. Pagkauwi niya rin nag shower lang siya saglit at pumunta na ng kama niya para mag-type naman ng research niya, malapit na kasi matapos, para bukas maipasa niya na sa prof nila.

Habang inspired pa siya dahil kay Thunder ginawa niya lahat ng kailangan gawin para sa Wednesday. Para kahit maaga siya umuwi, chill chill lang siya.

Mabilis lang lumipas ang araw at ngayon nasa hotel na siya mismo at hinahantay ang ate Bella niya na dumating. Sa pool pala kasi ang photoshoot no'ng tatlong model. Napatingin siya sa labas dahil malakas pa rin ang ulan, sabi kasi sa balita may bagyo raw, buti na lang ang pool na gagamitin ay sa VIP, room siya na sobrang laki, may pool, bar at mga lounges.

kumaway siya sa ate Bella niya nang matanaw niya ito na bumaba sa isang van. Mukhang hinatid lang ito ng company car.

"Baka tatalbugan mo pa si Eleina, 'yong rookie model," natatawang sambit nito sa kaniya, hindi naman niya kilala iyon kaya umiling na lang siya. Pumasok na sila at pumunta sila sa receptionist para ibigay ang names nila. Bali overnight sila rito, magkasama sila sa isang room ni ate Bella. For sure nasa suite iyon si Thunder dahil model.

Nakitan niya kasi nasa twin bedroom sila, pero okay lang naman sa kaniya iyon. Hindi naman siya maarte kung anong room pa 'yan. Tiyaka hindi naman siya mag babakasyon dito para lakihan pa ang room.

Nilapag lang nila ang gamit sa room nila at dumeretso sila sa VIP pool area, marami na pa lang nauna roon, ngumiti siya nang makita niya 'yong mabait na photographer, si kuya Victor. Kumaway naman ito sa kanila.

"Sir Victor, patingin naman ng lightings para sa shoot, para alam ko kung anong shade ng makeup babagay," sambit ng ate Bella niya, sumenyas naman si kuya Victor sa mga staff na buksan ang mga ilaw.

Napaawang ang labi niya nang makita ang kabuuan ng pool, may red na ilaw kaya parang yung pool naging pula. Pati pala sa ilalim ng pool, kinabitan ng led lights.

"Medyo sexy ang theme, si Thunder ulit ang m-make-up-an mo 'di ba?" tumango naman ang pinsan niya.

"Sige, punta na kami sa room nila," tatalikod na sana sila ng mag salita ulit si kuya Victor.

"Pwede ka ba maging model, Yessha? actually, nagbigay ng theme 'yong CEO, gusto sana nila dalawang couple ang mangyayari. Kulang pa kami ng isang babae, dapat si Asheena kaso may schedule, hindi niya masisingit 'to." Nanlaki naman ang mata niya at napaturo sa sarili.

"Ako po?" gulat na gulat na tanong niya.

"Handa ka ba sa bikini?" tanong nito. Nakita niyang medyo namomroblema nga ang mga ito.

"Yes, I can wear a bikini... pero okay lang po talaga ako? I mean, I'm not famous model kaysa sa tatlo na—"

"Don't worry, even if you're not famous, pasok ka pa rin sa standards ng CEO, you're beautiful at sakto lang ang height mo." Na fluttered naman siya sa mga sinabi nito, ngumiti siya at dahan dahan na tumango.

Bumaling siya sa pinsan niya, "Okay lang ate Bella? tutulungan muna kita bago mo ako makeup-an," tumawa siya at napakamot sa ulo.

"Sus ikaw pa! malakas ka sa akin!" she chuckled. Nagpaalam sila at dumeretso sila sa suite ni Thunder. Pinag buksan sila ng manager nito. Nakita niyang nag b-blower ng buhok si Thunder habang naka bathrobe na itim.

He looks so hot...

Napatigil ito nang mapalingon sa kaniya, nginitian niya ito ng malawak at kumaway.

"Hi sir Thunder, mag start na po tayo sa make-up," ani ng pinsan niya. Tumango lang ito at siya naman tinulungan ang ate Bella niya na ilabas lahat ng kailangan na make-up. Actually hindi naman kailangan ng assistant talaga ng ate Bella niya, kailangan lang talaga nito ng kasama dahil nakakalungkot daw ang mag isa.

Natapos makeup-an si Thunder at mas lalong nakita ang masculine features nito sa mukha, lalo na ang sharp jaw nito na napaka manly tingnan. Tinaasan siya nito ng kilay nang makita siya nito sa salamin na titig na titig sa kaniya.

"Pogi mo!" bulong niya rito at humalakhak ng mahina.

"Sumama ka talaga, huh?"

"Model din ako 'no, pwede bang dito na lang din ako mag make-up? para di naman sayang ang set up?" malakas ang loob niya kausapin ito ngayon dahil lumabas ang manager nito, may kausap kasi sa cellphone.

"What?"

"Sige na, huh? para hindi naman mahirapan ang pinsan ko, mabilis lang ako makeup-an kasi maganda na ako," humagikgik pa siya dahil natutuwa na kausap ito. Napaawang ang labi nito sa sinabi niya, narinig niya pa ang tawa ng pinsan niya.

"Lakas ng confidence, well actually totoo naman 'yan," singit ng ate Bella niya.

"Whatever, do what you want." Tumalikod ito at pumasok sa bedroom. Tawang tawa siya habang nakatingin sa pinsan niya.

"Ang lakas talaga ng loob mo, hindi mo ba napapansin naiirita na sa'yo 'yon?" natatawang tanong nito.

"The more you hate the more you love, basta crush ko siya!" Inilingan na lang siya ng pinsan niya. Pumasok siya roon sa cr at nag hilamos ng mukha, nakikuha na rin siya ng malinis na towel dahil marami namang spare roon.

Umupo siya sa upuan at sinimulan siyang makeup-an ng ate Bella niya. Saglit lang naman hanggang sa matapos siya hindi pa rin lumalabas ng bedroom si Thunder.

Nagligpit sila ng makeup at bumalik na sa room nila. Hinatid din ng isang staff 'yong susuotin niya, naloka pa siya dahil napaka-sexy talaga ng susuotin niya.

Dalawang outfit lang naman pala ang susuotin 'yong una, white na one piece 'yong sunod is white two piece.

Sinuot niya ang one-piece medyo nasikipan pa siya sa dibdib na part. Biniyayaan kasi siya sa part nayon.

"Wow ang ganda! Isuot mo muna 'tong bathrobe," inabot niya ang inabot sa kaniya ng ate Bella niya.

Sinuot niya iyon at nag wait lang sila ng signal. Nang pinapunta na sila roon kumilos na agad sila. Nakita niya ang mas matangkad sa kaniya na babae, blondie ang buhok pati ang lalaki na brown naman ang buhok.

Lumukot ang mukha niya at nakaramdam ng inis nang makitang lumapit 'yong babae kay Thunder, at ang binata naman ay nakipag-usap pa. Ngumingiti ito kahit tipid, pero sa kaniya, hindi man lang magawa ngumiti kahit kaunti lang.

Napapadiyak siya sa inis at napairap na lang sa kawalan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status