BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater

BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater

By:  Lunayvaiine  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
539views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Kung hindi lang sa Ina na may malubhang sakit ay hindi gugustuhin ni Cressida na hanapin pa ang ama niya na nang-iwan sa kanila. Ama na ayaw niyang makilala. Labis ang nararamdaman niyang galit sa Ama dahil sa pagpapabaya neto sa kanilang mag-ina. Nang marating niya ang Hacienda Villa Hermosa kung nasaan sakop ng buong angkan ng mga Valdehueza ang lupain. Makikilala niya si Levi, ang anak ng kaniyang ama sa orihinal netong asawa. Kilala sa lugar na iyon si Levi bilang Leon. Walang sino man ang nakapapagpaamo sa mabangis na Leon. Ngunit, isang pangyayari ang naging dahilan para magtagpo ang landas nilang dalawa. Mapapaamo kaya ng isang inosenteng babae ang mabangis na Leon.

View More
BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
9 Chapters
CHAPTER 1
"Cressida, anak!" tawag ng ina ni Cressida sa kaniya mula sa kwarto. Agad naman siyang nagtungo upang alamin ang kailangan neto."Nay, may kailangan po ba kayo? huwag na po kayong tumayo baka mapano pa kayo." agad niyang inalalayan ang Ina.Palaging nakaratay ang Ina neto sa higaan, Hirap na itong maglakad dahil sa sakit neto. Gusto sana niya itong pa-operahan pero ang Ina na niya mismo ang tumanggi. Ayon sa Ina niya ay dagdag lang daw ito sa gastusin nila gayong nag-aaral pa siya. iskolar si Cressida at huling taon na niya sa Koleheyo. Matutupad na niya ang pangarap ng Ina niya na makapagtapos siya ng pag-aaral kaya minabuti na rin ng Ina niya na huwag magpagamot dahil magtatapos na siya. Madaming gastusin at kailangan sa eskwela.Kasalukuyan din siyang nagpa-part time job sa isang fast food chain. Kahit papano ay natutustusan niya ang pangangailangan nilang mag-Ina pati na rin sa mga kailangan nitong gamot. Ang Tiyahin niya minsan ang nag-aalaga at nagbabantay sa Nanay niya tuwing
Read more
CHAPTER 2
PASADO alas sais na nang gabi natapos ang shift ni Cressida sa kaniyang part-time job. Gusto pa sana niyang mag-extend ng oras para mas malaki ang sasahurin niya kaso walang maiiwan sa nanay niya nag-text kasi ang tiyahin na papauwiin siya ng maaga dahil nilalagnat ang mga bata. Gusto nga sana ni Cressida na doon na lang sa bahay nila tumira ang tiyahin niya at mga anak neto kaso ayaw din naman neto kasi baka maka-estorbo lang daw sa nanay niyang may sakit. Makukulet paman din ang mga pinsan niya. Kaya hindi na niya pinilit pa ang tiyahin niya.Agad naman niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Makoy para may sumundo sa kaniya sa kanto papasok sa kanila. Pagkababa kasi niya ng jeep ay wala na siyang masasakyan sa gan'ong oras. Lalo na kung traffic aabutin talaga siya ng halos dalawang oras. Lalo na sa pag-aabang ng masasakyan kapag uwian na pahirapan sa pagsakay ng jeep. Ilang taon din niyang tiniis ang gan'on kasi wala din naman siyang ibang choice. "Ang tagal mo ah," salubong sa k
Read more
CHAPTER 3
