Share

DAMN YOU

FROM: margaux.montenegro@gy.com

TO: alejandro.montenegro@montcorp.com

SUBJECT: NASAAN KA?

Papa, 

Kumusta ka? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Maayos na 'yong lalaking pinadala mo rito sa bahay, pero hindi pa gumigising. Nagdeliryo siya kagabi. Kung ano-anong sinasabi, pero wala naman akong naintindihan. Inaasikaso naman siya ni Doktora Lazaro araw – araw, kaso hindi siya naihatid ng mga tauhan mo kagabi. Umapaw kasi ‘yong ilog dahil sa lakas ng ulan kaya lumubog ‘yong tulay. Bumaba rin naman ‘yong lagnat niya pasado alas-tres ng madaling araw, pagkatapos ko siyang bigyan ng sponge bath—

****

MARGAUX'S FINGERS FROZE from typing. Sandali siyang natulala sa dalawang huling salitang kaniyang tinipa. Nang makabawi ay sunod-sunod niyang pinindot ang backspace ng kaniyang laptop bago muling nag-type ng: 

... bigyan ng spongebath ni Alberta.

Pagkatapos ay palihim na sinipat niya ang matandang babaeng nagtitimpla ng kape sa kitchen counter. Ilang ulit muna siyang umiling bago pinagpatuloy ang pagta-type.

Damn it. I shouldn't have done that. Dapat inutusan ko nalang si Nana Berta. I should have not touched him!’ Balisang sinara ni Margaux ang kaniyang laptop nang mapagtantong nakalimutan na niya ang binabalita niya sa kaniyang ama.

Iritable na siya nang abutin ang tasa ng kape sa lamesa. Alam niyang mainit iyon pero tinungga niya pa rin. Napaso siya sa ginawa niya, pero feeling niya, deserve niya ‘yon. 

Mali naman kasi talaga ang ginawa niya. Ano ba naman kasi ang naisip niya at nan-chancing siya ng bisita? 

Her sin happened at around one in the morning. She was just passing by the guest rooms when she heard him groaning in pain. Tuloy ay naisipan niyang pumasok sa loob ng kwarto nito para silipin ito.

Don’t go there,’ Margaux reminded herself before taking another sip of coffee. It was hard to forget how soft his hair was against her fingers when she checked his temperature. Wala itong kamalay-malay nang mataranta siya at hatakin ang kumot nito para sana maginhawahan ito. Malay niya ba namang wala pala itong suot na kahit-ano sa ilalim ng comforter? Nakita niya tuloy ang tinatagong  ‘armas’ nito. 

‘Utang na loob naman—’

“Margaux, may sakit ka ba?"

Boses ni Alberta ang pumutol sa kaniyang iniisip. Nang mag-angat siya ng tingin ay kasalo na niya ito sa mesa habang gumagawa ito ng sandwich. "Bakit namumula ka?"

"Wala po." She choked on her own words. Paano niya ba naman kasi aaminin dito na habang kumakain sila ay may ibang bagay na kinakain ang malikot na isip niya?

That was big.’

"Margaux?"

I haven’t seen anyone else’s, but...’

"Nakikinig ka ba?"

Shocks! Halos katulad na ‘yon ng mga artista sa porn videos na pinanood sa akin ni Jenny sa boarding house! He is impressively ENDOWED!’

"Ay diyaskeng bata ‘to! Hoy!"

Napaigtad si Margaux nang sumigaw si Alberta. Kanina pa ba siya kinakausap nito? Her imagination was too busy recalling every detail of the brute’s body, ni hindi niya narinig ang maid niya. “May sinasabi ka ba?”

“Sabi ko tumawag ang Don."

"Si Papa?" Kumunot ang kaniyang noo.

“Oo, kakasabi ko lang, 'di ba?” Nalukot lalo ang mukha ni Alberta. "Nagtanong lang ang papa mo kung kumusta na ‘yong pasyente natin. Ang sabi ko, nasalinan na ulit ng dugo, pero hindi pa gumigising—”

"How about me? Kinamusta niya ba ’ko?" Margaux didn’t let her maid finish explaining. Napukaw na nito ang kaniyang interes kaya sunod-sunod siyang nagtanong. "Kumusta na siya? Nasaan daw siya? Kailan siya uuwi?"

