Share

Kabanata 18

Kylie

Foundation week na. Pero heto ako at nakatambay lang sa isang tabi. I’m really bored to death. Gustuhin ko mang manatili na lang sa mansyon ay hindi rin naman matatahimik ang mundo ko dahil nandoon si Caitlin. Paniguradong kukulitin niya lang ako para mag-practice. Ang energetic pa naman masyado ng babaeng ’yon. Malayong-malayo ang ugali niya sa kuya niya.

Sa Friday pa ang schedule ng pageant. Pero sana ay nauna na lang ’yon para tapos na agad.

“Coffee?”

Napaangat ako ng tingin kay Caleb bago lumipat ang atensyon ko sa hawak niyang baso na naglalaman ng kape at kinuha ’yon. “Thanks.”

Mula sa pagkakatayo ay tumabi siya sa ’kin ng upo. Hinayaan ko na lang ito dahil wala rin namang mangyayari kahit ipagtabuyan ko pa siya. Isa pa ay pagod na rin akong makipagtalo sa kanilang magkapatid.

“Handa ka na ba sa Friday?” tanong niya bago sumimsim ng kape. It’s really weird to see a vampire drinking coffee.

Napasimangot ako. “Wag mo akong simulan ng pang-aasar.”

He looked at me innocently.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status