Share

Kabanata 4

Kylie

“Ibinalita sa ’kin ni Caleb ang nangyari kahapon. Ngayon ka lang ata nagtangkang tumakas nang dahil sa isang bodyguard. Why is that? Can’t you at least give him a chance?”

Natigilan ako sa akmang pagsubo bago sinamaan ng tingin si Caleb na kasalukuyang nakatayo sa dulo ng hapag kainan. As usual, his face was void of any emotion. He looks like a robot that’s being controlled, or whatever.

“Ngayon lang din po ako nakakita ng bodyguard na sumbungero,” sarkastiko kong sagot.

Pinunasan ni Papa ang tabi ng kanyang labi bago uminom at tumayo.

“Ayoko ng mauulit pa ’yon. Naiintindihan mo ba? If that’s your way of getting rid of him, then you’re just wasting your time,” he said in a warning tone.

Aapela pa sana ako pero mabilis na niya akong tinalikuran. Agad namang sumunod sa kanya ang ilan sa mga tauhan namin.

Napakuyom ako ng kamao nang muli akong mapabaling sa direksyon ni Caleb. Pero dahil wala namang epekto ang kahit na anong himutok ko sa kanya ay naiinis na nagpatuloy na lang ako sa pagkain at tinusok-tusok ang kinakain kong bacon at ham. Para mabawasan ang iritasyon na nararamdaman ko ngayon ay iniisip ko na lang na si Caleb ang mga ito.

“If you continue that childish act of yours, you’ll be late from school.”

Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya.

Me? Childish?

“I’m not being childish! Ikaw itong masyadong bida-bida riyan! If I know, s********p ka lang kay Papa,” asik ko sa kanya.

Sa pagkakataong ’yon ay nakuha ko ang atensyon niya. Matiim niya akong tinitigan at para bang may kung ano sa kulay tsokolate niyang mga mata na nahihipnotismo ako ng mga ito.

“Paano kung s********p nga ako sa papa mo? May magagawa ka ba?” makahulugan niyang tanong.

Nahigit ko ang hininga nang dahil sa sinabi niya. Why do I have this feeling that we are referring to two different things?

“Jerk!” sambit ko at hindi na siya pinansin pa.

This man is really weird and creepy at the same time. I needed to be extra careful whenever he was around.

Baka mamaya ay ibang s****p pala ang ginagawa niya.

***

Habang nasa daan kami papuntang university ay hindi ko maiwasan ang mapasulyap kay Caleb.

“Hey,” untag ko sa kanya.

Diretso lang siyang nakatingin sa daan. “Yes?”

Napataas ako ng kilay. Like a boss talaga kung magsalita ang isang ’to.

Kumibot ang mga labi ko. “I don’t trust you.”

Inihinto niya ang kotse nang biglang maging kulay berde ang traffic lights.

“I know that already,” balewala niyang wika.

I crossed my arms. “I hate you.”

“That’s obvious. There’s no use of telling it right in front of my face.”

“Why are you here anyway? Nabanggit ni Papa na kilala ka na niya mula pagkabata. Sino ka ba talaga?”

Hindi ko na naiwasan ang maging usisera. Nahihiwagaan kasi ako sa kung ano ang tunay niyang pagkatao.

He tapped his fingers on the steering wheel. “Believe me. You wouldn’t want to know who I really am,” makahulugan niyang sagot.

Natigilan ako nang dahil sa naging sagot niya. Parang may kung ano rin sa boses niya na nagpataas sa mga balahibo ko.

Pero napakunot noo ako nang may maalala. Halos ganoon din kasi ang naging sagot sa ’kin ni Vien noong tinanong ko sila tungkol sa tunay nilang pagkatao.

Hindi na lang ako umimik pa hanggang sa makarating kami sa university.

“You stay here. Kung gusto mo ay puwede ka rin namang gumala muna. Pero mas maigi kung hindi ka na babalik pa,” bilin ko sa kanya pagkababa ko ng kotse.

He shook his head. “I’m sorry to disappoint you, but you’re asking for the impossible.”

I rolled my eyes at him. “Whatever. Do whatever you want. Just don’t follow me around.”

Nagsimula na akong maglakad. Taas noo na binabaybay ko ngayon ang hallway. Sanay naman akong pinagtitinginan ng bawat nakakasalubong ko kaya hindi na ako nababahala pagdating sa bagay na ’yon.