"Wala siyang nasabi." Nagkibit-balikat si Alberta.

"Hindi ba siya nagtanong kung bakit ako nandito?”

Umiling lang ang matanda bago sumimsim ng kape.

Margaux blew a disappointed breath. Gaano ba kahirap para sa kaniyang papa na kumustahin siya? She was so close to thinking that the Don doesn’t care about her. Kung hindi niya pa nakasalubong ang nanny niya sa hallway ay iisipin niyang nakalimutan na ng kaniyang papa na nasa villa rin siya

She was glad that her father remembered sending Alberta. Pero bakit nga ba naman kasi na sa dinami-dami ng ari-arian nila ay dito pa sila sa lumang villa pinadala nito?

She was so scared that night. Tatlong araw pa ang lumipas, bago nagsidating ang iba pang mga katulong at guards nila.

“Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Papa, sigurado ka bang hindi siya nagtanong?”

"Wala talaga." Napuno ng lungkot ang mukha ni Alberta. Agad din namang nawala ‘yon nang ngumiti ito at yumukod nang kaunti sa lamesa “Ako na lang ang magtatanong. Bakit ka nga ba napauwi? Ilang buwan na lang ay ga-graduate ka na. Nag-away na naman ba kayo ni Francine?"

"Hindi."

Tumuwid ito ng upo bago kumagat sa ginawang sandwich. "Kung ganoon, eh bakit ka nandito? May nangyari ba?”

"Na-expel ako."

Noon gumawa ng ingay ang tasang katabi ni Albreta. Nabunggo kasi ng matanda ‘yon nang tampalin nito ang lamesa. "Diyos ko naman, Margaux! Bakit gumawa ka na naman ng ikakasira ng pangalan ng Don? Wala ka na ba talagang gagawing tama? Ganito na lang lagi."

Walang tigil ang sermon ni Alberta. Masakit ‘yon sa tainga, pero nanatiling blangko ang ekspresyon ni Margaux.

Ilang minuto pa ang lumipas bago napagod ang katulong nila. Nang tumigil sa pagsasalita ang matanda ay agad na tumayo si Margaux bitbit ang kaniyang laptop.

"Tapos ka na?” malamig na tanong niya habang pinanonood ang namumula sa galit na si Alberta. “Hindi mo naman siguro mamasamain kung iiwan muna kita. Pareho lang naman tayong nawalan ng gana—” 

“Iyan! 'Yan ang natutunan mo habang nagkokolehiyo ka!“

“Mali! Ito ang natutunan ko nang mapag-isip-isip kong hindi nga pala kita dapat pinakikinggan!"

What Margaux said made Alberta shut up for a while. Ilang beses nagpalit ng ekspresyon ang mukha nito, bago sa huli ay dismayadong umiling. “Lumaki kang walang modo—”

“Syempre, parang ikaw,” putol ni Margaux sa iba pang sasabihin ng matanda. Then with an intimidating glare, she raised her chin and spat, “Nakakalimutan mo yatang sinuswelduhan ka lang ni Papa. Just in case you forgot, katulong lang kita, Alberta. Hindi kita kaano-ano.”

Nakakarinding katahimikan ang sumunod doon. Nang hindi na niya matiis ang mapanghusgang tingin ng kaharap ay padabog na umalis ng dining room si Margaux.

It was given that Alberta had taken care of her since her mother died. Pero dapat ba talagang ganito? The old woman was already controlling her beyond acceptable.

.

.

.

A SWEET SMILE BROKE MARGAUX LIPS upon seeing how far she was from the villa. Ilang minuto matapos ang sagutan nila ni Alberta ay sa tuktok ng burol na iyon siya napapadpad.

The grass beneath her felt soft against her skin. Hindi rin masyadong mainit ang araw. Tamang-tama lang para makapag-relax naman siya nang kaunti.

