Share

CHAPTER 3

Inubos niya ang beer sa bote bago nag tipa ng mensahe kay thunder. Hindi siya sigurado kung ma se-seen siya nito pero sumubok pa rin siya.

Yessh_a:

you're here?

I'm here at the Red Club. Vip floor.

Hey!

Hindi ka ba online?

Napanguso siya dahil hindi pa nito na s-seen ang message niya sa i***a. Hindi kasi niya makita kung naka online ba ito.

Binalik niya ang cellphone sakaniyang sling bag atsaka tumayo.

"Where are you going?" Tanong sakaniya ni olivia.

"Diyaan lang, magpapapansin" Sambit niya at sinukbit ang sling bag. Balak niya kasi pumunta sa may bar counter ng vip floor kung nasaan sila. Nasa pangalawang couch daw kasi nakita ni andrea sila thunder, so makakadaan siya sa gawi ng mga ito kung pupunta siya sa bar counter at doon iinom.

"Gaga! Bahala ka! landi well!" Inirapan siya nito at tinawanan. Napailing nalang siya dito.

Nakita niya pa si nina na nakakandong sa isang lalaki. Nauna na lumandi kesa sakanila.

She walk like a model and sway her hips while walking. Napangisi siya ng may mapatingin sakaniyang mga lalaki na nadadaanan niya. She slowly walk when she saw thunder, he's sitting on the couch while talking and smiling to his friends.

Napahinto siya ng makita ang ngiti nito. Ngayon lang niya ito nasilayan na ngumiti. Nahigpitan niya ang hawak sa slingbag ng may gumulo sakaniyang sistema.

Napalingon ito at saktong sa gawi niya kaya natigilan din ito at ang ngiti ay nawala. Tumikhim siya at nginitian ito pero iniwasan lang siya nito.

Kaya dumeretso nalang muna siya sa bar counter para umorder ng drinks. Siyempre may hiya parin naman siya 'no. Alam niya ang takbo ng modeling industry at pag sikat ka maraming issue sa paligid.

Thankfully thunder is not that famous in philippines. Sa new york ito mas sikat kaya nakakagala ito kahit papaano ng mag isa.

"Margarita please" sambit niya sa bartender. Napatingin siya sa bartender ng mapansin ito, napatitig siya dahil gwapo ito. He has masculine features.

"Baka matunaw ako miss" napatikhim siya.

"Hindi ka naman matutunaw," Sambit niya dito at binaba ang tingin sa mga drinks.

"Mag isa ka lang?" Kumunot ang noo niya at tinignan ulit ito.

"Are you hitting on me?" Tinaas niya ang isang kilay. "I'm sorry i'm not interested with you" mas lalong nagsalubong ang kilay niya ng tumawa ito at tinignan siya na parang hindi makapaniwala. Nakita niya ang paglabas ng dalawang dimples nito.

"No. I like someone. I just want to ask if you're alone. Because i'll stop you if you'll get drunk." He smiled while looking at her.

"Oh.. okay. I'm not alone, kasama ko ang mga kaibigan ko" tumango ito sakaniya at siya naman inabot ang margarita niya ng i-serve na ito.

Ininom niya lang iyon hanggang sa maubos. Lumingon siya para silipin si thunder kaso hindi niya na ito makita dahil sa nakaharang na dividers per couch.

She sighed, and order again. Nakailang baso na siya ng margarita at napag desisyunan na sanang bumalik sa couch nila ng makita niya si thunder na nag lalakad patungong comfort room. Mabilis niya ito sinundan at naghantay saglit sa labas ng boys comfort room.

Sumandal siya at pinaikot ang isang paa dahil medyo sumakit na iyon.

Napatingin siya sa gilid ng lumabas na ito.

"Hi!" She greet him. Nagsalubong nanaman ang kilay nito.

"What are you doing here?" Ngumiti siya dito at hinarap ng maayos.

"Uhm. Inaya ako nila olivia. Hindi ko alam na nandito ka din pala" nilagpasan siya nito kaya mabilis niya itong hinatak.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya dito.

"uuwi na ako" kumapit siya ng husto sa braso nito.

"Sama ako!" She excitedly said. Tiningala niya ito para mas lalong matitigan ang mukha.

