Share

Kabanata 17

Caleb

“Kylie, gumising ka na raw sabi ni Mr. Aragon. Handa na ang almusal,” malakas kong tawag mula sa labas ng pinto pagkatapos kong kumatok.

Ilang minuto rin akong naghintay ngunit wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. “I’ll come in,” wika ko bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

There, I saw her still sleeping peacefully. Palibhasa kasi ay late na rin siyang natulog kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw na rin ’yon.

Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. Bahagyang nakababa ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan at halos nasa gilid na siya ng kama.

Marahan akong napailing habang nakapamulsa. “Ang likot mo pa ring matulog.” Hindi ko napigilan ang sarili na mapatitig sa kanyang maamong mukha. Sa isang iglap ay nakalimutan ko ang dahilan ng pagpasok ko rito. “I guess there are some things that still don’t change no matter how many years have passed.”

Ilang minuto na rin akong nakatayo rito at pinagsasawa ang sarili na titigan ang mukha ni Kylie pero mukhang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status