"Friend, alam mo na ba ang balita may bago daw estudyante ang alam ko ay anak siya ng School Director. Ito ba maldita daw iyon kaya nilipat iyan dito para magtino, nako ngayon pa lang malabo iyan. Baka magiging disaster pa kamo ang buong school year natin." Kadarating pa lang ni Cressida sa school ay iyon na agad ang bungad ni Celestine sa kanila. As usual hindi talaga mahuhuli sa chismis o kahit anong latest si Celestine lagi siyang updated sa lahat. Nagdududa na ang iba baka secret agent ito kaya laging alam ang lahat. Pero ayon naman kay Celestine, hobby niya lang talaga iyon sabagay napaka-keen observer din naman niya. Lahat napapansin neto kahit kaliit-liitang detalye ay gusto niyang alamin."Saan mo na naman nakuha ang impormasyong iyan Celestine nako ikaw ah, baka mapahamak ka niyan sa ginagawa mo." aniya sa kaibigan."Kanina kasi dumaan ako sa faculty para ihatid ang mga papers na inutos ni Miss. Santos e saktong pinakilala ng School Director ang anak niya sa mga teachers par
Read more
CHAPTER 4
Habang nasa klase sila Cressida, bigla silang pinatawag sa guidance office. Agad naman silang nagtinginan magkaibigan dahil alam na nila ano ang dahilan bakit sila pinatawag sa guidance.Hindi nga sila nagkamali magsusumbong talaga si Gianna sa Daddy niya.Pagdating nila sa office, nakita agad nila si Gianna nasa isang tabi. Siya lang mag-isa. Maya maya pa ay dumating na si School Director kasama at ibang faculty members. "Pinatawag ko kayong lahat dahil nakarating sa akin ang nangyare kahapon." panimula ni School Director."Miss. Fuentabella, maaari mo bang sabihin sa akin ang nangyare."dagdag niya pa.Napabuntong-hininga na lang si Cressida, hindi alam paano sisimulan. Hindi naman kasi niya nakita anong nangyare. Basta na lang siyang humandusay sa sahig at pinagtanggol ng kaibigan niya."Ahm, ang totoo po niyan hindi ko po alam ano sasabihin ko kasi bigla na lang po akong napadapa sa sahig kahapon. Ang sabi ng kaibigan ko ay tinulak po ako ni Gianna. Tinatanggi po niya ang ginawa n
Read more
CHAPTER 5
"Cressida, ang nanay mo!" Naalimpungatan si Cressida sa sigaw ng tiyahin niya. Halos talunin na niya ang higaan niya at patakbong nagtungo sa silid ng nanay niya.Namumutla ito at tila nahihirapan huminga. Agad niyang tinawagan ang kaibigang si Makoy nagpatulong sila para madala ang nanay niya sa ospital."Mabuti na lang at nadala niyo agad ang nanay mo dito kung natagalan ay baka mas lumala ang kondisyon niya." aniya ng doctor sa kaniya."Kumusta na ho ang nanay ko doc?""Nilalagnat ba ang nanay mo noong makaraan?""Medyo masama ang pakiramdam niya noong nakaraan pero hindi naman po nagtagal iyon.""Tumaas kasi temperature niya ngayon, isa iyon sa dahilan kaya namumutla at nahihirapan siyang huminga, lalo na sa kaso ng nanay mo na may malubhang sakit. Oobserbahan muna namin sya hangga't hindi pa bumababa ang temperature niya. Pero huwag kana mag-alala stable na siya ngayon.""Pwede ko na ho ba tingnan ang nanay ko." tumango naman ang doctor sa kaniya.Natutulog ang nanay niya nang p
Read more
CHAPTER 6
Ilang araw ng pinag-iisipan ni Cressida ang hiling ng nanay niya sa kaniya. Kahit pa sabihin neto sa kaniya na hinanap sila ng tatay niya. Hindi pa din maalis sa kaniya ang katotohanang pinabayaan sila. Hindi na sila muling binalikan ng tatay niya. Kasi kung gusto talaga ng tatay niya na kunin sila sana ay pinaglaban niya ito kahit pa pinagtabuyan ng paulit-ulit ng nanay niya ni Segundo.Kaya sobrang labag sa loob niya ang hiling ng nanay niyang hanapin pa si Segundo. Wala ni katiting sa puso niya ang kagustuhang makita pa ang tatay niya. Masaya na kasi siya na kasama niya ang nanay niyang tumayong ama't-ina sa kaniya. Ni minsan ay hindi pinaramdam sa kaniya ng ina niya na may kulang sa pagkatao niya. Lahat ng pagmamahal binuhos sa kaniya. Nagsumikap ito para mapag-aral siya. Kung hindi lang ito nagkasakit ay hindi siya mapipilitang mag-trabaho habang nag-aaral. Maganda kasi ang dating trabaho ng nanay niya. Staff ito sa isang pablika ng pagawaan ng mga bag. Nahinto ang nanay niya no