It was the confrontation earlier that led her back to that place. Dito rin kasi siya madalas maglaro noong bata pa siya.

She couldn’t be more thankful that her father hadn’t really sold the place. Hindi niya man alam kung bakit tinago ng kaniyang ama ang bagay na ‘yon, masaya naman siya na kahit paano. May natitira pa pa lang alaala ang kabataan niya.

Lumapad ang ngiti ni Margaux nang mapadako ang tingin niya sa malagong puno sa ibabaw ng burol. She felt nostalgic upon seeing an old tree house, almost hidden behind the leaves and branches.

Mabagal siyang bumangon at binitbit ang laptop na nakalapag sa kaniyang tabi. Bakas ang excitement sa kaniya nang magsimula siyang lumakad papalapit sa malaking puno.

Ilang taon na rin ang nakakaraan mula nang huling beses siyang napadpad doon. Ganoon pa man ay pareho pa rin ang epekto ng lugar sa kaniya― it was still magical.

“Mama,” naibulong niya habang tinitingala ang lumang tree house. She could still clearly remember the day Alicia surprised her with it. Pang-apat na kaarawan niya noon at ito ang niregalo ng kaniyang ina. That was also the very same year she decided what she wanted to be when she grew up. Tinanong siya nito at ang sabi niya, gusto niya rin maging ballerina, tulad nito.

Dito nauubos ang maghapon nila noon. Dito rin siya natutong sumayaw sa istilo ng kaniyang ina.

The funny thing was, hindi lang paglalaro at pagsasayaw ang tinuro ng kaniyang napakabait na mama. Pati na rin walang kapagurang paghihintay para sa isang taong maalala sila’t dili ay naituro nito.

"Busy kasi si Papa," bukam-bibig ni Alicia kapag nagtatanong siya tungkol sa kaniyang Papa Alejandro. Bakit nga ba kasi ‘yong mga schoolmates niya, araw-araw sinusundo ng mga tatay nito sa school samantalang siya hindi?

Hindi niya naintindihan ang sinabi ng nanay niya noon, pero kontento siya sa piling nito. Alicia had filled her young heart with so much love at masayang-masaya siya. Sa kaniya binuhos ng kaniyang mama ang pagmamahal nito dahil laging wala ang kaniyang papa. Personal na inaasikaso nito lahat ng pangangailangan niya at hindi siya basta-basta iniiwan sa mga katulong nila.

She was certain that she didn't need a father back then. Alicia was everything to her. Her mother kept her feeling secured and loved all throughout.

Hanggang sa isang araw, basta na lang hindi lumabas ng k’warto si Alicia. Hindi rin siya pinagluto ng agahan nito o pinaliguan man lang. She missed her ballet class that day. Hindi rin siya naka-attend sa lahat ng klase niya sa regular school. Her afternoon nap had passed. Gutom na gutom na siya nang mapadpad siya sa servants’ quarters nila.

Starving and upset, she found herself knocking on the nearest room. That was when the younger Alberta opened the door for her and asked her why she was crying.

"Tulog pa si Mama..."

Mabait si Alberta. Agad na binuhat siya nito at pinagluto ng makakain. Kaya lang ay hindi kasing sarap magluto ni Alberta ang kaniyang mama. Pinaliguan din siya nito at inayusan ng buhok. Kaso hindi pa rin maikukumpara kung gaano kagaling ang kaniyang Mama Alicia sa pag-aalaga ng buhok niya.

Akay-akay siya ni Alberta nang umakyat sila sa k’warto ng kaniyang Mama Alicia. Sinenyasan siya nito na mag-behave bago ito nagsimulang kumatok.

Sa una ay mahina lang ang pagtawag ni Albeta. Hanggang sa naging sunod-sunod ang pagkatok nito, at noong huli, tarantang binabayo na nito ang pinto.

Diyos ko po! Si Madam! Tulungan ninyo ‘ko! Si Madam!” Malinaw pa sa isip ni Margaux kung paanong tumakbo si Alberta papunta sa hagdanan. Nang bumalik ang katulong nila ay may kasama na itong dalawang g'wardiya.

