Share

CHAPTER 2

Medyo naii-stress siya sa mga schoolworks dahil mas dumarami ang mga iyon, pero may masaya rin namang nangyari sa kanila ng kaniyang mga kaibigan dahil natanggap na sila sa pag o-ojt-han nila.

Gumagawa siya ng design para sa gagawin niyang gown para sa finals. She wants simple gown but looks elegant. Napatigil siya sa pag sketch at humiga sa kama.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone para mag scroll sa i*******m. Nakita niyang may story si Thunder kaya pinindot niya iyon at nakita niya ang behind the scenes picture nito sa commercial.

Nag-react siya roon at nag comment para maka-chat niya ito.

Yessh_a: so handsome 

Nakagat niya ang labi dahil ngiting-ngiti siya ngayon. Hindi niya alam kong na-seen ba nito o hindi dahil siya lang naman ang nag follow dito, hindi man lang siya finollow back.

Inistalk niya ito para i-check kung sino-sino ang finollow ng binata.

May 101 itong finollow, nakita niya pa na finollow nito si Vixxie, Yessha at kuya Ivan, pati mga sikat na artista at models mutual nito pero mostly na fina-follow nito ay mga brands.

Meron itong 598K followers, hindi niya naman kasi alam na model ito at ganon kasikat.

Suwerte niya pa rin dahil nakausap niya ito at nalapitan pa sa personal! Mas na-attract lalo siya at mas gusto niya ito makilala.

Nag-antay lang siya saglit pero hindi man lang siya nito ni-replyan. Kaya nakaisip siya ng dahilan para mag reply ito.

Yessh_a: Do you want me to post your behind-the-scenes pictures? You're so hot in those stolen shots!

Naipadyak niya ang paa niya ng makakita ng tatlong dots, ibig sabihin no'n online ito at nag ta-type na para replyan siya.

Thndr09: What do you want?

Yessh_a: you, date me.

Napahagikgik siya dahil sa kakulitan niya, gusto niyang inisin ito lalo. Pero gusto niya sana makita ang mukha nito pagnaiinis dahil sobrang hot talaga nito para sa kaniya pag nakasalubong ang kilay.

Thndr09: I don't do dates, and I don't have a time for that.

Yessh_a: Same!

Thndr09:??

Yessh_a: I don't do commitments but I want to flirt with you, because I'm attracted to you, hon.

Natawa na lang siya ng hindi na ito nag reply sa kaniya. Pero totoo naman kasi ang sinasabi niya, attracted talaga siya kay Thunder.

Nakarinig siya ng doorbell kaya bumangon siya sa pagkakahiga, may guards naman siya sa gate pero baka kasi iyon na 'yong inorder niya. Lumabas siya at tama nga siya, dumating na nga ang order niya.

Napangiti siya nang makita ang medium size na box. Dere-deretso siyang tumungo sa basement niya. Her own paradise.

May bar kasi siya roon at sofa's, karaoke and pole dancing pole na nakakabit talaga hanggang sa kisame. Nag aral kasi siya noon dahil na curious siya kung paano mag pole dancing noong may nakita siyang babae sa bar na napuntahan nila. It looks sexy kaya gusto niya i-try.

Umupo siya sa sofa at dali-daling binuksan ang box. Napaawang ang labi niya ng makita ang inorder niya sa adult store.

Isa iyong vibrator at may remote, nakita niya lang iyon sa napanood niya kaya na curious siya kung anong itsura sa personal.

In-on niya iyon at hinawakan sa kabilang palad niya, tapos ang remote naman ginamit niya. Namangha siya sa lakas ng vibrator lalo na pag tinodo. Napatango tango nalang siya at maraming nasa isip.

Marami na ata siyang nakolekta na galing sa adult store pero never niya pang nagamit iyon. Never pa niyang na i-try sa sarili.

Mahilig siya makipag flirt sa mga type niya pero never na umabot sa kama. She's still a virgin. Pero gusto niya ma experience ang mga napapanood niya kaso lang ayaw niya nga ng commitment. Pero gusto niya sa isang lalaki niya lang gagawin iyon 'yong mapapagkatiwalaan niya na walang sakit at safe siya na mag a-agree sa no strings attached.

Gusto niya ng bed partner or tinatawag nilang fuck buddy. Gusto niya lang talaga i try. Isa pa baka hindi na siya mag asawa, ayaw niya mag asawa.

Kinuha niya ang mga binili niya at pumasok siya sa nag iisang kwarto sa basement. Inayos niya ang kaniyang binili at hinilera doon sa mga iba pa niyang gamit. Pagkatapos niya roon sa kwarto lumabas siya at ni-lock iyon, dala niya naman lagi ang susi sa kaniya.

Kahit sila Ivy, Vixxie at Olivia hindi pa nakakapasok sa kwartong iyon dahil alam nila kung anong meron sa loob no'n. Mahilig lang siyang mangolekta ng mga gamit na gusto niya i-try sa tamang panahon.

