Share

Kabanata 5

Caleb

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob ng mall. Ilang boutique na rin ang napasukan namin at hindi puwedeng lumabas si Kylie sa mga ito na walang pinamili. Kaya naman ay halos hindi ko na mabilang ang mga hawak kong paper bag sa magkabila kong kamay. Kulang na nga lang ay sabitan niya pati ang leeg ko.

Pero kung iniisip ni Kylie na magagawa niya akong mapasuko nang dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa ’kin ngayon ay nagkakamali siya.

Carrying these paper bags is just a piece of cake for me. I can even carry a car if she wants to.

“Boss, sigurado ka bang ayos ka lang? Ako ang nahihirapan sa lagay mo, eh. Kapag nakita ka pa ng ibang mga kaibigan natin sa ganyang sitwasyon ay paniguradong pagtatawanan ka ng mga ’yon.”

Pinigilan ko ang sarili na mapangiti nang dahil sa sinabi ng kanang kamay at matalik kong kaibigan na si Brent, mula sa earpiece na suot ko.

“No worries. Dahil sisiguraduhin ko na sa pagitan naming dalawa ay siya ang unang susuko at mapapagod,” paniniguro ko sa kanya.

Narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga mula sa kabilang linya.

“Pero kailangan mo ba talagang gawin ’yan? The organization needs you right now. Lalo pa at dumarami na ang bilang ng mga kumakalaban sa ’tin.” Mahihimigan ng pagkabahala ang boses niya.

“Alam ko naman ’yon. Kaya nga ipinagkatiwala ko muna kay Caitlin ang pamumuno sa organisasyon. Wala ka bang tiwala sa kapatid ko?”

Napatingin ako kay Kylie na abala naman ngayon sa pagsusukat ng sapatos. Nang dahil sa rami ng bitbit ko ay pinili ko na lamang na manatili rito sa labas.

“Besides, I want to be near her and protect her personally,” paliwanag ko pa.

Saglit siyang natahimik sa kabilang linya. Ngunit ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

“Hindi ba puwedeng sabihin mo na lang sa kanya ang totoo?”

Napakuyom ako ng kamao nang dahil sa naging suhestiyon niya.

“No. Alam naman natin ang maaaring kalabasan kapag nagkataon. That’s why I tried a different approach this time.”

Patuloy pa ring sinusundan ng mga mata ko si Kylie na kasalukuyan ng nagbabayad sa kahera.

Brent sighed defeatedly on the other line. “Alright. Just let me know if there’s a problem. I’m always around the area.”

With that, my eyes automatically shifted to the coffee shop on the side of the shoe store.

Napailing na lang ako nang makita siyang umiinom ng kape roon. Nakasuot siya ng puting sumbrero at itim na jacket. He can actually pass as a stalker. Mabuti na lang at hindi napapansin ni Kylie ang pagsunod-sunod niya sa ’min.

“I will.”

Nagpaalam na ako sa kanya at sakto namang palabas na si Kylie. Nang makalapit sa kinatatayuan ko ay agad na inabot niya sa ’kin ang isang paper bag. Walang reklamo na kinuha ko naman ’yon.

“Where to?” walang emosyon kong tanong sa kanya.

Napangiwi naman siya at hindi makapaniwalang napatingin sa ’kin.

“Hindi ka ba napapagod?” nagtataka niyang tanong.

I shook my head. “Nope. I have enough energy to roam around this mall for twenty-four hours. So, you have nothing to worry about.”

Pinameywangan niya ako. “You’re unbelievable! Are you even human?”

Natigilan ako nang dahil sa naging tanong niya. Nagbaba ako ng tingin at doon ay napansin ko ang paa niya na mamula-mula na. Kahit pa gaano siya kasanay magsuot ng mataas na sandals ay paniguradong masakit pa rin ito sa paa, lalo pa at ilang oras na siyang rumarampa sa iba’t ibang shop dito.

“May binili kang tsinelas dito, ’di ba? Bakit hindi ka muna kaya magpalit para mas kumportable ang paa mo? Saka mo na lang ulit gamitin ’yan pagpasok mo mamaya,” pag-iiba ko ng usapan at muling napaangat ng tingin sa kanya.

Bahagyang umawang ang kanyang mga labi kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata.