Read more
CHAPTER 7
Sobrang nagpapasalamat si Cressida sa mga kaibigan niya dahil nakalabas na ang nanay niya. Malaki ang naitulong ng mga ito sa mga inambag nilang tulong. Sa awa ng diyos ay medyo mubuti na ang lagay ng nanay niya. Inalalayan niya ang nanay niya tuwing may gagawin ito. Ang sabi kasi ng doctor ay huwag hayaan na laging nakahiga ang nanay niya. Kailangan ma-exercise din neto ang katawan. Isa kasi sa nagpapahina lalo sa katawan ng nanay niya ay ang palagi netong nakahiga. Nakaratay na kasi ito, wala itong lakas gusto rin kasi iyon ng nanay niya ayaw niya na mas mahirapan ang mga tao neto sa paligid niya. Kung hihingi man ito ng tulong ay tuwing kakain o pupunta lang ng banyo. Kaya naman pinakiusapan ni Cressida ang tiyahin niya na ilabas at alalayan ang nanay niyang maglakad-lakad sa labas. Para kahit papaano ay makalanghap din ito ng sariwang hangin. Kapag may bakante naman siyang oras ay siya na ang nag-aasikaso sa nanay niya."Tiyang papasok na ako. Kayo na po bahala kay nanay. Nilist
Read more
CHAPTER 8
Maagang dumating si Cressida para sa alas syete na klase nila. Alas sais pa lang ay nasa room na siya. Gusto niya kasi makapag-review nang tahimik. Sinamantala niya na wala pa ang mga kaklase niya kaya makakapag-review talaga siya ng maayos. Sa susunod na araw na kasi ang final exam nila. Wala na siya masyadong oras niyon kaya habang may pagkakataon siya. Inilalaan niya ang bakanteng oras niya pag-rereview.Maya maya pa ay nakaramdam siya ng gutom kaya bumaba muna siya. Para kumain sa canteen. Napansin naman niyang nagkukumpulan ang mga tao sa labas. Nagtataka siya kung bakit sakto namang paakyat ang mga kaibigan niya kaya sinalubong niya ito para tanungin."Anong meron doon?""Si Gianna bumalik na, ayon namigay ng libreng pagkain para bumango na naman pangalan niya dito sa school. Bait-baitan kunwari." aniya ni Shiloh na gigil talaga kay Gianna dahil sa ginawa neto sa kanilang magkakaibigan."Hayaan niyo na. Basta huwag na natin siyang patulan sa susunod. Baka baliktarin na tayo niya
Read more
CHAPTER 9
Nang sumunod na araw ay muli na naman nanggulo si Gianna hindi sa kanilang magkakaibigan kung hindi sa kaklase nila. "Sa una lang talaga mabait, kita mo nangugulo na naman siya. Problematic talaga ang taong 'to. Sa iba niya binubunton lahat ng problema niya sa buhay niya. Halatang hindi masaya sa buhay." ani Shiloh Nasa labas kasi sila nang matanaw nila ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng canteen. Ayaw na nilang makialam, nakausap na kasi nila ang secretary ng school director at mamayang hapon ay kakausapin nila ito tungkol sa behavior ni Gianna. Kailangan na yata ipatingin ito sa isang psychiatrist. Mahirap kasi pigilan ang behavior niya kahit patulan mo o hindi ay mas lalo lang lumalala."Hindi natin masisisi kung ganiyan siya tao kasi may ina na nag-alaga sa'tin. Samantalang siya bata pa lang ay wala ng ina na gumagabay sa paglaki niya.""Ida, alam naman namin iyon. Kahit nga ikaw kahit pinatulan mo na hindi pa rin siya tumigil. Magulang kasi dapat ang nagdedesiplina
Read more
DMCA.com Protection Status