Share

CHAPTER 9

Nang sumunod na araw ay muli na naman nanggulo si Gianna hindi sa kanilang magkakaibigan kung hindi sa kaklase nila.

"Sa una lang talaga mabait, kita mo nangugulo na naman siya. Problematic talaga ang taong 'to. Sa iba niya binubunton lahat ng problema niya sa buhay niya. Halatang hindi masaya sa buhay." ani Shiloh

Nasa labas kasi sila nang matanaw nila ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa harap ng canteen.

Ayaw na nilang makialam, nakausap na kasi nila ang secretary ng school director at mamayang hapon ay kakausapin nila ito tungkol sa behavior ni Gianna. Kailangan na yata ipatingin ito sa isang psychiatrist. Mahirap kasi pigilan ang behavior niya kahit patulan mo o hindi ay mas lalo lang lumalala.

"Hindi natin masisisi kung ganiyan siya tao kasi may ina na nag-alaga sa'tin. Samantalang siya bata pa lang ay wala ng ina na gumagabay sa paglaki niya."

"Ida, alam naman namin iyon. Kahit nga ikaw kahit pinatulan mo na hindi pa rin siya tumigil. Magulang kasi dapat ang nagdedesiplina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status