Share

TOYS

GABI NA NANG MAKALABAS SI MARGAUX mula sa villa. It was a bad morning followed by an even worse day. Tinaob na niya lahat ng pwede niyang pagtaguan ng gamit, pero hindi man lang niya nakita ang kanyang phone.

Okay lang sana 'yon eh. P'wede naman niyang utusan na lang ang mga katulong nila na ibili siya ng phone. Kaso nga lang ay may hinihintay siyang tawag. Paano kung mahipan ng masamang hangin ang kanyang ama at biglang matutong mag-dial?

'Psh! Ano ba namang kamalasan ito?' Margaux rolled her eyes before dropping her bag on the ground. Malamig naman sa ibabaw ng burol, pero ang ulo niya mainit pa rin.

Ilang breathe in at breathe out ang kanyang ginawa. Pamayamaya pa'y padabog niyang hinugot ang kanyang ipod, portable speaker, at isang bote ng Carlo Rossi mula sa kanyang backpack. She arranged all of them on top of the wooden table there.

Dagli niyang sinuyod ng tingin ang paligid. Mga puno at ang kanyang abandonadong tree house lang ang nakita niya. Wala naman sigurong mabubulahaw na engkanto rito kung magbe-vent out siya ng inis, 'di ba? More so, wala naman sigurong ubod ng g'wapong lalaking bigla na lang susulpot doon at makikipaglamasan ng boob sa kanya.

'Oh, my God! Margaux, move on!' Gigil na binuksan niya ang bote ng alak at tinungga. Umangat din ang isa pang kamay niya para pisil-pisilin ang magkabila niyang dibdib. Medyo masakit pa. It was like her breasts could still remember how the brute played with them last night.

'Ugh! Enough!' Binaba niya ang iniinom at galit na pinagpipindot ang mga buton ng speaker. Some seconds more, and her mother's favorite music filled the place.

She walked on her tiptoes and arched both of her arms delicately. Her slender body took the perfect posture of her mother: stomach in, chest out, one leg forward, and chin up. She then hardened her face the same way her mother would. Pagkatapos niyon ay mabibilis ang mga pagkilos na sinabayan niya ang musikang bumabasag sa katahimikan ng buong lugar.

It was a sonata composed by her father. His first and last composition na sa pagkakaalala niya ay sinulat nito ilang taon matapos itong ikasal sa kanyang Mama.

It was an angst ridden rhythm: mabilis, masalimuot, at magulo. Its beat was a total irony of its very sweet title—Sa Aking Pinakamamahal. O gaya ng mismong pagkakasulat nito sa lumang notebook nito — 'Alla mia Amata'.

The music's title was a puzzle to her. Nonetheless, she couldn't deny how talented her papa must be to make such a masterpiece. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang musikang sinulat ng kanyang ama para sa kanyang Mama Alicia. Halos wasakin nito ang piano, na tila galit na galit ito habang tumitipa.

It was 'Alla mia Amata', right? Not war music. Hindi dapat ganito kabilis at salimuot ang mga nota nito. Every note of that sonata was livid. It wasn't even close to a love song at all.

Pati ang pagsasayaw sa saliw ng musikang ito ay hindi maihahantulad sa pagmamahal. Mahirap sabayan ang gaslaw at bilis ng tunog nito. But then, that was what dancers were supposed to do, and Margaux was able to follow the beat. She was graceful and stunning with every turn and stomp.

Nasa gitna siya nang mabilis na pagsasayaw nang bigla siyang mapahinto. Her gaze caught a tree nearby. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan nang mapagawi roon ang paningin niya. She felt weird. Bakit parang may nanonood sa kanya mula sa likod niyon?

'Stop scaring yourself, Margaux.' Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Wala naman siyang stalker, at sa pagkakaalam niya ay wala rin silang mga tauhan na nagagawi sa lugar na 'yon. The hill she was on was a bit secluded. Mas maraming magagandang parte ang villa para pagpahingahan ng mga tauhan nila.

With that in mind, Margaux decided to end her routine and walk back to her things. Nagmamadali niyang niligpit ang mga gamit niya mula sa lamesa at sinukbit ang kanyang backpack. The last thing she grabbed was the bottle of wine. Binitbit niya na lang 'yon bago siya lumakad palapit sa lumang tree house.

"I brought you Carlo Rossi, Ma. I know it's not your brand, pero pwede na," sabi niya pa habang umaakyat sa hagdanan. "Pa-over night, ha? Medyo toxic kasi sa bahay, kaya sasamahan na lang kitang maghintay kay Papa— SHIT!"

