Share

BLOOD MORNING

"MARGAUX." HINDI UMABOT SA PANDINIG ni Margaux ang pagtawag ni Alberta. Tulad kanina ay awtomatikong kumilos ang kanyang kamay para dakutin ang kanyang puson nang kumirot iyon.

The drop of sweat that fell on her fist resting on her lap looked blurry. Sobrang sakit ng kanyang nadarama at kinakapos siya ng hininga kahit nakaupo lang siya roon.

"Ayos ka lang ba, anak?"

"Tapos ka na bang magsalita?" Mariing naipikit ni Margaux ang kanyang mga mata nang magdoble ang tingin niya sa kaharap. Getting this dizzy and in this much pain weren't what she needed.

"Patawarin mo 'ko..."

Hindi siya sumagot. Naiintindihan niya ang mga sinasabi ng matandang babaeng nakaluhod sa kanyang paanan, pero hindi na 'yon rumerehistro sa kanyang isip. Isang bagay na lang kasi ang nanatili roon — ang kanyang caro.

Sa dami-dami ng sinabi Alberta, ang natatandaan niya lang ay ang mga katagang 'tunay na anak ng Don' at 'tunay mong ina'. Ewan na ni Margaux kung tama pa ba ang pakikirinig niya sa iba pa. Hindi na rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status