Dangerous Temptation

Dangerous Temptation

By:  snowqueencel  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating
19Mga Kabanata
1.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod roon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kanya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies. Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kanyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot. Hanggang sa makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kanyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kanya. Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kanya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kanyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala. Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kanyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito? Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kanyang puso? O magiging sandigan niya ito sa mga paparating pa lamang na pagsubok?

view more
Dangerous Temptation Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Chan Guarin
great job!
2022-10-26 12:25:05
2
19 Kabanata
Simula
KylieKasalukuyan akong nakatambay at nagbabasa sa hardin namin kasama ang matalik kong kaibigan na si Adrian. Aalis na kasi siya mamaya patungong ibang bansa para magbakasyon kaya naisipan niyang tumambay muna rito sa ’min. Susunduin na lang daw siya ng papa niya na si Tito Sebastian kapag paalis na sila.Ilang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng magtapos kami ng senior high school. Kaya naman ay gusto raw muna niyang magliwaliw bago kami tumuntong ng kolehiyo sa susunod na pasukan.Ngunit nagambala ang tahimik kong pagbabasa nang bigla na lang niya akong kiniliti. Magkatabi lang kasi kami habang nakaupo sa damuhan. Dahil dito ay biglang naging alerto ang mga nagkalat naming tauhan sa paligid. Kaya naman ay mabilis ko silang sinenyasan na ayos lang ako.“Ibang klase talaga kapag anak ka ng isang mafia boss. To the rescue agad ang mga men in black!” bulong ni Adrian bago ngumisi.Mahina ko namang binunggo ang balikat ko sa kanya. “Sira! Wala kasi si Papa ngayon. Kaya siyempre ay b
Magbasa pa
Kabanata 1
KylieNatigilan ako sa paglilinis ng hawak kong baril nang marinig ko ang biglang paghinto ng makina ng isang sasakyan. Mula sa pagkakaharap ko sa salamin ay tinungo ko ang bintana at bahagyang hinawi ang puting kurtina upang sumilip sa labas.Mariin kong ipinagdikit ang mga labi nang makita si Papa na bumaba mula sa isang kulay itim na Rolls-Royce. Ngayon lang siya nakauwi magmula nang umalis siya kagabi. Kahit hindi siya magsalita ay paniguradong may kinalaman na naman ang pinuntahan niya sa underground society.Napailing ako at muling isinara ang puting kurtina bago bumalik sa harap ng tukador. Itinago ko ang hawak na baril sa pinakaibabang drawer bago nagsimulang magbihis. Nang matapos ay namili naman ako ng susuotin kong relo. Napangiti ako nang makita ang paborito kong kulay itim na smartwatch. Mayroon itong built-in GPS tracker, camera at microphone. Agad ko itong sinuot bago ko kinuha ang backpack sa ibabaw ng kama at lumabas na ng kuwarto.Sa pagbaba ko ng hagdan ay agad akong
Magbasa pa
Kabanata 2
Kylie“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Miss Aragon? Paano ka nasangkot sa away nitong dalawa?”Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakahalumbaba sa ibabaw ng mesa habang nakatingin sa kawalan.“Miss Aragon, please speak up. We need your cooperation on this issue. Or else, you’ll be punished too.”Malakas silang napasinghap nang bigla akong humikab. Mas lalo lang akong nakararamdam ng antok nang dahil sa ginagawa nilang pagtatanong. Nagsasayang lang sila ng laway at oras.“I hate explaining myself. That’s why you can do anything as you please,” I answered just to finally end the discussion.Biglang napahilot sa kanyang sentido ang may edad ng Disciplinary Committee President nang dahil sa naging sagot ko.Nilingon ko naman ang dalawang lalaki na kaharap ko. Tinaasan ko sila ng kilay dahilan para mapaiwas sila ng tingin.“Then you leave us with no choice. You’ll be suspended as—”“Wala po siyang kasalanan. Ang totoo niyan ay umawat lang po siya sa ’ming dalawa ni Jay.”Nagulat ang
Magbasa pa
Kabanata 3
KylieNaalimpungatan ako nang dahil sa init ng sinag ng araw na tumatama sa ’king mukha. Kaya naman ay bahagya muna akong tumagilid ng higa bago dahan-dahang binuksan ang aking mga mata.Ngunit bigla akong napabalikwas ng bangon nang mapansin na nandito na ako sa loob ng kuwarto ko ngayon. Nasapo ko naman ang ulo ko nang bigla itong kumirot.Nakangiwing hinilot ko ang sentido at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Pero bukod sa ginawang pagtatraydor nina Arc at Vien ay may isang bagay pa na mas nangingibabaw at gumugulo sa isipan ko ngayon.Sino ang lalaking nagligtas sa ’kin? Saka paano niya ako nagawang maiuwi rito sa isang iglap lang?In the first place, how did he even know where I live?Nilingon ko ang maliit at bilugan kong orasan na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na alas-diyes na pala ng umaga.Dali-dali akong bumaba sa kama at lumabas ng kuwarto. Ni hindi ko na alintana kung ano ba ang hitsura ko at maging ang ayos ng buhok
Magbasa pa
Kabanata 4