Naputol ang pagsasalita ni Margaux nang walang babalang mabali ang inaapakan niyang baitang. She tried to grip on the handrails, but the huge bag behind her pulled her back.

Hindi man lang siya nakasigaw nang bumulusok siya pababa. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at napapikit na lang siya sa takot.

She wasn't even given a chance to think. Sigurado na siyang hahampas siya sa malamig na lupa nang biglang may humagip sa kanyang baywang at nahihintakutang kumapit siya rito.

'Help me.' She held on to that thing for dear life. She was still out of her wits nang maramdaman naman niya ang maligsing pagbibit nito sa kanya palayo kasunod nang malakas na pagkabasag ng bote.

"My God!" napatili siya. Goodness! Muntik na siyang mabagsakan ng wine bottle na hawak niya kanina kung hindi naiiwas ng kayakap.

It was hard to recall how long she clung to that body. Her heart was in her throat, at hindi matapos-tapos ang panginginig ng kanyang mga tuhod.

"Let go." Then there was that manly voice that woke her up from her trance. May kakaibang init 'yon kahit pa nga napakatigas ng utos nito. Ironically, her whole body calmed down. Na para bang alam ng katawan niya na ligtas siya habang nasa mga bisig nito.

"Margaux, I said, let the fuck go."

Noon lang siya dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Parang bulang pumutok ang mahikang bumabalot sa kanya nang mapagsino ang kasama.

"Rome—Aww!" Hindi na siya nakahuma nang bigla siyang bitawan ng binata. Nakaligtas nga siya mula sa mataas na hagdanan, pero hindi naman siya nakaligtas na malaglag mula sa katawan nito.

She could have cursed him when she painfully fell on her butt. Kaso ay hindi niya inaasahan na sobrang bilis pala nitong kumilos. The moment she stood up, nakalayo na ang lalaki at malapit na sa paanan ng burol.

'What the eff?' Margaux's jaw dropped while watching him walked away. How did he do that? Hindi naman mukhang nagmamadali si Rome, pero bakit parang ang bilis nitong lagpasan ang mga nadadaanan nito? Truth be told, the brute even looked graceful while walking, na tila ba aral na aral ang bawat kilos nito.

Nataranta si Margaux sa paghuhubad ng kanyang sandals. She didn't know what had gotten to her, but she wanted him to stop. Bago pa niya maisip ang gagawin niya ay ubos-lakas na niyang naibato ang hawak.

Nasapul niya sa likuran si Rome. She was expecting him to turn around and scream at her but he didn't. Bagkus ay nagpatuloy lang ito sa paghakbang.

'The hell?' Napakunot-noo si Margaux nang hindi man lang bumagal ang kilos ng binata.

She quickly took her other sandals off. Umakma siyang ibabato ulit 'yon kay Rome nang bigla itong magsalita.

"Subukan mo lang ibato 'yan ulit, cara mia." The brute cocked his head without much of a look back. "Ako na ang nagsasabi sa'yo, hindi mo gugustuhing balikan kita d'yan."

***

'FUCK!' ROME HAD TO STOP MIDWAY when something warm and wet trickled down his side. Napadakot siya sa kanyang tagiliran nang masundan nang matinding kirot iyon.

Gritting his teeth, he pushed his back against one of the trees he was passing by. Kinapa niya ang nakapalibot na benda sa kanyang baywang bago siya muling napamura. Basang-basa kasi 'yon. He knew it, catching Margaux earlier would make him bleed.

Wala naman talaga siyang balak magpakita rito kanina. Iyon nga lang ay hindi niya napigil ang kanyang reaksyon nang makitang malalaglag ito sa hagdanan. Kusang nakipaghabulan sa oras ang katawan niya, para iligtas si Margaux.

Would anyone believe it? He even embraced his enemy's daughter protectively. Na para bang napakahalaga nito sa kanya, at hindi niya mapaptawad ang sarili kapag nagasgasan man lang ito.

Aburidong ipinilig ni Rome ang kanyang ulo. Bakit ba kasi huminto pa siya roon samantalang may iba siyang dapat gawin?

Oo nga't napakaganda ni Margaux. Para itong diwata na napadpad sa ibabaw ng burol. However, the question is, sapat bang rason 'yon para makalimutan niya ang kanyang misyon? He hoped not. Ang tagal na niyang plinano ang pagtupad sa pangarap ng kanyang ama.