“What? I’m fine. I can still walk with these sandals. Wag kang paladesisyon diyan.” Nilibot niya ang tingin sa paligid bago itinuro ang isang boutique naman ng designer bag.

“Let’s go over there.”

Nagsimula na siyang maglakad. Ngunit hindi pa man din siya nakalalayo ay bigla na lang siyang natapilok.

Napatingin muna ako sa paligid bago ko siya mabilis na dinaluhan.

“I told you to change already. Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo, eh.” Pilit na iwinawaksi niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya pero hindi ako nagpatinag.

“Wag mo nga akong hawakan! Feeling close ka, hah!” angil niya.

Hindi ko na lang inintindi ang pagrereklamo niya at pilit na inalalayan pa rin siya hanggang sa makaupo sa isang bench na nandito lang sa tabi. Pagkatapos ay dali-dali kong kinuha mula sa isang paper bag ang pares ng tsinelas na binili niya kanina.

“Wear this and stop acting like a brat already. Kahit bilhin mo pa ang buong mall at ipabitbit sa ’kin ay gagawin ko. Hindi mo na nga ako mapapasuko ay sinasaktan mo pa ang sarili mo,” sermon ko sa kanya.

“What the hell? Sino ka ba para sermunan ako at sabihan ng brat? Baka nakakalimutan mo kung sino ang boss sa ’ting dalawa?” Tinaasan niya ako ng kilay.

Lihim naman akong napangisi nang dahil sa sinabi niya.

Kung alam mo lang, Kylie.

Hindi ako umimik at nagpatuloy na lang sa pag-aalis ng sandals niya.

“Wait! What the hell are you doing? I can change on my own!”

Akmang ilalayo niya ang paa nang mabilis ko itong nahabol. Kaya bago pa siya muling makaangal ay dahan-dahan ko itong minasahe. It will help ease the pain she’s feeling right now.

“Hey! Ang alam ko bodyguard kita! Kaya kailan ka pa naging massage therapist?” naeeskandalong sita niya sa ’kin.

This time, I looked up at her. Sinalubong naman ako nang matalim niyang tingin.

“I can be anyone you want me to be. Just say it, Kylie,” I seriously said.

Pareho naman kaming natigilan nang dahil sa sinabi ko. Ngunit huli na para bawiin ko pa ang mga salitang binitiwan ko.

Damn! I just can’t stop myself from saying and doing things whenever she’s near me.

I cleared my throat and tried to be calm to ease the awkwardness that suddenly arose between the two of us.

“Just stay still.”

Sa pagkakataong ’yon ay hindi na siya umimik pa at hinayaan na lang ako sa ginagawa.

“Feeling better now?” tanong ko pagkaraan ng ilang sandali at muli siyang tiningnan.

Napaiwas naman siya ng tingin. “Nagugutom na ako. Kumain muna tayo bago bumalik.”

Napatango na lang ako. Pagkasuot ko sa kanya ng tsinelas ay agad siyang tumayo at mabilis na naglakad paalis.

Naiiling na sumunod na lang ako sa kanya.

Pumasok siya sa isang kilalang restaurant. Dahil sa rami ng dala namin ay naokupa na tuloy namin ang isang may kahabaan na mesa rito.

“Pumili ka lang ng kahit ano. It’s my treat,” wika niya pagkaupo naming dalawa. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay tila bigla siyang nahimasmasan.

“No. I can pay on my own.”

Napakunot noo naman siya. “No way. This time, you listen to me,” she said with finality in her voice.

Nagkibit balikat na lang ako at pumili na rin sa menu.

“Bulalo Sizzling Steak lang sa ’kin,” ani ko sa kanya.

Napataas siya ng kilay bago tinawag ang waiter na nasa hindi kalayuan upang ipaalam dito ang order namin.

“Is that enough for you? As a bodyguard, I think you need to eat a lot,” she asked the moment the waiter left.

I leaned my back on the chair. “I’m actually on a diet right now. And even if I don’t eat for one week, I can still manage to fight a hundred men.”

She rolled her eyes at me. “Grabe ang confidence, hah. Sabagay, madali lang naman ang magsalita. Ewan ko na lang kapag nasa mismong sitwasyon ka na.”

