Share

AMBASSADOR

"OH..." NAPAUNGOL SI MARGAUX nang magising na parang binabarena ang kanyang ulo. Hindi na bago ang hangover sa kanya, pero iba talaga ang tama ng sakit ng ulo niya ngayon —tumutugon sa buong katawan.

'God, ganoon ba karami ang nainom ko kagabi?' Napahikab siya kasabay ng pagtatalukbong ng kumot. The soft mattress beneath her felt heavenly. Idagdag pa roon ang napakalinis at preskong amoy ng kanyang unan..

She couldn't recall buying anything that smelled like her pillowcase. Napakabango niyon pero hindi masakit sa ilong. It actually smelled like mint shampoo mixed with aftershave. Mild lang 'yon pero lalaking-lalaki.

'A man...' Namaluktot si Margaux sa ilalim ng kumot. Agad din siyang napasimangot dahil sa pagkirot ng kanyang mga dibdib nang aksidente niya itong masagi. Her eyes were still closed when she cupped her swollen breasts. Magkaka-mens na ba siya? Bakit parang namaga yata sa ang kanyang mga boobs? 'Kung ano-anong iniisip mo. Sino naman ang lalamas sa'yo—'

"Good morning, cara mia."

"Good morning, caro— Shit!"

Bigla napabalikwas mula sa pagkakahiga si Margaux. Umikot pa ang kanyang paningin kaya nailipat niya ang pagsalo mula sa dibidb papunta sa kanyang ulo.

She was still very disoriented when she winced her eyes and gave the place a slow once-over. Puting dingding ang una niyang nakita. Puti rin ang mga kurtina, at pati ang kumot na nakatakip kanya mula baywang pababa. 'N-Nasaan ako?'

"You slept well."

Umigkas ang leeg ni Margaux nang lingunin niya ang nagsalita. Her jaw literally dropped upon recognizing who was watching her from nearby. There. Nakaupo ito sa single sofa habang titig na titig sa kanya.

"May masakit ba sa'yo?"

'Oh my God!' Hindi siya agad nakakibo. Actually, nakalimutan niya bigla pati pananakit ng kanyang katawan.

Darn how the brute looked regal while sitting on that single sofa. Simple lang ang suot nitong t-shirt at jeans pero—wow. Matagal na siyang aware na maaring may dugong banyaga ang bisita nila. Ganoon pa man, ito pa rin ang unang beses na naobserbahan niya nang ganito kalapit. His eyes were lighter than she first thought.

"I hope you didn't leave your tongue on the bed."

"Ha?" Nagkanda-pilay ang leeg ni Margaux nang sunod-sunod siyang umiling. Daig niya pa ang nakainom ng kape nang magmadali siyang bumaba ng kama at subukang tumayo.

"Aww." Napangiwi siya nang akma na siyang lalakad at pasalampak na mapaupo ulit. God! Ano ba ang unang sasaluhin niya? Ang mga dibdib niya? Ang balakang niya? O ang ulo niyang pimipitik sa kitot? 'Hindi na lang basta hangover o mens ito. Parang may something. Mas para akong binalibag sa sahig?'

"Take your meds. Nasa ibabaw ng—"

"Fudge!" Bigla siyang napatayo nang may kung anong maalala. 'Tama! Bumagsak ako sa sahig kagabi!'

She was feeling low because of her emails, kaya nagpunta siya sa wine cellar ng kanyang papa para uminom. She was about to go back to her room when she came across someone in the hallway.

Ang kasunod na naalala niya ay nakahiga na siya sa sahig habang mainit na nakikipaghalikan sa isang lalaki at nakikipaglamasan ng kanyang mga... 'My boobies!'

Napayuko siya sa kanyang mga dibdib at lalo siyang nawindang nang makitang nakabakat ang kanyang mga nipples sa suot na oversized sando.

Mabilis na napahalukipkip siya para takpan ang kanyang mga dibdib, pero nang gawin niya 'yon ay umakyat naman ang laylayan ng kanyang suot. For Pete's sake! Nag-hello sa gwapong bisita nila ang singit niya. Tuloy ay tarantang nahatak niya ulit pababa ang damit para takpan ang kanyang pagkababae.

"W-where are my panties?"

"Take your advil—"

"Jesus Christ! Where the fuck are my clothes?"

"Nasa bathroom. Sinukahan mo. Nilabhan ko." He deadpanned her anger and shrugged. Na para bang wala lang dito na hinawakan nito ang mga undergarments niya at nilabhan pa.

Hindi makapaniwalang napanganga si Margaux. Hindi niya alam kung maiirita ba siya dahil nakikita niyang napakakalmante lang nito samantalang aligaga na siya.

"Anong oras na?" she asked before wobbly trudging to the closet. Sumasakit talaga ang buong katawan niya. Bukod sa mainit na make-out session nila sa hallway ay ano pa kaya ang ginawa nila kagabi?

She cleared her throat before asking, "Hey, you! Did we fuck?"

