Share

BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater
BRIDE SERIES 1: The Unfaithful Hater
Penulis: Lunayvaiine

CHAPTER 1

"Cressida, anak!" tawag ng ina ni Cressida sa kaniya mula sa kwarto. Agad naman siyang nagtungo upang alamin ang kailangan neto.

"Nay, may kailangan po ba kayo? huwag na po kayong tumayo baka mapano pa kayo." agad niyang inalalayan ang Ina.

Palaging nakaratay ang Ina neto sa higaan, Hirap na itong maglakad dahil sa sakit neto. Gusto sana niya itong pa-operahan pero ang Ina na niya mismo ang tumanggi. Ayon sa Ina niya ay dagdag lang daw ito sa gastusin nila gayong nag-aaral pa siya. 

iskolar si Cressida at huling taon na niya sa Koleheyo. Matutupad na niya ang pangarap ng Ina niya na makapagtapos siya ng pag-aaral kaya minabuti na rin ng Ina niya na huwag magpagamot dahil magtatapos na siya. Madaming gastusin at kailangan sa eskwela.

Kasalukuyan din siyang nagpa-part time job sa isang fast food chain. Kahit papano ay natutustusan niya ang pangangailangan nilang mag-Ina pati na rin sa mga kailangan nitong gamot. Ang Tiyahin niya minsan ang nag-aalaga at nagbabantay sa Nanay niya tuwing nasa eskwela siya o sa trabaho.

Wala sa isip ni Cressida ang salitang mapagod dahil kailangan siya ng Ina. Mahal na mahal niya ito. Lumaki siyang walang ama kaya kinamulatan niyang hindi niya kailangan ng isang ama sa buhay niya. Nakaya nilang mag-ina, kaya wala din dahilan para hindi niya kayanin ngayon. Nahihirapan na ang nanay niya sa sakit neto. Pinagbutihan niya ang pag-aaral niya para maipagamot na ng maayos ang nanay niya. 

Swerte siya nang makuha bilang iskolar kahit papaano ay hindi mabigat ang gastusin niya sa pag-aaral. Mabuti nalang din at nakuha siya sa isang fastfood chain bilang kahera. 

Matapos asikasuhin niya ang Ina ay naghanda na siya para pumasok sa skwela. Mabuti na lang at napakiusapan niya ang ibang guro niya tuwing nahuhuli siya sa pagpasok. Matalino si Cressida at laging nangunguna sa klase nila kaya hindi rin naging mahirap sa mga guro niya na intindihin ang setwasyon nilang mag-ina. Hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral at nakakahabol naman din siya kahit papano sa mga aralin. 

"Tiyang, ikaw na bahala kay nanay. Aagahan ko na lang ang uwi mamaya pagkatapos ng shift ko. Nga pala ito po bayad ko sainyo sa susunod na sahod na lang po ang kulang." aniya sa tiyahin.

"Ikaw talagang bata ka, sabi ko naman sayo hindi mo na kailangan magbigay sa'kin. Naiintindihan ko naman ang setwasyon niyo." 

"Tanggapin niyo na lang po iyan tiyang kahit papano makatulong din ako sainyo."

"Salamat hija, napakabuti talaga ng puso mo." 

Ngumiti lang siya sa tiyahin bilang tugon.

Naglalaan siya ng isang oras para gawin ang mga takdang aralin bago pumasok sa trabaho niya. Alam niya kasi na mapapagod lang siya pag-uwi kaya hindi na niya gaanong nagagawa ang mag-aral. 

"Nay papasok na po ako, nagbilin na po ako kay tyang na puntahan kayo dito. May pupuntahan lang po daw siya saglit dederetso agad siya reto." 

"Sige anak, ika'y mag-iingat ah. Wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na po nay."

"Huwag ka masyadong magpagabi delikado na ang daan. Sabihan mo si Makoy para masundo ka niya." 

Madami pang habilin ang Ina niya bago siya nakaalis. Kahit paulit-ulit iyon sinasabi ng Ina niya araw-araw naiintindihan niya dahil alam niyang para sa kaniya iyon. Delikado nga naman sa daan lalo na't minsan ay nag-oovertime siya sa trabaho kapag nag- absent ang isa sa mga kasama niya.

