Share

CHAPTER 3

"Friend, alam mo na ba ang balita may bago daw estudyante ang alam ko ay anak siya ng School Director. Ito ba m*****a daw iyon kaya nilipat iyan dito para magtino, nako ngayon pa lang malabo iyan. Baka magiging disaster pa kamo ang buong school year natin."

Kadarating pa lang ni Cressida sa school ay iyon na agad ang bungad ni Celestine sa kanila. As usual hindi talaga mahuhuli sa chismis o kahit anong latest si Celestine lagi siyang updated sa lahat. Nagdududa na ang iba baka secret agent ito kaya laging alam ang lahat. Pero ayon naman kay Celestine, hobby niya lang talaga iyon sabagay napaka-keen observer din naman niya. Lahat napapansin neto kahit kaliit-liitang detalye ay gusto niyang alamin.

"Saan mo na naman nakuha ang impormasyong iyan Celestine nako ikaw ah, baka mapahamak ka niyan sa ginagawa mo." aniya sa kaibigan.

"Kanina kasi dumaan ako sa faculty para ihatid ang mga papers na inutos ni Miss. Santos e saktong pinakilala ng School Director ang anak niya sa mga teachers para aware daw ang mga ito. Bago ako umalis sinabi ng School Director na isumbong sa kaniya kung sakaling may kalokohang gagawin ang anak niya kasi nga inilipat niya iyan dito para magtino. Sa states daw kasi iyan lumaki kaya laki sa layaw spoiled daw sa mga grandparients."

Grabe sa impormayon ang nalaman ni Celestine. Walang labis, walang kulang.

"Bilib na talaga ako sa pagiging marites mo Celestine complete details talaga ibabalita mo sa'min." biro ni Shiloh

"Oo nga, how to be you ba girl?" sabat naman ni Aeryn na noon ay abala sa pagkikilay.  Kilay is life talaga siya kahit saan mo ilagay kahit siguro may sunog tatapusin pa din niya pagkikilay niya.

"Kayo talaga, kung sakali man makilala natin iyon ayusin na lang natin pakikitungo natin baka nga totoong m*****a iyon tayo pa mapahamak."

"Aba, girl hindi pwede na magpa-api tayo no? hindi uso iyon. Pero tama ka din naman stay calm lang at pakitunguhan ng maayos."  dagdag pa ni Aeryn

Maya maya pa ay dumating na ang professor nila. Kasunod niyon ang isang babae, maganda, maputi sobrang kinis ng kutis, pinkish ang pisngi. Hindi gaanong makapal ang make-up sa mukha.

Bigla naman kinalabit ni Celestine si Shiloh na noon ay katabi din ni Cressida sa kabilang side. Saka may binulong, nilingon naman ni Shiloh si Cressida. 

"Siya daw iyong anak ng Director na kinwento ni Celestine kanina." tumango lang si Cressida saka binalik ang atensiyon sa harap.

"Listen up class, I would like you to meet Miss. Gianna Hartley Monteverde, She's our School Director one and only daughter. And She'll be you new classmate. Please be nice to her okay?" pakilala ng professor nila sa bago nilang classmate.

"Miss. Monteverde doon ka sa pwesto sa harap ni Miss. Fuentabella." sabay turo ng guro sa mismong harap ni Cressida.

Panay naman ang lingon ng mga kaibigan ni Cressida.  Nagpalipat-lipat ng tingin ang mga ito. Naalala ni Cressida ang napag-usapan nilang magkakaibigan na kailangan ayusin nila ang pakikitungo kahit pa masama ang ugali ng isang tao sa kanila. Hindi lang sa bago nilang classmate kundi para sa lahat kahit sino makilala nila na masama ang ugali o pakikitungo sa kanila, kailangan huwag gayahin at pakitunguhan pa din ng maayos.

Pero may pagkakataon na kapag sumubra na si Si Aeryn at Celestine talaga ang nangunguna na pumapalag kapag na agrabyado isa man sa kanilang magkakaibigan. 

Matapos ang klase nila ay naunang lumabas ang prof. nila samantalang nagpaiwan muna sila ayaw kasi nilang makipagsiksikan sa mga estudyante sa labas.  

Kaya noong konti na lang ay saka sila lumabas pero nagulat na lang silang bigla ng may tumulak kay Cressida kaya napadapa ito sa sahig. 

