Share

STUNNED

HINDI RAW NANGYARI ANG ARAW NA ITO...’

Napailing si Margaux nang maalala ang sinabi ng kaniyang papa. Kahit malakas ang ulan sa labas ng sasakyan ay hindi na niya ‘yon napapansin. Ayaw huminto ng kaniyang isip sa pag-alala sa mga nangyari. Paulit-ulit lang lahat sa kaniya, simula nang dumating siya sa opisina ng Don hanggang sa iwan siya nito sa ospital.

What does he mean by that?’ Patamad na sinandal niya ang kaniyang ulo sa upuan. Nahihilo na siya sa haba ng biyahe, pero ni hindi siya makapagreklamo. Natatakot kasi siyang magsalita, lalo pa at nakita niya rin kung paanong kaladkarin ng mga g'wardiya ang kawawang doktora palabas ng kotse kanina.

Malayo na sila mula sa ospital nang makatanggap ng tawag ang mga g'wardiya. Hindi niya narinig kung ano ang pinag-usapan ng mga ito pero nagulantang siya nang biglang huminto ang kotse at hilahin palabas ng isa sa mga ito ang doktora. Malakas ang naging iyak ng babae nang madapa ito sa lupa. The doctor begged for her life while looking up at the guard who dragged her. Ganoon pa man ay nanatiling napaka kalmante ng tauhan ng kaniyang papa. Humnugot ito ng baril at sa laking gulat ni Margaux ay  itinutok ‘yon sa ulo ng kaharap.

Magkakahalong awa at takot ang nararamdaman niya noong mga oras na iyon, pero nang subukan niyang lumabas ay pinigilan siya ng g'wardiyang naiwan sa driver’s seat. Tinapik nito ang baril na nakapatong sa dashboard at naintindihan niya naman agad ang ibig nitong sabihin. Tuloy ay nanlalatang napabalik na lang siya sa pagkakaupo.

Iyon na ang huling beses na nakita niya ang babae bago muling humarurot ang sasakyan nila. Hindi na rin alam ni Margaux kung buhay pa ito o hindi na. Ilang metro na rin ang layo nila nang bigla siyang mapaigik dahil sa dalawang putok ng baril. Akma siyang maghihisterya nang unahan siya ulit ng g'wardiyang kasama at senyasan.

“Miss, Margaux.” Nilingon siya nito at dinikit ang isang daliri sa labi. Pagkatapos ay tinuro naman nito ang walang-malay na binatang katabi niya sa backseat. “Hindi ho gugustuhin ng Don na maabala ang pagpapahinga ng señori—”

Nanginginig pa rin ang kamay ni Margaux nang pigilan niya sa pagsasalita ang kausap. The guard just called her ‘Miss Margaux’, ang ibig sabihin ay kinikilala pa rin siya nito bilang anak ng boss nito. Mabuti ‘yon dahil sigurado na siyang hindi ito mangangahas na saktan siya gaya ng ginawa ng mga ito sa doktora.

“S-Saan tayo pupunta? Anong ginawa ninyo roon sa doktora?”

“Shh.”

Napakagat siya sa sariling labi. Base sa obserbasyon niya ay dinispatya lang ng mga g'wardiya ang doktora pagkatapos masigurong ligtas na ang sugatang kasama nila.

Pumikit siya at isinubsob ang mukha sa kaniyang mga palad. She was tired from a long flight. She flew all the way from New York, at hindi ito ang inaasahan niyang sasalubong sa kaniya.

What was so hard to understand about what she wanted? Gusto niya lang naman makita ang kaniyang papa, bakit kailangang may ganitong eksena? Couldn’t they just meet and talk like two normal people? Ang sabi ng kaniyang mama ay mabait ang kaniyang papa, pero bakit parang may mali? 

"Dito lang po kayo, Miss Margaux. Ikukuha ko kayo ng balabal."

Napatigil sa pag-iisip si Margaux nang magsalita ulit ang gwardyang kasama nila. Huminto na pala ang sinasakyan nila, hindi niya man lang napansin.

She was still a little doubtful when she lifted her head and saw the guard open the door. Lumabas ito, ni-lock ulit ang pinto, bago sumugod sa malakas na ulan papunta sa kung saan.

Tumakas ka na, Margaux,’ was what her gut-feeling screamed. Nang mawala sa paningin niya ang bantay ay mabilis siyang kumilos para obserbahan ang paligid.

Dinikit niya ang pisngi sa bintana ng sasakyan. Gusto niyang alamin kung nasaan na siya, pero halos wala siyang makita dahil sa dilim ng paligid.

A-ano ‘yon?’ She furrowed her eyebrows when her eyes caught what seemed like a familiar veranda. Parang may naaninag siyang malaking bahay pero hindi niya masigurado.

With renewed curiosity, she pressed her face a little harder against the window. Pakiramdam niya ay napakaraming puno sa paligid dahil bukod sa tunog ng ulan ay may naririnig din siyang mga tunog ng dahon.

Her face was still flat against the glass when her eyes suddenly widened in surprise. May naaninag kasi siyang pamilyar na poste sa hindi kalayuan at hindi siya pwedeng magkamali na kilala niya ang bagay na ‘yon. 