Nagsisigawan ang mga ito, pero wala siyang maintindihan. Sa tingin niya, nawala na rin sa isip ng mga ito na naroon siya habang natataranta ang mga ito.

Umiiyak at nanginginig si Alberta kaya ilang ulit itong nagkamali sa pagbubukas ng pinto. Hindi nito mai-shoot ang susi sa knob hanggang sa tulungan na ito ng kasama nito.

She could remember feeling very curious the whole time. Napakabata pa niya para maunawaan kung bakit nagsisisigaw nang malakas si Alberta nang sa wakas ay bumukas ang pintong kaharap nila.

Mama?” was the only word she was able to say upon seeing Alicia for the first time that day. Namangha pa nga siya kasi nakalutang sa ere ang kaniyang ina habang nakapikit ang mga mata. Her mother’s hair was a mess. May matapang na amoy ng alak na nagmumula sa k’warto at sa paanan nito ay may natapong bote ng chardonnay. May nabasang larawan din sa hindi kalayuan. Nabitawan siguro ni Alicia ang mga ‘yon nang lumutang ito.

It was only later that day that Alberta explained everything to her. Batang-bata pa siya kaya ang sabi ni Alberta, naging anghel na raw si Alicia. That was both sad and good. Malungkot, kasi hindi na niya makikita ang mama niya. At mabuti, kasi pupunta na sa heaven si Alicia.

Ni hindi niya nga alam ang konsepto ng suicide noon. Basta na lang siya naniwala na gustong maging anghel ni Alicia kaya ito nagbigti sa bedpost.

Ilang taon na ang nakakaraan, pero hanggang ngayon ay hinuhulaan pa rin ni Margaux ang dahilan ng pagpapakamatay ng kaniyang mama. Pakiramdam niya ay may kinalaman ang larawang nasira ng alak, pero hanggang ngayon ay hindi na niya nakita ulit ang larawan.

Someone must have taken it. Kung sino man ‘yon ay hindi niya rin alam.

"Mama, sorry I was late." Nangilid ang mga luha ni Margaux nang sa wakas ay mahawakan muli ang magaspang na balat ng puno.

She could still feel Alicia’s memories there. The short time she shared with her mother was bitter and sweet. Ni hindi man lang umabot ng isang dekada ang pagkakakilala niya rito, pero mas matimbang pa rin ‘yon kumpara sa pinagsamahan nila ng kaniyang ama.

Margaux was lost in memories when her fingers instinctively, yet very gracefully, flicked. Before she knew it, humahakbang na pala siya palayo sa puno kasabay ng pag-angat ng kaniyang mga braso.

She was the epitome of perfection when she assumed Alicia’s dancing posture: back arched, chest out, and her arms mildly folded in front of her, ready for the next movement.

Hindi lumipas ang minuto nang magsimula siyang sumayaw. She was both wild and enchanting as she set dried leaves in the air with every turn.

She was reliving the way her mother danced for her inside her heart. And inside her mind, she was recalling what Alicia taught her best too. Which is…. Ang walang humpay na hintayin ang pagbabalik ni Alejandro.

.

.

.

GABI NA NANG MAKAUWI SI MARGAUX. Patay na ang ilaw sa buong kabahayan, pero nagpapasalamat siya na hindi naman siya kinanduhan ng pinto ni Nana Alberta.

Pagod na siya at nangangati na rin siya dahil sa mga tuyong dahon na kumapit sa kaniyang damit. She couldn’t care less about those though, because enjoyed what she did.

Kaiba sa ginagawa niya sa University ay malaya siyang gumalaw kanina. She danced without rules and without teachers telling her what to do. She mimicked Alicia’s movements, and added her own style to it.

Mabilis na narating ni Margaux ang grand staircase. Kahit madilim ay halos takbuhin niya ang direksyon ng kaniyang k’warto. Gustong-gusto na niyang mag-shower at kumain ng hapunan. Nasa hallway na siya ng second floor nang bigla siyang mapahinto sa harapan ng guest room.