Kylie“Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?”Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever.“Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot.Pinunasan ni Papa ang tabi ng kanyang labi bago uminom at tumayo.“Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone.Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kanya ang ilan sa mga tauhan namin.Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kanya ay naiinis na nagpatuloy na lang ako s
Magbasa pa
Kabanata 5
CalebKanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mall. Ilang boutique na rin ang napasukan namin at hindi puwedeng lumabas si Kylie sa mga ito na walang pinamili. Kaya naman ay halos hindi ko na mabilang ang mga hawak kong paper bag sa magkabila kong kamay. Kulang na nga lang ay sabitan niya pati ang leeg ko.Pero kung iniisip ni Kylie na magagawa niya akong mapasuko nang dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa ’kin ngayon ay nagkakamali siya.Carrying these paper bags is just a piece of cake for me. I can even carry a car if she wants to.“Boss, sigurado ka bang ayos ka lang? Ako ang nahihirapan sa lagay mo, eh. Kapag nakita ka pa ng ibang mga kaibigan natin sa ganyang sitwasyon ay paniguradong pagtatawanan ka ng mga ’yon.”Pinigilan ko ang sarili na mapangiti nang dahil sa sinabi ng kanang kamay at matalik kong kaibigan na si Brent, mula sa earpiece na suot ko.“No worries. Dahil sisiguraduhin ko na sa pagitan naming dalawa ay siya ang unang susuko at mapapagod,” paniniguro ko sa ka
Magbasa pa
Kabanata 6
CalebMalalim na ang gabi nang maisipan kong maglibot muna sa labas ng mansyon. Tinanguan ko lang ang mga nagkalat na tauhan sa paligid habang masuring nagmamatyag.May kanya-kanya silang oras ng pagbabantay upang masiguro na walang makakapuslit na kalaban sa loob ng mansyon, o hindi naman kaya ay maagapan agad ang anumang klase ng karahasan na maaaring maganap. Kahit ang security room ay hindi puwedeng mabakante. Kailangan na palaging mayroong naka-monitor sa CCTV cameras buong araw.Nang masiguro kong maayos naman ang ginagawa nilang pagbabantay at wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nila ay bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat ng hagdan. Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa kuwarto ni Kylie nang biglang tumunog ang phone ko.Tumigil muna ako sa balkonahe bago kinuha ang phone ko mula sa bulsa. Agad ko itong sinagot nang makita na si Brent ang tumatawag.“What is it?” Napasandal ako sa pader at tumanaw sa labas.“I forgot to tell you that she was still investigating the
Magbasa pa
Kabanata 7
KyliePagkatapos ng nangyari kanina ay nagkulong na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Magkahalong inis at hiya kasi ang nararamdaman ko ngayon. Paniguradong pinagtatawanan na ako ng magaling kong bodyguard dahil isang ipis lang pala ang magpapasindak sa ’kin.What can I do? I really hate those flying and crawling insects. Siguro naman kahit gaano pa katapang at kalakas ang isang tao ay mayroon pa rin silang mga bagay na kinatatakutan.After all, we’re just humans.Mula sa pagkakahiga at pagkakatitig ko sa kisame ay kinapa ko ang phone ko sa ibabaw ng bedside table. I decided to check my social media accounts. Hindi na kasi ako masyadong updated sa mga kaganapan sa paligid ko.Pero agad na bumungad sa ’kin ang isang post na tungkol na naman sa isang babae na natagpuang patay at tila inatake ng mabangis na hayop nang dahil sa kagat nito sa bandang leeg. Muling nangyari ang krimen dito lang sa lugar namin.Not that I want the killer to do his killing spree somewhere else. But what’s with ou
Magbasa pa
Kabanata 8
KylieNaalimpungatan ako nang dahil sa dalawang pamilyar na boses na naririnig kong nag-uusap at nagtatalo base na rin sa tono ng kanilang pananalita. Dahil dito ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin na nandito ako sa loob ng kuwarto ko.What the hell happened?Hanggang sa tumuon ang mga mata ko sa nakabukas na balkonahe ng kuwarto ko. Doon ay namataan ko si Papa na kausap si Caleb. Parehong seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha na mayroon ding bahid ng pag-aalala.“Pa...” mahinang tawag ko kay Papa. Halos pabulong lang ’yon kaya alam kong hindi niya maririnig. Tila hinang-hina kasi ako sa hindi ko malaman na kadahilanan.Ngunit sa pagtataka ko ay marahas na lumingon si Caleb sa direksyon ko dahilan para malipat din sa ’kin ang atensyon ni Papa. Dali-dali naman nila akong nilapitan.“Kumusta na ang pakiramdam mo, anak?” nag-aalalang tanong ni Papa bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko.Napaiwas
Magbasa pa
Kabanata 9
KylieHindi ko magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Tulala lang akong nakatingin kay Caleb habang nakikipagpalitan siya ng putok ng baril sa kung sino man na nakatago mula sa balkonahe.Where the hell did his gun come from, anyway? Ni hindi ko man lang napansin ’yon kanina habang nag-uusap kami.“Let’s get out of here. I need to secure your safety first. Masyadong open ang area na ’to.”Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng hilo dahil tila tinatangay kami ng malakas na hangin patungo sa kung saan.Ngunit napaawang na lang ang bibig ko nang sa wakas ay tumigil na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nasa sala na pala kami ng mansyon. Sa pagkakataong ’yon ay narinig ko na rin ang pakikipagpalitan ng putok ng mga tauhan namin sa labas maging ang malakas na pagtunog ng system alarm sa buong mansyon.Pero bukod sa pagkakakilanlan ng kung sino man na umaatake sa ’min ngayon ay may isang bagay pa
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status