Share

THE DAY GOD MOVED

GUMAGALAW ANG DIYOS, at gumagalaw siya sa paraang hindi kayang hulaan ng kahit sino.

"Sunugin ninyo," utos nito bago sumisim ng wine sa hawak na goblet. Payapa ang kanyang boses, katulad ng napakalawak na karagatan sa kanyang harapan. Tulad ng sa mga nakaraang buwan ay napakaganda pa rin ng kanyang mansyon sa Santorini. Puti ang mga dingding nito habang matikas na nakatayo sa tuktok ng bundok at nakatunghay sa asul na tubig ng Aegan Sea.

Kawangis ng lugar na 'yon ang langit— kaso may demonyo sa loob.

"Sunugin ninyo at..." humagikgik ang Diyos bago sinara ang kanyang mga mata at hinayaang laruin ng malamyos na hangin ang kanyang abuhing buhok. "Pilayin ninyo rin ang kabilang binti niya. Siguraduhin ninyong hindi na siya makakatakbo."

.

.

'CAZZATA!' Rome's cuss remained unspoken as he watched his headquarters, 'The Romans', burn through nine different TV screens. Kasalukuyan silang nasa isang grocery store, isang linggo matapos niyang malaman ang pagdadalang-tao ni Margaux.

Makapal ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status