Sakto namang nakasalubong niya ang kababata niyang si Makoy.

"Ida, papasok kana ba? tara hatid na kita baka malate ka pa." 

"Naku! Sakto lang talaga ang dating mo. Buti at nandiyan ka kasi mukhang malalate na talaga ako."

"Tara na sumakay kana shortcut nalang tayo para mas madali."

Swerte din niya sa kaibigan kasi lagi siyang may nasasandalan. Katulad ni Makoy, namamasada ito ng tricyle sa lugar nila. Ito din madalas naghahatid sundo sa kanila bukod sa ito lang pinagkakatiwalaan niya para na din niyang kapatid si Makoy. Ninang niya ang Nanay neto kaya sila naging malapit sa isa't-isa.

Pagdating niya sa eskwela sinalubong siya ng iba pa niyang mga kaibigan na sina Aeryn, Shiloh, Celestine at si Ryker ang nag-iisang lalaki sa barkada nila.

Since first year ay magkaibigan na silang lima. Alam din ng mga ito ang setwasyon nilang mag-ina kaya nagpapasalamat siya na may mga kaibigan siyang nakakaintindi sa kanila sa kabila ng hirap ng setwasyon niya.

"Cressy, himala ang aga mo ngayon ah. Hulaan ko hinatid kana naman ni papa Maky." maarteng sabi ni Aeryn. Sa kanilang lima ito ang mas kikay at mas bata din.

"Anong maaga ka diyan malapit na nga tayong malate, halina nga kayo."

"Ano ka ba girl, tulog ka ba kahapon? E hindi ba in-announce na wala tayong first subject kaya nga magpapatawag ng meeting ang head director sa lahat ng prof. natin." sabat naman ni Celestine. Ang laging updated niyang kaibigan. Sa madaling salita ito ang source nila palagi.

"Ay gan'on ba? hindi ko na kasi napakinggan huling sinabi ni ma'm kahapon kasi tinatapos ko iyong pinapagawa ni Miss. Alboris. Buti na nga lang naihabol ko pa kahapon e binigyan niya na lang kasi ako chance na makapag-submit kahapon ng project."

"Iyon ba iyong hindi mo naipasa last week kasi nagmadali kang umuwi?" tanong ni Aeryn.

"Oo iyon nga ang dahilan e kasi naman may lakad si Tiyang kaya walang magbabantay kay Nanay. Nakiusap lang din ako sa boss ko na mag-aabsent muna ako."

"Sana sinabi mo para natulungan ka namin kahapon kaya naman namin gawan ng paraan project mo e, sino ba naman ang magtutulungan 'di ba? kung 'di tayo lang din." aniya ni Shiloh. 

Siya naman ang forever concern friend niya, konting kibot lang nag-aalala na agad ito.

"Okay lang ano ba kayo, ayoko naman umasa ng umasa lagi sa tulong niyo pareho lang naman kasi tayong nahihirapan sa pag-aaral."

Totoong ayaw niya humingi ng tulong sa mga kaibigan niya bukod sa nahihiya siya ayaw din niya na may masabi ang iba sa kaniya na porque may mga kaibigan siya ay aasa na lang siya sa mga ito. Natatakot din siya na makarating ito sa mga guro niya. Mahirap na baka maapektohan ang scholarship niya. Ito lang ang inaasahan niya ngayon lalo na't malapit na siyang magtapos sa pag-aaral.

Matutupad na niya ang pangayo niya sa nanay niya konting-konti na lang. Maipapagamot na niya ang Nanay niya.

Matapos nilang mag-usap magkaibigan ay tumambay muna sila sa Canteen nila. Masyado pa palang maaga. Alas dyes pa ang pangalawang subject nila alas otso pa lang kaya mahaba pa ang oras nila. May oras pa siya para mag-aral.

Madalas na nag-aadvance study siya tuwing may bakanting oras pa sila. Madalas din siyang sitahin ng mga kaibigan dahil nasosobraan ang pagka-masipag niya hindi na ito nagpapahinga. Lagi niya lang sinasagot sa mga ito na bawat oras sa kaniya ay mahalaga. Ayaw niya magsayang ng oras kung magagamit naman niya ito sa pag-aaral niya. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status