Pero mukhang iba ata ang sitwasyon ngayon.

Madalas na hindi ko sila pinag-uukulan ng pansin. Pero dala ng kuryosidad ay hindi ko naiwasang ilibot ang tingin sa paligid. They seem to be ogling with someone, most especially the girls. Tila ba tumatagos ang tingin nila sa bandang likuran ko.

Kaya naman ay dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Caleb na nakasunod sa ’kin.

“What the hell are you doing here?” gulat na tanong ko sa kanya. Mas lalo tuloy naming nakuha ang atensyon ng iba pang mga estudyante rito.

“You told me to do whatever I want.” He shrugged.

I stomped my feet out of frustration. “But I also told you not to follow me around!”

He roamed his eyes, then looked at me intently. “Are we really going to argue here with all eyes fixed on us, or will you just keep on going?”

I stood still while gawking at him. This man is unbelievable!

Dahil nagsisimula ng dumagsa ang mga nakikiusyoso ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang magmartsa patungo sa classroom namin. Mukhang hindi magiging maganda ang buong araw ko nang dahil sa presensya niya.

Pagkarating ko roon ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang humahangang tingin ng mga kaklase ko kay Caleb. Lalo na ang mga kababaihan at feeling babae. Kung alam lang sana nila ang ugali ng lalaking ’to ay nasisiguro ko na madidismaya lang sila.

“Kylie, who is he?” puno ng kuryosidad na tanong ng isa sa mga kaklase kong babae na si Marie.

“Yeah. Ngayon lang namin siya nakita. Hindi naman siya kasama sa mga bodyguard mo na naghahatid sa ’yo palagi,” komento ni Aya na biglang tumabi sa ’kin.

Napataas ako ng kilay. Now they’re talking to me. Samantalang para akong may sakit kung iwasan nila noon. Not that I’m bothered since it’s much better.

Hindi ako umimik at dumiretso lang ng upo sa bandang likuran. Pakiramdam ko ay umaakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha nang dahil sa sobrang inis, lalo na nang tumayo si Caleb sa likod ng upuan ko.

Hindi makapaniwalang nilingon ko siya. “Are you really serious? Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase at professor ko kung maghapon ka lang nakatanga riyan?” Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang likod. “Don’t worry. Your professors already knew that I’d be guarding you throughout the class. Mister Aragon has already talked to the school about what happened to you and explained the situation.”

Mariin akong napapikit. Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang lahat. They’re acting as if I’m the daughter of the President of the Philippines.

“Okay! As if I have a choice!” Tinalikuran ko na siya at padabog na isinandal ko ang likod sa upuan.

Ilang sandali pa ay dumating na ang professor namin. Sa ngayon ay titiisin ko na lang muna ang presensya niya. Pagod na rin kasi akong makipagtalo pa sa kanya. Nakakaubos siya ng enerhiya.

Nagpokus na lang ako sa harap nang simulan na ni Sir Rivera ang discussion. Pero kahit anong pilit ko na hindi magpaapekto ay hindi ko mapigilan ang ma-distract sa mga kaklase kong effort na nililingon si Caleb sa likod. Sana lang ay tawagin sila ni Sir Rivera for recitation. Baka sakaling ituon na nila ang atensyon sa klase.

I clicked my tongue. Can’t he see that he’s distracting the class? This man is a standing distraction!

“Miss Aragon.”

Napakurap ako nang bigla akong tawagin ni Sir Rivera. Agad naman akong tumayo. Sa dinami-rami ng mga hindi nakikinig sa kanya ay bakit ako pa ang napansin niya?

Umupo siya sa ibabaw ng mesa habang pinaglalaruan sa pagitan ng kanyang mga daliri ang hawak na marker.

“Based on our course subject, what do you think leadership-decision-making means?”

Ramdam ko ang ilang pares ng mga mata na napatingin sa ’kin.

For the first time, I even heard Caleb chuckle from my back. Pinigilan ko naman ang sarili na lingunin siya at batukan.

Napahigpit ang hawak ko sa ballpen. Hindi ko hahayaan na magkaroon si Caleb ng pagkakataon na asarin ako.