"What?! I'm going home.. are you crazy?" Napanguso naman siya dahil kitang kita niya ang inis sa mukha nito.

"Hindi ako baliw! Sama nalang ako sayo, boring na ko dito."

"Then go home in you own house" winaksi nito ang kamay niya, wala naman siyang nagawa at tinitigan nalang ito na bumalik sa couch. Siguro para magpaalam.

Napasimangot nalang siya at bumalik sa bar counter. nakita niya wala na doon yung gwapong bartender.

"Hi miss, alone?" Hindi niya pinansin ang tumabi sakaniya. Umorder siya ng limang shots ng tequilla at sunod sunod na tinungga ang lima bago s******p ng lemon na may asin.

Naramdaman niya parin yung lalaki sa tabi niya na mas lalong dumidikit sakaniya. Tumayo nalang siya at nakaramdam na ng hilo dahil kanina pa siya umiinom. Tinamaan na siguro siya ng alak

Muntikan na siyang matumba ng may yumapos sakaniyang bewang. Nakita niya yung lalaki na sobrang lapit sakaniya. Nakangisi ito sakaniya.

"Let's go somewhere, i'll take care of you" bulong nito sakaniya, tinulak niya ito pero hindi man lang natinag dahil wala na siyang lakas at medyo nahihilo na siya. Pero alam parin naman niya ang nangyayari at hindi siya tanga para hindi alam ang gusto nitong mangyari.

"I'm taken, go away!" Medyo pasigaw na sambit niya dito.

Inapakan niya ito sa paa ng hindi parin siya binitawan, dali dali siyang tumakbo papunta sa malapit na cr at sinara iyon.

Nagulat siya ng may kumatok ng malakas.

"Babe! Let's have some fun" parang natatawang sambit nito. Agad niyang kinuha ang phone niya at tinext si olivia na nasa cr siya malapit sa bar counter.

Pero hindi ito sumasagot.

wala naman siyang number ni nina at andrea tanging social media lang ang paraan para makausap niya ito at makahingi ng tulong kaso naman hindi ito mga naka online. Sumandal lang siya sa gilid at nag dasal na lubayan na siya ng lalaki.

Pero patuloy parin ito sa pagkalabog ng pintuan.

"Babe! Let's go!"

"Tang ina mo! Hindi kita kilala! Umalis ka na hayop ka!" She shouted. Tinignan niya ang i***agram niya kung naka online ba doon sila nina at andrea pero hindi rin. Sakto naman nakita niya ang bagong i***a story ni thunder, group picture iyon ng mga model.

Dali dali siyang nag comment doon.

'Help me!'

Hindi siya sigurado kung nandidito pa ba ito sa club or wala na pero kailangan niya ng mapagsasabihan.

Medyo kinakabahan na kasi siya sa lalaki dahil hindi parin ito tumitigil sa pagkatok

Nabuhayan siya ng pag-asa ng mag reply ito sakaniya.

Thndr09: stop wasting my time.

Yessh_a: Please nasa cr ako. There's a man outside, hindi ako makalabas.

Para maniwala ito pindot niya ang video call. Napangiti siya ng sumagot ito at nakita niyang nag da drive ito.

"If you are just lying then stopㅡ"

"BABE! LET'S FVCK! LUMABAS KA NA DIYAN IPAPARANAS KO SAYO ANG SARAP" napalayo siya sa pinto at pumasok sa cubicle. Lumakas lalo ang kalabog. Makakaalis sana siya kung may ibang tao na mag c-cr pero wala namang dumadating.

Malakas yong loob ng lalaki dahil hindi siya kita ng mga tao. Medyo papasok kasi ang comfort room.

Napatingin siya sa cellphone niya ng namatay iyon. She tried to open it pero deadbatt na talaga. Parang gusto nalang niya umiyak.

Pinasok niya ang phone sa bag niya at sinukbit ito ng maayos. Tinanggal niya ang dalawang heels niya at ngayon ay naka paa na siya.

Ngayon wala na siyang mahihingan ng tulong.

Lumabas siya ng cubicle at tinignan ang pinto na unti unti nang nasisira ang doorknob, pero bago pa masira iyon siya na mismo nagbukas at mabilis na binato ng heels ang lalaki sa mukha nito.