"Ano ba? bulag ka ba? ang laki ng daan oh? may space pa tapos babanggain mo itong kaibigan namin." 

Napatingala si Cressida bigla ng biglang nagalit si Aeryn. Agad naman pinigilan ng iba pa niyang kaibigan ito. Inaaway niya ang bagong classmate nila.

"Excuse me? I'm the one who step first, Is it my fault kung tanga ang kaibigan mo?" 

"Hoy englisherang hilaw tigilan mo kami sa kaka-english mo mas mukha ka pang tanga  hindi porque bago ka dito at anak ka ng director aapakan mo na kami. Hindi mo pag-aari ang buong school." sagot ni Aeryn.

"Aeryn tama na! halika na hayaan mo na hindi naman ako nasaktan talaga." 

Medyo malayo na sila kay Gianna. Sumisigaw ito na isusumbong sila sa Daddy neto. Hindi na nilingon pa ito. Dahil sa nangyare naging usap-usapan tuloy sa buong school nila ang nangyare.

Pagdating nila sa likod ng school kung saan sila tumatambay tuwing hapon. Saka sila nag-usap-usap.

"Aeryn hindi ba usapan natin makitungo ng maayos ano iyong ginawa mo?" agad na sumbat ni Celestine.

"Hep! teka lang ah let me explain first. Nakita ko ang buong pangyayare." singit ni Shiloh.

"Ang alin?" tanong ni Cressida

"Nauna kayo hindi ba? ako ang huli sainyong apat. Iyong si Gianna kasi bago pa man tayo lumabas. Masama na ang tingin niya sa atin. Kasi tayo ang palaging nakakasagot sa mga tanong lalo na si Cressida kanina sa mga tanong ni Ma'm. And then noong palabas na tayo sinadya niyang banggain talaga si Cressida as in ang lakas ng pagkakabangga niya kaya napadapa si Cressida sa sahig. Kaya gan'on na lang ang reaction ni Aeryn kasi nakita din niya paano binangga ni Gianna ang kaibigan natin." paliwanag ni Shiloh.

"See, kaya paano natin siya pakikitunguhan kung ganiyang wala naman tayong ginawa sa kaniya tapos mananakit siya ng bigla-bigla. Hindi pwede sa atin ang ginagan'on na lang."

"Okay- okay! pasensya na din sa reaksiyon namin syempre concern lang kami sayo Aeryn. Paano iyan alam na ng buong school paniguradong ipapatawag tayo ng School Director bukas niyan." nag-aalalang sabi ni Cressida sa mga kaibigan.

"Ipapaliwanag natin ng maayos ang buong nangyare. Hindi natin kailangan matakot kung alam naman natin na nasa tama tayo. walang bayad ang ipaglaban ang karapatan at katotohan." aniya ni Celestine.

Nagyakapan silang magkakaibigan matapos nilang magkalinawan sa nangyare. 

Umuwi naman si Cressida ng maaga dahil day-off niya sa kaniyang part-time job. Pabor na din sa kaniya iyon dahil maaalagaan niya ang Nanay niya. At syempre makaka-uwi din ng maaga ang tyahin niya sa pamilya niya. Ayaw niya kasi na mapagod din ng husto ang tyahin niya sobra-subra na ang pag-aarugang ginagawa neto sa nanay niya. Nahihiya na nga siya kasi may mga anak din na kailangan bantayan ang tyahin niya. Hindi na neto naaalagaan ng maayos ang mga anak niya. Pero may pagkakataon naman na dinadala ng tiyahin niya ang mga pinsan niya sa bahay nila kung walang mga pasok ang mga ito. 

Mabuti na din iyon nabibisita ng mga bata ang nanay niya. Sumisigla ang nanay niya tuwing nakikita ang mga pamangkin. Tahimik kasi ng bahay nila tuwing wala siya sa bahay nila ay ang tiyahin niya lang ang kasama ng nanay niya sa bahay. Wala din kasing kapatid si Cressida nag-iisang anak lang siya. Iniwan pa sila ng tatay niya. Kahit isang beses ay hindi niya nakilala ang tatay niya at wala na itong balak kilalanin pa ang taong naging dahilan ng pasakit na naranasan ng nanay niya noon hanggang ngayon.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status