Kinuha niya ang phone niya dahil tumunog iyon, nakita niya ang message sa kaniya ni Olivia, nagyayaya ito mag bar sa linggo kasama ang mga iba pang kaibigan nila. Marami rin kasi silang circle of friends na nakakasama pag nagba-bar, dahil nga nabawasan sila ng dalawang miyembro pag nag ba-bar, si Vixxie na buntis at si Ivy na may lovelife na.

Nag-reply naman siya rito na go siya sa sunday. Umakyat na siya papuntang kitchen at kumain mag isa habang nanonood ng tv, sa totoo lang kung wala siyang mga kaibigan na katulad nila Olivia, Vixxie at Ivy siguro napakalungkot niya. Iisang anak lang kasi siya tapos wala na ang mommy niya.

Namatay kasi ito noong highschool siya dahil sa heart attack at alam niya kung sino ang may kasalanan no'n, 'yong daddy niya. Her dad cheated on her mom while she wass away. Nagtatrabaho kasi ang mommy niya sa ibang bansa dahil may company ito international, clothing line iyon, na ngayon ay nakapangalan na sa kaniya, pero hindi pa siya ready asikasuhin ito. Buti na lang ang tita niya ay tinutulungan siya para ipatakbo iyon.

Napatawad niya na ang daddy niya dahil nag-sorry ito at nagsisisi na sa mga nagawang kasalanan. Napatawad niya nga ito pero hindi na niya kaya tumira sa bahay nila dahil naaalala niya lang lagi ang kaniyang ina na inatake sa puso sa mismong harapan niya. At naaalala niya lang na habang nag aagaw buhay ang kaniyang ina ay ang ama niya ay nagpapakasarap sa iba.

Tinapos niya ang pagkain at nag ligpit. Siya ang nag aasikaso sa sariling bahay niya, tuwing sabado lang pumupunta ang kaniyang helpers para linisin ang buong bahay at mga laundry, except sa basement dahil siya lang ang gumagalaw doon.

Kinabukasan 10am pa naman ang klase niya kaya hindi siya nabitin sa pagtulog, nagising siya ng alas-otso ng umaga at nag-prepare ng breakfast at kumain, pagkatapos niya naligo na siya at ginawa ang kaniyang routine. Marami siyang bitbit ngayon dahil nag uumpisa na silang gumawa ng kaniya kaniya nilang design.

May sewing machine naman sa making room ng section nila pero ang mga tela, siyempre kaniya kaniya sila dahil magkakaiba ang mga gawa nila. Dumeretso na agad siya sa making room para ilapag ang mga tela sa pwesto niya bago siya bumaba ulit para pumunta sa room nila.

Nakipag beso siya kila Olivia, Vixxie at Ivy na mas maagang nakadating kaysa sa kaniya.

"Naka-isip na kayo ng design?" tanong niya sa mga ito.

"Yes, pero 'di pa ako sure sa mga tela na gagamitin ko, nagdadalawang isip ako!" sambit ni Olivia na parang medyo na momroblema.

"Ako naman meron na, napaghandaan ko na kasi," Vixxie said while munching her strawberries.

"Meron na rin ako, na-sketch ko na! kulang pa 'yong tela ko pero pwede ko na umpisahan 'yong base," ani ni Ivy. Tumango tango naman siya, mukhang handa na rin pala ang kaniyang kaibigan. Napaayos ang lahat ng pumasok si ma'am Tracy, nag-explain lang ito at at nagbigay ng short lesson at nag paalala na ito para sa finals nila.

Sumunod ang next professor nila at nag-discuss lang din para sa task performance na gagawin nila rito. Medyo madali lang naman iyon, ang pinaka mahirap talaga na kailangan nila ipasa 'yong paggagawa ng sariling design ng dress/gown/suit para sa finals. Major kasi iyon kaya 'yon ang pinka importante sa lahat. Buti na lang natapos na nila 'yong iba na para sa finals task performance, may dalawa kasi silang professos na feeling major.

Nang lunch break nila mabilisan lang ang kain nilang apat kasi naman mag iistart na sila sa pag tatahi at kung ano ano pa. May isang buwan pa naman at kalahati bago ang finals nila sa first semester pero hindi iyon sapat para gumawa ng design nila.

Umabot sila ng gabi nila Olivia, Ivy at siya, si Vixxie kasi hindi p-pwedeng mag pagod ng sobra kaya allowed ito na sa bahay gawin ang buong dress. Pero sila dahil mas okay sa making room nila dahil kompleto sa gamit at spacious, dito sila gumagawa. Masaya rin naman dahil magkakasama silang magkakaklase.

Swerte kasi siya dahil close talaga ang buong section nila, masasabi niyang solid ang napuntahan niyang section.

Gabi na ng nakauwi siya sakaniyang bahay, nagpahinga lang siya saglit dahil tapos na rin naman siya kumain. Dahil bago sila umuwi nila Olivia at Ivy ay kumain muna sila sa malapit na fast food restaurant.

Pagkatapos niya mag shower dumapa siya sa kaniyang kama at tumulala sa gilid. Nang mangawit siya humiga siya at tumulala na naman. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog.

