Share

HIS LIFE

KADILIMAN. Wala kahit isang liwanag sa langit. Walang buwan o ni isang bituin. Pawang katahimikan lang ang namamayani sa gabi. at mahihinang boses.

"Napansin niya na pa lang pinanonood natin siya."

[Ganoon nga, Panginoon. Mas matalino siya kaysa iniisip ko.]

"Natural!" Napuno ng pagyayabang ang mas nakakatandang boses sa dalawang nag-uusap. Pagkatapos niyon ay humagikgik ito na tila siyang-siya sa nakikita. "Siya ang bukod-tangi at nag-iisang Romano, hindi ba?"

[Siya nga... May isusunod ka pa bang utos?]

"Kaladkarin mo siya pabalik." Naghikab ang Diyos na tila naiinip sa mga susunod na mangyayari. "Siguraduhin mong makakauwi ang Amati sa lalong madaling panahon."

.

.

TUMATAWAG SI ALBERTA.

Hindi. Mas tamang sabihing binobomba ni Alberta ng tawag ang kanyang telepono. Daan-daang missed calls sa nakalipas na labing-dalawang oras ang ginawa nito na tila wala itong kapaguran.

'Sasabihin ko ba kay, Rome?' Mabagal na inangat ni Margaux ang tingin mula sa nagba-vibrate na telepono sa kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status