“Leadership is a process wherein the leader is able to influence a group of people in order to achieve a common goal. While decision-making is a process involving a certain amount of consideration, weighing the con’s and pro’s to choose among a certain number of alternatives when faced with difficulties,” I answered confidently.

Napatango naman si Sir Rivera bago sinenyasan na akong umupo.

“That’s right. Thank you for your well-explained answer, Miss Aragon.”

Nakangiting bumalik ako sa pagkakaupo. Sisiguraduhin ko na hindi ako mapapahiya sa harap mo, Mister Bodyguard.

“Kung ayaw mo talagang mapahiya, then you must try harder. I’m not even impressed with your answer.”

Nabitiwan ko ang hawak na ballpen. Mabuti na lang at hindi naman ito naglikha ng gaanong ingay.

Mahina lang ang pagkakasabi niya no’n pero sapat na para umabot sa pandinig ko.

Did he just read my mind? But that’s impossible.

Pagkatapos ng klase ay ganoon na lang ang gulat ko nang biglang pagkaguluhan ng mga kaklase ko si Caleb. Instant celebrity ang loko.

As much as I hate it, I took that opportunity to escape from him as I made my way from the sea of people.

Sa paglabas ko ng building ay napalingon ako sa likod ko. Napangisi ako nang mapansin na hindi siya nakasunod. Mukhang tuluyan na siyang naharang ng mga kaklase ko.

Mamayang hapon pa naman ang susunod kong klase. Kaya balak ko muna sanang pumunta sa mall. Isang sakay lang naman ang papunta roon mula sa university. And I don’t really mind commuting.

Ngunit bago ko pa man marating ang gate ay biglang may humawak sa kamay ko dahilan para matigilan ako. Para akong kinilabutan nang maramdaman ang lamig mula roon. Mabilis na hinarap ko naman ang pangahas.

I formed a fist as I leaned forward. Then, I tilted my fist as I grabbed it. I bend down quickly and pull my arms into a vertical position while maintaining the lock on my fist and pulling my arm out.

“Woah. I must say that you really have the skills. You are not bad yourself.”

Napaawang ang bibig ko nang marinig ang pamilyar niyang boses. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ako ng nagbabagang tingin ni Caleb habang umiigting ang kanyang panga.

Paano niya nagawa na makarating agad dito?

“Again, there’s no use for you to escape, Kylie. You can tell me where you want to go, and I’ll drive you to that place right away. Is it really hard for you to do so?”

I bit my lower lip.

“No, it’s not. The thing is that I don’t want to be with you!” singhal ko sa kanya.

May kung anong emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata na agad din namang nawala.

“When are you going to accept the fact that you can’t do anything about it anymore?” malamig ang boses niyang sambit.

Bumaba naman ang tingin ko sa kanyang kamay. It’s cold as ice; I’m sure of that. Hindi ko nga lang ’yon naramdaman kahapon dahil nakasuot siya ng gloves noong mga panahong nahuli niya ako.

“Your hand is cold,” I said instead.

Agad na ipinamulsa naman niya ang mga kamay. “That’s normal for me, as I’m always feeling cold.”

Kumunot ang noo ko. May ganoon ba? Samantalang ang init naman ng panahon ngayon.

“Let’s go.”

Nauna na siyang naglakad patungong parking lot. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Who knows what he’s capable of doing? Kahit pa kakilala siya ni Papa at ang pamilya niya ay kailangan ko pa ring malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya.

Habang naglalakad ay tinawagan ko ang taong inupahan ko na mag-imbestiga sa nangyaring insidente kina Adrian noon.

“I’m sorry, Kylie. Pero wala pa rin akong mahanap na lead hanggang ngayon,” bungad niya pagkasagot sa tawag ko.

Malalim akong napabuntonghininga. Sa ilang taon naming pagsisiyasat ay wala pa rin kaming mahanap na konkretong ebidensya at pagkakakilanlan ng suspek hanggang ngayon.

“Alright. I’m sorry to burden you again, but I have another favor to ask,” I urgently said.

“Okay. Let’s see what I can do. What is it?”

Natigilan ako sa hindi kalayuan nang buksan na ni Caleb ang pinto ng sasakyan.

“I want you to investigate a certain man and my bodyguard named Caleb Valiente.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status