Ganon lang ang weekdays niya subsob siya para sa mga schoolworks for finals. Pati sabado nilaan niya na para sa mga ginagawa niya dahil linggo ng gabi ay may bar sila ni Olivia.

Okay lang naman siya makapag saya dahil simula monday wala na silang class talaga, bali itutuon lang nila ang atensyon nila sa mga task performance na kailangan para sa finals. Kahit anong oras pwede sila pumunta sa school for attendance.

Dumating ang linggo ng gabi, nag ayos siya at nag bihis. Nag suot siya ng isang bodycon at may malalim na cut sa dibdib kaya hapit na hapit sa kaniya iyon at expose ang kaniyang cleavage. Backless din kaya pati ang likod niya expose. Tinali niya lang ang kaniyan buhok in messy bun.

Her phone rang a few times so she answered it.

"I'm here na, sa labas ng gate mo."

"Okay! Lalabas na ako," sagot niya.

In-end niya ang call at nag salamin ulit, nang makontento na siya kinuha niya na ang sling bag niya at lumabas ng bahay.

Nang makita niya ang kotse ni Olivia, binuksan niya agad ang pinto sa shotgun seat at pumasok.

"Ready to party talaga," natatawang sambit ni Olivia sa kaniya nang silipin ang suot niya. Inirapan niya ito at nginitian.

"Parang ikaw hindi? Tingnan mo nga tube at skirt! Mag hahanap ka na naman ng lalaki?" pang aasar niya rito.

"Maghahanap na talaga ako!"

"Siguraduhin mo lang na may mahanap ka, ikaw ata mahuhuli sa amin magka-boyfriend." Pinaandar nito ang sasakyan kaya sinuot niya na ang seatbelt.

"Bakit meron ka na ba? Ayaw mo sa commitment 'di ba? Baka ikaw ang mahuli kamo."

"Ay oo nga pala... pero anyways 'di ba crush ko nga si Thunder?" pag sisimula niya rito. Alam kasi nito na nakaka-chat niya ang binata.

"Gusto mo sabihin natin kay Ivy na ilakad ka sa kaniya?" Umiling siya rito.

"Aba! Kaya ko 'to. Mabibingwit ko rin 'yan!" tumawa siya ng malakas. She crossed her arms and smirk.

I can do this, I can get what I want...

"Sigurado ka ba? Mukhang mahirap ang isang 'yon, hindi naman flirty guy 'yon. Masyadong matino para sayo." Napanguso siya sa sinabi nito.

"That's what I want! Ayaw ko na sa mga ibang crush ko. Sa matino na ako magkaka crush," pagtatanggol niya sa sarili.

Nakarating sila sa bar at pagpasok na pagpasok nila sumalubong sa kanila ang malakas na tugtog ng dj. May mga nag sasayawan na sa gitna at nag iinuman sa mga kaniya-kaniyang couch.

Hinawakan siya ni Olivia sa kamay at tumungo sila sa taas dahil nasa VIP floor ang couch nila.

Napangiti siya nang sinalubong sila ng mga kaibigan nila. Nakipagbeso siya sa mga ito bago naupo sa couch.

"Omg! It's nice to see you again, Yessha." Nina said.

"Na miss ko mag bar! Busy kasi kami," ani niya sa mga ito. Inabutan siya ng beer nito at kinuha niya. Uminom din naman siya agad.

"Girls! Andito na pala kayo, may chikka ako!" Papalapit si Andrea sa kanila na mukhang galing sa kung saan. Umupo ito sa kabilang couch at tumingin sa kanila.

"Ano 'yon? May papa?" nae-excite na tanong ni Nina.

"Yes! Gosh... may limang papa Nina! And they are all models, pangalawang couch mula sa atin," kinikilig na sambit niya at napatayo pa tapos pa silip silip. Kada couch kasi may harang so makikita mo lang kung tatayo ka at lalakad mismo papunta sa kabilang couch.

"Models?" Tanong ni Olivia habang umiinom ng beer tapos napatingin sa kaniya. Agad naman siyang natigilan sa naisip. Pero imposible dahil maraming models sa pilipinas.

"Yeah! Merong lalaki doon na model siya sa New York. He's kind of famous kasi finollow ko siya sa i*******m. Thunder jimenez! 'Yon 'yong pangalan." Unti-unting nanlaki ang mata niya at napatayo sa narinig.

He's here?

Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang cellphone. Bumungad naman sa kaniya ang instagrarm story nito kaya agad niyang pinindot.

It's just a picture of alcoholic drinks in table.

Pabagsak siyang umupo sa couch ulit.

"Hoy! Okay ka lang?" tanong sa kaniya ni Nina. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya at tumingin sa mga ito.

"Okay lang, and by the way Andrea, Thunder is mine, pumili na lang kayo ng iba pang kasama niya," nginitian niya ito ng matamis bago uminom ulit ng alak.

Narinig niya pa ang tawa ni Olivia dahil sa sinabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status