"Mag-aalas-nuebe na." The mysterious stranger sighed. Pagkatapos ay tumayo ito mula sa couch at sumunod sa kanya papunta sa closet.

"Masakit ang buong katawan ko. Just freaking tell me if we fucked, para isang gulatan na lang."

"For a virgin, medyo matabil ka."

Napahinto si Margaux mula sa pagbubukas ng closet. How'd he know that she was a virgin? Hindi kaya may nangyari talaga sa kanila kaya masakit ang buong katawan niya? Pero grabe ha! Bakit parang pati mga buto niya magkakalas-kalas? Paano ba siya ginalaw nito? Sine-sex habang hinahampas sa pader?

Bigla niyang napagdikit ang mga hita. Medyo mahapdi ang kanyang sentro, pero hindi naman tulad ng nasa napapanood niya sa pelikula. Shoot! Naibigay niya ba talaga ang pagkababae rito nang hindi niya alam?

" Nakita ko na lahat 'yan, Margaux."

"Ano?"

"Nakita ko na lahat-lahat," he coldly repeated while lazily cocking his head.

Napapitlag pa si Margaux nang ang lalaki mismo ang magbukas ng kaharap niyang aparador at humatak ng damit mula roon. He was standing too close behind her, at damang-dama niya ang mainit na hininga nito sa kanyang batok. She slowly closed her eyes. 'Shit.'

"Wear this."

"I-I..."

"Your pretty ass has no other choice," putol nito sa pag-utal niya bago inabot ang kanyang kamay. Hindi siya makagalaw kaya ito na rin ang nagbukas ng palad niya, bago nilagay sa loob niyon ang hawak nito.

Nasa likod niya pa rin ito at nakadikit ang kanyang likod sa matigas nitong dibdib. May masarap na klase ng init na pumapaso sa kanya, pero ayaw naman niyang lumayo.

"'Isoli mo 'yan mamaya," bulong nito sa tainga niya— blowing the words seductively onto her skin. Ito na rin ang kusang nagsara ng kanyang kamay para mahawakan niya ang binigay nitong...'Boxer?'

Her neck almost popped when she abruptly turned. Nawala sa loob niyang nasa likod lang niya ito kaya muntikan pa silang mauntog sa isa't isa. Napakalapit nito sa kanya na kapag tumingkayad pa siya ng kaunti ay mahahalikan na niya ito.

Time froze for both of them. Pero ang puso niya, lalo lang nagwala nang malapitan niyang matitigan ang kasama.

Hindi niya na alam kung gaano sila katagal na tumayo lang doon hanggang sa mamigat ang mga talukap ng kanyang mata at unti-unting sumara ang mga 'yon.

'Oh, my God. Bakit ang bango ng lalaking ito?'

"Cover your pretty ass, cara."

"Huh?" It was he who broke the magic. Bigla tuloy napadilat si Margaux.

Ang sumunod na nakita niya ay nakabalik na sa single sofa ang binata. Nakasandal na ulit ito roon habang nakapikit ang mga mata. His face was dead cold when he spoke. "Funny. I couldn't bear the shit of covering your perfect ass myself, cara. Kaya hindi na kita sinuotan ng pang-ibaba kagabi."

Umawang at sumara ang bibig ni Margaux. Tama ba ang narinig niya? Labag daw sa kalooban nitong suotan siya ng underwear! Ano naman ang maari niyang isagot doon?

"It's... Umh..." Napamwestra siya ng kamay sa kawalan ng masabi. "It's actually very kind of you, naisipan mo rin pala akong suotan ng panty—"

"May dalawang minuto ka para isuot ang boxer na 'yan."

"T-tapos?"

"Tumakbo ka."

She blinked repeatedly. She was getting even more confused. "Ano kamo?"

"Sabi ko, tumakbo ka."

Lalong nakaramdam ng inis si Margaux. Napipikon siyang makita na nagre-relax lang ang damuho samantalang hinuhulaan niya pa rin kung naibigay niya ba rito ang virginity niya o hindi. "Margaux, ang pangalan ko. Hindi cara o mia."

"Then call me Rome. Hindi ako si Amber, at hindi rin ako si caro."

"Aba't—"

"Your time is running out. Isang minuto at tatlumpong segundo na lang." He finally turned his head to her. Ganoon pa man ay hindi pa rin ito nagmulat ng mga mata. Ni wala pa ring emosyon ang mukha nito. "Run or else."

"Or else what?"

"Or else, hindi ka na virgin na makakalabas ng k'warto."

"Shit!" Hindi na niya pinatapos magsalita ang kausap. Ilang segundo pa ay malalakas na yabag na lang ni Margaux ang narinig sa buong k'warto.

Nagkandatapilok-tapilok pa siya habang hinahatak paataas ang suot niyang boxer. Darn it! Saang lupalop ba talaga ng planeta nanggaling ang bisita nila?

"Ang bait mo naman!" she screamed as soon as she pushed the door open. Then, just before she slammed the door shut, she added, "Thank you so much for saving my virginity, sir. May utang akong hymen sa'yo, Pussy Ambassador!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status