Napatigil ito kaya mabilis siyang tumakbo hanggang sa makakaliko na sana siya ng may humatak ng buhok niya.

"Are you fvcking gay?! Bakit ka nanghahaltak ng buhok?!" Sigaw niya. Malakas ang tugtog kaya kahit anong sigaw niya hindi siya maririnig ng mga tao.

"Kanina pa kita nakikita e, puta pa isa lang kasi" napangiwi siya dito para itong sabog kung umasta.

Magsasalita sana siya ng bigla nalang itong bumagsak napatingin siya sa sumipa dito at nakita niya yoong bartender.

"Are you okay? This fvcking pervert.. nakapasok nanaman 'to" sambit niya at kinuha ang cellphone nito at nakita niyang nag type saglit bago balingan siya.

Napa atras siya ng sumigaw yung lalaki.

Nakita niyang inapakan nung bartender ang dibdib nito dahil nga nakahiga sasahig yung lalaki.

"S-salamat" napatingin naman siya sa isang heels niya na nasira na ang takong.

Nakagat niya ang labi at tinignan ang isa pang heels na hawak niya.

Malakas na binato niya iyon sa ulo ng lalaki.

"Head shot. Lakas non ha," tumawa ito.

"He's pervert and addict. Naka banned to sa mga club dahil marami na itong nabiktima. Mukhang nakalusot at nag disguise." Napatango naman siya dito, napalingon siya ng makarinig ng tumatakbo.

Nanlaki ang mata niya ng makita sa harapan niya si thunder, naka sumbrero ito at parang hingal na hingal.

lumipat ang tingin nito sa bartender at lalaki sa sahig. Hindi ito nagsalita at bagkus kinuha lang ang kamay niya at hinatak na siya paalis don.

"why did you fvcking end the call?!" Galit na tanong nito ng makalabas sila,

"Hindi ko in-end, biglang namatay yung phone ko" nakagat niya ang labi ng may maapakan siyang bato. Nakapaa parin kasi siya, tumingin siya sa paa niya at medyo inangat ang isa.

"Sorry sa istorbo, hindi kasi sumasagot si olivia. Pwede bang makiㅡ" naputol niya ang sasabihin ng bigla siya nitong buhatin.

Dumeretso ito sa audi nito at pinasok siya sa shotgun seat. Lihim naman siyang napangiti.

"Just sit here, you don't have a shoes" inabot nito ang cellphone sakaniya "call your friend, so i can go home now" nawala ang ngiti niya sa labi. Akala pa naman niya itatanan na siya nito.

"Iuwi mo na ako. Itanan mo na lang ako," nakangiting sambit niya dito. Napailing lang ito at iniwasan siya ng tingin. Nakita niya na binuksan nito ang likod at may kinuhang jacket tsaka binato sakaniya.

"Takpan mo yung legs mo" napatingin siya sa hita niya at malamit na makita ang itim niyang panty dahil medyo nakataaa na ang dress niya.

"Bakit naaakit ka ba? Okay lang saakin kong ikaw" magiliw na sambit niya dito. Umikot ito at pumasok sa sasakyan at pinaandar ang engine.

"Kung wala kang balak tawagan ang kaibigan mo, bumaba ka na lang" naiinis na sambit nito. Wala siyang nagawa at tinawagan niya nalang ito.

"Hello? Olivia?"

"Sino toㅡ yessha?! nasaan ka? kanina pa kita tinatawagan, kaninong number to?" 

"k-kay thunder-"

"magkasama kayo? SPEED, grabe kaibigan talaga kita" napairap siya ng tumawa tawa pa ito.

"sunduin mo ako, wala nakong sapatos sira na, gusto ko nang umuwi" napatingin siya sa paa niya na medyo nadumihan na dahil sa paglalakad niya kanina.

"bakit ka nawalan ng sapatos? ang wild niyo naman!" 

"gaga ka talaga! bilisan mo nalang"

"pwede bang magpahatid ka nalang kay thunder? nasa byahe ako, may emergency si nina ihahatid ko pa, ang layo ng bahay nito" nalaglag ang panga niya dahil sa narinig. mukhang hindi nga siya maihahatid nito.