It was hard to explain, pero pakiramdam ni Rome ay biglang bumagal ang oras nang makita niya ang dalaga. She held him captive, and he just couldn't walk away. He was mesmerized by everything about her; from the way her smooth skin glowed under the moonlight, how her soft hair swayed which each turn, and to the way her body sensually arched in tune of that cruel music.

'Hindi na tama ito.' Napahilamos ng mukha si Rome. Saglit lang niyang nayakap si Margaux, pero ito na naman siya—nawawala sa sarili.

It took him almost three minutes to recover. Nang makabawi ay saka niya pa lang tinuloy ang pagtakbo sa madilim na kakahuyan.

He was fast, and as silent as a ghost. He turned left upon reaching the darker side of the plantation. Sigurado ang mga hakbang na binabaybay niya ang pagitan ng mga nagtataasang puno at pader na nakapalibot sa buong lupain.

Maghapon niyang kinabisado ang blueprint ng buong lugar. He received a copy of it after he contacted his secretary, Lucille. Mahalaga sa kanya ang malaman lahat ng posibleng lagusan sa lugar na 'yon. He is a spy, after all. Sooner or later ay kakailanganin niya ang isang escape route.

Huminto si Rome sa pagtakbo nang marating niya ang dulo ng bakuran. There was another wall in front of him, at kung tama ang alala niya ay may bakanteng lote sa likod niyon.

'Ten to twelve feet,' he mentally calculated the wall's height while giving it a slow once-over. Pagkatapos niyon ay ilang ulit siyang humakbang paatras na tila may kinakalkula naman siya sa sahig.

Rome looked fearless when he gazed back at the intimidating wall one more time. Then, the next thing the world saw was how a trained spy swiftly charged the wall, leveraged both of his arms on the top of it, and landed effortlessly on its other side. Ni hindi gumawa ng ingay ang mga naapakan niyang tuyong dahon.

He could have passed for a ghost, kung hindi siya napasalo sa kanyang tagiliran kasabay nang marahas na pagbuga ng hangin. The pain on his side just got worse. Ganoon pa man ay binalewala niya 'yon nang tahimik niyang suyurin ng tingin ang paligid.

"You're ten minutes and a half late, Maestro."

"Lucille." Tumigil ang paghahanap ni Rome nang makita niya ang isang itim na sasakyan sa hindi kalayuan. It was a hummer, and it was partly hidden behind the bushes. Sadya ring pinatay ang headlights nito para hindi maging kapansin-pansin.

"Kanina ka pa d'yan?" He started walking towards the car. Sandali niya lang tiningnan ang babaeng nakaupo sa hood niyon, bago niya binuksan ang passenger's seat. He went straight to rummaging through the luggage there. "Nadala mo ba lahat?"

"Si, Maestro." His pixie haired secretary respectfully nodded. Pagkatapos niyon ay maingat itong bumaba mula sa hood, lumigid sa kotse, at huminto naman sa likod ng pick-up truck. "And to answer your other question, Si. Kanina pa po ako narito. May nangyari po ba sa inyo, Maestro? Gusto ninyo po bang ipadala ko rito si Tadeo para maalalayan kayo sa misyon—"

"Huwag na," Rome quickly cut the woman off before pulling a black casket from under the driver's seat. Hindi naman niya masasabi ritong pinanood niya pang magsayaw si Margaux bago siya pumunta sa tagpuan nila, 'di ba? That was outside of his mission. Plus, hindi rin naman 'yon ganoon kaimportante. He was sure that he would get over his lust for her, oras na matikman niya ito nang minsan.

Sigurado ang mga galaw niya nang buksan aniya ng hawak na leather casket. Kasabay naman niyon ay ang paglapit muli ni Lucille habang akay ang paborito niyang sasakyan. It was his raven black Ducati.

"Ipaalam ninyo po sa 'kin kung may iba pa kayong kakailanganin, Maestro." Muling yumukod si Lucille pagkatapos ihimpil ang motor sa kanyang tabi.

Kaysa tumugon ay binalik naman ni Rome ang tingin sa hawak niyang hard casket. A satisfied smirk cracked his lips upon recognizing the beautiful thing lying inside it.

It was his SVLK-14S, a sniper gun with a bullet speed of one kilometer per second. It was made of pure steel and its color was obsidian. It looks ruthless under the pale moonlight. Na para bang handang-handa itong kumitil ng buhay.

'This is perfect. ' He nodded his head. 'Saktong-sakto lang na ipampaslang sa ama ni Margaux.'

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Macario Vequizo
very nice storys.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status