Oh, my God! Villa ba ‘to ni Mama?! Hindi ba’t binenta na ito ni Papa—’

"Shit!” napamura siya nang may kung anong bumagsak sa kaniyang likuran. She was pinned against the glass and couldn't move. Natatarantang nilingon niya ang kaniyang balikat para tingnan kung ano ba ang dumagan sa kaniya.

The first thing she saw was a head full of medium brown hair. Magulo ang mga hibla niyon pero mukhang napakalambot. Napasinghap siya nang maalala kung sino ang naiwang kasama niya sa loob ng sasakyan. Gracious! How could she possibly forget about the amber-eyed man?

Tell me this isn’t happening again…’ Inis na naitirik niya ang kaniyang mga mata.

Ano ba’ng kasalanan niya sa taong ito at panay yata ang dagan sa kaniya?’

Sa itsura ng binata ay nawalan ito ng balanse at dumulas sa pagkakaupo. Wala pa rin itong malay. Hindi rin ito malagyan ng seat-belt ng mga guwardiya kanina dahil sa selan ng kondisyon nito. Halos kalahati ng katawan nito ang nakabalot ng benda. He was heavily sedated and the way he stayed as still as dead even when she was wiggling under him was a proof.

Trapped in another sticky situation, Margaux helplessly sighed. Ilang minuto niya ring pinag-isipan kung isasama ba niya sa pagtakas ang binata o papabayaan na lang sa backseat.

In the end, she decided that leaving him would be better. Masyadong delikado para sa kundisyon nito ang gagawin niya at hindi niya rin alam kung paano ito bubuhatin palabas ng villa. The guard’s were very caring and concerned for him after all. He should be fine, right?

“Stay calm.” Nag-ipon si Margaux ng lakas bago muling sinubukang kumilos. She leveraged her elbow against the window to give her breasts some space. Sumasakit na rin kasi ang dibdib niya dahil sa bigat ng binata.

However, she never anticipated what her movements would result in. Nang sa wakas ay maitulak niya ang sarili ay siya namang pagdausdos ng lalaki mula sa kaniyang likuran.

She almost forgot how sick he was until his painful groan echoed inside the car. Then, to her shock, his hand mindlessly grabbed the hollow of her waist and gripped her hard. Muntik na siyang bumalibag sa sahig nang isama na naman siya nito sa pagbagsak. Buti na lang at naitukod niya ang braso niya sa likod ng driver's seat, kaya sa backseat sila bumulagta.

'"Aww!" │"Cazzo!"

Dalawang boses ang umalingawngaw sa loob ng kotse. Losing her mind again, Margaux tried to wobble away, pero lalong humigpit ang kapit ng lalaki sa kaniyang baywang. His strong fingers were digging into her flesh, na para bang sa kaniya nito binubuhos ang sakit na nadarama dahil sa likot niya.

That terrified her to the hilt. Gusto niyang kumilos nang mabilis pero naging imposible ‘yon dahil sa sikip ng kinalalagyan nila! The backseat was literally choking with them.

Isa sa mga kamay ng lalaki ang nasa ibabaw ng kaniyang dibdib habang ang isa naman ay mas humihigpit ang yapos sa kaniyang baywang. His face was buried on her cheek and she could feel how his overnight stubble was grazing her skin. Alam niya rin kung ano ang mainit na bagay na nasa ilalim ng kaniyang pang-upo. Hindi naman siya inosente para hindi malaman kung ano ang namumukol na ‘yon sa pagitan ng mga hita nito.

Given another situation, sasampalin niya ang lalaki. However, the innocence of his responses made it clear that he wasn't aware of anything he was doing too. Ni hindi nga nagbabago ang ekspresyon nito, bukod sa manaka-nakang pagkunot ng noo kapag d*******g.

Sa desperasyong makatakas, sinubukan ni Margaux na hatakin ang kaniyang braso mula sa pagkakadagan nilang dalawa. Gagamitin niya sana ‘yon na pambwelo. Kaso...

“Cazzata!”│”Shit!”

Sabay na naman silang napasigaw nang masiko niya ang bagong operang sugat nito. He stirred a bit under her, and she gawked when his knees rubbed her between her legs. She was still in the same dress she wore when she went to her papa’s office at hindi niyon maprotektahan ang kaniyang pagkababae.

 Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling mahimasmasan ito at makitang nakausli sa loob ng kaniyang palda ang malaking tuhod nito. Their pose made her look like she grew an oversize dick! 

This is so embarrassing!’ Mabilis na nilingon ni Margaux ang binata para siguraduhing wala pa rin itong malay. Kaso nakalimutan na niya kung gaano kalapit ang mga mukha nila isa’t isa kaya natilihan pa siya nang aksidenteng magkabungguan ang kanilang mga ilong kasabay at maglapat ang kanilang mga labi.

Only God could tell how her system went haywire upon feeling his soft lips against hers. Nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata nang bigla namang may lumagutok sa hindi kalayuan, kasunod ng pagbukas ng pinto ng kotse.

"Miss Margaux, dala ko na po ‘yong— Hala!”

Nahulaan niya agad kung sino ang dumating. But then, it was already too late to save her face from the what was happening too. 

Sa huli ay pumikit na lang siya para maiwasang makita ang mga nangyayari.

“Umh… M-Miss Margaux, nadadaganan ninyo po ang... Jusme, lagot tayo sa Don!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status