"sige, mag ingat ka! baka lasing ka ha!" pagpapaalala niya dito, uminom kasi ito.

"hindi, sige na enjoy fvcking--" mabilis niyang binaba ang tawag, napabuntong hininga nalang siya. inabot niya ang cellphone sa binata. 

"thanks" nakita niya ito na wala sa mood ang itsura kaya hindi na niya kinulit. bubuksan niya sana ang pinto kaso naka lock iyon. inunlocked niya naman kaso ayaw parin, napatingin siya kay thunder na nakatingin lang sa harapan at nakasimangot ang mukha.

"pasensiya na, pwede mo bang buksan? uuwi na ako" nilingon siya nito ng nakasimangot parin ang mukha. gusto niya sanang kulitin ito na ihatid siya kaso bigla siyang kinain ng hiya. next time nalang ulit pag may lakas ulit siya ng loob at hyper siya. 

"sa pagkakarinig ko hindi ka susunduin.." umawang ang labi niya at ngumiti ng tipid.

"mag g-grab ako-- ay shet lowbatt pala ako. mag ta taxi ako!" ngumiti siya ng malawak dito, para ipakita na ayos lang siya. pero sa loob loob niya hindi talaga, medyo takot kasi siya sa mga taxi dahil sa mga nababalita. 

hindi siya pinansin nito at inalis ang tingin sakaniya, sinundan niya ang tingin nito hanggang sa pinaandar nalang ang kotse. unti unting sumilay ang totoong ngiti sa labi niya, with kilig pa. 

nakagat niya ang ibabang labi at iniwas ang tingin sa binata at tinuon ang tingin sa labas. 

tang ina! kinikilig ako. shet naman thunder, mas lalo akong na-a-attract sa'yo.

dahil nahatid na siya nito once, alam na nito ang bahay niya. pakiramdam niya tuloy napaka prinsesa niya. nakarating din sila kaagad, napatingin siya ng humikab ito. bigla tuloy siyang naawa dahil mukhang pagod na pagod na ito. 

"gusto mong makitulog? wag ka mag alala hindi kita gagapangin promise" sambit niya dito ng i-park nito ang kotse sa labas ng gate.  napalingon ito sakaniya.

"no need, i can go home"

"sige na! promise talaga, anong oras na ba?" hinablot niya ang kamay nito para makita ang oras sa rolex na suot.  "1am na pala! sige na, dito ka na promiste talaga. hindi kita gagapangin" next time nalang hihihi.

"do you have guest room?" napasigaw siya sa isip niya. kita niya naman kasi na mukhang pagod na pagod na ito. tumango siya dito, pinaandar muli nito ang sasakyan, sumilip naman siya sa bintana at sinenyasan ang guard niya na buksan ang malaking gate para makapasok ang kotse. 

nang makapasok sila sa loob, pinark nito sa garage ang sasakyan. bumaba naman siya at hinantay makababa ang binata. 

"tara pasok ka" naramdaman niyang sumunod ito, kumuha siya ng slippers na pang bahay, inabutan niya din si thunder at tinanggap naman nito.

"do you live alone?"

"yes"

"bakit andami mong tsinelas?" nakita niyang napatingin ito sa sinuot na tsinela, sakto kasi ito sa paa ng binata.

"pag may bisita ako, or pag nag papa party. kaya bumili ako ng tig sampong slippers for boys and for girls, buti sakto sayo yung tsinelas" pinasunod niya ito sa taas at tinuro ang katabing kwarto, guest room kasi iyon.

"diyaan ka matulog, may towel na malinis diyan at mga new toiletries, you can use all of it." sambit niya dito, papasok na sana siya ng kwarto niya ng may maalala. nilingon niya ito at nginitian ng malawak "don't forget to locked your room, baka kahit hindi ako gising, magapang kita. alam mo na gusto pa naman kita" sambit niya sabay kindat. natawa nalang siya ng inilingan lang siya nito na parang wala lang. 

nakangiti parin siya hanggang sa makapasok sa loob ng kwarto, chinarge muna niya ang cellphone bago mag shower saglit at matulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status