Kumibot ang mga labi ko. “Hindi ba puwedeng ceasefire muna tayo ngayon? Pangalawang araw pa lang natin na magkakilala pero halos hindi ko na mabilang kung ilang beses tayong nagbangayan.”

Seryoso naman niya akong tiningnan.

“You can’t blame me. Alam mo naman ang nangyari sa ’kin noong isang araw lang.” Sa pagkakataong ito ay tiningnan niya ako nang may pagdududa.

“Who knows? Baka isa ka lang din sa ipinadalang assasin ng mga kalaban para patayin ako,” wika niya sa mababang boses.

Napaayos ako ng upo bago napatitig sa kulay abo niyang mga mata.

“Kung sakali man ay may nararamdaman ka bang takot sa ‘kin?” walang buhay kong tanong sa kanya.

She smirked. “Sino ka ba para katakutan ko?”

Ngunit ilang saglit pa ay bigla na lang nagsalubong ang kilay niya na ipinagtaka ko.

“What?”

Humalumbaba siya sa ibabaw ng mesa. “Naalala ko lang. Ang bilis mo akong nadaluhan kanina. Samantalang malaki na rin ang distansya natin sa isa’t isa noong mga panahon na ’yon. Pagkatapos ay marami ka pang dala.”

Inayos ko ang suot na suit. “I just happened to have fast reflexes.”

Napatango-tango naman siya. “I see.”

Pagkaraan ng ilang minuto ay lihim akong nagpasalamat nang sa wakas ay dumating na ang pagkain namin. Tahimik akong nagsimulang kumain nang muli siyang nagsalita.

“Sigurado ka ba talaga na ayan lang ang kakainin mo? Baka bigla kang manghina niyan at matakasan kita,” pang-aasar pa niya.

Inabot ko ang baso na naglalaman ng tubig. “Wag kang mag-alala. Kahit matakasan mo pa ako ay mahahanap pa rin kita.”

“And how is that possible?”

“I’ll track you by your scent.”

Napangiwi naman siya. “You’re really weird. Hindi ko alam kung ano bang nakita ni Papa sa ’yo para ipagkatiwala niya ang kaligtasan ko sa weirdo na katulad mo.”

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Dahil baka himatayin lang siya sa oras na malaman niya ang sagot sa mga tanong niya.

***

Nasa biyahe na kami ngayon pabalik sa university na pinapasukan ni Kylie. Magtitiis na naman ako sa mga kaklase niya na panay ang papansin sa ’kin.

Mas pagbubutihin ko na lang siguro ang gagawing pag-ignora sa kanila. If it’s not for Kylie, I will not be there. Ang sasakit pa man din nila sa mata.

Paliko na sana ako sa isang kanto nang mapansin ko ang kumpulan ng mga tao sa isang tabi. Akmang lalampasan ko ang mga ito nang magsalita si Kylie.

“Wait. Stop right there.”

“Baka mahuli ka sa susunod mong kla—Hey, what are you doing?”

Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niyang binuksan ang pinto sa puwesto niya kahit umaandar pa ang sasakyan.

“Ihihinto mo o tatalon ako rito?” pagbabanta pa niya.

Naiiling na itinabi at hininto ko ang sasakyan. I never expected that she could be this brat in this lifetime.

Agad siyang bumaba. Kaya naman ay dali-dali akong sumunod sa kanya. Hangga’t maaari ay hindi siya puwedeng mawala sa paningin ko.

Pero napatiim bagang na lang ako nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao.

“Oh. Another victim.”

Seryoso lang ang mukha ni Kylie habang tila pinag-aaralan ang bangkay ng isang babae na nasa harap namin ngayon. Sobrang putla nito at tila naubusan na ng dugo. Marami rin itong sugat sa katawan. Pero mas agaw atensyon ang kagat nito sa bandang leeg.

Dahan-dahan akong humakbang paatras. Mula sa suot na earpiece ay kumonekta ako kay Brent.

“They have another victim. We need to catch them as soon as possible.”

“Got it,” sagot niya at nawala na sa kabilang linya. Napatingin naman ako kay Kylie na abala pa rin sa pakikiusyoso.

Naikuyom ko ang kamao. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na sila hahayaan pa na magtagumpay sa mga plano nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status