Amber...’ May kung anong p’wersa ang humila sa kaniya para mabagal na buksan ang pintong ‘yon.

She held her breath when the smell of alcohol hit her nerves and distracted her a bit. Ganoon pa man ay hindi siya napigil niyon sa pagpasok sa k’warto.

She couldn't explain her actions either. Her heartbeat was resonating with the noise of the oxygen set-up inside the room.

Nang maisara niya ang pinto ay saka pa lang siya naglakas-loob na tingnan ang lalaki sa gitna ng malaking kama.

Her mouth immediately dried just by the mere glimpse of him. He wasn’t moving a bit. Nakakabit pa rin dito ang kung ano-anong klaseng life-support habang natutulog ito.

Natutulog nga ba?’ Margaux shrugged her shoulders. She once read in a health magazine na kahit walang-malay ay nakakarinig pa rin ang mga pasyenteng nasa short state ng comatose. Totoo kaya ‘yon? She hoped not. Mahaba-habang paliwanagan kasi ang gagawin niya sa bisita nila kung sakali.

"Hey, big man!" Mahinang natawa si Margaux. Here lays an astoundingly handsome man, pero ang utak niya, hindi mapigil isipin ang itsura nito sa ilalim ng kumot.

It was hard to forget such size. Although she wasn’t as wild as many people thought, hindi naman siya manhid para walang maramdamang kakaiba nang makita ang hubad na katawan nito.

Gosh! Ano bang sinasabi ko?’ Hinamig ni Margaux ang sarili bago maingat na nilapag ang kaniyang laptop sa kama. She felt tingles quickly engulf her fingertips when she bent to check his oxygen mask.

Ang totoo ay gusto niya lang masigurong hindi ito nagkaka-rashes dahil maghapon nitong suot ang mask na iyon. Margaux knew that she should leave after she confirmed that he was fine. However, her hand just kept feeling him leisurely, lining the garter of his mask with her fingertips.

Kapanghasan. Iyon lang ang naiisip niyang itawag sa ginawa niya nang bigla niyang hatakin pababa ang mask ng binata at mabilis na itukod ng kaniyang mga braso sa magkabilang unan nito. Napatutok ang kaniyang tingin sa bibig ng estranghero nang kusang umawang iyon para sumagap ng hangin. 

Hindi alam ni Margaux kung bakit, pero nakaramdam siya ng kakaibang sabik. Sure, he looked skinnier now compared to when they first met, but his effect on her remained the same. 

Gusto niyang murahin ang kaniyang sarili nang mas yumukod pa siya. Then, just before she could control herself, she did just exactly what a huge part of her was yearning to do— hinalikan niya ito.

Akmang puputulin na ni Margaux ang halik nang bigla siyang mapaigtad kasunod ng tarantang pagsusuot ulit ng mask sa binata.

The man’s chest was still heaving like crazy, bigla ring nag-alarm ang oxygen meter sa tabi ng higaan nito. Kapos na kapos ito sa hininga dahil sa ginawa niya kaya natakot siya na baka magising ito. 

What the fuck did I do?’ Napatuptop si Margaux sa kaniyang bibig. Nang magpantay na ulit ang paghinga ng binata at nagnormal ang oxygen meter nito ay saka palang siya kumilos mula sa inuupuan.

She grabbed her laptop and bolted out of that place in silence. Tuptop niya pa rin ang kaniyang bibig nang abutin niya ang kaniyang k’warto at magmadali siyang pumasok doon.

She couldn’t be wrong— the brute kissed her back! 

Hindi niya alam kung aware ba ito or reflex reaction lang ‘yon. Pero sapat ang init na gumapang sa kaniya para manlambot ang kaniyang mga tuhod.

Shit!’ Muntik pa siyang madulas nang dumiretso siya sa kaniyang private bathroom. Ni hindi na siya nag-abalang maghubad nang basta na lang niyang buksan ang shower at itutok ang sarili roon.

“Damn you, Amber.” She closed her eyes in defeat. “Damn you for making me feel this hot.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
bokchoy
ay hala. hahahahaha .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status